James Reo Andrie Alcantara

Page 17

————-««✼»»————-

Jeepney

————-««✼»»————-

"SALAMAT po rito, ate!" Sambit ko nang sandaling umalis na ako sa harapan ng stall ng mga laruan.

Katatapos lang ng last subject para ngayong araw at uwian na rin ng bandang hapon ng alas tres.

Sobrang sakto since makakapagpahinga ako dahil natapos ko na rin ang mga activities namin for midterm.

Sa dami ng ginawa namin no'ng nakaraang linggo, halos na-drain na ako. Lantang gulay at parang zombie na ako kakayuko para lang matapos ang mga plates namin.

Napatingin ako sa aking paligid at napansin ang nag-aagaw kulay na asul at kahel sa kalangitan. Yumayakap din sa akin ang init hangin dahilan para tanggalin ko ang suot kong hoodie.

Nanatiling nakasalampak sa aking tenga ang earphone at nakikinig ng musika.

Nang sandaling natapos ang isang kanta ay hindi ko inasahan ang pagtawag sa akin.

"Hoy, Mr. Alcantara!"

Napatingin ako sa aking likuran at napansin ang isa sa aking kaklase na may dalang kasinglaki lang niya na T-ruler.

Si Reo.

"Parang bingi ka naman, James. Kanina pa kita tinatawag," humahangos nitong sambit habang hawak-hawak ang kanyang dibdib."

"Sorry, I'm listening to Naka-earphone Ako by James Alcantara," pabiro kong sagot dito. Ginaya ko pa trending na ginagawa ng mga Tiktoker na tinatanong kung ano ang pinapakinggan nilang kanta.

"Tangina mo, James!"

"Ikaw rin! Tinatang ina ka rin!" 

Kasunod na lamang nito ay ang mahina niyang pagsuntok sa aking braso.

"Gago ka talaga kahit kailan!"

"Ikaw rin naman," napatigil ako sa aking pagbibiro nang may maalala. "Teka! Ba't dito ka dumaan, e, 'di ba sa kabila sakayan niyo?"

Mabilis nitong binuksan ang kanyang bag at kinuha mula rito ang isang bagay na pamilyar ako.

"'Eto, lagayan mo ng lapis. Iniwan mo kanina sa klase. Gusto ko lang isauli," he replied.

Agad ko namang kinuha 'yon at isinilid sa bag.

"Yown! Salamat, ah. Grabe, makakalimutin na talaga ako lately.

"Walang anuman. Sige, balik na ako. Baka ma-late pa ako bus, eh?" akmang tatalikod na sana siya sa akin nang napansin ko ang pagbabago sa kanyang hitsura.

"Bakit?"

"May naalala lang ako. Di ba, taga-San Matias ka?"

I nodded in response.

"Hindi naman sa pananakot, pero lately, may mga balita na may mga nang-ho-holdap sa lugar niyo, especially sa mga jeepney."

"I'll take note of that. Labanan lang nila ako," I flexed my muscles on him and showed him how strong my biceps are.

"'Naks! Yabang, ah! Wala ring silbi 'yan kung tatarakan ka lang ng kustilyo."

"Hoy! Para sabihin ko sa'yo, marunong ako bumali ng buto!"

Nagpatuloy lang ito sa paglalakad ngunit tumigil nang bahagya at hindi lumingon, itinaas nito ang kanyang kamay.

He then raised his middle finger, and I saw his shoulder move. I'm pretty sure he was silently laughing.

I giggled at his actions and continued walking.

Nang marating ko ang paradahan ay napatigil ako sa pagpasok sa loob ng jeepney nang naalala ko ang sinabi ni Reo kanina.

What if sa kamalas-malasan ay ang sinasakyan kong jeepney ang na-holdap?

Ano kayang gagawin ko kung kukunin ng holdapper ang mga gamit ko? Ang pera ko?

Magiging broke na ako sa susunod na araw! Ayaw ko ng gano'n! Gusto kong may pera pa rin ako.

"Hijo? Sasakay ka ba?"

Napaangat ako ng tingin nang may mapagtanto. Si manong konduktor pala.

Grabe ang pag-overthink ko, ah.

Bahala na nga, naalala ko may baril pala ako pero gagi kinakabahan na ako sa mangyayari ngayon.

"Ah, sorry po, manong. Sasakay na po."

Mahigpit kong niyakap paharap ang aking bag dahil baka totoo ang sinabi ng isang 'yon habang papasok ako sa loob ng sasakyan.

