Kabanata 8
Sorry
"Hoy, bakit ba kanina ka pa nakatingin sa kanila?" rinig kong tanong ni Zia sa akin.
Mabilis akong napakurap, sabay bawi ng tingin mula sa grupo na kanina ko pa tinitingnan. Ninanakaw nila ang atensyon ko sa isang dahilan na matagal ko na silang hindi nakikita.
Bagaman halos isang taon lang magmula nang moving up ceremony namin, ang huling araw na nagkita-kita kami, pakiramdam ko napakatagal na dahil sa kawalan ng komunikasyon. Hindi kami nag-usap sa kahit na anong paraan.
I even unfriended them all and I felt fine even after that. Parang lumuwag 'yong taling nakapulupot sa leeg ko. And unlike how I imagined it would affect me, I never regretted cutting them off.
"Wala lang. Matagal ko na kasi silang hindi nakikita," sagot ko sa kaniya.
"Mga kaibigan mo?"
Nagkibit-balikat ako. "Dati?" hindi siguradong sagot ko.
"Bakit hindi ka nag-HUMSS din kung kaibigan mo pala sila?"
"Different career paths, I guess?" Nilingon ko siya. "Ayaw ko lang din kasi siguro madala sa peer pressure kaya umiba ako ng landas kahit na halos lahat ng kasama sa grupo namin noon ay HUMSS ang strand ngayon."
Pero minsan napapaisip ako na paano kaya sumunod din ako sa kanila. I once saw a photo of them together with their new friend. And they all looked genuinely happy. Then I would wonder if it would be the same if I was with them in those photos.
Baka pekeng mga ngiti. Pekeng saya at purong pagkukunwari.
At first, what I felt was jealousy because they were never like that to me. But as time went by, slowly I realized... I am okay with them not in my life. There was no point feeling that because I became a better person with us drifting apart.
Masaya na rin ako na hindi ko na sila nakakasama ngayon. Mas naging malaya ako at nahanap ko ang sarili ko.
"Hindi ka ba nagsisisi? I mean, puwede kang sumunod sa kanila," tanong ni Zia.
I shrugged my shoulders at her. "Pagsisisihan ko ba ang isang bagay na nagbigay ng laya sa akin?" Umiling ako, sinasagot ang sariling tanong. "Hindi. Totoong hindi ko pa alam kung anong kurso ang gusto ko sa kolehiyo. I'm still exploring my interests and I still haven't figured out the path I want to take for myself. Still, I believe that I would grow without them." Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ko.
Tahimik naming ipinagpatuloy ang pagkain ng tanghalian namin. Hindi ko na rin binalingan pa ng tingin ang grupo nila Trisha.
Ngunit hindi rin nagtagal ang katahimikan sa pagitan namin dahil sa pagdating ng isang tao.
"Elisha."
Kusang napabuntong-hininga ako nang makilala ang pinagmulan ng boses na 'yon. Napatingin si Zia sa kaniya kasabay nang bahagyang pagtaas ng kilay niya.
"Danrick, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Zia.
Walang babalang binalot ako ng iritasyon nang pangalanin ni Zia ang bagong dating. Agad na nanuot sa ilong ko ang panlalaki niyang pabango na maihahatintulad sa mint.
Tipid siyang ngumiti sa akin habang nagkakamot ng batok na para bang nahihiya. "Nagbabakasakali lang kung puwedeng makausap ka."
The ambiance suddenly became awkward with the new presence of Dan. I would never get used to the feeling of being with someone other than Zia, who is the only person I am comfortable with. Much more sitting across Danrick whom I've been avoiding for months now.
Sinadiya kong iwasan ang mga mata niya sa mga sumunod na sandali. Tanging sa lamesa lang nakatutok ang paningin ko dahil hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon ang makikita ko mula sa kaniya.
"Sibat na muna ako, Elisha," tahimik na paalam ni Zia sa akin.
Tututulan ko pa lang ang pag-alis ng kaibigan ko ngunit hindi na ako napagbigyan dahil mas mabilis ang kilos niya.
Nang sa wakas ay maiwan kami ni Danrick, saka lang ako tumingin sa kaniya. "Ano 'yon, Danrick?"
"Alam kong hindi tayo okay dahil sa nagawa ko," panimula niya. "At gusto ko lang ulit humingi ng tawad."
"Pinag-usapan na natin 'yan. At alam mo ang isasagot ko, Danrick. Wala kang dapat na ihingi ng tawad," malumanay na paliwanag ko. Sa pagkakataon na 'to ay nilingon ko na siya upang ipabatid na wala naman talagang problema.
"Sinasabi mo ba ang mga salitang 'yan dahil 'yan ang nararamdaman mo, o para lang wala na lang gulo?" Seryosong dumapo ang paningin niya sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin dahil nahuli niya ako ng walang pasabi. It would be a lie to say that I wasn't hurt by what he did. But to make a big deal out of it was not part of the choices either.
Kababawan na lang kasi kung palalakihin ko pa. Hindi naman na bago kaya sanay na ako. Iba lang talaga ang dating dahil siya mismo ang gumawa. Sino ba naman ako para mag-inarte. At ano naman kung itinanggi niya ako sa harap ng mga kaibigan niya?
