Episode 1 - MENDEZ FAMILY
"PUPUNTAHAN ko ba o hindi? Baka magalit na naman, e."
Kanina pa paroo't parito si Ximena sa kanyang munting silid. Nagdadalawang-isip kung magtatanong sa kanyang ama. Patungkol kasi iyon sa pamilya nito. Maaari naman niyang dayain iyon dahil mabilis lang mag-imbento ng pangalan. Pero sadyang interesado rin siyang malaman.
Humakbang na s'ya at hawak na ang seradura ng kanyang pintuan nang bumalik na naman sa kanyang kama. Kinagat-kagat niya ang kanyang labi.
"Wag na lang kaya," muli niyang usal.
Inilagay niya ang kanyang notebook sa kanyang dibdib at mariing niyakap. Ang kanang hintuturo naman ang pinagbalingan niyang kagatin. "Bahala na nga!"
Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago tapang-tapangang tinungo ang kanilang kusina.
"Dad,"
Inangat ni Dario ang ulo upang tignan ang kanyang unica hija. "O, Ximena, may kailangan ka? Kumain ka na ba? Tara rito."
Lumapit si Ximena at piniling umupo sa harap ng ama. "K-kanina pa po ako kumain."
"Hmm, may kailangan ka nga. Ano ba iyon? Bagong damit?" Turan ni Dario na sinabayan nang matamis na ngiti.
"H-hindi po, Dad. Ano po, m-may assignment po kasi kami. Magtatanong lang po sana ako."
Naghimay ng alimasag si Dario habang hinihintay ang sasabihin pa ng anak. "Sige, ano ba iyon?"
"Dad, tungkol po sana sa pamilya ninyo."
Hindi na naituloy isubo ni Dario ang laman ng alimasag. Ibinaba niya iyon at tumayo. Tinungo nya ang lababo upang maghugas ng kamay.
"D-dad,"
"Hindi ba napag-usapan na natin ito, Ximena."
"O-opo, konting katanung.."
"Patay na silang lahat."
Kahit ilang beses nang narinig ni Ximena ang tungkol doon ay hindi pa rin s'ya masanay sa palagiang sagot ng ama.
It's as if his father is telling her she doesn't need to know.
Tumikhim siya dahil pakiramdam niya ay may biglang bumara sa lalamunan niya kahit wala naman siyang kinakain.
"A-ano po pangalan nila? K-kailangan lang po para sa homework namin," she insisted.
Ilang segundo ring nakatingin lang si Ximena sa likuran ng ama, naghihintay sa isasagot nito. Napapitlag pa nga siya sa gulat nang magsalita ang ama.
"Jorge at Amelia."
"Hmm, 'yung mga kapatid mo po?" Sumagot na, e. Itodo ko na.
"Wala akong kapatid."
First time niya marinig ang impormasyon na iyon. She was hoping pa naman na makatagpo sana ang mga pinsan niya sa father's side. "S-sayang naman po. Any relative nila lolo o lola?"
"Ximena... stop asking more questions,"
"But, Dad.."
"I said stop!"
Nanigas ang likuran ni Ximena sa biglaang pagsigaw ng ama. Hindi siya sanay na sumisigaw ang pasensyosong ama. First time nitong pinagtaasan siya ng boses. "D-dad?"
"Ximena, 'wag mo ubusin ang pasensya ko," babala ni Dario.
"S-sorry...Itatanong ko lang po sana kung i-ilang beses kailangan maghugas ng kamay?"
"Ximena, iha,"
Nilingon ni Ximena ang pinanggalingan ng boses. Hindi niya namalayang nakalapit na ang inang si Amihan.
"Mommyyy!" Tinakbo niya at niyakap ang kadarating lang na ina. Pinupog niya ng halik ang mukha nito. Galing ito sa kanilang grocery store sa bayan. Ito ang nakatokang magsarado ngayong araw.
"You should go back to your room. Gabi na, maaga ka pa bukas."
"Yes po, Mommy." Nilingon ni Ximena ang ama na nagpupunas na ng kamay nito. "Good night, Dad."
Tumango lang ito sa kanya.
Pagkabalik sa loob ng kaniyang kwarto ay hindi niya naiwasang halungkatin ang isang lumang libro. Nakaipit doon ang isang bondpaper na may drawing ng isang family tree.
Simula nang iginuhit niya ang family tree na iyon nung elementary siya ay hindi na iyon nabuo. Hanggang sa hindi na talaga siya nagpapasa ng assignment kapag tungkol sa pamilya ang pinag-uusapan. Alam niyang walang tama o maling sagot doon ngunit hindi na ata niya mabubuo pa iyon. Hindi dahil sa ayaw niya, ngunit dahil hindi siya kailanman sinagot ng maayos ng ama tungkol sa pamilya nito.
Huling taon na niya ngayon sa junior high at papasok na sa senior high. Ngayon na lang ulit siya nagtanong ngunit sa muli ay nadismaya siya.
Saan ka naman makakakita ng puno na isang area lang ang laging namumunga, isang bahagi lang ang laging may kulay?
Pinagmasdan niya ang pagkaka-drawing sa puno. Dinamihan pa naman niya ang mga sanga at mga dahon nito noon, ngunit dalawang pangalan lang ang p'wedeng madagdag doon ngayon. Dumapa siya sa kanyang kama na hindi pa rin inaalis ang mga mata roon.
Isa lang ang kapatid ng Mommy Amihan niya na si Tito Kidlat. Tatlo ang anak nitong lalaki at nasa malayo pang lugar.
Hinawakan niya ang kanyang dibdib dahil bigla na naman iyon kumirot.
