Kabanata 5

Biro

The night that used to feel so short became long with Medwin walking me home. The coldness that I always embrace alone suddenly became shared with one more person. Even the familiar road that my eyes adore became unfamiliar yet mesmerizing with one person standing beside me.

Tonight, I don't feel alone.

With him beside me, I felt comforted.

Tuwing ganito na naglalakad ako pauwi, kinakaawaan ko ang sarili ko. Lalo na tuwing may kaklase akong nakasasabay sa paglalakad dahil nahihiya ako. Not when a person I thought was my friend belittled me indirectly just because I chose to walk my way home than to ride a tricycle for convenience way back junior high school years.

"It's rare to have this kind of moment nowadays," Merwin commented while looking up at the sky while walking.

Alertness filled me, with the fear of him bumping into something. Bakit ba naman kasi kailangang tumingala habang naglalakad?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko habang iginagala ang paningin sa paligid.

"'Yong ganito, naglalakad-lakad ka lang at walang inaalalang mga bagay. 'Yong mararamdaman mo ang malamig na hangin sa balat mo at nakikita mo angkulay kahel na langit dulot ng papalubog na araw." Umukit ang isang ngiti sa mga labi niya. "Ang perpekto ng dapit-hapon na 'to."

Halos magkapanabay kong naramdaman ang kalituhan at ang malakas na kabog ng dibdib ko na mas lalo lang akong ginulo. Hindi ko mahanap ang salitang perpekto para ngayong gabi maliban sa nakakapanibagong tagpo na kasama ko siya ngayon.

I should find it awkward to be with someone I am not close with, just like any normal day in my life where I distance myself from other people.

Pero iba ngayon. Sobrang iba na siya ang kasama ko.

I am just simply... amazed by the fact that I stand beside him.

"Ano... puwede ka nang umalis," mahinang pagtataboy ko sa kaniya nang maramdamang muli ng hiya. "Okay lang naman ako sa paglalakad mag-isa. Tutal ay maliwanag pa rin naman ang paligid at marami pang tao, hindi ako mapapahamak."

Nalukot ang ilong ko nang hindi magtunog tama sa sariling pandinig ang mga huling nasabi.

Sure ka bang mag-aalala siya kung mag-isa ka?

"Sinabi ko na sa 'yo na ihahatid kita at wala sa intensyon ko na bawiin 'yon," giit niya.

"Pero kasi baka nakakaistorbo na ako sa 'yo."

Unti-unting bumagal ang paglalakad ko sa intensyon na magpaiwan sa kaniya. Ngunit nabalewala lamang 'yon nang maging si Medwin ay nagdahan-dahan din para magpantay muli ang paglalakad naming dalawa.

"Rest your mind, Elisha. You are not a nuisance, alright?" He tapped the top of my head lightly.

"Hindi naman kasi kailangan, eh." Pinangigilan ko ang ibabang labi ko dahil sa hiya. "Si Zia naman kasi ang ipinunta mo roon kanina kaya hindi ka na dapat nag-abala."

"At ano? Hayaan kitang mag-lakad mag-isa? No way, Elisha," mariin niyang tutol sa ideya.

"Sanay na ako, Medwin." Ngumiti ako sa kawalan bago muling ginawang normal ang bilis nang paglalakad. "Ganito na ang routine ko gabi-gabi kaya wala ng problema sa akin. Safe naman akong nakakauwi sa amin."

"Mabuti na rin ang sigurado, El," pagtatapos niya.

Wala akong nakitang pagtutol sa sarili ko dahil maging ako ay hindi magagawang ipaglaban ang gusto ko. Sa ilang taong ganito ang kalakarang mayroon ako tuwing pumapasok at umuuwi, hindi ko maitatanggi na hindi ako nakaranas ng masama.

Minsan ko nang naranasan na may sumabay sa akin sa paglalakad sa parteng madilim na. At minsan na ring may nagpilit na mag-alok sa akin na pedikab driver na isasabay ako kahit na anong tanggi ko.

