Wakas

"Congratulations, anak," maligayang bati ni Mama sa akin.

Marahan akong hinila ni Papa palapit sa kaniya upang gawaran ng isang mainit na yakap. Mabilis akong naging emosyonal sa simpleng akto niya at dahil na rin sa higpit nang pagkakayakap niya sa akin ngayon. Ramdam ko ang tahimik niyang pasasalamat sa paglaban ko para sa pagtatapos na 'to.

"Proud ako sa'yo, anak," sinserong bulong niya sa tainga ko.

Tumingala ako sa maaliwalas na kalangitan hindi lang dahil sa nagpipigil ako ng luha, kundi sa isang rason na nagpapasalamat ako sa Kaniya. It wasn't easy, the road in this journey. Tulad nang nangyari kay Ate noon, muntikan na rin akong huminto. Naging magastos ang sunud-sunod na event na kailangan naming i-organisa at puntahan sa buong taong iginugol ko sa kolehiyo. Idagdag pa na hindi sa beses na kinailangan naming gumawa ng produkto para sa feasibility namin.

I wasn't just financially challenged but also physically and mentally. Hindi iisang beses na nagkasakit ako. I would often have migraine and flu. Hindi rin iisang beses na inisip kong mag-drop na lang sa ibang major subjects ko dahil hindi ko na kaya. Maging sa pagdarasal, matatagpuan ko na lang ang sarili ko na umiiyak habang humihingi ng lakas sa Kaniya.

"Congrats, Elisha," bati ng boses ng isang lalaki.

Recognition immediately filled me the same way that my tears din in my eyes. "K-Kuya..."

Mabilos na sumugod ng yakap si Mama sa kaniya kasunod nang maingay niyang hikbi. My eyes got filled with tears immediately as I felt the longing towards my Kuya. I silently walked towards him and let myself be covered by his warmth as he hugs me.

"Tatanggapin niyo pa rin ba ako sa pamilyang 'to?" mahina niyang tanong.

Walang salitang tumango ako bilang sagot sa kaniya. I heard footsteps behind me until another pair of arms enveloped me.

"Hindi ka kailanman nawala, Elmer. Sa pisikal, oo pero sa puso namin, hinding-hindi," sinserong sagot ni Papa.

Ate Erin came closer to us and joined us in our hug. She didn't say a word which I totally understand. Those words weren't needed for us as long as we felt the apologies the same way that it would be reciprocated with acceptance.

I would often think that the words thank you and sorry are the hardest to say to them. I feel like I owe it all to my family, but I am just holding onto the fact that I could show them enough to prove how thankful I am to them. Parang mayroon ng mutual understanding sa pagitan namin ang bagay na 'yon na kahit hindi na namin isalin sa salita ay okay na. Minsan gusting-gusto kong ipahayag sa kanila ang mga salitang 'yon, isama na rin ang pagpapahayag ng pagmamahal ko sa kanila, subalit hindi ko alam kung paano magsisimula.

Buo ang puso na umalis kami sa university para kumain sa labas. Hindi na ako nagpaluto sa kanila dahil gagastos lang. Inilaan ko na lang ang pera para sa pagpapagawa ng bahay namin na malapit nang matapos ngayon.

Day by day the status of our family slowly changed. From the then lowest state of our life with only limited finance and no electricity, we are now able to have fried chicken on our table at any time we would want. Hindi na namin ipinang-uulam ang asin dahil pampalasa na laman 'yon.

"Aba, nakakapag-Inasal na pala ang mga pooritang Sta. Monica?"

Sabay-sabay na nilingon namin ang nagsalita. Hindi na ako nagulat nang makita si Aling Pina na nagmamalaking nakababa ang tingin sa amin.

"At dinala mo pa talaga ang damit na 'yan dito, Elisha?" Sarkastiko siya g tumawa ng malakas. Nakuha na rin niya ang atensyon ng mga taong katabi namin na pinanonood na rin kami ngayon. "Sabagay, first time mo nga namang makapag-suot ng damit napangmarangya."

Walang nagsalita kahit na sino sa aming pamilya. Nagkatinginan lang kami at halos sabay-sabay na umiling. Wala namang saysay ang pagtulak siya dahil magpapagod lang kaming lahat. Hindi na rin naman na bago ang ganitong ugali niya kaya bahala na siya. Kung hanggang ngayon hindi niya kami magawang tantanan, kami na lang ang gagawa ng hakbang para manahimik ang buhay naming lahat.

Narinig pa namin ang pahabol niyang ismid bago naupo 'di kalayuan sa amin. Pinalipas ko ang ilang minuto bago siya tiningnan muli.

And all that I let go upon seeing the thing that caused our family my parent's dignity was a smile. I just simply find it ridiculous seeing the truth unveil itself in front of me. The confidence I have about my father not committing theft to Aling Pina was right all along.

