Den Den Bel-ida

Page 9

————-««✼»»————-

Valentines

————-««✼»»————-

NAKADUNGAW ako sa bintana habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan sa labas.

Bukod sa nagngingitngit na langit, umiihip din ang malamig na simoy ng hangin na waring niyayakap ka nito dahilan para mas lalo akong mapayakap sa aking sarili.

Napapapikit na lang ako habang pinakikinggan ang ingay ng pagtilamsik ng butil ng ulan sa bubong ng aming classroom.

I could listen to that sound all day long while reading my favorite book near the window while enjoying a cup of warm chocolate with marshmallows. But sadly, wala ako sa bahay kaya papikit-pikit muna ako habang hinihintay tumila ang ulan.

Ngunit hindi pa man lumipas ang ilang oras nang isang mahinang pagkatok sa may pinto ang naging dahilan kung bakit naagaw ang atensyon ko.

Mapait akong napangiti nang masilayan kung sino ang kadadating lang na 'yon.

My suitor... Cygnus...

"Nakadistorbo ba ako sa pagmumuni mo?" he asked in his silly voice.

I chuckled, "Sira! Gumagawa ako ng music video sa isip ko."

Then he laughed, "Sabi na nga ba! Gawain mo talaga 'yan! Tuwing umuulan at malapit ka sa bintana, sasandal ka tapos makikinig ng music at e-emote na parang brokenhearted----aray ko"

"Tama ka na, Cyg! Ang hilig mo lagi mang-asar! Oo na! Emo na ako. Edi ikaw nang manhid!" ganting asar ko rito matapos ang malakas na paghampas ko sa kanyang braso nang makalapit ito sa akin.

In a playful gesture, he raised his eyebrows and gave me a playful smile.

"Paano naman ako magiging manhid, eh, 'di ba? May nararamdaman naman ako sa'yo..."

Mabilis nitong pinisil ang pisnge ko dahilan para mag-init ito dala ng kanyang ginawa at... sinabi.

"Ew! Ang cringe mo naman! Hindi na gagana sa akin 'yang banat mong laos!" pang-aasar ko rito sabay tingin muli sa labas ng bintana.

Hindi ko man sabihin, kahit gaano pa ka-cringe ang kanyang sinabi ay hindi naman nito ako napigilang mapangiti nang bahagya. Kinuha ko ang pagkakataon no'ng tumalikod ako sa kanya.

"Cringe raw! Ako pa talaga pinagloloko mo?"

"Cringe naman talaga, a!"

"Eh? Kitang kita ko pagmumukha mo sa bintana!"

Nawala ang ngiti ko nang sandaling napatingin ako sa bintana at nakita ang sarili kong repleksyon habang nasa aking likuran si Cygnus na sobrang laki ng ngiti at halata sa mukha ang pang-aasar nito.

I didn't expect that. So, I'm busted!

I turned again my head on him and gave him a deadly glare, "When I said not hindi ako kinikilig sa banat mo----"

Napatigil ako sa pagsasalita ko nang isang malaking burger ang mabilis niyang nailagay sa bibig kong sobrang laki.

"Huwag mo nang i-deny! Ikaw naman. Akala mo talaga hindi ko nakitang kinilig ka."

"Shut up, Cyg!" dahil sa pagkainis ay tumayo na ako at hinawakan ko ang kanyang kamay.

I intertwined our fingers and leaned on his shoulders.

"W-What's this for?" he asked and I could feel the trembling in his voice.

"Just let me do this. Halika ka na, uwi na tayo." Then I smiled.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom at gano'n pa rin ang hitsura namin.

Nanatiling nakasandal ako sa kanyang balikat habang naglalakad sa hallway. Wala nang tao at tanging kami na lamang ang naririto sa eskwelahan.

Despite our cat and dog relationship, at the end of the day, I still want to see him before I go home. He always says goodnight to me before I go to sleep, and he always says good morning to me before I get up.

That's how sweet Cygnus is. He always makes me feel special whenever I'm with him.

I always enjoy his company, and there is never a dull moment with him.

