Kabanata 6
Dati
"Puwede ba kitang kausapin, Eli?" nananantyang tanong ni Danrick nang mabakante ang klase.
Pagtutol ang unang nanaig sa akin habang nakapako ang paningin sa notebook na pinagsusulatan ko ng kung anu-ano.
"Para saan?" matabang na tugon ko.
I don't want to be a hypocrite and welcome him with open arms when he did otherwise to me months back. I expected nothing at that time and he gave me that, the worst I thought of.
"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad para sa nangyari tatlong buwan na ang nakararaan," mahinang wika niya.
"Kalimutan mo na," mabilis na pagtatapos ko bago pa man humaba ang usapan.
"Pero, El—"
"Okay lang," mariing putol ko sa mga salita niya. "Trust me, nakalimutan ko na."
Siyempre hindi 'yon totoo.
Paano ko malilimutan ang araw na itinanggi niya ako sa harap ng mga kaibigan niya? Paano ko ibabaon sa kasuluk-sulukan ng isip ko ang mga salita niya? Gusto ko siyang sumbatan pero hindi ko magawa dahil alam kong babalik lang sa akin 'yon. Kung hiniritan ko man siya ng mga katagang hindi na sana niya ako inaya na lumabas,paniguradong nabalik lang din sa akin 'yon sa pahsasabing may pagkakataon naman akong tumanggi na lang.
As much as I don't want to admit it, I know that within me I was seeking for validation from other people. I want to show that even with the kind of person I am, I can still be with someone. It doesn't necessarily equate to being romantically linked with a man. Just a simple friendship with no judgement in between.
At 'yon mismo ang inakala kong mayroon sa amin ni Danrick dati. Na pinatunayan niyang mali dahil sa ginawa niya sa akin.
It was only three months ago but the regret I am feeling overpowered the want I felt. Bakit nga ba kasi inisip ko pa ang bagay na 'yon gayong dapat ay tinututukan ko na lang ang pag-aaral ko.
"Hindi ko sinasadya, nadala lang ako sa mga kaibigan ko," dahilan niya.
Napangiwi ako ng mapait dahil sa narinig. Maging ang pagsusulat ko ay biglang nahinto para siya naman ang lapatan ng ko ng tingin. "Hindi mo ako kailangang bigyan ng rason para lang gumaan ang konsensya mo, kung nakokonsensya ka man. Mas matutuwa pa ko kung lulubayan mo na ako dahil wala na talga sa akin ang bagay na 'yon."
"Galit ka nga." Malalim siyang buntonghininga na para bang bigat na bigat sa dinadala.
"Hindi, Danrick, hindi talaga," pagpapatotoo ko sa kanina ko pang sinasabi sa kaniya. "Nakalimutan ko na 'yon kaya mas maganda kung kalilimutan mo na rin. Not as if it was something we should be making a big deal."
Ang sarap palakpakan ng sarili ko kung posible lang ngayon. Kung magiging tapat lang ako ng kahit na dalawampung porsyento ay kabaligtaran ang sasabihin ko sa kaniya.
I have never forgotten about it and I don't think I would be able to. And as much as I want to disregard that day as if it didn't existed at all, I just couldn't get myself to. Masyadong malalim ang pagkakabaon ng mga salita nila sa isip ko. Even though I wasn't hurt physically, their words remained in my mind as if tattooed on it.
Palaging nagpapaalala.
Palaging umuulit sa isip ko tuwing nakikita ko siya.
Bagot na tinapik ko ang lamesa habang patingin-tingin sa gilid ko kung padating na ba siya. Ang sabi niya sa akin ay nandito na siya by six thirty para sakto sa dinner pero wala pa rin hanggang ngayon.
"Mauna na ako, Eli, ha? Gagawa pa kasi ako ng report ko," paalam ni Zia na kanina pa ako hindi iniiwan sa kabila nang pagtataboy ko.
"Kanina pa kita pinapaalis, ikaw lang 'tong mapilit, Zia." Ikinumpas ko sa harapan niya ang kamay ko. "Sige na, mauna ka na. Uuwi na rin naman ako mamayang kaunti."
