Kabanata 9

Problema

Nandito na si Papa.

Matapos ang ilang buwang wala kaming balita sa kaniya ay nandito na siya. Pero kung inaakala kong mareresolba na ang problema namin ay nagkamali ako. Mas malaking problema pa pala ang sasalubong sa amin dahil sa pagkatanggal niya sa trabaho.

Pinilit kong mag-contentrate sa inaaral ko sa kabila ng ingay na dulot nang pag-uusap nilang dalawa ni Mama. Hindi sila nagtatalo, ni hindi man nga sila nagtataasan ng boses pero ramdam na ramdam ko ang bigat ng problema dahil sa mga gamit nilang salita.

"Paano na tayo ngayon, Norman? Anong ipapakain natin sa mga anak natin?" problemadong tanong ni Mama.

"Hindi ko na alam, Criselda. Hindi ko alam kung kailan ako makahahanap ng trabaho. Sa-sideline na lang muna siguro ako," nanlulumong sagot ni Papa.

"Ano ba namang buhay 'yo. Hindi ito ang gusto ko para sa pamilya natin. anong bukas ang ibibigay natin sa kanila gayong ngayon pa lang walang-wala na tayo?" Nabasag ang boses ni Mama, tanda ng nalalapit na pag-iyak dala ng sunud-sunod na problema.

Pumatak ang mainit na tubig sa likod ng aking kamay, nagpapakilala ng luhang salamin ng bigat sa dibdib ko.

Akala ko magiging okay na kami sa pagdating niya. Na unti-unti ng bubuti ang lagay ng buhay namin dahil nandyan na siya. Kaso... bakit parang mas lalo lang kaming pinahihirapan ng buhay? Bakit sa amin? Bakit kami?

Wala naman kaming ginagawang hindi maganda sa kapuwa namin pero bakit kami ang binigyan ng ganitong sunud-sunod na problema? Hindi naman kami naghahangad ng sobra. Gusto lang namin na mabuhay ng walang pinoproblemang kahit na ano. Na nakakakain kami ng sapat sa isang araw. Na matutulog kami ng payapa na hindi na kailangan pang problemahin ang bukas.

Pero bakit puro problema at paghihirap lang ang ibinabalik sa amin? bakit ni minsan hindi namin nagawang maranas na matutulog ng mahimbing at walang bukas na aalalahanin?

Naging mas masagana ang pagdaloy ng luha sa magkabila kong pisngi nang sa mga sunod na sandali ay hikbi na ni Mama ang aking narinig.

"Nagte-thesis na si Erin at marami siyang gastos ngayon. Tapso si Elisha naman malapit na rin ang graduation. Paniguradong gastos na naman. Paano tayo, Norman?" Muling kumawala ang hikbi sa mga labi ni Mama kasabay nang muling pagkabasag ng boses niya habang nagsasalita.

"Gagawan ko ng paraan, Criselda, gagawan ko ng paraan," pangako ni Papa. "Ang mahalaga, hindi tayo gumagawa ng masama sa kapuwa natin. Hindi tayo nagnanakaw at patuloy tayong nagsusumikap."

"Bakit tayo? Ano bang kasalanan natin? Bakit tayo ginaganito ng Diyos?"

Napatakip ako sa bibig ko sa muntikang pagkawala ng hikbi mula roon sa pagtutugma ng isip namin ni Mama.

Ayaw ko mang sisihin ang Panginoon, wala akong ibang mapagbuntunan ng sisi. Saksi ako sa paghihirap ng mga magulang ko. Kung paanong nagkasugat-sugat ang kamay ni Mama sa walang katapusang paglalabada. Kung paano ko narinig mula sa kaniya ang pagtulog ni Papa sa bangketa ng Maynila.

Kaya bakit kami? Bakit nasa amin pa rin ang hirap? At bakit pinagkakaitan pa rin kami?

"Huwag kang magsalita ng ganiyan, Criselda," sita ni Papa. "Kahit na ganitong hirap na hirap tayo, huwag na huwag mong pagdududahan at kukuwestyonin ang Panginoon sa plano Niya sa pamilya natin."

"Ano pang aasahan natin sa Kaniya? Kulang na lang mamatay tayo ng dilat dahil sa gutom, Norman! Ngayon, sa susunod na tatlong araw makakaraos pa tayo. Pero paano sa susunod na bukas? Paano?!" Lumakas ang hikbi ni Mama.

Walang naibigay na sagot si Papa sa kaniya. At mas lalo akong pinanghinaan ng loob.

Kung noon ay pabalat pa lang ng estado ng buhay namin ang alam ko ay hindi ko lubos na prinoproblema ang mga bagay-bagay. Pero ngayon na alam ko na ang buod ng kalagayan at mga problemang kinahaharap namin, hindi ko maiwasan ang manghina at mag-isip ng mga negatibong bagay.

