DT - 1A
-----««✼»»-----
Film Shooting
-----««✼»»-----
"Uy! Lotte, bilisan niyo na riyan! Palubog na 'yong araw, oh! Ano na? Hindi pa tayo tapos sa shooting!" Sigaw ng director namin na si Ate Sheen.
Lotte sighs, "Wait lang!" She hurriedly ran fast towards our director and stood in front of her. "Nandito na si me. Anong gagawin?"
"There," Ate Sheen pointed to the huge mango tree beside the narra. "Ang gusto kong gawin mo ay tumayo ka sa may mangga tapos papasok si Gelo, sasaksakin ka niya ng fake knife. Then after that, bubuhusan ka namin ng ketchup and act dead." She raised her thumb and smiled. "Gets?"
"Gets,'te! "Lotte exclaimed.
Matapos ang instructions ay nagtungo na nga si Lotte sa kanyang p'westo at dito na sila nagsimula sa pag-shoot. Nagtago si Lotte sa may puno ng mangga kunwari ay hinihingal at napapahawak pa siya sa kanyang dibdib habang hinahabol ang kanyang paghinga.
Napalinga-linga ito sa kanyang likuran at nagpahinga saglit para pakalmahin ang kanyang sarili. Ngunit sa kanyang muling paglingon sa gawing kanan ay tumambad si Gelo na nakasuot ng face mask, nagulat si Lotte at dito na nga siya tuluyang sinaksak sa kanyang dibdib.
Mabilis ang naging galaw ni Gelo at walang patumpik-tumpik sa kanyang pagsaksak dahil ang role niya sa film namin ay isang killer na tagabantay ng isang sagradong kagubatan na ginulo at sinira ng mga teenager na grupo ni Lotte.
Dahil sa kanilang paggambala ay naghiganti ang karakter ni Gelo at isa-isang pinagpapatay ang mga ito.
Buti pumayag ang mga kasamahan ko sa ginawa kong plot para sa short film na 'to. Akala ko kasi tatanggi sila dahil hindi gaano kinakagat ang horror, slasher genre rito sa Pinas.
God! They love my written work!
"Cut! "The director shouted.
Everyone shouted joyfully as we finished shooting for our film. As we packed our things, the sun was almost about to set.
At nang sandalling mapadako ang tingin ko sa kagubatan ay siya namang kilabot ang dala sa akin dahil sa may kalayuan ay may nahagilap ang aking mga mata na ngayon ko lang din nakita. Ilang beses akong napakurap at hindi ko na mawari ang bilis ng tibok ng aking puso sa aking nasaksihan.
Isang itim na pigura. Ang ulo neto'y mahaba kumpara sa ulo ng tao at ang kanyang katawan na payat, magkasing haba lang din ang kanyang mga braso at binti. Tanging anino lamang nito ang aking nakikita ngunit ang dala niyang kilabot ay kahindik-hindik.
"Rod----"
"Gago!"
Nagulantang ako sa aking narinig at napansin na lamang ang hawak kong baso na may ketchup na nahulog sa lupa.
"Bakla ka! Nadumihan na shoes mo. Ano ba kasi tinitingnan mo sa kalayuan? " High pitch na pagkakasabi ni Jessie.
Nang muli kong nilingon ang direksyon ng tiningnan ko kanina ay labis ang gulat ko lalo na't wala na roon ang misteryosong pigura na nakita ko. Shems! This can't be! Fuck! I have this bad feeling that this might be a creature that protects the forest.
Nanlaki ang mga mata ko sa aking na-realize.
There's a big possibility that our film shooting might bring it to life.
Agad kong pinulot ang nahulog na cup.
"Guys, we should go! Kinikilabutan na ako sa lugar na 'to."
"Rod? Okay, ka lang ba? "Ate Sheen asked.
Lotte chuckled, "Baka nasobrahan ka na sa kape riyan batang ka."
"Guys! I'm not joking. May nakita akong black figure sa likod ng puno na 'yon!" I sound so unbelievable and liar, but I won't let anything happen to them.