We weren't even that close personally, nor friends who hanged out. We just simply talked... chatted at that. Kaya paano ako magde-demand ng sorry mula sa kaniya dahil sa nagawa niya? Mas mainam na huwag ko na lang isipin kaysa sa paulit-ulit na alalahanin. Hindi rin naman iyon dapat na i-big deal.
"Kung pakiramdam mo nabastos kita, sabihin mo, Eli. Kung naiinis o nagagalit ka, ibunton mo sa akin. Huwag mong kimkimin." Sinubukan niyang kunin ang kamay ko ngunit maagap ko 'yong naiwasan. "Huwag mong ipagkait sa sarili mo 'yong katapatan na maramdaman ang mga emosyong mayroon ka."
Napipe ako lalo dahil doon. Lahat ng sinabi niya ay may punto na maging ang pagkontra ay wala ng lugar. Pero may magbabago ba? Kahit naman anong gawin ko, hindi na no'n maaalis ang posibilidad na mauulit ang ganito. Na hindi lang siya ang huling beses na ikahihiya ako.
Dahil ano? Dahil kulot ako? Dahil salot ako? Mukha akong araw? Mukhang pulubi sa lansangan?
Wala namang ibang puwedeng maging rason kundi 'yon lang. Minsan iniisip ko na baka nasanay na ako sa ganitong pagtrato kaya hindi ko na lang iniisip masyado. He wasn't the first person who did that. And I sometimes feel like... maybe I was not really worthy to be brag about.
"Paano kung sasabihin ko sa'yo na sinadya kong hindi ka siputin?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sabay nang pagbaling muli sa kaniya. "Ano?" paghingi ko ng kalinawan.
"Nandoon ako, Elisha, sa second floor kung saan kitang-kita ang puwesto mo." Napayuko siya, itinatago ang mukha . "Hindi ako nagdadahilan dahil alam kong mali na nagpadala ako sa salita ng mga tropa ko noon. Kaya humihingi ako ng tawad, Elisha. Sorry kasi nagawa ko ang bagay na 'yon sa'yo kahit na minsan ko nang sinabi na magkaibigan tayo."
Umawang ang bibig ko sa gulat kasabay nang pagsikip sa dibdib ko. Parang may sumampal sa akin na kung sino at hindi ko naiwasan. Seryosong ekspresyon ng mukha ang suot ni Danrick habang nakatingin sa akin. Sa mga mata niya ay naroon ang paghingi ng tawad ngunit hindi ko lubos na naipo-proseso ang lahat.
Hindi, ang totoo ay gusto ko lang itanggi ang katotohanan.
What would that make me? He fooled me good and it was intentional. Kaya pala parang coincidence naman masyado na bigla na lang may gumawa no'n sa akin sa mall. Sinadiya pala talaga. Ano lang ba ako sa paningin nila na ginaganito nila ako kahit na hindi ko naman sila ginawan ng masama?
Bakit kailangan nila akong pauli-ulit na ibaba gayong ang gusto ko lang naman ay tahimik na buhay mag-isa?
"O-Okay lang," wala sa sariling sagot ko.
Hindi ko magawang mahanap ang mga tamang salita para may isagot sa kaniya. Kaya tanging ang nakasanayan na lang ang lumabas sa bibig ko para matapos na.
"Hindi 'yon okay, Elisha, at alam mo 'yan," pagbibigay riin ni Danrick.
Alam ko, pero wala akong ibang magawa dahil wala akong sapat na dahilan para magalit. Matagal ko nang tinanggap na hindi ako kailanman mabibigyan ng importansya. Na kahit ang mga kaibigan ko noon ay ipinagkait pa.
Wala namang kaso sa akin kung tatratuhin nila ako ng ganito. Hindi naman nila ako sinaktan ng pisikal.
"Maiwan na kita," paalam ko.
Mabilis ang mga kilos na niligpit ko ang mga gamit ko. Maging ang kay Zia ay inayos ko na rin.
Kukunin ko na sana ang bag ni Zia na nasa gilid ni Danrick nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.
"Kausapin mo ako, Elisha," pakiusap niya.
Nangunot ang noo ko, naguguluhan at nalilito. "Alam mo pala na hindi okay ang ginawa mo kaya bakit pinapaulit-ulit mo pa? Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan, Danrick? Nakapag-sorry ka na, diba? At sinabi ko naman sa'yo na okay na. Ano pa ba? Ipapamukha mo pa sa akin na ginawa mo akong tanga?"
"Hindi sa gano'n, El," pagtanggi niya.
"Eh 'di tigilan mo na ako. Kung wala ka nang sasabihin maliban sa mga paulit-ulit ko na lang naririnig mula sa'yo, huwag mo na lang akong kausapin. Okay na nga, eh," inis na saad ko. "Mas pinaalala mo lang sa palaging paghingi ng tawad. Kung may kasalanan ka man, kung sinadiya mo ngang talaga, pinapatawad kita."
"Elisha..."
"Kung talagang nakokonsensya at nagsisisi ka, huwag mo nang ipaalala sa akin. Pinagmukha mo akong tanga," balewalang saad ko sa huling salita. "Okay na. At huwag na sana nating balik-balikan ang usapan na 'to, Danrick. At nagmamakaawa ako, lubayan mo na ako."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Nagmamadali na akong lumabas sa canteen at iniwan siya roon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top