Ate Anj
Page 20
-----««✼»»-----
Motorcycle
-----««✼»»-----
"ATE Anj, turuan mo kaya ako mag-drive ng motor. Alam mo na, for emergency purposes rito sa bahay kung wala ka," I rolled my eyes as my brother pleased me again.
Ang eager niya talagang magpaturo sa akin kung paano mag-drive ng motor pero hindi naman talaga 'yong sinasabi niya ang kanyang gagawin.
"Tigil-tigilan mo nga ako, Jerome. Magpapaturo kako para makagala ka dahil may isang motor si papa na hindi na ginagamit!" pagmamaldita ko rito rason kung bakit niya ako sinamaan ng tingin.
"Ate naman! Hindi naman ako nagbubulakbol!"
"Ah, tinataasan mo na ako ng boses ngayon?"
"Sorry na. Pero, ate, hindi naman kasi para pambubulakbol 'tong gagawin ko."
"Edi, para saan?"
"Kung sakaling may emergency sa bahay ay p'wede kong magawa agad---"
"Gaya ng ano, aber?"
"Ng a-ano..." natigilan ito at bahagyang nag-isip sa kung ano ang isasagot. "Kung sakaling gusto ni mama mag-grocery! Iwas gasto na kami no'n sa pamasahe."
"Sus! Tigil-tigilan mo nga ako, Jerome. Hindi mo ako makukumbinse dahil ang mga kabataan ngayon na kagaya mo ay mahilig sa maggagala kung saan-saan. Baka maakdisdente ka pa niyan," I answered which made him frown.
"Ate, 'di ba, may sakit si mama? Paano na lang kung gusto niyang magpa-check-up? Maglalakad pa kami palabas ng lugar natin para makahanap ng motor. Edi ang hassle no'n!"
"Jerome, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na p'wede mo naman ako ng tawagan, 'di ba? May numero ka naman ni ate? One call away lang naman ako."
Tila ayaw na nitong makipagtalo dahil napapasabunot na ito sa kanyang buhok. Halatang pikon sa debate naming.
"Bahala ka nga riyan. Maiintindihan mo rin ako 'pag dumating na ang bagay na 'yon. Palibhasa kasi hindi ka naman umuuwi rito kaya 'di moa ko maintindihan." He almost whispered those words pero narinig ko pa rin.
I know Jerome is a stubborn type of person but I'm pretty sure na gagamitin niya lang sa gala ang motor ni papa kung saka-sakaling matuto siya.
I don't need to create problems in our family. Enough na 'yong sakit si mama and ayaw ko pang madagdagan pa 'yon ng isa pang aksidente.
As he left the garage, he shut the door loudly. But that doesn't scare me anymore since alam kong nagtatampo lang naman 'yong batang 'yon.
Dinner time came at naghanda lamang ako ng tinolang manok para sa aming tatlo.
May kasama na ring hinog na manga at pritong okoy ang hapunan.
It will be a joyful dinner I expect, but I can only see frown marks on their faces and shoulders drooping.
Ano na naman kaya ang nangyari sa dalawang at bakit kaya sila nagkakaganito?
Para tuloy nasira ang mood ko sa tagpong 'to.
I cleared my throat.
"Ma! Look, oh! I cooked tinolang manok at okoy for us. Kain na po tayo."
Agad kong inasikaso si mama at sinandukan ito ng kanin. Kumuha na rin ako ng mangkok sabay sandok ng sabaw at iilang pirasong gulay para naman medyo healthy ang kanyang kinakain.
"Salamat, Anj." She then smiled.
Nakita ko naman na nagsandok din si Jerome pero hindi singdami ng karaniwan niyang serving ng kanin na kadalasan ay tatlong sandok ng kanin. Ngunit sa pagkakataong 'to, isang sandok lamang ang kanyang ni-serve sa kanyang plato at isang okoy.
"Oh, bakit ganyan lang ang servings mo? Nahiya ka pa, sige na. Damihan mo na. Hindi kita aawayin na matakaw ka." Pagbibiro ko ngunit tanging blangkong ekspresyon lamang ang kanyang ibinibigay sa akin habang ningunguya ang okoy.
Why is Jerome acting so strangely? Nakakapanibago. Hindi naman siya ganito kaseryoso, ah.
Ano kayang hangin ang nalanghap nito kung bakit nag-iba agad ang timpla niya?
"What's with you Jerome ba? Anong nangyayari? Bakit ganyan ka makaasta?"
As he ate, he stopped and held the okoy with his fingers.