Ilang minutong paalamanan pa ang nangyari bago siya tuluyang nagpaubaya at umalis. Naiwan ako sa lamesang okupado namin sa food court ng SM. Katatapos lang namin gumawa ng group project namin na music video sa MIL at inaya niya ako rito pagkatapos. Libre niya syempre dahil kung ako lang ay talagang tatanggi ako.
Kanina pa dapat ako uuwi kaso niyaya ako ni Danrick na magkita dahil may sasabihin daw siya kaya pumayag na ako. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa siya kahit na halos isang oras na ang nakararaan.
'Sa'n ka na? Kanina pa ako rito, uwing-uwi na ako.
Hanggang 8 lang ang paalam ko kaya baka hanapin na ako sa amin.
Sabihin mo kung hindi ka na dadating para makaalis na ako.'
Buntonghininga ang naging kasunod ng mga mensaheng ipinadala ko. Na mas lalo pang naging malalim sa mga sumunod na minuto dahil walang Danrick na sumagot sa akin.
Nang pumatak sa alas-siyete ang malaking kamay ng pambisig kong orasan ay walang pagdadalawang-isip na tumayo na ako. Wala na rin namang magandang rason para hintayin pa ang taong wala namang intensyon na magpakita sa akin.
Akala ko ay magtutuluy-tuloy ang katahimikan sa aking paglalakad matapos makalabas ng mall ngunit biglang naputol ang pisi ng kapayapaan sa buhay ko nang walang anu-ano'y bigla na lang may humampas sa nakapusod kong buhok.
Hindi 'yon malakas na malakas ngunit may puwersa kaya muntikan na akong napasubsob kung hindi lang ako nakabawi agad.
"I choose you!" malakas na sigaw ng taong pumalo sa buhok ko.
"Hi, Miss Golden Buzzer," bati ng kung sino sa likuran ko. "Putcha! Mukha talagang pugad ng ibon!" dagdag niya sabay tawa ng malakas.
Ang bulong ng isip ko ay huwag silang pansinin, ngunit bigo ako dahil dahan-dahan ko silang nilingon.
And I shouldn't have looked at them to spare myself from the feeling of betrayal upon seeing how Danrick stood beside the guy whom I assumed called me a name far from Elisha.
"Danrick," wala sa sariling usal ko.
Inakbayan siya ng lalaking sa hinuha ko ay siyang pumalo sa buhok ko. "Kilala mo, bro?"
Hindi naitago ni Danrick ang hesitasyon sa mga mata niya bago niya pa man iwasan ang mga mata ko. At dahil doon ay walang hirap niyang nasugatan ang puso ko.
"Hindi ko kilala," sagot niya.
"I hope you forgive me, Eli," Danrick said with a hint of sadness in his voice.
"I cannot forgive you for there's nothing to forgive, Dan. But I would really appreciate it if you would just leave me alone." I sighed in irritation and I didn't even bother hide it.
"Hindi na ba tayo babalik sa dati?" malungkot niyang tanong.
Mabilis ang naging pag-iling ko. "Wala naman tayong dati na babalikan, Danrick."
Hindi ko alam ang rason niya para gawin ang ginawa niya noon. Hindi kami magkaibigan kung tutuusin pero nagpapalitan kami ng chat gabi-gabi.
And I assumed we were way better than what I supposed we were. At alam kong mali 'yon, na inasahan ko siya sa isang bagay na malabo namang mangyari sa reyalidad. Pero akala ko na kahit hindi man namin matukoy kung ano ba talaga kami ay hindi niya ako ikahihiya na para bang mayroon nakahahawang sakit.
Nasaktan ako, oo, dahil akala ko sapat na ang mga palitan namin ng salita sa chat para maging panatag kami sa isa't isa pero mali pala. Because those long conversations, exchange of good mornings and good night's, as well as those sweet messages were useless.
Lalo na nang malaman kong hindi lang naman pala siya sa akin gano'n. France told me one day from months ago that they also shared messages with the same context as mine. And same context as with those two more girls from our class. Alam ko na kasalanan ko dahil umasa ako sa mga salita niya, na nagpadala ako. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit dahil gano'n na nga ang ginawa niya ay itinanggi niya pa ako.
"Babawi ako, El," pangako niya,
Hindi na ako nagsalita dahil mas lalo lang hahaba ang usapan. Hindi ko na rin itinaas ang expektasyon ko, ni hindi ko na nga inasahan dahil walang kasiguraduhan kung magagawa niya ba.