At totoong natakot ako. Hindi man iyon nagsanhi ng malalang trauma sa akin, hindi naman nawala ang mga tagpo na 'yon sa isip ko. Na minsan pa nga ay madalas ang bawat paglingon ko sa likod para lang masiguro na ligtas ako.

Kaya ang makasama siya ngayong gabi ay nagbigay sa akin ng kasiguraduhan ng sarili kong kaligtasan. Noon, hindi ko magawang magtingin-tingin at mag-obserba sa paligid ko dahil alerto ako. Pero ngayon, may laya ako dahil kampanteng hindi ako mapapahamak dahil kay Medwin na sinamahan ako.

Kung maaari nga lang humiling sa mga tala na maulit ito, kaso alam kong malabo dahil hindi naman kami lubos na magkakilalang dalawa. Nagkataon lang talaga na napagbigyan ngayong gabi dahil sa paghahanap niya kay Zia.

"Kung hindi mo mamasamain, bakit pinipili mong maglakad?" maingat niyang tanong.

'Di tulad ng unang beses na may nagtanong sa akin nito na ang intensyon ay hayagang pang-iinsulto, wala akong ibang maramdaman mula sa kaniya kundi kuryosidad.

"Wala lang. SIguro nakasanayan ko na lang?" hindi siguradong sagot ko. "Magmula naman kasi elementary naglalakad na ako kaya siguro hanggang college nadala ko."

"Hindi ba nakapapagod?" tanong niya ulit.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman. Nakasanayan ko na rin kasi. At ang mahal ng pamasahe para sa distansyang kaya ko namang lakarin."

"You are something, Elisha," papuri niya na hindi ko inaasahan.

Kung hindi ko pa napigilan ang sarili ko ay baka napaihinto na naman ako sa paglalakad dahil sa kaniya. This night is already unexpected and hearing him say such words was just something I didn't even dream of hearing.

Especially not from someone I like.

***

Buhay ang inggit sa puso ko habang tinitingnan si Celine na suot ang isang magara at kulay pulang bestida. Napapaligiran 'yon ng maliliit ngunit makikinang na mga diyamanteng nagmamalaki. Ngunit habang tumatagal na pinagmamasdan ko ang litratong ipinakita sa akin ni Jasper ay sarili ko na ang nakikita ko.

I envisioned myself wearing the same thing as Celine. Something sophisticated and extravagant that would make me feel like a princess. I dreamt to feel what she must've felt being all dolled up with expensive makeup.

Kaso iba ang reyalidad na mayroon ako at kailangan kong mabuhay sa kasalukuyan kaysa sa pantasyang hinding-hindi ko mararanasan.

"Ang gara talaga ng debut ni Celine," humahangang sabi ni Mina. "Pati 'yong venue at catering, halatang ginastusan."

Ang sarap siguro sa pakiramdam na mayaman ka. Nagagawa mo ang mga bagay na gusto mo. Nakukuha at nabibili mo ang mga materyal na bagay na nais mo. Wala kang poproblemahing bayarin, at maging sa pagkain ay hindi mo titipirin.

Kung puwede lang humiling ng ipanganak sa ibang sitwasyon, kaso ito ang buhay na mayroon ako. Salat. Palaging hindi sapat at hanggang paghahangad na lang ng mga bagay na hindi ko pa makukuha sa ngayon.

Pero balang-araw, alam ko na hindi lang kami hanggang dito. Marami akong pangarap para sa pamilya ko at sa sarili ko na rin. Gusto kong magmay-ari ng sarili kong negosyo, ang patayuan ng bahay ang pamilya ko, at ang bumili ng sarili kong bahay.

"Sayang talaga at hindi kayo pumunta ni Zia," wika ni Sharmaine na atribida kong kaklase.

