Episode 15 - THE LOST SON

UMAGANG-UMAGA ay napagod si Ximena sa pakikipaglaro sa mga pinsan niya. This is her first time to play soccer. Tinuruan siya ng kaniyang mga pinsang lalaki. Nakisali rin naman ang mga pinsan niyang babae ngunit literal na naglalaro lang ang mga ito, nakikipagkasatan lang. She enjoyed it a lot. Nagpaalam siya na magpapalit ng damit at babalik sa komedor dahil oras na para kumain ng snacks. Bukas naman daw ay tuturuan siya nila Carmen na gumawa ng churros at empanada gamit ang oversized oven nila.

Hindi pa niya nakikita ang ama simula kahapon nang umalis siya sa may kwarto nito. Nalungkot na naman siya ngunit kahit ganoon ay inisip na lang niya na parating na ang kaniyang mommy at si Jace.

Pabalik na siya sa komedor nang nadaan siya sa kwarto ni Leticia. Itinuro lang iyon ng kaniyang pinsan kanina nang inikot siya nito para malaman niya kung saan ang mga kwarto ng iba pa nilang mga pinsan.

Nakaawang iyon nang kaunti. Hindi siguro nailapat nang maayos ni Leticia kanina. Hahatakin na sana niya iyon ngunit mas malakas ang naging bulong ng kaniyang isip na sumilip roon.

Hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon niya. Nabighani kasi siya ng kulay ng pader. Kulay rose pink iyon.

Hindi niya napigilang pumasok.

Nadako siya sa may salaminan niyon.

Ang daming makeup!

Nanginginig ang kaniyang mga kamay na hinawakan ang mga iyon hanggang sa dumako ang mga kamay niya sa mga hanay ng lipistik.

Ang gaganda ng kulay!

Wala sa loob na ibinulsa niya ang tatlo roon.

Paalis na sana siya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang isang nail polish. Kapareho iyon ng kulay na gamit niya ngayon.

Kinuha rin niya iyon at ibinulsa.

Hanggang sa nakita niya rin ang isang medium barette clip na hugis bulaklak. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak na iyon. A rare kind.

Isinuksok na rin niya iyon sa kaniyang bulsa.

Masayang-masaya siya sa ginawa niya.

Pagsasawain lang niya ang paningin doon mayang gabi at ibabalik din niya kinabukasan. Oo. Hindi naman siguro mapapansin ni Leticia iyon dahil marami naman itong available makeup.

Ngunit pagharap niya sa may pintuan ay naroroon ang kaniyang lolo, seryosong nakatingin sa kaniya.

Bigla siyang pinawisan nang malapot. Hindi siya halos makahinga. "G-grandpa, k-kanina pa po k-kayo d'yan?"

Hindi ito sumagot pero lalo lang sumeryoso ang mukha nito. Madilim.

Nakakatakot.

Lumapit ito sa kaniya.

Napaurong siya.

Huminto ito at halos magdikit ang kilay sa galit. "Give it to me!" Dumagundong ang boses nito sa loob ng silid.

Hindi agad nakakilos si Ximena. Nang makabawi ay mahigpit niyang kinuyumos ang suot na palda.

"I said, give it to me!"

Nanginginig ang mga kamay ni Ximena nang iabot niya ang mga kinuhang kolorete sa kaniyang lolo.

"Come with me!" muling hiyaw ni Don Emiliano.

Sobra ang pagririgodon ng kaniyang puso habang halos kaladkarin ang mga binti upang sumunod sa kaniyang lolo. Pakiramdam niya ay aatakehin siya anumang oras.

Paglabas niya ng silid ay lalo pa siyang nanlumo. Naroroon ang kaniyang ina at si Jace! Nagtatanong ang mga mata ng mga ito. Ang kaniyang ina ay may sinasabi ngunit hindi niya magawang sagutin. Hindi maproseso ng isip niya ang mga katagang lumalabas dito.

Ang buong atensiyon niya ay nasa matandang lalaki na naglalakad sa kaniyang harapan.

Nagmamadali siyang sumunod sa lolo niya. Tinatahak nito ang daan papunta sa kwarto ng kaniyang ama.

Pabalandra nitong binuksan ang pintuan.

Nagulat si Dario. "Anong problema?" Naguguluhang pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila.

"Tayo munang tatlo ang mag-uusap kung puwede. Ikaw, ako, si Ximena!" gigil na gigil na wika nito habang nakatingin sa tatlong tao na nasa may pintuan.

"No! Hindi lalabas dito si Amihan," mariing pagtutol ni Dario.

Pinakatitigan ni Don Emiliano ang kaniyang anak. "Sekreto ng pamilya ang pag-uusapan."

"S-sige na, Dario. Lalabas na lang kami." Pumihit na si Amihan at hinawakan sa balikat si Jace.

"Walang lalabas, Amihan! Asawa kita at hindi katulong sa pamamahay na 'to!" mariing wika ni Dario.

Pinaglipat-lipat ni Amihan ang paningin sa mag-amang nagsusukatan ng tingin. Parehong nag-iigtingan ang mga panga ng mga ito.

Bumuntong-hininga si Don Emiliano bago bumaling kay Ximena. "Tell your father what you did, Ximena," mariing utos ni Don Emiliano Mendez. Itinaas pa nito ang hawak na tungkod sa gawi niya. Ang isang kamay nito ay mariin ding nakakuyom sa isa pa nitong kamay na nakakuyom.

Hindi nagsalita si Ximena kung kaya't tiningnan lamang siya ng kaniyang lolo nang masama. "Tell your father, Ximena!"

