Janezelle Ramos Beltran

Page 36

-----««✼»»-----

Urn

-----««✼»»-----

"ATE Janezelle, magiging teacher ka na po ba?"

Napatingin ako sa aking bunsong kapatid na nakaupo sa kama at kasalukuyang sinusuklayan ang kanyang paboritong manika. Marahan niyang hinahaplos ang buhok nito at ilang beses na napapatingin sa kabuoan nito matapos ang kanyang ginagawa.

I quickly averted my gaze and tried to ignore what she's doing.

I sighed, "Hindi pa, Janelle. Kailangan pa kasi ni ate mag-teaching demo bago ako maging teacher, eh."

"Matagal pa po pala? Kailan ko po kayo makikita na may sarili kayong classroom po at may klaseng tinuturuan po?" I can hint a curiosity in her voice.

Mapait akong napangiti sa kanyang tanong kahit medyo nabubulol na ito. "Malapit na po. Hintay hintay lang at magiging teacher din si Ate. At kapag naging teacher na si Ate, ikaw at ikaw ang unang makakita ng room ko."

"Promise mo po 'yan?" She then raised her pinky finger and came closer to the edge of the bed.

Lumapit din ako at isinukbit ang aking hinliliit sa kanya para ikawing ang mga ito.

I gave her a sweet smile and kissed her forehead.

"At dahil diyan, sleep ka na po. Para may lakas ka bukas and kapag babalik si Ate, maglalaro tayo ng Snake & Ladder na gusto mo. Okay po 'yon?"

"Talaga po! I'll sleep na po. Good night, Ate Janezelle!"

"Good night, Janelle. Sleep well, ah. Ate will guard you from bad dreams!"

HIndi ko na siya narinig na sumagot sa sinabi ko at nakatulog na nga ito.

I gave her a good-night kiss on her forehead and continued what I'm doing.

-----««✼»»-----

Things become more complicated for me and Janelle.

Sa sobrang busy ko sa school at sa upcoming teaching demo, I rarely see her awake. Lagi ko na lang siyang naabutang tulog o 'di kaya ay may kalaro siyang iba. Ayaw ko rin naman agawan siya ng oras na makihalubilo sa ibang bata lalo na't kailangan niya ito.

I can't help but keep on thinking about how her day went without looking for me.

Knowing her, lagi niya akong bukambibig kapag wala ako. Pero wala naman akong narinig mula kay mama.

Another day passed, and tomorrow will be my teaching demo. Sumaglit ako kay Janelle dahil gusto kong marinig ang kanyang 'good luck' bago ako sumalang bukas.

I'm glad na naabutan ko pa siyang nakaupo sa kanyang kama at gaya ng kinagawian, hinahaplos at sinusuklayan pa rin niya ang kanyang paboritong manika.

Hindi pa man ako nakakalapit sa kanya ay napansin na nito ang aking presensya. Ang akala ko'y babatiin niya ako ng ngiti at yakap ngunit agad itong tumalikod. Nagmamaang-maangan na hindi niya ako napansin.

"Janelle naman. I thought babatiin mo si Ate ng hugs and kisses. Hindi na ba ako deserve na makatanggap ng gano'n?" I even tried to make my voice sadder to convince her.

"Hindi mo na po ba ako love po? Eh, bakit po ilang araw mo na akong hindi binibisita rito? Ilang beses kaming naghintay ni Janine sa'yo, ate."

Oh, wow! Janine? Is that a name she gave to her doll?

"Janine? Bago mo bang kaibigan 'yan?" I tried to sound like I didn't know the thing that she's been talking about.

I heard her scoffed, "Hindi ko siya bagong kaibigan. Binigyan ko na po ng pangalan ang manika ko po. At Janine ang pangalan niya po."

I smiled; I knew it. Konting kausap lang sa kanya, makukuha mo na ulit ang loob niya at nawawala na ang pagtatampo niya.

"Wow! Janine, what a nice name. Alam mo ba na ang meaning ng Janine ay God is gracious. Galing mo, ah. Ang ganda ng pinili mong pangalan."

"Siyempre naman po. Kasi alam ko po isang araw, I'll be with Him, and He will be with me in heaven."

I froze for a second and can't utter the words to reply to her. Bukod sa panlalamig ay nanginginig ang tuhod ko habang dahang-dahang lumalapit sa p'westo ni Janelle.

Naramdaman ko na lang ang pag-init ng gilid ng aking mata at walang pasabing niyakap ang aking kapatid. I buried my face in her nape and kept holding my tears back.

"J-Janelle... don't say it again, ah. M-Marami pa tayong gagawin ni Ate. Magta-travel pa tayo 'di ba together. Tapos bibisita pa tayo sa mga schools kasi gusto mong makita kung gaano ka-colorful ang mga uniforms nila, 'di ba?" Ilang beses kong pinigilan ang aking paghikbi ngunit hindi kinaya ng bigat ng aking dibdib ang mga nangyayari.

She's too young to think those kinds of things. . . to feel this pain.

Ayaw kong maging mahina sa mata ni Janelle lalo na't bukas na rin pala ang nakatakdang operasyon niya. I can't help but to cry, and she witnessed her sister at her lowest.

"A-Ate..." she uttered.

Maigi kong pinunasan ang aking mga luha at pilit na ngumiti.

"Promise ni Ate, gagalingan ko bukas para makapasa ako sa teaching demo at maging teacher na si Ate," I present to her my pinky finger at gano'n din siya. We both locked our pinky fingers. Hugged each other again.

"Good luck sa'yo po, Ate Janezelle!"

-----««✼»»-----

One month had past.

Napakaraming nangyari sa loob lang ng isang buwan ang naranasan ko. At isa na roon ay natupad ko na ang aking pangako kay Janelle na maging isang guro. Naging successful ang aking teaching demo!

I graduated in Bachelor of Early Childhood Education dahil 'yon ang gusto ni Janelle.

And as promised, siya nga ang una kong dinala sa magiging classroom ko. Sobrang saya ko dahil natupad ko ang aking pangako sa kanya.

"Janelle, proud ka ba kay Ate? Look, oh? May room na tayo. At may pasok na rin sa susunod na mga buwan. At alam mo ba na halos ka-edaran mo lang ang magiging estudyante ni Ate. Sana proud ka kay Ate!"

Nanatili akong nakangiti habang nakatingin kay Janelle na nasa ibabaw ng mesa.

As I keep smiling, I can't help but feel blue when I get no response from her. And then it hit me: I can still vividly recall that day. My mother called me sobbing.

Janelle's cancer prevented her from surviving the operation.

And now I'm talking to her urn. I'm still hoping to hear her sweet voice. I still can't believe that an angel with her tiny wings has left, and now she's with Him.

-----««✼»»-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top