Simula
SIMULA
"Bakit kasi hindi ka maglugay?" tanong ni Papa sa akin isang gabi na magkakasama kami sa sala ng bahay upang manood ng telebisyon.
Nag-iwas ako ng tingin at nakaramdam ng kaunting iritasyon sa loob-loob ko. Hindi naman ito ng unang beses na sinabihan nila ako ng ganito. Siya at maging ang iba pang taong nakapaligid sa akin.
Bakit hindi mo hayaang nakaladlad? Maganda naman bakit tinatago mo? O di kaya'y bakit hindi ka lumabas ng bahay na nakalugay?
Kung puwede lang, bakit naman hindi? Kung kaya lang at walang problema, bakit ako aayaw? Kaso bukod sa talagang hindi ko gusto ang pakiramdam, ako lang din ang maaabala at mahihirapan sa huli.
Mahirap kayang magsuklay lalo na kapag natuyo na.
"Ayoko nga," sagot ko maya-maya.
"Sus, kung ako 'yan ibinandera ko na sa labas. Ang ganda-ganda ng buhok mo, sinasayang mo," paglalhad niyang muli ng sariling opinyon.
"Magpa-rebond ka kasi. Sagot ko," gatong ni Ate.
"Ayoko nga," iritableng tugon ko. "Kayo kaya magkabuhok ng ganito para alam niyong mahirap."
Hindi na sila kumibo kaya kinuha ko na ang pagkakataon na umalis sa lugar na 'yon. Wala na akong narinig na kahit ano sa kanila na siyang ipinagpasalamat ko.
Nang marating ang sariling silid kung saan mag-isa ako ay muling lumukob sa akin ang inis. Inis na hindi nila magawang maintindihan ang isang bagay na ayaw ko.
Nakasanayan ko nang nakabugkos ang kulot kong buhok sa tuktok ng ulo ko. At hindi ako komportable sa ideyang hahayaan ko siyang tinatangay ng hangin gayong buhaghag 'yon at maaaring maging dahilan para makadistorbo ng ibang tao.
Hanggang kinabukasan ay dala-dala ko ang naging pag-uusap namin ng pamilya ko. Kaya nang makaharap ang kaibigan ay hindi ko naiwasang itanong ang isang bagay na palaging laman ng isip ko.
"Nakakapangit ba maging kulot?" nangangarap na tanong ko kay Jia.
Hindi siya agad sumagot kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagsipsip ng softdrink na iniinom ko mula sa straw. Lunch break namin ngayon at kasalukuyang narito sa open area ng canteen sa southern part ng public secondary school kung saan ako nag-aaral.
Kaming dalawa lang ang magkasama. Our other friends were probably out just on their way. Matagal kasi silang kumilos dahil nauubos ang oras sa paglalagay ng kolorete sa mukha. Nauna na kami rito ni Jia dahil hindi katulad ng iba naming kasama, mas simple ang pag-aayos niya. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan pa ng mga ganoong bagay samantalang senior high school pa lang naman kami.
O nasa akin ang mali? Sa obserba ko mula nang tumuntong ako sa ika-siyam na baitang, hindi na bago ang paglalagay ng kolorete sa mukha. Mas lalo na ngayong grade twelve na kami. Halos bilang lang sa kamay ang mga nakikita kong hindi naglalagay ng kung ano sa mukha katulad ko.
Para saan pa? E, gano'n pa rin naman ang magiging itsura ko.
"Sino nagsabi niyan? Awayin ko," kunwari ay paghahamon niya.
"Ako. Ako ang nagsabi, aawayin mo ako?" sarkastiko kong tanong. Isang irap lang ang natanggap ko mula sa kaniya. "Hindi nga, mare, seryoso. Nakakapangit ba? E, kadalasan naman kasi sa mga magaganda unat ang buhok. O di kaya'y nagpapa-rebond para maging straight."
"Hindi nakakapangit ang pagiging kulot, mare. Saan mo ba napulot 'yan?" tanong niya.
"Ibig sabihin maganda ako?" excited na tanong ko.
"May sinabi ako?" sarkastikong salansa niya.
Sinimangutan ko siya at nag-iwas ng tingin. Alam kong walang sense ang mga tanong ko. Pero hindi ko maiwasan lalo na't 'yon madalas ang laman ng isip ko.
"Selfie tayo," pag-aaya niya na agad kong tinganggihan.
"Kaya mo na 'yan," bagot na tanggi ko.
Hindi niya ako kinulit. Inabala na lang niya ang sarili sa pagkuha ng tamang anggulo sa harap ng camera. Habang ako, nanonood lang sa kaniya.
If there's one thing that I'm envious about other people, that would be them taking seflies effortlessly. Para kasing walang maling anggulo. Kahit ano pang laro at pagpapapangit ang gawin nila sa mga mukha nila, maganda pa rin ang resulta. Most people were confident enough to just take a shot mindlessly, wacky shots, distorted face, and just simply playing with their hair.
I want to be like that also. Kaso parang ang hirap. Bukod sa hindi ako marunong, hindi ko rin gustong nakikita ang sarili kong repleksyon. I hate looking at my cold eyes na kahit nakangiti, ang lamig pa rin tingnan. I don't like the feeling of forcing myself to smile dahil ang dating ay ngiwi imbes na ngiti.
I hate seeing how my hair appear on my head. It's as if it was sunrays making it looks like my head was the sun.
———
A/N: This is the new prologue of Unravel Your Crown. :) Once completed, this story will be published under Grenierielly Publishing along with some of the misfits stories. Hoping for your support on this collaboration of mine with my co-writers! Lovelots! Be confident of who you are! ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top