Episode 13 - PEN

HINDI na-enjoy ni Ximena ang mga nakahain dahil na rin sa nao-overwhelm siya sa mga nangyayari. Hindi niya magawang maisubo ang pagkain habang tinatanaw ang mga nasa paligid na nagtatawanan habang ang daddy niya at siya ay tahimik. Pakiramdam ni Ximena ay hindi talaga siya welcome roon, sila ng daddy niya. Pagkatapos kumain ay isinama siya ng ama sa library. Matagal silang nakaupo lamang doon, naghihintay na magsalita ang isa sa kanila.

Hindi na nakapagpigil si Ximena. "N-naguguluhan ako, Dad. Ano 'to? Kasama ko sila Mommy at Jace at baka nag-aalala na sila."

"Umaano ka rito sa Spain?" pag-iiba ni Dario sa usapan.

"You have to answer me first, Dad. Ako po ang unang nagtanong."

"Fine! Yes! Pamilya ko sila."

Natulala si Ximena ng ilang minuto. "A-akala ko po..."

"Nagsinungaling ako."

"B-bakit po?"

"I have my reasons, anak. H-hindi mo na kailangan pang malaman."

"H-hindi? Ilang beses po kitang tinatanong tungkol sa pamilya mo. H-hindi? Mahalaga sa akin ang sagot mo, Dad."

Nang mapagtanto ni Ximena na wala siyang makukuhang iba pang impormasyon sa ama ay pinili na lang niyang iwan ito.

"San ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap!" pigil nito sa kaniya.

Hindi niya nilingon ang ama dahil talagang malaki ang tampo niya rito. "Saka na po tayo mag-usap 'pag magtatapat na po kayo sa akin."

Inaasahan ni Ximena na susundan siya ng ama ngunit hindi iyon nangyari. Malalaki ang yabag na tinunton niya ang daan pabalik sa kaniyang silid. Sa di-kalayuan ay natanaw niyang may inilapag na kung anuman ang isang babae sa center table. Hindi naman sinasadya na doon din ang daan pabalik sa kwarto.

Nadaanan niya ang malalaking plorera na nakalagay sa center table. Nilapitan niya iyon at ininspeksyon. Naisip niya na kung may maliit lang sana nun ay baka puwede niyang maiuwi. Itinigil na niya ang paghawak sa mga iyon ng may kung ano na naman siyang naramdaman. Sa may dulo ay nakita niya ang isang signature pen. Hinawakan niya ito at nakita niyang may naka-engrave na pangalan.

Kinabahan na naman siya at sobrang na-excite. Ipinikit niya ang mata dahil gusto niyang ibaba iyon. Ang dami na niyang pen sa bag niya. Isinilid pa niya roon maging ang pen na nasa counter sa isang shop sa mall na malamang ay pagmamay-ari ng cashier. Maging ang ballpen na di-sinasadyang nahulog ng flight stewardees na maaaring isa sa mga papremyo nito sa games, at marami pang iba.

Wala naman sa kaniya kung mahal o hindi ang ballpen. Hindi niya alam kung anong mayroon sa mga school supplies at gustong-gusto niya mag-stock.

Pinasadahan niya ang paligid. Wala naman nakakakita.

Sa huli ay nanalo ang bulong ng kaniyang isipan.

She felt some sort of happiness after putting the pen on one of her side pockets. Napangiti siya ng kaalamang nasa kamay na niya iyon. Humakbang na siyang muli.

"Ximena!"

Napahinto si Ximena sa kaniyang paghakbang. Dahan-dahan niyang nilingon ang babae.

Ito ang may-ari ng ballpen.

Ang kasiyahan niya ay napalitan ng kaba.

"H-Hi.." nauutal niyang bati rito.

"Hi!" biglang bati sa kaniya ng babae. Seryoso itong naglalakad palapit sa kaniya. Napahawak siya sa ballpen na nasa kaniyang bulsa.

Pagdating nito sa kaniyang harapan ay bigla na lang siya nitong sinunggaban.

Napaiwas siya ngunit mas mabilis ito.

Niyakap siya nito at pagkatapos ay nginitian.

W-what is happening? Hindi ba niya ako nakita?

"Baka gusto mo sumama sa amin. Nagkukuwentuhan kami sa baba," wika nito. "I am Carmen." Inilahad pa nito ang kamay sa kaniya.

Nakipagkamay naman siya habang wala sa loob na tumango. Nagulat rin naman siya na kahit mukhang purong Kastila ang babae ay matatas itong magsalita ng Tagalog. "Marunong kayo mag-Tagalog?"

Kanina kasing kumakain sila ay purong Español o Ingles ang mga salitang ginagamit ng mga ito.

"Yes, tinuruan kami ni Lola nung buhay pa siya. 'Wag daw namin kalimutan na may lahing Pinoy siya. Kailangan din naman namin matutunan dahil Filipino restaurant ang main business ng pamilya natin. May halos limang branches na tayo rito lang sa Madrid. Marunong kami magluto lahat. We will bring you there sometime." Napangiti pa ito sa kaniya. "Pero, bago tayo bumaba, kunin ko lang 'yung ballpen ko. I remember leaving it here somewhere."

Nagsimula na itong maghanap. Dumapa pa ito para tingnan ang ilalim ng lamesa. "San na kaya 'yun? It is very important to me. Pops gave it to me."

Pinagmasdan lamang ni Ximena ang babae. Balak na niyang ibalik ang ballpen habang nakayuko ito ngunit dudukutin pa lang niya sa kaniyang bulsa ay tumayo na ito.

"Di mo ba talaga nakita 'yun? Dito ka galing kanina," wika pa nito.