"Ma, Pa," si Ate sa mahinang boses.

"Pumasok ka muna sa kuwarto ninyo ni Erin," utos ni Mama.

"Titigil na lang po muna ako sa pag-aaral."

"Ano?!" agresibong tanong ni Papa.

Agad kong naramdaman ang pagtutol sa dibdib ko dahil sa sinabi ni ate Erin. Fourth year na si Ate at isang sem na lang magtatapos na siya. Kaya walang lugar ang paghinto dahil nandito na, eh, patapos na.

"Marinig ka ng kapatid mo, Erin," babala ni Mama.

"Hindi ka hihinto," pinal na saad ni Papa. "Kung kailangan naming igapang ng Mama mo ang pag-aaral ninyong magkakapatid, gagawin namin para lang makapagtapos kayo."

Kumalat ang tinta ng ballpen na ginagamit ko sa papel na pinagsusulatan ko dahil sa riin at tagal ng pagkakalapat doon. Natatakot ako sa puwedeng kahinatnan ng buhay namin ngayon na mas lalo pa kaming nababaon.

Ayaw kong huminto si Ate. Kung kaunting sakripisyo lang naman sa baon at pagkain ang problema, kayang-kaya kong magsakripisyo. Hindi ko naman kailangan ang lahat ng 'yon. Mas mahalaga ang pagtatapos ni Ate. Kung puwede lang na maging ako ay huminto, ginawa ko na. Kaso alam kong mas ikalulungkot 'yon nina Mama at Papa.

"Eh, 'di payagan niyo akong magtrabaho kasabay ng pag-aaral ko," pilit ni Ate.

"Hindi mo 'yan obligasyon, anak一"

"Pa," putol niya. "Hindi natin kailangang hatiin ang obligasyon natin sa bahay na 'to sa kung ano ang nararapat bilang isang magulang at anak. Kung may paraan naman para makatulong, bakit hindi ko gagawin? Kung handa kayong igapang ang pagtatapos namin ni Eli, handa rin akong magsakripisyo para sa ikagagaan ng buhay natin."

"Erin, anak," garalgal ang boses ni Mama.

"Naiintindihan ko kayo, Ma. Ayaw niyo lang akong mahirapan at gano'n din ako sa inyo." Humikbi si Ate, dahilan para mas lalo pang madagdagan ang sugat sa puso ko. "Kung kaya nating hati-hatiin ang responsibilidad at obligasyon, gawin natin para hindi mahirapan ang isa. Hindi ibig sabihin na kayo ang mga magulang naman ay kayo na lang palagi. Hayaan niyo ako na tulungan kayo. Magtatapos na rin naman ako kaya kailangan ko na rin talagang maghanap ng trabaho."

"Ate..."

Sunud-sunod kong pinunasan ang 'di maampat na luha sa mga mata ko. Naaawa ako kay Ate at sa mga magulang ko. Sa sitwasyong mayroon kami.

Para akong isang ibon sa alapaap na biglang nawalan ng laya dahil sa sunud-sunod na pangyayari sa pamilya namin. Mula sa pagkaputol ng kuryente namin hanggang kawalan ng trabaho ni Papa. Bigla kong napagod na tila isang ubos na baterya.

Tahimik kong pinatay ang ilaw ng lampara kaya binaha ng kadiliman ang buong kuwarto. Kinapa ko ang daan patungo sa nag-iisang kama na pinagsasaluhan namin ni Ate Erin. Doon ko binuhos ang iyak ko para ibsan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko. Kung may maitutulong lang sana ako, kung may magagawa lang ako.

***

"Hindi ka kakain?" tanong ni Zia na sinisimulan nang lantakan ang order niyang kanin at laing.

Samantalang ikinuntento ko na lang ang sarili ko sa biniling taglilimang pisong inumin. "Diet."

"Ikaw? Sa katawan mong 'yan? Ano pang paliliitin mo bukod sa height mo?" Pinagkukunan niya ako ng noo.

"Sinabi ko bang ako?" Umirap ako. "Diet bulsa ko."

"Gano'n? Anong gusto mo? Libre ko," alok niya.

"Letchon," hindi pinag-iisipang sagot ko. "Fruit salad, barbeque, fried chicken," paglalahad ko ng mga pagkaing gusto ko.

"Sige, isang kutsarita kada isang putaheng gusto mo," pagsakay niya.

Ito na siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto kong naglalagi sa eskwelahan. Dito kasi, bagaman nakapako ka sa kuwadradong silid-aralan ay may laya ka pansamantala. Hindi mo na kakailanganing ipilit na okay ka. Puwede mong hayaan ang sarili mo na panandaliang maging malaya.

