Ma. Alena Amper
Page 10
————-««✼»»————-
Birthday
————-««✼»»————-
"ONE, 2, 3!"
Pagbilang ng magician habang hawak-hawak nito ang isang malaking Zatanna at magic wand.
Nang ikumpas nito ang kanyang kamay sa loob ng nasabing bagay ay bumulwak dito ang napakaraming iba-ibang kulay ng confetti dahilan para magsigawan sa tuwa at galak ang mga manonood ng show.
May ilan na hinuhuli ng kanilang mga kamay ang confetti sa ere habang ang ilan naman ay hindi na masidlan ang tuwa sa kanilang nasaksihang palabas.
As I sit here, I am thinking about how he did that amazing performance.
He was able to hide those thin slices of paper inside his Zatanna? Like bruh, that's a lot and I can't think of what magic trick he used just now.
"Alena, I'm heading to work now. Ipapasama na lang kita kay Manong Koi mo," I took a glance at him before he kissed my head and walked out of the theater.
Dad is always busy.
Birthday ko ngayon and yet hindi niya ako masamahan hanggang sa kahuli-hulihang oras ng pagtatanghal na 'to.
Lagi na lang trabaho ang inaatupag niya habang mahabang oras lang laman ang hinihingi ko sa kanya.
I only need half of his day with me. Nevertheless, he can always give me an hour and then leave me again and again, like he always does.
Giving me a bunch of expensive gifts just to cover up his lost moments with me.
Sawang-sawa na ako sa mamahaling alahas, laruan at gadgets na binibigay niya. Akala niya siguro ay mapupunan no'n ang oras na laging wala siya sa tabi ko.
"Hija, okay ka lang ba? Here," napaangat ako ng tingin nang isang ginang ang nag-abot sa akin ng panyo.
Agad ko naman itong tinanggap at wala sa sariling pinunasan ang aking pisnge. Hindi ko man lang namalayan na napapaluha na pala ako.
I said, "Thank you po, ate." as I watched the show again.
She even smiled at me before turning her attention to the kids beside her. Wiping their sweats with a tissue and brushing their hair with her bare hands.
I felt jealous. Wish my dad could do that.
Halos hindi ko na ma-enjoy ang buong palabas dahil mas iniisip ko na mas masaya kung katabi ko si daddy rito.
Umaasa akong babalik siya, tatabi muli sa akin at sabay ulit kaming manonood ng palabas ngunit wala, e.
Wala ni anino niya ang bumalik pa.
Natapos ang buong show na hindi ko man lang na-enjoy ito.
Bagsak ang balikat akong tumayo. Kung anong galak ang naramdaman ng mga taong nakapaligid sa akin sa palabas na napanood nila ay kabaliktaran naman ang totoo kong nararamdaman.
My relationship with my father is dying. And I can't even find a way to get his attention.
Lumabas ako ng teatro ang masama ang loob lalo na't hindi rin dumating si Kuya Koi para samahan ako.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasan madaanan ang isang bulletin board at nakapaskil dito ang mukha ng mga bata.
Ka-edaran ko lang ang mga ito. Sila 'yong mga bata na nawawala mga ilang araw na.
Para raw'ng bula na naglaho ang doseng bata na anak ng mga mayayamang negosyante sa aming bayan.
Mapait akong napangiti nang maisip na kung ako siguro ang mawala, hahanapin kaya ako ni dad? O negosyo pa rin niya ang iisipin niya?
Kung mawala siguro ako baka do'n ko pa lang makukuha ang buong atensyon niya.
Napapabuntong hininga na lang ako sa aking mga pinag-iisip.
"Ma'am Alena! Pasensya na po kayo at ngayon lang ako nakarating. Naki-usyuso pa ho kasi ako roon sa mga pulis."
Kuya Koi rushed towards me as he said those.
Halata sa hitsura nito ang pangamba at pagod dahil sa pagtakbo.
"Kanina pa po kita inaantay, Kuya Koi. Hindi niyo man lang ako sinamahan sa loob."
"Sorry po talaga, ma'am. Hayaan niyo! Pupunta tayo ng Jollibee," he said joyfully as he moved his butt and did that dance of that crazy bee.
"Hmm... Okay pero ano muna ang chismis na nakuha niyo, kuya?" Kuryos kong tanong dito.
We walked towards the car with my fingers wrapped around his.
