Jashy WP

Page 12

————-««✼»»————-

Mascot

————-««✼»»————-

"JASH, wala ba talaga akong pag-asa sa'yo?"

Parang kinukurot ang puso ko habang nakatingin kay Jeremy na nakayuko habang hawak-hawak ang isang boquet ng tulips na sobrang paborito ko.

Kita ko ang pamumula ng kanyang pisnge at ramdam ko rin na nahihiya ito sa akin.

Dinala niya ako sa rooftop at dito na nga siya umamin.

Hindi ko man sabihin pero nagkakagusto na rin ako sa kanya kahit hindi siya 'yong tipikal na ideal man ng mga babae.

He's really cute with his chubby cheeks and bulging belly.

I don't care about his physical characteristics as long as I have him to cry on when I need someone. Siya lagi sumasalo ng rants at ilang beses kong heartbreaks.

Nito ko lang na-realize nagkakagusto na rin pala ako sa kanya nang hindi ko namamalayan.

Throughout this time, Jeremy has been my friend in both positive and difficult times.

But the thing is, ilalayo siya sa akin ng parents ko sa sandaling malaman nila na siya ang pinili ko. At ayaw kong mangyari 'yon lalo na't siya lang ang meron ako.

My parents always choose a guy who has qualities such as a well-built body, handsome looks, a sporty personality, and financial stability. And here I am, falling to a guy na ang pangarap sa buhay ay maging engineer at maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Isang lalakeng may pangarap.

At 'yon ang isang bagay na nagustuhan ko sa kanya. Napakamaintindihin niya at ang husband material. When he has the chance, he always shares his meals and desserts with me.

Seeing him confess to me broke my heart.

Despite my desire to say yes to him, I know my parents will separate me from him.

"Je, y-you know na may pag-asa ka sa akin. As much as I want to give you a chance but I g-guess, we're not really meant for each other this time..." Pinilit ko ang aking sarili na huwag umiyak sa harap niya lalo na't ayokong makita niya akong umiiyak.

Pero mas lalong nadurog ang puso nang mapansin ang takas na luha sa kanyang mga mata.

Please, don't cry for me, my big boy...

"Okay lang. Sana hindi mo na lang sinugar coat ang sinabi mo. Tanggap ko naman na mataba ako. Dugyutin at parang balyena sa laki----"

"Stop! Don't say that, Je! Hindi mo lang alam kung anong 'tong nararamdaman ko sa'yo. Ilang beses ko nang itinago 'to sa'yo pero ang totoo niyan ay ma---"

"Hoy! Anong ginagawa mo kay Jash!"

Napatingin kami sa unahan nang bumukas nang marahas ang pintuan at iniluwa nito si Justin, ex ko.

Kinabahan ako lalo na't kasama niya ang dalawang alipores nito. Kilala ang isang 'yon na bayolente at isang bully.

"Je, tumakbo ka na! Please, umalis ka na!"

Hinawakan ko ang magkabilang kamay nito at pilit siyang tinulak paalis dito sa rooftop. Ngunit hindi siya nakinig at hinarang ang kanyang sarili.

"Je, ano ba! Tumakbo ka na! Gugulpihin ka naman ng mga 'yan!" sigaw ko rito ngunit para itong bingi.

Alam kong siya ang target na i-bully ni Justin lately at sa hindi ko rin malamang dahilan. Nagkasundo ang parents naming na ipakasal kami after graduation.

Hindi ko alam kung bulag ba ang mga magulang ko na pilit nila akong ipakasal sa isang basagulerong 'yan!

"Umalis ka riyan, Jash! Away naming 'to nit aba-ching-ching kung ayaw mong madamay!" nag-aangas-angas na sigaw ni Justin at binigyan lamang nito kami ng nakakalokong ngiti.

"Tama siya, Jash. You should leave, baka madamay ka sa gulo namin..." he whispered.

"No! Kailangan na niyang matigil sa kahibangan niya!"