Hindi alam ng kaniyang mga magulang na gusto niya ng kapatid. Hindi lang isa, kundi lima ang lihim niyang hinihiling. Naiinggit kasi siya sa mga kaklase niyang sinusundo ng mga kapatid sa classroom. Para namang pinupunit ang puso niya kapag nadaraanan ang isang compound sa may kanto nila. Magkakamag-anak ang mga naroroon, nasa lima sigurong pamilya. Ang kanyang mga kaedaran doon ay madalas niyang nakikitang naglalaro. Halos lahat kasi ng mga iyon ay kaeskwela niya.
Wala rin siyang kaibigan mapa-school o sa kanilang lugar. Hindi niya rin maintindihan kung bakit sa t'wina ay nai-itsapwera s'ya. Naririnig niya minsan na kesyo raw kasi KJ sya, feeling mayaman at kung anu-ano pa. Inalisa niya ang sarili ngunit hindi naman siya ganoon.
Mas gusto niya sa bahay dahil ramdam niya na may nagmamahal sa kanya. Kapag kasi lumalabas siya, parang nag-iiba ang mundo niya.
She suddenly feels isolated and undeserving of company, friendship and love.
She doesn't exist.
She is just an average student.
Nothing is special about her.
Mapalad nang mapuri ng guro dahil hindi rin naman madalas nagpa-participate sa mga recitation at hindi rin nagta-top sa klase.
Hinawakan niya ang isang pisngi nang may pumatak na luha. Ni hindi niya napansing sa gitna ng kanyang pagmumuni ay umiiyak na s'ya.
Dali-dali n'yang pinahid ang mga luha nang may kumatok sa kanyang pintuan. Inayos niya ang kanyang buhok at umupo.
"P-pasok po."
Sumilip mula roon ang kanyang ina. Itinaas nito ang isang baso ng gatas. "Nakalimutan mo atang inumin ito?"
Lumapit sa kanya ang ina at iniabot ang baso. Umupo ito sa kanyang tabi at hinaplos-haplos ang mahaba niyang buhok. "Maya, are you okay?"
Maya is her second name. On rare occasions, her parents would call her by her second name. Sa totoo lang, mas gusto niya ang pangalan na iyon dahil pakiramdam niya ay malaya s'yang lumilipad. Pero mas gusto nila na tawagin s'ya sa first name dahil tunog daw na seryosong makikinig sa utos.
"Y-yes, Mommy." Kinindatan pa niya ang ina bago lumagok ng gatas.
"Maya, pagpasensyahan mo na ang Daddy mo ha? Sensitive talaga 'yun kapag family niya ang pinag-uusapan."
"Bakit po?"
"May mga bagay lang talaga na mahirap ipaliwanag, anak."
"So, ibig sabihin hindi n'yo rin nakilala ang parents ni Daddy?"
Malungkot na umiling si Amihan.
"Hindi naman na mahalaga sa akin 'yun, Maya. Ang importante ay mahal namin ang isa't isa."
Tumango-tango si Ximena. "Sabagay po."
"O sya, ubusin mo na 'yang gatas mo at matulog ka na. Ayaw ko nang makitang nakabukas ang ilaw mo pagdaan ko rito mam'ya. Puntahan ko lang Daddy mo sa may hardin."
"Opo, Mommy. Good night po." Muli ay hinalikan ni Ximena ang ina.
Paglabas ng ina ay inisahang lagok ni Ximena ang gatas. Lumakad siya papunta sa kaniyang cabinet at itinabi ang dalang libro. Pagkatapos ay inilagay naman niya ang baso sa table drawer na katabi ng cabinet
Pinagmasdan niyang mabuti ang sarili sa harap ng salamin na kasama sa table drawer. Bukod sa maraming katanungan tungkol sa kaniyang mga ninuno ay hindi rin niya lubos na maunawaan ang pagkadisgusto ng mga kaeskwela sa kaniya.
Hindi ba s'ya kagusto-gusto? May mali ba sa mukha niya upang maging mailap ang mga ito sa pakikipagkaibigan sa kaniya?
Hindi niya tuloy napigilang inspeksyunin ang repleksyon niya sa salamin.
Matangkad siya sa mga pangkaraniwang babaeng Pinoy.
She has a chiseled face. Ang kanyang mabibilog na mata ay pinapayungan ng makapal na kilay at mapipilantik na pilikmata. Matangos rin na may katamtamang laki ang kanyang ilong. Ang pinakagusto niyang parte ng mukha ay ang kanyang full lips na mala-Angelina Jolie.
Ngunit ang kanyang mukha ay hindi masyadong napapansin dahil sa kanyang full bangs at dahil sadyang mahiyain ay lagi s'yang nakayuko kung lumakad.
Itinaas niya ang kanyang damit at pinagmasdan ang maliit n'yang bewang. Manipis ang kanyang tiyan na minsang lumalaki lalo na kung napapasarap s'ya sa pagkain. Maumbok din ang kanyang dibdib at puwet na bumagay sa wide hips nya. Her legs were long and thin.
Palagi siyang nanonood ng mga fashion shows sa tv. Natutuwa siya sa mga nakikita niyang confidence ng mga iyon. Ang sarap tuloy pangarapin na balang araw magiging isa siya sa mga babaeng tatapak sa stage.
Ngunit malayo iyon sa katotohanan dahil sadyang mahiyain siyang bata. Naiisip pa lang niya na lalakad at pagtitinginan ng mga tao ay tumatayo na ang kanyang balahibo sa takot.
Wala namang masama sa pangarap.
Patuloy pa rin siya sa pagtingin sa sarili sa salamin hanggang may narinig siyang papalapit na mga yabag.
Baka ang kaniyang mga magulang.
Malalagot talaga siya kung makita pa siyang gising. Alas-diyes na rin kasi ng gabi.
Dali-dali na niyang pinatay ang ilaw at pinilit na ipikit ang mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top