Tulad ko ay hindi rin sumipot sa imbitasyon si Zia. Hindi ko alam ang dahilan niya, basta nag-text na lang siya sa akin na hindi raw siya makakapunta kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Gustuhin ko mang pumunta roon at maranasan ang isang bagay na hindi mangyayari sa buhay ko, hindi ko na ipinilit dahil mapapagastos lang kami. Ayaw ko namang makipagsosyalan sa ibang tao lalo na kung ang ilalavas na pera ay uutangin lang sa kapitbahay.

Kuryente nga namin hindi pa naipapakabit ulit, uunahin ko pa ba ang pagbili ng regalo para sa iba?

"Bakit kasi hindi kayo nag-attend?" tanong ni Jasper na isa sa mga dumalo sa nasabing selebrasyon.

"Bro, wala namang attendance sa birthday ni Celine," sarkasmo ni Zia sa lalaki. "May dahilan ako sa hindi pagdalo at gano'n din si Eli. At isa pa, hindi talaga iyan ang dahilan kung bakit tayo nandito, eh," pag-iiba niya sa usapan.

The boys we were sitting with groaned in protest. Kahit naman ako ay binalot nang pagtutol ng bigla ay hatiin ang buong klase namin sa hindi ko na mabilang na grupo na may tig-tatlong miyembro.

"Mayroon na ba kayong naisip?" tanong ni Zia sa akin mula sa kumpol na kinabibilangan niya. "Ako kasi malapit na maging baliw kaiisip ng posibleng maging research topic."

"We can use any topic we want, right? Not limited to marketing or any business-related topic?" I asked in which she nodded in response.

Alam kong isa ito sa mga pagdadaanan namin ngayong senior high. Pero iba pa rin pala talaga kapag kaharap mo na. Pag-iisip pa lang ng title pinahihirapan na agad kami, isama pa na may title defense pa kami sa susunod na linggo.

Pampalubag-loob ko na lang talaga na qualitative ang research para ngayong school year. Dahil kung nagkataon na quantative, talagang breakdown gabi-gabi ang mararanasan ko dahil sa stress.

"Paano kaya kung study about sa mga street children? Lalo na roon sa may simbahan sa bayan," suhestiyon ni Jasper.

"O kaya 'yong mga nagbabakal-bote?" si Michael.

"Puwede rin 'yong experiences or coping mechanisms ng mga transferie students," dagdag ko na base sa mga naranasan nang lumipat dito.

"Paano ba gumawa ng title muna kasi? Wala akong data pang-search ng guide." Pinaglaruan ni Jasper ang ballpen na hawak na tila ba ipinamumukhang hindi siya interesado sa kailangan naming gawin ngayon.

Hindi kami kailanman naging malapit sa isa't isa pero umaasa ako na magiging maayos ang lahat para sa aming tatlo.

"Siguro ipa-check na lang muna natin kay Sir ang concepts natin na mayroon tayo ngayon. Sinabi rin naman kasi niya kanina na hindi puwedeng may dalawang grupo sa iisang topic," paliwanag ko sa naiilang na tono, hindi sanay umasta na lider ng grupo.

Hanggang ngayon kinukuwestiyon ko pa rin ang naging paghahati sa section namin. We were told that the class would be classified into three, from the smart, to middle, and down to the least smart ones. At automatic na leader ang mga nasa unang pangkat kaya hindi ko maintindihan kung bakit doon ako napabilang.

I don't consider myself as an intelligent kid. Heck, I don't even study that well. Nangongopya nga lang din ako kay Zi ng balance sheet niya dahil sobrang hina ko sa kahit na anong may kinalaman sa math o numero. Kahit nga plus at minus lang 'yan na ginagamitan ko pa ng calculator para lang masiguro na tama ang sagot ko.

"Michael, ikaw na," tulak ko sa isa pa naming kagrupo.

Nahihiya kasi akong mapahiya oras na mamali ang mga nilista naming concept sa papel. Actually, last week pa ibinigay sa amin 'yon kaya may kaunti na kaming ipon. Pero ang mapanatag ay malabo dahil istrikto si Sir Mariano pagdating sa ganito.