"Eli!" sigaw ni Zia sa pangalan ko.
An automatic sigh of relief escaped my mouth as I finally have a reason to move away from him.
"Excuse me," paalam ko sabay tayo para puntahan ang kaibigan ko.
"Anong problema ni Danrick?" bungad niya nang tabihan ko sa labas ng room.
"Nagso-sorry kahit wala namang kasalanan," paliwanag ko.
"Ano mo ba kasi 'yon?"
"Kaklase." Tumawa ako ng mahina.
Wala naman kasing eksaktong sagot sa tanong niya maliban sa salitang 'yon. Iisipin ko pa sanang espesyal ang mga palitan namin ng mensahe kung hindi ko lang nalaman na gano'n din pala siya sa iba.
"Bakit mo ba ako tinawag dito?"
"Wala naman, iintrigahin lang sana kita sa nangyari noong isang araw." Nginisihan niya ako na nagpapahiwatig na may alam siya sa ginawang paghatid sa akin ni Medwin.
"Wala akong sasabihin," mabilis na putol ko sa usapan.
Hindi ko na nga binanggit magmula kanina dahil alam kong aasarin lang niya ako. Hindi naman sa may sasabihin talaga ako dahil wala naman talagang mapag-uusapan na nangyari. At isa pa, nakakahiya na kaibigan niya si Medwin.
"Ang damot naman nito." Pinaikutan niya ako ng mga mata.
"Wala nga talaga. Isa pa, hindi naman niya ako hinatid sa bahay mismo. Hanggang bungad lang dahil baka maging laman na naman kami ng tsismisan ng mga kapitbahay namin," kuwento ko. "Baka mamaya makita lang nila akong may kasamang lalaki makarating na sa buong baranggay na buntis ako."
I shivered at that thought. Hindi 'yon nalalayo sa reyalidad dahil 'yon madalas ang nangyayari sa branggay namin. Kahit na isang kilometro pa ang layo ng balita ay maaabot hanggang sa kasuluk-sulukan ng lugar.
Lalo na sa amin na kahit hindi naman nila lubos na kilala ang mga tao ay may sinasabi silang hindi naman makatutulong. Ginawa na nilang buhay 'yon pero kapag sila ang pinag-uusapan galit na galit na akala mo hindi nila ginawa sa iba.
"Ano naman kung may kasama kang lalaki?" naguguluhang tanong ni Zi.
"Trust me, ang kasunod no'n may maririnig ka na lang na magsasabing malandi ako." Sarkastiko akong natawa. "Makapanghusga akala mo naman may ambag sa pamilya namin."
Napasimangot na lang ako nang maisalarawan sa isip ang lugar na tinitirhan namin. Hindi man ako madalas na lumabas sa bahay pero maging ako ay nakaririnig ng mga tsismisan dahil sa lakas ng boses ng mga kapitbahay namin.
"Nakatingin si Danrick dito," imporma niya.
Nilabanan ko ang kagustuhan na lingunin din ang lalaki. Ayaw ko na lang i-involved ang sarili ko sa kaniya. Ayaw ko lang kasi talaga ng pakiramdam na pinagdududahan ko ang mga tao sa paligid ko.
'Yong tipong hindi nawawala sa isip ko na baka pinag-uusapan nila ako kapag nakatalikod ako. Katulad ng pakiramdam na ibinigay sa akin ng mga kaibigan ko noong junior high.
I just find it unhealthy to think negatively of your supposed friend. At hindi tama lalo na kung ang dapat na ginagawa ng magkaibigan ay pagkatiwalaan ang isa't isa.
Pero anong magagawa natin? Iyon kasi ang reyalidad. Sa isang sirkulo ng magkakaibigan ay pagkakataon na mararamdaman mong hindi ka kabilang. Katulad ko noon na palaging ibinabagay ang sarili sa iba. Na umabot pa sa puntong nagagawa ko na ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa noon.
But Danrick is a different story. Minsan niyang ipinaramdam sa akin na katanggap-tanggap ako pero nadismaya ako ng todo dahil sa ginawa niya.
Nabalewala.
Ikinahiya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top