Kagawad Carol WP
Page 14
————-««✼»»————-
Crush
————-««✼»»————-
"OY! 'Di ba, Carol si Wad 'yon?"
"Huh? 'Asa'n?" Aligagang tanong ko nang sandaling may tinuro ang kaibigan kong si Kaga.
Napatingin naman ako sa direksyon na kanyang tinuturo at nakita ko nga ang taong gusto ko.
Gosh! Grabe talaga ang appeal at visual ng gagong 'yon!
Kung hindi ko lang alam ang talambuhay niyan baka sabihin kong isa siyang artista. O 'di kaya ay anak ng isang hari o reyna dahil iba talaga ang taglay niyang kag'wapuhan!
Siya talaga 'yong tipong worth to die for. Kidding!
Aside from his makalaglag panty'ng visual, isa rin siyang dakilang green flag bearer.
Like ang helpful niya sa lahat ng tao at napakaintindihin sa lahat ng bagay.
Ang soft spoken niya rin at hindi na rin matatawaran ang pagiging gentleman niya sa lahat ng taong nakakasalumuha niya.
Another thing that made me fall for him was that he could sing and play piano!
Like what the heck?
Sobrang ganda ng boses niya na para kang i-he-hele sa sobrang comforting nito sa tenga at ang paraan niya ng pagpapatugtog ng piano?
Chef's kiss talaga!
Kaya minsan bansag ko sa kanya ay Wad "The Perfect Boyfriend" Lovero!
Visually, height-wise, talent-wise and characteristically, wala ka nang mahihiling pa. Like, gurl! He's the total package.
Napaka-suwerte ng babaeng papakasalan niya.
"My gosh! Ang pogi talaga ng future husband ko! Kita mo naman, tindig pa lang alam mo ng fit na fit sa height ko. Like gurl! Perfect talaga kami!" I even twirled the tip of my hair to look cute.
Sana nga cute ako tingnan.
"Alam mo, Carol. Just tell Wad that you have a huge crush on him. Like, 'di ba? Gurl, get your brave! Raise the flag of Carol Quentin!" Inis akong napatingin kay Kaga na ngayon ay kasalukuyang ngumunguya ng lollipop. "Like chocolate, give him some and say that you like him. Gano'n lang 'yon. Like duh?"
I flashed a fake smile. "Wow!" I exclaimed sarcastically. "Kaga, send link kung saan mo nabibili 'yang lakas ng loob mo! Share mo naman! Ganito lang kasi ako, oh. Nanghihina at tumitiklop tuwing nakikita ko siya."
Kita ko ang pagkamot nito sa kanyang noo waring nahihiya sa sobrang lakas ng ratrat ng bibig ko. Nagsisimula pa lang ako sa pag-ma-machine gun ko tiklop agad 'tong isang 'to---
"Hi, Carol," napatigil ako nang marinig ang boses ng isang pamilyar na lalaki mula sa aking likuran.
Ilang beses kong kinurap-kurap ang aking mga mata at nagbigay ng signal kay Kaga kung tama ba 'tong naririnig ko.
'Like shet lang! Gano'n ba siya kalapit sa akin?'
Gosh! Sobrang pogi kahit boses pa lang naririnig ko. Kahit 'yong pabango niya na mas lalong nakaka-lalake.
Iba talaga ang epekto ng isang Wad Lovero!
Dahan-dahan akong umikot at feeling ko tuloy ay parang papalitan na namin ang DonBelle sa pagiging phenomenal loveteam.
Paano ba naman kasi, pagkakita ko sa kanya parang may sumabog na confetti sa kanyang likuran at may mga pailaw effects akong nakikita tapos may mga butterflies pa akong nakikitang lumilipad sa aking paligid.
I can't help but think of our official love team name. Carol plus Wad equals CaWad!
Unang rinig mo pa lang parang ramdam mo na agad ang spark. Parang CaWad ng kuryente, gano'n!
"H-Ha?"
Napatanong ako ulit nang maramdaman ang marahang pagtusok sa aking likuran ni Kaga dahilan para bumalik ako sa reyalidad.