"Carmen, we are waiting for you. What took you so long?" wika ng kararating lamang na babae. Ito ang pinakamaputi sa kanilang apat. May kasama pa itong isang babae na pula naman ang buhok.

"I am looking for my pen. I remember I put it here at the edge. Pumunta lang naman ako saglit sa banyo. Pagbalik ko, wala na."

Napatingin sa kaniya ang dalawang babae. "Did you see it?"

"M-me?" Kinakabahan na naman si Ximena, natatakot siya.

"Yes, you." Itinuro pa siya nito. Pakiramdam ni Ximena ay dinuduro siya. Lumapit pa ito sa kaniya.

Napahawak si Ximena sa kaniyang suot na palda habang papalapit ang babae. Napaigtad pa siya dahil bigla siya nitong hinawakan sa bewang. Iyon pala ay yayakapin lang siya nito patagilid. Natatakot pa rin siya dahil kung bumaba pa ang kamay nito ay mahihipo nito ang ballpen sa kaniyang bulsa. Hindi na siya nakagalaw.

"Why am I even asking you? Of course, you don't know! Right?"

Napatingin lang patagilid si Ximena rito. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya malaman kung dahil iyon sa takot o sa hiya.

"And oh! I am Leticia. This one here is Ramira." Itinuro nito ang isa pang babae na pula ang buhok.

Ngumiti at kumaway si Ramira sa kaniya. "Come with us downstairs."

Hindi na siya hinintay na sumagot. Hinawakan siya sa kamay ni Leticia at inakay siya pababa sa sala.

Masayang nagkukwentuhan ang mga batang naroroon.

"Hey guys, we found her!" Carmen announced.

Isa-isang nagsilapitan ang mga ito sa kaniya at bineso-beso pa siya.

Pagkaupo nila ay nagpatuloy magkuwentuhan ang mga ito.

"As I was saying, Dad is exploring a new business. Our hotel is doing great. Our fifth cleaning service will be put up in Madrid this month. Carmen is doing a good job, right?" tanong ng isang lalaki na napag-alaman ni Ximena na kuya ni Carmen na siyang katulong na ng tito nila sa pagpapatakbo ng kanilang hotels.

"Kuya..." saway ni Carmen sa kapatid nito.

"Si Leticia na lang ang pagkwentuhin natin. Musta sila Tita?" tanong ni Carmen rito.

"As usual, bumalik na naman sa hospital dahil may ooperahan na naman ulit."

"VIP na naman ba?" tanong ni Carmen.

"Parang. Lagi talaga nilang hinahanap si Mamita dahil mabilis lang daw ito umopera," kaswal na sagot ni Leticia.

"Kaya ba sinusundan mo rin ang yapak nila?" tanong ni Ramira.

"S-siguro? Malaking factor talaga na nakikita ko ang dedication nila sa trabaho ni Papi habang lumalaki ako, kami ng mga kapatid ko."

"How about you, Ramira? Ano'ng future plans mo?"

"Last year ko na naman sa kinukuha kong course. Syempre wala naman ibang magmamana ng engineering firm namin kundi kami lang."

"Ready ka na ba?" hamon ni Leticia.

"Nakahanda naman na, kahit medyo mahirap. Ganun naman talaga e."

Naramdaman ni Ximena ang pagkabalisa. Sa pag-upo niya sa mas malambot na sofa ay halos natutusok siya ng pen na inilagay niya sa kaniyang bulsa. Medyo tight kasi ang skirt na suot niya. Hinawakan niya iyon at inihahanda niyang ilipat sa kabilang bulsa niya para hindi masyadong halata nang matuon sa kaniya ang paningin ng mga kakikilala niyang mga pinsan.

"We have to ask Ximena because she is the newest member of our family," wika ni Ramira.

"Tama! Magkwento ka naman. How's your life growing up? Masaya ba sa kinalakihan mo?" nakangiting tanong ni Carmen.

Hinigpitan niya ang hawak sa ballpen. Hindi na niya magawang maisuksok muli iyon sa kaniyang bulsa.

All eyes are on her right now. Halatang interesadong-interesado ang mga ito sa sasabihin niya.

"Ha? Okay naman sa'min," maiksi niyang sagot.

"Grabe naman! Can you elaborate? Para naman mas makilala ka namin," ika ni Leticia.

Tumango-tango naman ang iba pa nilang pinsan. "Like, ano'ng business niyo sa Pinas?"

"May-ari kami ng grocery store," proud na proud na wika ni Ximena.

"Grocery store? How big? Like a size of a mall? Ilan ang branch ninyo?" sunud-sunod na tanong ni Carmen.

"M-maliit lang. Saka nag-iisa lang iyon," sagot niya.

Unti-unting natahimik ang nasa paligid. Ramdam ni Ximena na nadismaya ang mga ito sa sagot niya.

"Ano'ng tinapos ni Tito Dario?" tanong ni Ramira pagkalipas ng ilang segundo. Para lamang mabasag ang katahimikan ng paligid.

"Si Daddy? Wala. High school graduate lang si Daddy."

Muli na namang binalot ng katahimikan ang paligid.

"How about your mom?" tanong muli ni Ramira.

"Ximena!"

Naiwan sa ere ang isasagot sana ni Ximena dahil sa sigaw na iyon. Maging ang iba ay napaigtad din sa lakas ng boses ng kaniyang ama.

Dahil sa gulat ay nabitiwan ni Ximena ang hinahawakan niya.

Nahulog sa kaniyang kamay ang ballpen.

Napatingin na roon ang lahat ng mata. Nanlaki ang mata ni Carmen. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kaniya at sa ballpen nito na nasa lapag na ngayon.

"I-is that my pen? Akala ko ba..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top