Leilani Rouss

Page 34

-----««✼»»-----

Website

-----««✼»»-----

I KEPT staring at the mirror.

Ilang oras akong nakatitig dito, waring hindi ko alam kung anong gagawin sa oras na 'to. Nakailang punas na rin ako sa aking pisnge lalo na't hindi pa rin tumitigil ang mga luha ko sa pagbuhos.

Nakatulala na lang ako dahil sa kirot sa aking dibdib. Grabe ba talaga ang pagiging matabain ko? To the point na, 'yong pambubully ng iba ay sobra na?

Hindi ko deserve ang pang-ha-harass nila, ah. Tao lang din naman ako, iba nga lang hulma ng katawan ko. Pero kung paano nila ako tratuhin ay higit pa sa pagmamaltrato nila sa halimaw sa akin.

I took a deep breath and moved my sight away from my laptop. Bagsak ang balikat ko dahil gagawin ko pa pala ang research namin.

Isa pa'to. Ako na lang lahat gumagawa, hindi man lang marunong tumulong, 'yong mga kasamahan ko! B'wiset 'yan! Hindi na talaga sila naawa sa akin. Tapos ano? Magbabayad lang sila for printing? Ang kakapal ng mga muks, hindi man lang naisip na nagpuyat ang tao ng ilang araw. Hindi pa sapat ang tulog tapos hindi man lang nila ako kakamustahin. Like, what the hell? Napakasakit sa bangs ng mga pangmamaltrato nila!

Ayaw ko na! Sobrang sakit na ng ginagawa nila!

Dahil sa inis ko, I saved and exited my Word, then opened my Chrome para mag-YouTube.

Pero habang nag-lo-load ang page ay nagulat ako sa out of nowhere na pag-pop up ng isang advertisement na parang random lang na nag-flash sa screen.

I tried to close the ad, but hindi pa rin ito natigil sa pagbalik. As I read the ad, "Online Rev," it really made me confused because it seems like a product of sorcery, dahil sa font, and vibes neto.

And because mapagpatol ako, I clicked the said ad. As it opens, nawindang ako sa dami ng naglabasang letra sa screen. Nariyan ang kontrata na waring tatlong papel na back-to-back ang haba.

Pinindot ko ang 'Agree' after kong mag scroll sa 'Policy and Terms'. Hindi ko na binasa kasi sobrang haba. At ang sumunod na lumabas ay 'Name of person' tapos may 'revenge of your choice'.

Napangiti ako nang may maalalang pangalan. That stupid member na lagi akong binubully at hindi ako tinutulungan tuwing may ganap kami. I type a lot of names and take my preferred revenge on them.

Kahit hindi totoo 'tong website na 'to ay papatulan ko na, masyado na akong lunod sa mga nangyayari. Kahit dito man lang makaganti ako, para lang ilabas ang galit ko.

After typing such remarks, I hurriedly left the page and went to sleep.

-----««✼»»-----

Morning came, and I'm still sleepy.

At gaya ng nakagawian, mabilis kong inayos ang sarili ko at hindi na nag-atubiling kumain ng agahan dahil late na naman ako sa pagpasok ko ngayon.

Agad kong binuksan ang telepono ko habang naglalakad papalabas ng subdivision.

Nakailang ring pa nang may sumagot sa kabilang linya.

"Hello, Leilani? Nasa'n ka na ba? Pasahan na ngayon!" Galit na boses ang bumungad sa akin na siyang dahilan din ng pag-init ng ulo ko.

I rolled my eyes. "What? Ibig mo bang sabihin ay hindi mo na-check ang email na sinend ko? I said na i-print mo 'yong document!" I scolded her.

"Anong documents? Email? Nagawa mo na pala, hindi mo na lang pina-print? 'Tsaka, I don't have time to check my email!"

"Putcha, Lia! 'Yon na lang gagawin mo hindi mo man lang ginawa. Wala kang time mag-check ng email pero palong-palo ka mag-upload ng content mo sa Youtube!" Pagganti kong sagot dito at agad pinara ang jeep. "Pasensyahan tayo rito. Kung ganyan ka ka-irresponsable sa mga grouping natin. Tatanggalin na kita!"

I quickly ended the call at agad na nagbayad sa jeep.

Nang marating ko ang gate ng eskwelahan ay dali-dali kong inabot sa guwardiya ang aking ID ngunit nagitla ako sa aking nakita.

Tumambad sa 'kin ang nakakakilabot na hitsura ng guwardiya na parang masamang espirito. Kita ko ang lumulutang na bungo neto na napapalibutan ng itim na usok na nakahiwalay sa kanyang katawan habang may suot na cloak.

Nanlamig ako't hindi makagalaw. Parang na-glue ang bibig ko dahil hindi ko maibuka ito.

My mind was blank, and everything around me was so quiet.

"Miss! Okay, ka lang po ba? Kanina pa po kayo tulala. Pasok ka na po!"

Nabalik ako sa reyalidad nang sandaling hinawakan ng guwardiya ang aking balikat.

Napatingin ako sa aking paligid at agad napansin ang ang pila ng estudyanteng papasok.

"Sorry po, manong guard. S-sorry po," paghingi ko ng tawad sa mga naabala. "Thank you, po!"

Agad akong tumakbo papuntang classroom.

Gosh! Hindi ko alam kung bakit may gano'ng pangyayari kanina. Buti na lang hindi ako nag-ingay dahil baka mag-eskandalo ako sa gate ng school.

Dali-dali akong tumakbo papuntang classroom, pero unti-unting nagdahan-dahan nang mapansin ang kakaibang enerhiya sa aking paligid. Kasunod neto ay may mga estudyanteng tumatakbo na nakakasabayan ko.

At nang sundan ko ito ng tingin ay nakatigil sila lahat sa harap ng classroom namin.

My heart kept on pounding as if there's something wrong inside the room. As I came closer, I heard the student's murmur, and I was shocked by what I saw.

Bumungad sa aming harapan ang katawan ni Lia na waring nakatayo sa ibabaw ng mesa at ang nakakahindik na hindi ko maipaliwanag ay ang nakatali netong leeg, palapulsuhan, at paa na parang puppet na nakakonekta sa malaking elisi sa ceiling.

Lahat ay nagulat, pero ang mas lalong nagpakaba sa akin ay ang katotohanang ganitong bagay ang isinulat ko sa website kagabi.

Napatingin akong muli sa katawan ni Lia at doon nakita ang isang pamilyar na pigura na kakakita ko lang kanina.

Mas lalo akong siniklaban ng takot dahil sa kung anong sinulat ko sa website na 'yon ay posibleng magkatotoo.

Namatay na si Lia. . . susunod na sina Merriam at Louis.

Hahanapin ko na sana ang iba kong ka-groupmates nang isang bulong ang siyang naging dahilan nang paglaki ng aking mga mata.

"Read the policy and terms... 'cause death is just getting started. . . "

-----««✼»»-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top