Page 1
————-««✼»»————-
Picture
————-««✼»»————-
IT WAS my 10th birthday when pappu gave me a polaroid camera as a birthday present.
Labis ang tuwa ko no'n lalo na't alam nila ni mammu na paborito kong kuhanan ng larawan ang mga bagay-bagay.
Lagi ko itong bitbit kung saan man ako magpunta. Every time I see my pictures pinned on the wall, I feel the joy of capturing a perfect moment. Wala nang nagawa si pappu nang halos mapuno ko ito ng mga pictures ng lugar kung saan ako nagbabakasyon at larawan namin magpapamilya.
Habang tumatagal ay halos mapuno ko na ang dingding namin ng pictures and every time I checked the images, lagi na lang akong napapangiti lalo na't marami na akong memories na nakunan.
Kababa ko lang ng hagdan nang una kong makita ay si mammu na kasalukuyang nilalagok ang isang basong tubig dito sa sala. Napapahimas din siya sa kanyang leeg sa hindi malamang dahilan.
I smiled seeing her.
"Morning, mammu!" masigla kong bati rito.
"Hi, Yna. Good morning din. Kain ka na. Ready na ang breakfast sa kusina," pag-anyaya nito dahilan para sumilay sa aking labi ang ngiti.
"Sige po, mammu," akmang aalis na sana ako nang may muli akong naalala. "Ah, mammu, I just want to say na darating pala si Shyne rito. Gagawa lang po kami ng project," pag-papaalala ko rito.
She smiled, "Bakit mo pang magpaalam---I mean, Shyne is always welcome sa ating bahay. She can always come whenever she wants here."
"Thank you, mammu. The best ka talaga!" saad ko rito bago nagtungo sa kusina para sa aking agahan.
Mabilis lumipas ang oras at pagkatapos kong mag-agahan ay agad akong nagtungo sa aking k'warto para ihanda ang kailangan namin sa aming gagawin ngayon ni Shyne.
Habang naghahablot ako ng bond paper ay may nararamdaman akong kakaiba sa aking paligid. Hindi ko mawari kung saan nanggaling 'yon pero ramdam kong may kung anong mali sa loob ng aking k'warto. Dito na ako kinabahan at hindi mapakali.
Anong nangyayari? Bakit biglaan ako nakaramdam ng takot gayong wala namang kakaiba sa bahay namin dati pa?
Kasunod ng nakakalokang pakiramdam sa aking dibdib ay gano'n na lang ang gulat ko nang sandaling may kung anong mabigat na nakadagan sa aking leeg.
Napahawak ako rito at hindi ko na natuloy ang gagawin ko nang sandaling bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang aking kaibigan na kanina ko pa hinihintay.
Nakangiti itong nakadungaw sa may siwang ng pintuan.
"Yna! Hi beshie!" she shouted joyfully before she entered. Binigyan naman nito ako neto ng mahigpit na yakap. Kumalas na ito at maingat na hinaplos ang aking pisnge.
"Grabe! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sobrang ganda ng beshie ko!" biro nito dahilan para matawa na lang ako.
"Na neto. Nambola pa," I faked my smile.
"So, kamusta naman ang pagdevelop ng mga pictures? O may na-develop bang iba?" pang-aasar nito sabay siko sa aking braso. Napahawak na lang ako dito dahil mukhang mapaparami ang sakit na makukuha ko mula sa kanya.
"Wala, ah!"
"Uy, defensive ang lola niyo. So, sino nga?" sambit nito. Umalis siya sa aking tabi at nagpunta sa pader para tingnan ang mga napaskil na litrato rito. Kita ko ang kanyang pagngiti habang nakatanaw lang ako sa kanya mula sa aking kama.
"Alam mo, Shyne. Hindi na kita pipilitin. Kung ayaw mong maniwala, edi, huwag. Basta ako, I enjoy my life right now. Kaya ako sa'yo dapat i-enjoy mo muna kabataan mo---"
"B-Bestie... "
Sa pagtawag niya sa aking pangalan ay bigla akong kinabahan lalo na't alam kong seryoso talaga siya sa ganyang boses.
"Bakit, Shyne?" I asked curiously.
"Hindi mo ba 'to napansin? Something is wrong with the images."
Agad akong nagtungo sa kanyang direksyon at sinipat ang mga larawang kanyang tiningnan.
Naningkit pa mga mata ko hanggang sa bigla ko lang nakita ang bagay na kanyang tinutukoy. Dito na nanlaki ang mga mata ko at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking dibdib sa aking nakikita.
Sa mga bagong litratong nakuhanan ay kita ko ang isang itim na pigura at katabi lang nito si pappu.
Ramdam ko ang pagdagundong ng aking dibdib at hindi makapaniwalang binalingan ng tingin si Shyne na halata na rin ang takot sa kanyang mukha.
Both of us are still processing this scary shit!
Sa hindi malamang dahilan ay napatakbo kami ni Shyne pababa ng hagdan habang dala-dala ko ang mga larawan.
Nang sandaling makababa kami ng hagdan ay sakto rin ang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si pappu.
"Oh, Yna? What's happening? Bakit ka tumatakbo? May nangyari ba?"
"Pappu, there's something wrong."
"What are you talking about? Anong mali?"
"Pappu, look at this picture. Someone is beside you! Look, oh!" I showed him our family picture.
He scanned the photo but to my dismay, he just sighed and looked at me with disappointed eyes.
"Please lang, Yna! Stop what you're doing! Hindi ka na nakakatuwa!"
As my father yelled at me, I felt a sharp pain in my chest. Bakit? Bakit wala siyang pakealam sa kagimbal-gimbal na natuklasan ko?!
"Pappu! Take a look again. We just saw a figure ni Shyne!"
"Yna, umaatake na naman ang sakit mo ! And stop calling Shyne! Don't mention that name again dahil ikaw ang rason kung bakit namatay ang bestfriend mo!" my father shouted at my face.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig.
My father's eyes filled with rage as I stared at them.
A flash of memories that I remembered from my past.
That's the time that I saw how my best friend, Shyne, stole my mammu's attention from me. Lahat ng puri at atensyon ay napunta kay Shyne no'ng sandaling maging kaibigan ko siya at laging napapagawi sa bahay namin.
Umikot ang atensyon ng lahat sa kanya. It wasn't until I invited her to the woods behind our mansion.
Akala niya ay mag-pi-pictorial kami dahil dala ko ang aking camera at dito ko na ginawa ang aking maitim na balak. Walang habas kong pinukol ang ulo niya ng bato at itinapon ang katawan nito sa may balon.
Three days later, the authority found her body pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung saan ko tinago ang bangkay ng aking ina. Besides killing my best friend, I also killed my mammu after she discovered what I did.
I buried her alive deep inside the woods.
————-««✼»»————-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top