Episode 7 - PLAN

XIMENA won her first beauty contest. Hindi niya mapaniwalaan habang nakatingin siya sa kaniyang sash. May prize money iyon pero higit na mas gusto ni Ximena ang hawak niya sa kamay na trophy at ang nakasabit na sash sa kaniyang binti.

"Uyyy! Hanggang kelan mo iyan tititigan? Hindi pa ba tayo matutulog?" Humikab pa si Kayla pagkatapos sitahin ang kaibigan.

"I just can't believe it. N-nanalo ako," nakatulala pa ring wika ni Ximena sa kaibigan.

Tumayo siya at isinuot muli ang sash. Humarap siya sa salamin at tiningnan ang kaniyang kabuuan. Hindi pa rin naman siya nag-aalis ng makeup kaya kitang-kita niya ang kaniyang itsura. Nagpalit man siya ng kaniyang damit na isinuot ay nakikinita niya pa rin ang kaniyang naging ayos sa stage kanina.

She looks so glamorous. Naipalabas niya ang pagkaelegante ng suot niyang gown. Ang kulay niyon ay malarosas. Pati ang disenyo nito ay parang nakasaradong rosas, na magkahalong puti at pink. Ang cuff sleeves niya ay nakabagsak sa may gitna ng kaniyang braso.

And what makes her more classy and elegant is the way she walks. Sinunod niya ang laging iniuutos ng kaniyang ama na ideretso ang kaniyang likod. Chest and butt out, ganern. Sa pakiramdam nga niya ay tumangkad pa siya ng ilang sentimetro dahil sa ginawa niya.

And when she looked around those people who is also staring back at her, she felt proud and happy.

Hinanap agad ng kaniyang mga mata ang kinaroroonan ng pinakamahahalagang tao sa buhay niya ngayon.

Seating at the third row in the center aisle are her parents, her bestfriend and her suitor.

She smiled, waived her right hand and gave them a flying kiss.

And then in an instant, katabi na niya sa kaniyang kanan si Cybelle at sa kaliwa naman si Queenie, who was hailed the first runner up and second runner up of the competition.

Napapikit siya nang maulinigan ang warning ni Cybelle. Hinawakan niya ang kaniyang tenga habang umiiling-iling.

"X-Ximena? Okay ka lang?" bigkas ni Kayla sa nag-aalalang boses.

Ipinikit mabuti ni Ximena ang mga mata at huminga nang malalim bago tumingin kay Kayla. "O-okay lang ako. Inaantok na ata ako dahil sa pagod."

"Yan nga ang sinasabi ko kanina pa. Magpunas ka na para makatulog na tayo nang maayos."

KINABUKASAN ay Sabado kaya walang pasok. Tanghali na ay nasa kama pa si Ximena at Kayla.

Mayamaya ay may mga katok na gumising sa kanilang dalawa.

Pupungas-pungas pa na binuksan ni Kayla ang pintuan. "Tito, ano po iyon?"

"Pasensiya na sa abala, hmm? Tatanungin ko lang kung nakita n'yo yung belt ko na itim, 'yung suot ko rin kahapon?"

Umiling si Kayla na parang hindi pa nga malaman kung ano 'yung belt na tinutukoy ni Dario.

"Hindi po, Dad," Ximena replied.

"San kaya iyon napunta?" Hinimas pa ni Dario ang kaniyang noo. "Sa may banyo ko kasi iyon naiwan kagabi. Andun pa pants ko, pero wala ng belt. It is very unusual. Hindi ko gawain na tanggalin ang belt unless si Mommy mo ang gumawa dahil ilalagay na niya sa labahan."

"Did you ask Mom already?"

"Tapos na. Hindi rin daw niya nakita, e."

"Hmmm, tulungan ko na lang po kayo maghanap, Tito?" sambit ni Kayla.

"H-hindi na, iha. Salamat." Iwinagwag pa ni Dario ang kaniyang kamay. "Marami pa naman akong ibang belt. Yun lang talaga ang paborito ko."

"Ximena, anak! May bisita ka!!" sigaw ni Amihan.

Napabangon naman ng di-oras si Ximena at sumilip saglit sa may sala na matatanaw agad mula sa kaniyang kwarto. Nakita niya na nakaupo roon si Jace. Inilang hakbang lang niya ang kaniyang salaminan at binistahan ang kaniyang sarili. Inayos niya ang kaniyang buhok. Pagtalikod niya ay nagulat pa siya nang nakaharang sa kaniyang daraanan ang amang nakakrus pa ang mga bisig.

"Nakalimutan mo atang andito pa kami ni Kayla, Ximena," may panunudyo sa boses nito.

"Oo nga po, Tito, nakakatampo," sakay pa ni Kayla.

Inipit naman ni Ximena ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa kaniyang magkabilang tenga. "H-hindi naman po."