Ilang minuto lang ang inantay ko nang nagsimula nang magsiksikan sa loob ng jeep at nagsimula na rin akong nagmatyag sa loob.

Gago talaga si Reo! Nagpa-panic na tuloy ako na baka nga posibleng mangyari 'yon.

"Okay, na, boss! Larga!" sigaw ng konduktor at hinampas ang bubong ng jeepney.

Nagsimula na ngang umandar ang sasakyan at doon na rin nagsimulang umandar ang kaba sa aking dibdib.

'Nak ng tokwa! 'Pag nagkatotoo talaga 'yong sinabi ni Reo, ipapalit ko talaga siya kay Rudy Baldwin!'

Nanatiling nakamasid ang aking mata sa aking paligid. So far, wala pa namang kahina-hinala sa mga pasahero, pero may nararamdaman na akong kaba.

Wala pang ilang minuto nang mapansin ko sa isang tabi ang isang lalaki na nakahawak sa kanyang sombrero dahilan para magduda ako rito.

"Holdap 'to!"

Nagulantang ang lahat nang sandaling may itinaas ang lalaki na kustilyo. May ilang pasaherong napapasigaw sa gulat at kaba habang ako naman ay nakatitig lang kay manong holdaper.

Inisa-isa nito ang mga pasahero at tinututukan niya ng kustilyo ang bawit madadaanan niya. Nakahanda na ang sako bag nitong lagayan ng mga bagay na kanyang hinoldap.

"Tama 'yan! Alam niyo na agad kung saan ilalagay ang mga pera at kayaman niyo," sigaw nito at nakatutok pa rin ang kutsilyo sa ere.

And suddenly, a cry on my left got my attention.

"Diyos ko! Paano na 'tong tuition ng apo ko."

Si lola ang umiiyak habang yakap-yakap ang kanyang bag sa takot na manakawan.

Napapikit ako sa inis lalo na't napansin kong ako lang pala ang nag-iisang lalaki sa loob ng jeepney. May mga bata na alam ko na namang hindi kaya nilang lumaban.

Ayaw ko sanang gawin 'to pero ayaw ko rin namang may umuwing luhaan ngayong araw.

Humugot ako nang malalim na buntong hininga at saktong nasa harapan ko na ang sako bag ng holdaper ay binunot ko rin mula sa aking bag ang isang bagay na alam kong makakatulong sa aming sitwasyon.

Walang alinlangan kong tinutok malapit sa may ulo ang hawak ko dahilan para mapatigil ang holdaper sa kanyang ginagawa at tila nanigas ito sa kanyang kinatatayuan.

"Akin na lahat ng 'yan kung ayaw mong pumutok sa ulo mo 'tong hawak ko!" sigaw ko rito.

Kita ko ang panginginig ng holdaper at hindi ko inasahan na agad niyang ibinaba ang kanyang nakuha mula sa mga pasahero.

"Sir, patawad! Huwag niyo po akong ipakulong, sir. Pangako, magbabago na po ako!"

Nanginginig nitong pakiusap sa akin. Napatingin ako sa loob ng jeepney at matalim na tiningnan ang lalaki kahit na nakayuko ito.

"Sige, sa susunod na makita pa kitang mang holdap ng mga sasakyan. Presinto agad ang bagsak mo. I'm giving you ten seconds para tumakbo papalabas ng jeep." I commanded. "Isa, dalawa, tatlo, apat--"

Kumaripas na ito nang takbo papalabas. Malapit pa itong sumubsob sa sahig ng sasakyan kakamadali.

"Hijo, hoholdapin mo rin ba kami?"

Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay nakataas na ang kanyang mga kamay.

I smiled, shyly scratched my nape, and slipped my hand inside my bag. Nang makapa ko na ang bagay na 'yon ay agad kong pinakita sa lahat ang bala ng baril-barilang dala ko na nabili ko kanina.

Everyone gasped and put their hands down, as if their fear was over.

"Laruan po kasi 'to ng kapatid ko," nahihiya kong sabi.

Everyone inside laughed at what I did.

I just saved them from harm.

Everyone praised me for being courageous. They even applauded me, which made me even more shy. The holdaper is a fool for believing that I'm holding a real gun.

Habang busy ang lahat, nakuha ang atensyon ko ng kutsilyong ginamit kanina.

Nang sandaling pulutin ko ito ay bagsak ang balikat ko, nang mapagtantong peke rin pala ang kutsilyong dala ng holdaper.

This is really bullshit!

————-««✼»»————-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top