Bae Luxure WP

Page 28

————-««✼»»————-

Duppie

————-««✼»»————-

"YOU know what, Lux? You're the prettiest girl I ever met!"

My cheeks burned as I heard those words from a young man like Jiro. After a couple of months talking on him a famous app called Duppie.

Napagdesisyunan namin na magkita.

Nahiya pa ako dahil sa hindi ako confident sa sarili ko. Tadtad kasi ng tigyawat ang mukha ko kaya mas lalong gusto kong iurong ang pagkikita namin.

Pero mapilit siya at nasabihan ko na rin na gano'n ang kondisyon ko. At ngayon na nakaharap ko siya ay mas lalo akong kinabahan at hindi mapakali kasi napaka-pogi niya talaga in person.

Isa sa nakaka-attract sa kanya ay ang makapal niyang kilay. Halata ring nag-gi-gym siya dahil sa putok ng biceps niya sa suot niyang fit na top.

I chuckled, ""Eto naman, nagbiro pa."

"No, I'm not kidding. I'm serious. I know that it's really difficult for you to be here because maybe hindi ka gano'n ka-confident sa sarili mo. But trust me, you're beautiful. You're more than beautiful." His words were sincere, and I gulped.

Mas lalo uloy akong nahiya dahil ito ang unang pagkakataon na may isang tao na hindi ako hinusgahan sa kung ano ang nakikita nila. Marahil ay na-appreciate ni Jiro ang panlabas kong kaanyuan.

I guess Jiro is a green flag. He smiles on me whenever our eyes meet.

Nanatili akong tahimik habang ngumuguya ng steak na siya pa nag-order.

Mabilis lang ang oras at natapos na rin kaming mag-dinner pero bago kami umalis ng restaurant ay nag-banyo muna ako kasi naiihi na rin ak kanina pa.

After a moment, I excused myself from him and headed to the bathroom.

Hindi pa man ako nakakarating ng banyo ay hindi ko na alam kung bakit ako kinakabahan habang tinatahak ang hallway papunta sa palikuran.

Nang paliko na ako ay gano'n na lang ang kabang naramdaman ko nang isang kamay ang humablot sa akin sa isang tabi at tinakpan ang aking bibig.

Nang idilat ko ang aking mga mata ay gano'n na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang isang Jiro.

Una kong napansin ang malaking peklat sa kanyang noo abot hanggang sa kanyang kaliwang kilay.

I froze for a second and couldn't feel my whole body as he slowly removed his hands from my face.

"S-Sino ka? B-bakit kamukha mo I J-Jir---"

"Lux!" he almost whispered, but his voice was tinged with anger. "Listen to me, okay? That's not me! 'Yong guy na naka-date mo, hindi ako 'yon."

"What do you mean na hindi ikaw 'yon?"

"Could you let me explain?" Natigilan naman ako.

"I know, we both downloaded that stupid app called Duppie. That app is evil! 'Yan ang gumawa ng evil clone ko. Duplicate!"

"Kung duplicate mo siya, why still use you----"

"He replaced me! He tried to kill me! After niyang mahiwa ang mukha ko ng kutsilyo ay tinapon niya ako sa ilog. Akala niya ay patay na ako pero hindi! Sinundan ko siya for almost a month and I just found out by hacking my old phone na ikaw ang kausap niya." He explained, my mouth left open as I heard his story.

Impossible! That Jiro I dated is fake?

"So that's his goal? Ang palitan ang buhay mo? And killing you is his main goal!"

"Right!"

Napatakip ako sa aking bibig nang sandalling may ma-realize akong bagay na sigurado akong ikakagulat niya.

"What? What's with that shocked face?"

"If galing siyang Duppie app? That means ay meron din akong posibleng duplicate?" my eyes widen with my own thoughts. At kahit siya ay nagulat din sa aking sinabi.

"Shit! I guess you need to go home. Baka inatake na ang pamilya mo!"

Dito na ako lalong nanlamig sa kanyang sinabi.

I quickly left him and hurried back to Jiro---I mean fake Jiro.

Ngayon na nakita ko siya ay gano'n na lang ang kaba sa dibdib ko lalo na't hindi halata sa kanyang hitsura na nanakit ito. Pero kabaliktaran pala neto ang kaya niyang gawin.

"Sorry, Jiro, pero tumawag si mama at may emergency sa bahay! I need to go!" pagmamadali ko sabay hablot ng mga gamit ko sa likod ng upuan.

Mabilis akong tumakbo at hindi ko na hinantay ang kanyang mga susunod na sasabihin.

I don't care if I look crazy running towards the exit, ang goal ko lang ay makauwi ng bahay dahil posibleng napahamak na sina mama.

Agad kong pinara ang paparating na taxi nang makalabas ako ng restaurant.

Pinaharurot ko sa driver ang sasakyan dahilan kung bakit mabilis lang din ako naka-uwi sa amin.

I quickly paid the taxi driver and rushed to the door.

Pero natigila ako nang sandalling may ma-realize, anong mangyayari sa original na Jiro? Ano kayang gagawin niya sa sarili niya na galing sa Duppie?

Kapagkuwan ay nangamba ako nang hawakan ko ang doorknob ng bahay.

Pero nilakasan ko lang ang aking loob sabay pihit nito.

At sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman, Nakita ko na lang na duguan sa sahig ang katawan ni mama at Cul na nakahandusay sa sahig.

Tuluyan na akong nanlambot at hindi makapagsalita nang sandaling makita silang wala nang malay.

"Ma! Cul!" I shouted at the top of my lungs.

Nakakadurog ng puso na makita silang ganito. Akmang aabutin ko na sana ang kamay ni mama nang mapansin ang dalawang tao sa may kusina na nakadungaw.

Dito na ako hindi makapaniwala na sina mama at Cul iyon.

"Ma---"

"Huwag kang lumapit dito! Baka hindi ikaw ang original na Lux na kilala namin!"

"Ma! Ako 'to! Si Bae Luxere! Anak niyo!"

Pilit pinipigilan si mama na atakihin ako lalo na't hawak niya ay kutsilyo na nakatutok sa akin. Hindi naman makaangal si Cul dahil hindi ito makapagsalita,

"Kung ikaw si Lux, magbigay ka ng isang sekreto ko na alam natin buong pamilya----"

"May nunal ka sa paa at sa malapit sa may pu---"

"Ikaw si Lux! Ikaw nga anak ko. Anong nangyari? Bakit may ganito? Bakit may kamukha kami na gusto kaming patayin?"

"Ma, galing sila sa app na Duppie. May nagsabi sa akin na bigla na lang silang lilitaw at papatayin ang mga ginaya nila. Ang gusto nilang mangyari ay palitan ang buhay ng taong ginaya nila." I explained.

Napaluha naman si mama at wala sa sariling napayakap sa akin. Kahit si Cul ay lumapit na rin at yinakap ako nang mahigpit.

I'm so relieve na buhay sila. At masasabi ko na ring kumpleto na kaming pamilyang Laron.

Dahil matagal ko nang nalibing si Lux at sigurado akong hinding-hindi na siya makakaalis sa pagkakabaon ko sa kanya sa kalupaan.

And you're right, hindi alam nina mama at Cul na kasama nilang si Lux ay galing sa app na Duppie.

————-««✼»»————-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top