"I said, p'wede ka bang manood ng concert mamaya namin ng ka-banda ko. I'm giving free tickets..." his voice lullabies me.
"Ako na! Thank you, Wad! Sure, pupunta kami sa concert mamaya! We will be there."
"Great to know. Thanks, guys!" Then he waved his hands and bid his goodbye.
Hanggang ngayon ay napapapatulala pa rin ako sa katotohanang nandito lang siya kanina at kinakausap kami.
That's such a shame dahil hindi ko man lang siya nakausap at nakatitig lang ako sa kanya. Kainis!
"How does it feel Carol? 'Yan! Tulala pa. 'Eto ticket mo, punta ka, ah!"
After Kaga handed me the ticket, I was taken aback by what had just happened.
Gosh! That green-blooded creature just teased me about how I act in front of my crush!
But still, hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa aking labi lalo na't si Wad pa talaga ang lumapit sa akin.
Napayakap na lang ako sa ticket na hawak ko waring isa ito sa pinakaimportanteng bagay na pagmamay-ari ko.
I just sigh out of disbelief before running to my friend.
————-««✼»»————-
We just finished watching a Teampura concert where Wad is the drummer and also a back-up singer.
Nakakatuwa lang since fundraising pala ang concert na sinalihan ko.
If you want to request a song for them to perform, just give them a hundred pesos cash in exchange for three song requests.
And since gusto kong magpa-impress, I gave five hundred just for one song... and that is Habang Buhay by Zack Tabudlo.
Nag-request din ako na si Wad ang maging main vocalist and glad he accepted it kahit sobrang hirap nitong kantahin.
Also, having games with the band is really fun. We can interact with them through games.
Sobrang aliw ng mga nangyari lalo na't nahawakan ko na naman ang kamay ni Wad nang sandaling siya ang host ng larong bring me kung saan ako ang nag-abot ng school ID sa kanya.
He even smiled at me and I couldn't help but blush.
Kilig na lang talaga ang magiging reason ng cause of death ko rito.
I even stayed at the venue for a moment while sipping my pineapple juice after the show ended.
Wala si Kaga since magbabanyo lang daw muna dahil kanina pa siya ihing-ihi.
Hindi na rin mahagilap ng mata ko si Wad kaya tumayo na ako at nagpunta patungo sa stage since nagliligpit na sila ng ka-banda niya ng mga musical instruments.
"Julius, matanong lang. Nasa'n si Wad? Gusto ko sanang magpa-picture bago umuwi."
Julius looked around, "Ahh, si Wad pala hanap mo. Nasa labas, may katawag. Mama niya ata kasi hindi namin 'yon napagpaalam kanina."
"Sige, salamat."
"Ahh, teka!" napatingin ulit ako kay Julius nang tawagin niya ako. "Since mukhang pupuntahan mo na lang din si Wad. P'wede makisuyo? Pakibigay naman 'to sa kanya. Naiwan niya 'yang pouch na 'yan. Kanina pa kasi tumutunog. Baka may importante siyang bagay na nakalimutan diyan."
Napatango na lang ako at umalis na sa venue.
Hindi pa man ako nakakalabas sa venue nang sandaling nakarinig ako ng ingay sa parking lot at sa hindi inaasahang pagkakataon ay pamilyar ako sa boses na 'yon.
Boses 'yon ni Wad, ah! Ano kayang nangyari ro'n?
Lalabas na sana ako nang marinig ko ang boses ng taong kausap niya.
Napatakip ako sa aking bibig. Naninikip ang dibdib ko habang nakikinig sa kanilang pag-uusap.
Wala pang ilang segundo nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng isang bagay sa loob ng kanyang pouch.
Dahan-dahan ko itong binuksan at nakita ang taong tumatawag sa kanya.
Si Tita Wilma!
My world fell apart as the call ended. His wallpaper displayed the image of Wad hugging my friend... Kaga.
All this time, it's not the CaWad endgame.
It's KagaWad...
My crush is dating my gay friend!
And there I saw, Wad kissing Kaga's forehead.
————-««✼»»————-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top