"Rod, chill ka lang, okay? Baka dahil lang sa shadows lang, 'yong nakita mo? Or hallucinations mo dala ng pagod," Ate Sheen added.
"O baka gumagamit ka talaga? Good items, ba 'yan?" Jessie asked in her most annoying voice.
"Bullshit! I am not a user, Jessie! Bahala kayo kung ano man ang mangyari sa inyo rito. Basta ako aalis na ako! "Inis kong sambit sabay kuha ng mga gamit at props na gamit namin.
Naglakad ako papalabas ng gubat at hindi na sla hinantay pa sa kanilang pagsunod. Agad akong nakapara ng jeepney pauwi.
I let myself soak in the tub for a couple of minutes while still thinking about what happened, Kanina. It feels surreal, but I can't help but think that my brain might trick me.
It feels more like a hallucination than a dream.
After kong magbabad, ay agad kong sinuot ang red robe at hinanap ang phone ko. I found it on the bedside table.
Baka praning lang talaga ako kanina, kaya kung ano-ano na ang pinag-iisip ko.
Mabilis akog nag-tipa sa aking telepono at nag-send ng mensahe sa GC ngunit ni-reply or seen ay wala man lang akong natanggap. I guess pagod din silang lahat kanina, pero iniwan ko na lang.
Mag-so-sorry na lang siguro ako bukas tapos libre ko na lang silang lahat ng milk tea.
-----««✼»»-----
The morning came, and I was surprised when I saw Ate Sheen, Gelo, and Lotte sitting in their seats. And to my dismay, hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin. Naka-focus lamang ang kanilang mata sa harap, kahit wala namang nakasulat doon o kahit teacher namin ay hindi pa pumasok.
Nakakapagtaka naman na hindi sila gano'n kaingay gayong rinig nga boses nila sa kabilang section minsan lalo na kung magkakasama sila minsan.
Grabe! Gano'n ba ka-unforgivable ang ginawa ko kahapon para hindi nila ako pansinin? I just shrugged and got my notes for the quiz.
Natapos ang dalawang class at lunch break na. Kasalukuyan ko ngayong hinahanap ang tatlo dahil babawi na ako sa kanila. Hindi ko alam kung paano sila umalis ng room nang hindi ko napapansin.
Pero habang naglalakad ako sa may likurang parte ng school, lalo na't dito sila tumatambay lagi kapag breaktime.
No'ng pagliko ko pa lang ay nagitla ko nang unang tumambad sa akin si Gelo na sobrang talim ng tingin sa akin.
Agad naman akong bumawi sa pagkagulat at ningitian sila.
"Guys, I'm really sorry. Sa ginawa ko kahapon, sana mapatawad niyo ako."
"Siya kaya, 'yong nakita kahapon ni Taramano? Sabi niya may nakapansin daw sa kanya sa likod ng puno na isang tao."
My brows ceased, and a confused look was painted on my face.
Taramano? Sino 'yon? Like, hindi naman apelyido 'yon ng isa sa kanila.
"Siya nga. Tama ka, Catayara. Anong gagawin natin sa kanya?" Ate Sheen asked.
"Gagawin natin siyang alay para may katawan nang pamamalagian si Taramano."
Then a devilish smile formed on his face.
Dito na ako kinilabutan nang sandaling humaba ang kamay nilang tatlo. Then, all of a sudden, silang tatlo ay katulad misteryosong anyo na nakita ko kahapon.
I felt a sudden stab on my chest, and in a matter of seconds, nakita ko na lang na hawak na no'ng isa ang puso ko. Nakakapanghina!
Pero bago pa man ako tuluyang malagutan ng hininga ay kita ko ang yapak ng mga paa na papalapit sa akin.
"Hollowgast, it's time to shine. . ." It's Jessie's voice. "We'll rule them soon after."
And that's when I realised that Jessie was one of them. She just waited for the moment that she'd get us into that forest without suspecting her.
Now I'm here, lying on the ground with no heart.
-----««✼»»-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top