"Wala, ate, hindi naman po importante 'tong saloobin ko. Sino po ba naman ako sa pamilyang 'to para pakinggan ang hinaing ko po sa buhay."
Napa-face palm na lang ako sa kanyang sagot.
"Jerome, tungkol pa rin ba 'to sa hindi ko pagturo sa'yo mag-motor?"
"Tama ka, ate. 'Yan ang ikinapuputok ng butchi ko!"
Unbelievable! Just because of it? Nagkakaganyan na siya?
"'Yan lang pala! Sige, tuturuan kita next month! Magpalakas ka muna. Tingnan mo 'yang katawan mo, oh! Ang payatot mo pa rin kahit ang takaw mong kumain---"
"Tama na 'yan! Mas mabuti pang kumain na lang tayo ng hapunan bago pa lumamig ang pagkain natin."
Natigil naman kami sa pagbabangayan nang sandaling pumagitna na si mama sa amin.
Tinatapunan pa rin ako ni Jerome ng kanyang masasamang tingin habang kagat-kagat ang okoy na kanyang hawak.
'Di ko alam pero parang papatay na ang batang 'to.
Kung hindi ko lang mahal 'to baka nakutusan ko na 'to ngayon sa harap ni mama.
-----««✼»»-----
ONE month had passed.
Patapos na ako sa aking ginagawang pag-iimpake nang sunod-sunod na nag-ring ang aking telepono matapos kong i-charge ito matapos ang aming pakikipagbakbakan laban sa mga kilalang sibilyan sa isang bundok.
Napangiti ako lalo na't uwian na naman naming ngayon kaya makikipagkulitan na naman ako sa aking kapatid.
May maiuuwi na rin ako para kay mama na alam kong makakatulong sa amin.
Hindi ko muna binasa ang mga mensahe lalo na't hindi pa rin ito tumitigil sa kaka-notif sa aking telepono.
Matapos kong ihanda lahat ng kailangan ay naghanda na ako sa aking pag-alis.
Lulan ng aking motor ay hindi na matigil ang saya sa aking dibdib lalo na't nabili ko na ang paboritong appliances ni mama.
Nang marating ko ang aming bahay ay laking gulat ko nang sumambulat sa akin ang sobrang liwanag na loob nito at pansin ko rin ang sobrang daming nakahilerang upuan at may bisita rin kami.
Teka, ano bang nangyayari rito? Bakit ganito?
Bigla na lang sumikip ang dibdib ko habang papalapit ako sa aming pintuan.
Nang sandaling nasa entrada na ako ay gano'n na lang ang kirot na aking naramdaman nang makita ang larawan sa ibabaw ng kabaong na napapalibutan ng bulaklak.
Dahan-dahan akong naglakad papasok at diretso lamang ang aking tingin sa kabaong.
Nang nasa harapan na ako ng kabaong ay kita ko ang aking kapatid na nasa gawing gilid, mugto ang kanyang mga mata habang tulala sa kabaong ng ina.
Hindi! Hindi p'wede 'to. Nananginip lang ako!
Agad ko siyang nilapitan at binigyan nang mahigpit na yakap.
"J-Jerome, anong nangyari kay m-mama? Bakit nasa l-loob na siya ng k-kabaong?" Humihikbi kong tanong sa aking kapatid na hindi man lang gumanti ng yakap sa akin.
"Ate Anj, sorry..." halos paos na ang kanyang boses nang marinig ko 'yon. "Hindi ko nailigtas si mama... ninakawan ang bahay natin nitong nakaraang linggo. Inatake si mama ng kanyang sakit."
Kumalas ako ng yakap at mahigpit na napahawak sa kanyang balikat.
"B-Bakit hindi mo siya nasugod sa o-ospital?"
Seeing my brother in this state aches my heart a lot.
"Tumakbo muna ako kina Kuya Palong at late na kami ng trenta minutos no'ng naisugod namin siya sa hospital... d-dead on arrival si mama, ate..."
Dito na bumuhos ang kanyang luha habang nakatingin sa kabaong ng ina.
"Ilang beses ka na namin tinawagan pero hindi ka na namin ma-contact, ate. Kung tinuruan mo lang sana akong magmotor, ate. Edi sana naisugod ko na sana si mama sa hospital nang gano'n kaaga.... Kaya ko naman, eh..."
Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa aking narinig...
I underestimated Jeromy's motorcycle riding ability. And now I understand what he meant before...
"...hindi ka kasi nagtiwala sa akin, ate..."
-----««✼»»-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top