"Bakit ako? Ikaw ang leader natin, eh," dahilan niya sa akin.

Pinigilan ko ang sarili ko na sumimangot. "Tayong tatlo na lang. Tara," anyaya ko na hindi na nila kinontra.

Dala ang kaba sa dibdib na sama-sama naming tinungo ang teacher's table sa harap ng room. Prenteng nakaupo roon si Sir Mariano habang tahimik na inililibot sa bawat sulok ng room ang paningin para obserbahan kami.

"Sir," maingat na bati ko. Sa maliliit na hakbang ay lumapit ako sa kaniya kasunod ng mga kagrupo ko. "Papa-check lang po sana ng topic Sir."

Naging sunud-sunod ang paglunok ko dahil sa biglaang pagbilis ng tahip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano patinuin ang isip ko o ang kumbinsihin ang sarili na kailangan ko ito. Kung wala lang sigurong responsibilidad na nakaatang sa balikat ko ay hindi ako maglalakas loob na kumausap ng teacher.

"Yes, Miss Sta. Monica?" He extended his hand to reach for the paper I was holding.

But instead of looking at those, his eyes was fixated on my head. On a more specific place, my hair.

"Wala ba kayong naaalala sa buhok niya?" natatawa niyang tanong sa mga kasama ko.

Hindi pa man lumilipas ang isang segundo ay sinegundahan na agad ng dalawa ang pagtawag ni Sir, nakukuha ang gusto nitong ipunto.

"Sir naman." Matunog na humalakhak si Jasper, nasisiyahan sa pinag-uusapan.

Napako sa kahoy na lamesa ang paningin ko nang kukunin ng hiya dahil sa pare-parehong iniisip ng tatlo.

Sir Mariano's question would've been just a joke and a harmless one, but it ended up bruising my soul. I knew what they were talking about and they effortlessly made me feel embarrassed about myself.

Kung puwede ko nga lang pagbawalan ang isip ko na huwag tumbukin ang partikular na parte ng katawan ko ay ginawa ko na. Kaso sa tanong pa lang at palitan nila ng tawa ay alam ko na, at sigurado akong ano man ang nasa isip ko ay tama.

Wala namang masamang ginawa sa akin, ni hindi man nga ako hinawakan ng isa sa kanila pero pakiramdam ko ay nabastos ako. Biglang nanliit ang sarili ko at gusto ko na lang tumakbo at lumayo. Para magtago... Para iligtas ang sarili ko mula sa mga salita nilang sumusugat sa pagkatao ko.

"Grabe si Sir," pagsakay ko sa biruan nila upang huwag mas mapahiya. Maging ang pagpapakawala ng pekeng tawa ay ginawa ko na rin, maiparating lang sa kanila na okay lang sa akin.

"Ito namang si Elisha. Ang tanda mo na para sa ganitong usapan." Tumawa siya ulit sabay baling na sa wakas sa papel na siyang pakay namin. "Ayaw mo bang isama sa topic niyo ang mga taong may kulot na buhok? Sabagay, halos lahat naman pala may gano'n." Tumawa siya ng malakas.

I bowed my head even more to cover my face from my classmates' eyes. Kumpiyansa akong hindi narinig ng mga nasa likuran ang pinag-uusapan naming tatlo. Pero ang mga nasa harapan ay may posibilidad na nakarinig at itinatago lang ang tawang gusto na rin nilang pakawalan.

Siguro nag-o-overthink lang ako at malayo na ang nararating ng imahinasyon. Pero dahil sa mga naririnig ko ay sobrang bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Binastos ako ng hindi harapan pero ang epekto ay pareho lang.

Sa tawa pa lang nila pakiramdam ko ay mababang uri ako.

Pero gaya ng nakasanayan ay umakto akong walang naririnig. I tried to laughed it out and appear unbothered by their dirty jokes.

Kahit na ang totoo ay masakit... at sobrang nakapanliliit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top