"Then seek help from others. Call Dean. Kasi kahit tumakbo tayong dalawa palayo ay mahahabol pa rin nila tayo lalo na't mataba ako. Hirap pa naman ako sa pagtakbo."

Without hesitation, dali-dali akong tumakbo paalis sa kanyang likuran.

I ran quickly down the stairs. All this time ay naiwan ko pala phone ko sa bag no'ng kinapa ko ito sa bulsa ng uniporme ko. Nakakatanga!

I seek help from dean right after I headed straight to his office pero no'ng sandaling nakabalik kami sa rooftop ay tanging dugo na lamang ang naabutan namin.

Wala na ang apat.

Mas lalong nadurog ang puso ko sa aking iniisip.

Marahil ay dinala kung saan ni Justin si Jeremy. Posible rin na binugbog nila ito nang maalala pero huwag naman sanang umabot sa punto na tuluyan na itong nalagutan ng hininga.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa pag-iwan kay Je sa rooftop.

I was sobbing at the rooftop all night hoping that Je might pop out of nowhere but he's really gone and never came back.

Days had passed.

Hindi ko na maintindihan ang aking sarili.

Lagi na lang nakatulala sa kaisipan na tuluyan na nga akong naiwan sa ere ng taong mahal ko.

Justin even blackmailed me na kung hindi ako susunod sa utos niya ay hindi sasabihin sa akin kung nasaan si Je.

But that evil fooled me. Right after I signed the marriage agreement ay naging possessive ito sa akin lalo na sa school.

Laging niyang tinatakot ang mga lalakeng lumalapit sa akin o 'di kaya ay binubugbog ang mga ito.

Ngayon na napasok ako sa abusive at manipulative relationship, hindi ko na alam kung paano makakatakas sa kanya.

Months had passed, after our graduation ay sunod na nga ang kasalan na pinirmahan ko.

Wala na nga akong takas sa relasyon na 'to lalo na't kahit anong gawin kong pag-eskapo ay laging ginagamit ni Justin ang kanyang koneksyon.

The guy I loved the most left me on the school roof that day, and now my life is a living hell. Nagsisi talaga akong iniwan ko si Jeremy sa kamay ni Justin. Kung kaya ko lang ibalik ang oras ay babaguhin ko ang lahat. Sana nga lang hindi pa huli ang lahat..."

Mariin kong pinunasan ang aking pisnge nang hindi na matigil ang pagpatak ng aking mga luha.

Kausap ko ngayon ang isang mascot na nakaupo sa bench.

Mukha man akong baliw dahil hindi naman pala gumagalaw 'tong katabi ko kanina pa.

I chuckled, "Sorry, mascot, ah. Para akong tanga kausap ka. Hindi ko alam dahil naging emosyonal lang ako bigla. Gusto ko lang ibuhos 'tong nararamdaman ko. Mukha na talaga akong tanga rito."

Naiiyak na natatawa kong pagkausap dito. Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko.

Buti na lang walang tao rito sa bench at ako lang.

I waved goodbye to the mascot and walked towards the exit.

But before I left the venue, I heard a deep voice from behind which left me in shock.

A fine guy with a sad expression on his lips caught my attention as I turned my head back.

"You must be Jash?"

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

"I've been following you around. I keep track of your daily activities. And I didn't expect na sasabihin mo sa akin ang mga salitang 'yon sa ganitong oras at lugar..."

The guy stood up and came closer to me.

"I just want to say... na hindi mo na makikita si Kuya Jeremy..."

"B-Bakit?" Parang huminto ang paghinga ko nang tanungin ko 'yon. May kung anong kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.

"Dahil matagal na siyang p-patay. Namatay siya sa rooftop no'ng gabing umamin siya sa'yo. Hindi na umiwi ang kuya matapos ang gabing 'yon..."

My world fell apart as I heard those words from his brother.

I've been waiting for him this whole time... I just waited for nothing. And it's because of Justin's manipulation...

Can't believe that I've been living with a killer!

————-««✼»»————-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top