"Aakusahan pa tayong magnanakaw, kita mo naman ang hawak," komento ni Ate. "'Yong cellphone na ninakaw mo raw, tinago lang pala para i-frame up kayo, Pa."

Sinundan nila 'yon ng tingin na umani ng buntonghininga mula sa amin.

"Hayaan niyo na, babayaran pa rin natin ang sinisingil nila. Tatlong libo na lang naman ang kulang sa inipon ko sa loob ng apat na taon," si Papa.

Kumalansing ang ginawang pagbababa ng kutsara ni Kuya sa plato niya. Walang imik siyang kumilos, dumukot sa bulsa para kuhanin ang pitaka.

"Ito, Pa, limang libo. Idagdag mo na para wala na silang isinusumbat sa atin," si Kuya.

Nagkatinginan kami ni Ate at sabay na napangiti ng maliit. Hindi ko sa alam kung ano ang naging buhay ni Kuya matapos umalis sa bahay. Wala kaming naging koneksyon at hindi rin niya kami kinontak kahit minsan. Palagi pa rin siyang kasama sa mga okasyong ipinagdiriwang namin, bitbit namin ang presensya niya sa aming puso kahit wala siya talaga. We still do celebrate his birthday even with his absence. And as years passed by with us, I can see how matured he got.

"Sayang at hindi natin dala ang pera ngayon," si Mama.

"Dala ko." Ngumiti sa amin si Papa. "Palagi kong dala para anumang oras na mabubuo 'yon ay magagawa ko siyang bayaran agad. Ilang taong hindi nawala sa isip ko ang nangyari na hanggang ngayon ay nasa alaala ko pa rin. At alam ko gano'n din kayo kaya gusto ko na kung uusad man ang buhay natin, hindi na natin dadalhin 'yon."

Hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama at saka pinisil 'yon ng magaan. Tahimik siyang tumayo patungo sa direksyon ng taong nag-iwan ng malalim na sugat sa puso naming lahat. Pinanood ko ang pagbigay ni Papa ng makapal na bundle ng pera sa lamesa at walang salitang tumalikod paalis.

Tila muling nabuo ang pagkatao ko. Kaya hanggang sa matapos ang pagkain namin ay naging mas magaan at maluwag sa dibdib.

"Ang ganda mo ngayon, Elisha, parang hindi ikaw," komento ni Ate habang hawak ang buhok ko.

Sakay na kami ng 2nd hand na sasakyang nabili ni Papa na siya ring ginagamit niya para sa pagde-deliver ng mga kakanin ibinebenta namin. Hinuhulugan pa rin 'yon pauti-unti hanggang sa ngayon. Isa sa mga pangarap ko ay ang bilhan ang pamilya namin ng bago at mas malaking kotse kaya pagsusumikapan ko na tuparin 'yon sa mga susunod na taon.

"Makeup lang 'yan, Ate." Tumawa ako.

"Mabuti at hindi ko na itinali ang buhok mo?"

Umukit ang isang ngiti sa mga labi ko. "Gusto ko lang."

"Thank you, Lord! Bakit ngayon lang Elisha Sta. Monica!" maluwag sa dibdib na pasigaw niyang sagot.

Napangiti na lang ako. Unlike how it affected me years back, I began to slowly accept the insecurities I have before. I could no longer care about what others might think about me and about how my hair looked like.

May mga pagkakataon pa rin naman na naba-bother pa rin ako. Pero mas kaya ko na siyang iladlad sa harap ng mga tao. I started inside of our home where I was confident that no judgment will be thrown. And my family didn't fail me, they showered me with praises and were prouder than I was. Until one day my confidence got boosted urging me to make a profile picture out of my untangled hair. And get again, praises were given to me. And I was thankfully more than those words.

I used to see it as my insecurity, but as time went by I started to think differently. I wasn't simply different. I am unique. And I am proud of it.

"Tara na," anyaya ni Papa nang makapag-park sa bakanteng espasyo ng bahay ni Madam Amy. Eskinita kasi ang bahay namin kaya walang parking-an.

Sabay-sabay na bumaba kaming lahat dahilan kung bakit nakuha namin ang atensyon ng lahat. I felt confident with my family beside me.

For the first time in my life, I untangled the thorns curled on top of my head. I let my curly hair lose, letting it be swayed as the wind blows. Wearing my peach-colored long dress that represents today's occasion, I walked around our neighborhood not minding their obvious stares. With a medal dangling on my neck, I plastered a proud smile on my face

As we get near our home with my family as my anchor, I feel proud beyond description. And finally, I let go of the words that I longed to say to them. Words that we all fought hard to achieve.

"Ma, Pa, graduate na ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top