"Ano po bang problema, Papa? Wag niyo siya sigawan!"

"Like father, like daughter! Pareho kayong mga suwail!" bintang ng don sa dalawa.

"Papa, ano bang pinagsasasabi ninyo?" Tinungo ni Dario ang kinaroroonan nang umiiyak na si Ximena. Hinatak niya ang kamay nito at hihilahin na sana ang anak para tunguhin ang pinto nang sumigaw na naman ang don.

"Sige! Lumayas ka ulit tulad nun! Diyan ka magaling!" nanggagalaiting wika ni Don Emiliano.

Marahas na binitiwan ni Dario ang kamay ng anak at humarap sa ama nito.

"Para saan pa na lumagi ako rito, Papa? Wala naman kayong pakialam sa akin." Huminto muna saglit si Dario at huminga nang malalim. "Bakit niyo ba ako pinabalik dito kung 'di niyo naman ako kinikibo? Ano na naman ba ang gusto niyong patunayan?"

"Kinukwestiyon mo ba ako? Ha, Dario?"

"At bakit hindi? Ano pong gusto n'yo? Matuwa ako kasi hindi niyo ako pinapansin at ngayon naman ay pinapagalitan niyo si Ximena na anak ko? Pambihira kayo, Papa! Sa totoo lang, para ngang mas gusto ko pang matuwa ngayon dahil nagagalit kayo sa akin. Dahil wala naman kayong ginagawa dati. Porke't ba hindi ako katulad ng mga kapatid ko na matatalino? Bakit po ba hindi niyo matanggap 'yun?" puno nang hinanakit na ibinuhos ni Dario ang mga salita na madalas na naglulumikot sa kaniyang isipan.

"Dahil wala akong anak na bobo at tarantado na kagaya mo!"

Natigagal saglit si Dario. Hindi makapaniwala sa naririnig niya. Ngayon lang naglabas ng saloobin si Don Emeliano.

"Kaya ba wala kayong ginawa nun, Papa? Kaya ba binalewala niyo lang ako? Sana --- sinabi niyo na lang at pinamukha sa'kin kesa araw-araw niyong pinaparamdam sa'kin kung gaano ako kawalang-kwentang tao! All I wanted is to get your attention but I end up destroying myself! And-- " Napahawak na sa kaniyang dibdib si Dario dahil sa emosyong hindi na niya mapigilang ilabas.

Bigla namang lumamlam ang mabagsik na mukha ng don. "A-anong sinasabi mo, iho? Tungkol ba ito kay Pablo? May sumisi ba sa'yo, Dario?"

"'Yun na nga, Papa. Y-yun na nga," nagsimula nang tumulo ang mga luha ni Dario.

Hindi naman naiintindihan ni Ximena ang nangyayari. Parang ibang tao ang nasa harap niya. Umiiyak ang daddy niya!

"P-pagkatapos nang nangyari, wala ni isa sa inyo ang kumausap sa akin. Gustong-gusto kong umiyak... pero wala naman akong karamay. Guilty na guilty ako, Papa. K-kahit alam kong wala akong kasalanan, dinala ko hanggang ngayon 'yung sakit nang pagkawala ni Pablo. H-hindi ko kayo kayang harapin dahil kahit hindi n'yo sabihin sa akin, ipinapaalala ko sa inyo palagi ang nangyari sa kan'ya. Bobo man ako pero hindi ako manhid, Papa."

"Dario, hindi ganun iyon.."

"Hindi kabaitan o awa ang kailangan ko nung mga panahong iyon. Disiplina at paghihigpit kung 'yun ang magtatama sa akin."

"Dario, mahal ka nam..."

"Araw-araw kong nakikita sa mga kamay ko ang dugo na kumapit dito!" Inisa-isang himasin ni Dario ang kamay nito na parang may inaalis. "D-dugo ni P-Pablo nung iniwan ko siya habang naghihingalo sa daan dahil naduwag ako, Papa. Nagmamakaawa siya sa akin na 'wag ko siyang iwan but I chose to walk away because of my selfishness! Ayaw ko pang mamatay noon, Papa..."

"Dario, iho, tama na..." Lalapitan sana siya ng ama ngunit humakbang siya patalikod.

"Pero sana nga namatay na lang ako kasama niya. D-dahil araw-araw pa rin akong dinadalaw ng nakaraan. Ang sakit-sakit, Papa.."

Humakbang pa rin ang matanda para lumapit kay Dario na ngayon ay nakasalampak na sa sahig.

Mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa anak na nawalay nang matagal. Ngayon lamang niya nalaman na nahirapan din pala ito. Ang tangi lang niyang nakikita noon ay ang pagiging rebelde nito, ang pagiging iresponsableng anak.

"P-Patawarin mo ako, Dario. P-Patawarin mo na kami... Sorry, anak... S-sorry..."

Umiiyak na niyakap ng kaniyang lolo ang kaniyang ama. Yumakap na rin si Dario pagkatapos marinig ang paghingi ng tawad ng ama.

Humakbang na palayo si Ximena. Hindi siya kailangan sa lugar na iyon. Hindi rin niya alam paano pa sasabihin sa ama ang kaniyang problema. Ayaw niya itong lalong pasakitan.

Sa mga oras na iyon, iniisip niya na mababaw lang ang kaniyang problema kumpara sa pinagdaanan ng kaniyang ama.

Pero pareho lang sila. They are both living a life of guilt and misery.

Pinahiran niya ang kaniyang mga mata. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top