I can momentarily allow myself to be vulnerable. Or to break free from all my worries.

"Eat," someone said.

That person placed a styro in front of me with the smell immediately invading my nose. Mongo.

Hinabol ko nang tingin ang palaging bulto ng taong nagbigay sa akin ng pagkain. Ang papalayong pigura ni Danrick ang nabungaran ko na hindi na masyadong gumulat sa akin dahil napamilyaran ko na ang boses niya.

What surprised me was the act he just did. And the lies I know hiding beneath it. He's just trying to ease his conscience which I know wasn't needed at all.

"Bumabawi, ah," komento ni Zia na pinagtaasan pa ako ng kilay.

"Hindi naman kailangan, eh." Napabuntong-hinga ako.

Totoong hindi kasing dali nang pagkurap ang kalimutan ang mga salitang narinig ko at ang pagtrato na nakuha ko sa kaniya ngunit hindi na 'yon mahalaga sa akin. Wala naman na talagang problema at hindi na dapat niya inoobliga ang sarili na gawin ito dahil sapat na ang sorry na natanggap ko.

"Sigurado ka bang okay na kayo?" naniniguro niyang tanong. Tumango ako bilang sagot ngunit tila hindi pa siya nakuntento. "Eh, bakit parang pasan niya pa rin ang mundo?"

"Hindi ko rin alam, ZI," nawawalan ng pag-asa na tugon ko. "Sinabi ko naman na sa kaniya na okay na. Nag-chat na rin ako na wala ng problema at kalimutan na lang niya pero tuloy pa rin."

Mula sa mga matang puno ng katanungan at kuryosidad, napalitan 'yon ng mga tinging mapaglaro at nanunukso. "Baka iba na 'yan," tukso niya.

Inirapan ko siya. "Tigilan mo. Parang di mo naman alam ang kuwento niyan. Kung may aasahan man ako sa kaniya na isang bagay, iyon ay ang katotohanang hindi lang siya sa akin ganiyan."

"Paano kung sa'yo lang?"

Mabilis kong inapula ang maliit na bagay ng pag-asa sa puso ko. I should know better than to trust his acts. Concern lang marahil siya sa akin pero 'yon na 'yon. Hindi ang isang Danrick ang tipo ng tao magseseryoso.

"Ano ba talagang mayroon kayo?" usisa ni Zia.

"Wala nga, ang kulit nito," pairap kong tugon.

"Pero gusto mo? Si Danrick, I mean."

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Ni hindi nga ako makakuha ng lakas ng loob para sagutin ang tanong niya kahit na alam ko naman ang tamang mga salita.

I am embarrassed, yes. Paano ko aaminin sa kaibigan ko na gusto ko 'yong taong itinanggi ako. At lalo na dahil halos dalawang taon na rin simula nang maramdaman ko 'to.

Transferee si Danrick that time galing sa mas liblib na paaralan dito sa lugar namin. Wala siyang kausap no'n at nasa likod lang palagi nakapuwesto. I saw myself in him. The version of who I was upon transferring to this school.

Sakto namang naging magka-group kami sa isang subject kaya kinailangan niya akong i-chat. Simula no'n, nagtuluy-tuloy na hanggang sa umabot sa puntong akala ko may ibig sabihin na. Hindi lang dahil sa araw-araw at gabi-gabi naming pagpapalitan ng mga salita kundi dahil na rin sa konteksto ng bawat pag-uusap naming dalawa. Pero 'yon pala ay gano'n din siya sa iba.

My fault that I assumed. But I couldn't help but put a bit of the blame on him for sharing words with me that has a double meaning.

"Oh my goodness, gusto mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"May sinabi ba ako?" sarkastikong tanggi ko.

"Wala. Pero kabisado na kita. Your silence could sometimes be the answer." Ngumisi siya sa akin. "Hindi mo naman sinabi." Tumawa siya. "I thought it was just awkwardness that made you like that. At 'yong nangyari sa inyo ilang buwan ang nakararaan."

"Tigilan mo ako, Zia. Matagal na 'yon at wala na akong nararamdaman ngayon."

Akala ko nga noong una simpleng paghanga lang. Pero 'di naglaon, sa pagtagal ng naging ugnayan namin ni Danrick, mas lalo kaming naging malapit na nagresulta sa mas lalo ko pang pagkahulog.

Pero wala kasing lugar ang ganito sa akin ngayon. Hindi ko kailangan at hindi ko dapat na pagtuunan ng pansin lalo na sa sitwasyong mayroon kami. Isa pa, totoong nawala na. Hindi lang dahil sa mga nalaman ko at sa nagawa niya kundi dahil sa simpleng dahilan na tapos na at wala na talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top