Tumawa lang si Dario at tinapik na ang balikat ng anak. "Go ahead. Treat your visitor properly." Tumingin naman ito kay Kayla. "Ikaw din, iha. Samahan mo na sa baba si Ximena."

"Opo, Tito," Kayla replied.

Sabay na lumabas ang dalawa at naiwan si Dario sa loob ng kwarto. "Asan na ba 'yung belt ko?"

"SAAN NA kayo nakapag-apply for college entrance exams?" tanong ni Jace sa dalawa.

"Wala pa nga, e. Pero nangako na kasi ako kay Daddy na hindi lalayo rito sa atin," paliwanag ni Ximena.

"Bakit naman?" na-curious na tanong ni Kayla na nakaupo sa pang-isahang upuan habang magkatabi naman sila ni Jace sa mas malaking upuan.

"Not really sure. Okay lang naman sa akin. Maganda rin naman ang mga schools natin dito sa probinsya but I would love to try applying in USTE or UP kung may chance," Ximena answered.

"Sayang naman. Balak ko pa naman na magpa-Maynila. H-hindi tayo madalas magkikita nun 'pag natuloy ako," malungkot na turan ni Jace.

"Aruyyy! Si papa Jace naman. Talagang nahumaling na kay Ximena," tudyo ni Kayla. "Wag ka mag-alala. Hindi ko papalapitan kahit kaninong lalaki si Ximena. Ikaw kaya ang bet ko." Nagthumbs up pa si Kayla sa lalaki.

"I-ikaw talaga, Kayla," Ximena shyly replied.

"But I can ask Tito Dario kung gusto mo. Wala pa naman pinal na desisyon, e. Kukuha pa lang naman tayo ng mga exams at di pa rin naman tayo sigurado kung saan talaga mag-aaral. Mas maraming choices mas maganda," Jace insisted.

"You don't know what you're asking. O-okay na," Ximena replied.

"Oo nga naman, Ximena. Marami naman kayo pera para mapag-aral ka sa Maynila. K-kahit hindi na ako tulungan ni Tito. Sapat na sa akin na makatapos ng high school," ika ni Kayla.

"Wag na, Kayla. O-okay na."

"Sige na kasi, Ximena, please? Let us ask Tito Dario," Jace pleaded.

"Ano yun, mga anak?"

Napalingon nang sabay-sabay ang tatlo kay Dario.

"Tito," bigkas ni Jace.

"Dad!" tawag-pansin ni Ximena upang mabaling sa kaniya ang atensyon ng ama. "Gusto lang po nila akong ipagpaalam na lumabas ngayon. Pwede po ba?" singit ni Ximena.

Ngumiti si Dario. "Yun lang ba? Akala ko naman ay kung ano na. Walang problema. Kailangan n'yo ba ng pera?"

"Ahhh, hindi na po, Daddy. Kaya na po namin." Pinandilatan ni Ximena ng mata ang dalawa. "Right, Kayla, Jace?"

"Tito kasi po..."

"Right, Kayla?" Ximena butted again.

Napatango na lang tuloy si Kayla dahil doon.

Dario sensed that there was something he needed to know. "Can I have a word with you, Ximena?" seryosong tanong ni Dario.

Kinakabahang sinundan lang ni Ximena ang ama pabalik sa kaniyang kwarto. Ni hindi na kasi nito hinintay na makasagot muna siya bago tumalikod.

"Ano 'yun?" ika ni Dario pagkapasok na pagkapasok nila sa kwarto.

"Dad, wala po iyon. Kasi nga po.."

"Just tell me, Ximena. Ano nga ba talaga iyon?"

"Dad, k-kasi po alam niyo naman pong mag-senior high na kami. At mas maganda sana kung..." Nag-aalangan si Ximena na ituloy ang sasabihin dahil baka hindi iyon magustuhan ng ama.

"Kung ano, Ximena. Ituloy mo.."

"Kung sa Maynila kami mag-aapply."

Natahimik si Dario. Gusto niya sanang magsalita pero walang lumabas sa bibig niya.

"Kaya nga ayaw kong sabihin, dahil ayaw mo rin naman. Hindi ako katalinuhan, Dad. P-pero sa tingin ko naman makakaya ko kung susubukan ko. Bakit po ba ayaw niyo ako lumayo rito sa lugar natin? Ni hindi pa nga ako nakakatuntong sa kabilang bayan dahil ayaw niyo rin po. Hindi ko rin po kasi naiintindihan."

"Sige na, ito o, idagdag mo sa panlakad n'yo ngayon." Dumukot pa ang ama ng ilang libo sa bulsa nito.

Hindi naman tinanggap ni Ximena iyon. "Mauna na po kami, Dad. Salamat na lang po d'yan."

Tinalikuran na niya ang malungkot na ama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top