"Sabi ng mga pulis kanina, 'yong mga batang nawawala raw ay puro anak ng mga mayayaman. At sabi nila ay sa bandang alas otso raw kinikidnap ang mga ito." He answered.
"What's new po ro'n? And wala man lang po bang lead ang mga pulis kung sino ang nangunguha?"
"May isang nakapagsabi na magaling daw 'yong nangingidnap dahil hindi raw nakukuha ng CCTV kung sino ang mga ito. May ilang sabi-sabi raw na baka sindikato ang may pasimuno nito."
Tinapunan ko ng tingin si Kuya Koi sa huli niyang sinabi.
"Kuya, naman, e. Nanakot po kayo? Ang ba-bad ng mga s-sindikatong 'yan!" nauutal kong sambit haban napapakagat labi sa takot.
"Eto naman. Sabi-sabi lang naman. Malay mo naman, di ba? Totoo! Halika ka na nga. Kakain na tayo sa bubuyog na 'yon!"
Natatawa akong pumasok sa likuran ng sasakyan ngunit hindi pa man naisasara ang pintuan nang sandaling makaramdam ako ng pangingilabot sa aking katawan.
Napatingin ako sa labas ng pintuan at napansin ang isang pigura na nasa kalayuan. Mas lalo tuloy akong kinabahan lalo na't nakakatakot ang hitsura ng aking nakita.
Mabilis kong inangat ang salamin ng bintana at ni-lock ang pinto.
"Kuya Koi, alis na po tayo!"
"Sige po, ma'am!" He started the engine and drove the car.
Muli kong binalingan ng tingin ang tiningnan ko kanina at napansin na wala na nga roon ang pigura.
Napabuga na lang ako ng malalim na buntong hininga at napasandal sa aking upuan.
That's really scary.
Nakakatakot.
Posible kayang 'yon ang nangingidnap?
Napayakap ako sa aking sarili at hindi maiwasang napapatingin sa gawing unahan ng daan dahil sa takot na baka may darating para kunin ako.
Napatigil ako sap ag-iisip nang sandaling tumigil si Kuya Koi at napatingin-tingin ito sa labas.
"Ma'am, baba na po tayo. Nandito na po tayo sa Jollibee." Paalala nito at tama nga siya.
Nandito na nga kami sa harap ng Jollibee ngunit nakakpagtaka na wala man lang katao-tao sa loob.
Tanging nakikita ko lamang ay ang bakanteng lamesa at upuan, walang staffs o 'di kaya ay ang estante ni Jollibee sa labas.
Mas lalo akong ginapangan ng takot dahil bukod sa nakakabinging katahimikan sa aking paligid, mas nakadagdag pa ang pagpatay sindi ng ilaw sa mga street lamp.
Wala na akong nagawa at dali-dali akong tumakbo papasok sa pintuan lalo na't hindi na ako komportable sa aking paligid.
Nang sandaling buksan ko ang pinto ay laking gulat ko nang mabungaran ang malakas na ingay ng isang bagay na nakita ko kanina sa teatro.
Mga confetti!
"Happy birthday, Alena!"
Sigawan ng mga tao sa loob dahilan para magitla ako.
Nanatili ako sa aking kinatatayuan at napanganga sa surpresa na nangyari.
Nakikita ko si daddy na katabi ni Jollibee at ang mga kaklase ko ay nandito rin.
Present sila sa mismong kaarawan ko!
Lumapit sa akin si daddy at binigyan ako nito ng mahigpit na yakap.
Hindi masidlan ang tuwa ko lalo na't ito ang unang pagkakataon na sinurpresa niya ako sa mismong kaaarawan ko.
"Sorry, Alena. Sorry sa lahat ng pagkukulang ni daddy sa'yo. Promise, babawi si daddy----"
Bang!
Nanlamig ako at napabaling ng tingin sa may pintuan. And there I saw Kuya Koi holding a rifle.
My dad's body fell on the floor.
Covered in b-blood.
And what shattered me the most knowing the truth.
Then I discovered that Kuya Koi is a syndicate leader, and it was my father who bought their property by force.
They want revenge for taking something precious from them.
I was the only survivor after they destroyed the whole venue.
The only sweet memory I had with my dad was that, and the day I stopped celebrating my birthday, knowing that it killed a lot of people.
And the most heartbreaking was, my dad died in my arms.
I hate birthdays!
————-««✼»»————-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top