Kaya sa napagdesisyunan kong sagutin siya sa araw ng Pebrero at sa mismong araw ng mga puso. Kung saan ipaparamdam ko sa kanya ang espesyal na araw na opisyal nang magiging kami.

This will take place on February 14.

Our relationship remains the same despite the passage of time.

Lagi niya akong hinahatid pauwi at sinundo tuwing umaga. He still greets me with a good night and a good morning.

At sa nagdaang araw na 'yon, isang bagay lang ang napansin ko.

Pansin kong lagi ang isang babae na nakaaligid sa kanya at halata sa hitsura nito na may gusto ito kay Cygnus.

Minsan ay naikukuyom ko na lang ang kamao ko sa inis lalo na't nakikita ko sa likuran ng manliligaw ko, nakangiti na parang may maitim na balak.

Akala niya siguro ay hindi ko siya napansin.

Dumating na ang araw na aamin na ako kay Cygnus at sasagutin ko na siya.

Naghanda ako sa aking k'warto at pinuno ko ng maraming petals ng pulang rosas ang aking puting bed sheet at nakalagay sa head board ang salitang 'YES', may mga scented candles din akong nilagay sa ilang parte ng k'warto habang naka-off ang mga ilaw.

I smiled seeing the surprise for my soon to be boyfriend!

Finally! Masasabi ko na rin sa lahat na mayroon na akong masasabing para sa akin. Tapos na ako kakasanaol sa mga magjo-jowa.

Nagsuot lamang ako ng puting long dress na abot hanggang hanggang sahig at pinaresan ko na lamang ito ng kulay green na headband. Simpleng make-up lang din ang nilagay ko sa aking mukha bago kitain si Cygnus.

Sobrang saya ko habang naglalakad papuntang plaza dahil do'n ko siya susunduin at tutungo kami sa bahay para ibigay ang matamis kong oo.

"Den Den!" rinig kong sigaw nito habang nakatayo sa may swing.

"Cygnus!"

Agad akong lumapit sa kanya at binigyan ito nang mahigpit na yakap.

"Halika, punta tayo ng bahay. May ibibigay ako."

"Sige. However, have you heard the news about the school?"

"Ahh, wala, e. Ano 'yon?"

"May nawawala sa campus and hindi na sila nakita pa."

"What? Sino ba 'yan? 'Tsaka huwag mo muna sirain ang moment natin. Valentines ngayon at gusto ko maging masaya tayo ngayong gabi."

"Oh, sorry. SSG president kasi suitor mo. Hindi ko naman maiwasan mag-aalala para sa nasasakupan ko. I won't discuss school matters tonight, as you wish." He wrapped his fingers around mine as we headed to our house for the celebration.

I want him to own me and mark me as his own.

Tinakpan ko ang kanyang paningin gamit ang aking palad at iginiya ito papasok sa aking k'warto.

Nang sandaling tanggalin ko ang aking kamay ay mula sa malapad nitong ngiti.

Ay bigla itong napalitan ng takot.

Makailang beses itong nagpabalik-balik ng tingin sa akin at sa surpresa ko.

"D-Den? A-Anong nangyayari? Bakit nakakasulasok ang amoy at may pusong nakatarak diyan sa dingding mo?" nanginginig ang boses nito na parang nakakita ng isang nakakatakot na multo.

"Huwag kang mag-alala. That heart belongs to Stella, Lara and Olga, mga hindot na babae na gustong agawin ka sa akin."

Hinarap ko ang aking sarili kay Cygnus at kinuha sa aking dalang sling bag ang ginamit ko para tapusin ang buhay ng tatlong 'yon.

I gave him a wide grin that made him fall to the floor in horror.

"Den, ibaba mo 'yang kustilyong hawak mo!"

"Bakit, Cyg? Don't you like it? I want you to be mine this night. At kung ayaw mo, p'wede rin gawin ko 'yong ginawa ko sa kanila."

"F-Fuck you, Den! You're a psycho!"

I smirked at him. "Yes, Cyg, your girlfriend has turned into a psycho!"

Then I laughed like evil.

Like what he said, I am a possessive psycho and I killed a lot of girls out of jealousy because of my hatred for them, just as he mentioned.

All those girls died at my hands.

————-««✼»»————-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top