Kabanata 3

Kuya

"Kulot salot! Kulot salot!" magkakapanabay na pakantang sigaw nila habang ang hintururo ay nakaturo sa direksyon ko.

Sa rami nila at sa lakas ng mga boses nila, nagmistulang isang kanta ang ginagawa nilang pagsigaw ng insulto sa akin gamit ang dalawang salita na 'yon na nilapatan nila ng tono at ritmo.

Napasimangot ako. At unti-unting napagtantong ito na yata ang awit ng buhay ko. Dahil kahit saan man ako mapadpad, iyon at iyon ang kinakanta ng mga tao para sa akin. Wala namang bago. Kung bibilangin ang mga pagkakataon na ganito, mauubusan lang ako ng oras. Mahirap naman patulan dahil mga bata at alam kong natural na sa kanila ang pagiging ganito. Mapang-insulto at walang respeto.

Pero wala man lang bang susuway sa kanila at magtuturo kung ano ang tama? Dapat bang hayaan na lang na mulat ang kaisipan nila sa pang-iinsulto ng kapuwa? And we should not even justify what they were doing saying that they were all young all the time. Kung maaari at makakaya namang maitama, bakit hindi ginagawa?

The problem about people sometimes is that, regardless of their age, insulting other people became a pastime that seeing it as something wrong became impossible.

Sa lahat ng mga batang nasa harapan ko ay nasisiguro kong doble ang edad ko pero kung tratuhin nila ako ay tila mas lamang sila sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin dahil alam kong natural na sa kanila ang maging ganito. Sa araw-araw ba naman na nadadaanan ko sila, nakabisado ko na rin kung paano sila kumilos at trumato ng kapuwa sa kabila ng murang edad na mayroon sila.

Palampas na ako sa kanila nang maramdaman ko ang marahas na paghila ng kung sino sa buhok ko mula sa likod. Matalim ang mga mata na nilingon ko ang taong 'yon at bumungad sa akin ang bata na tumatayong lider nila.

Pinagkunutan ko siya ng noo ngunit pinanatili kong tikom ang bibig ko.

"Mangkukulam!" sigaw niya sabay dura sa akin bago kumaripas ng takbo kasunod ang mga kalarong bata.

Napatingin ako sa short kong ngayon ay may dura na ng batang 'yon. Naiiling na pinabayaan ko na lang bago nag-angat ng tingin at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Binalewala ko ang tingin ng mga tao sa paligid ko dahil sanay na ako sa mga 'yon. Wala rin naman silang gagawin at hindi rin naman nila sinusuway ang mga anak nila sa ginagawa. Mas gusto pa nila ang magsugal at pagtsismisan ang mga kapit-bahay nila.

"Magpa-rebond ka na kasi, Eli. Para hindi ka na tinutukso," sabi ni Aling Rosie na nagpapaypay ng paninda niyang ihaw nang madaanan ko siya.

"Pumunta pa nga lang ho sa parlor ayaw ko na," nangingilabutanf saad ko.

Hindi ako galit sa mga parlorista. Pero madalas kasi akong nakatatanggap ng mga hindi magagandang tingin na ibinibigay nila sa akin tuwing madadaan ako sa establisimyento nila. They see me as a challged they want to take. And I sometimes feel like they wanted to prove their skills and how good they are by rebonding my hair.

Madalas nila akong nilalapitan upang alukin ng rebon. Tuwing sinasamahan ko naman ang pinsan ko ay palagi nila akong tinitingnan sabay bulungan. Wala namang kasiguraduhan kung ano ang maaari nilang pinag-uusapan, it might not even be about me, but the way they stare felt kike it.

"Ayaw ko po. Masisira ang buhok ko. At saka hindi ko na ho kasalanan na kulang sa magandang asal ang mga batang 'yon. Kulang yata sa aruga at nawalan na ng respeto sa mas matanda sa kanila," nakabusangot na sagot ko.

Umani 'yon ng tawa mula kay Aling Rosie. "Ikaw talagang bata ka." Mas lumapit siya sa akin at mahingng nagsalita, "pero tama ka, kulang nga sa gabay ang mga batang 'yon. Paano'y mas magaling pa sa pagsusugal ang mga nanay kaysa sa pagsaway sa mga anak na walang modo. Tingnan mo nga, babad sa initan at nangangamoy araw na."

Napahagikhik ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga tao rito sa amin na sugarol ang mga ina ng mga batang mas madalas pang nakababad sa kalye kaysa sa pumirmi sa mga bahay nila.

"Sige po, mauuna na ako."

"Sige, anak. Sana sa mga susunod na daan mo rito sa puwesto ko ay may nobyo ka nang nasa tabi mo," pahabol niya.

Napaubo ako nang malakas sa sinabi ni Aling Rosie. Kung may iniinom o kinakain lang ako ay paniguradong naibuga ko na 'yon ngayon sa harap niya dahil sa narinig. "Aling Rosie naman, sa itsura ko ba naman na ganito ay may magkakagusto sa akin? Mukha na nga daw akong pangit at ita sabi ng mga kaklase ko noon sa elementarya, eh."

"Nako, ikaw na bata ka. Masyado kang nagpapaniwala sa mga mapanghusgang 'yon. Ang puti mo nga, eh. Maganda ka pa. Ang tangos-tangos pa ng ilong mo. Paano ka naging pangit kung maging sa kalooban ay napakabuti mo? Kung puwede ko nga lang ireto sa'yo ang apo ko ay ginawa ko na." Humalakhak siya at ipinaypay sa sarili ang pamaypay na gamit niya para sa mga paninda. "Kaso dakilang tambay 'yon at walang patutunguhan lalo na at batugan. Pero alam mo, maganda ka talaga, anak. Walang halong biro. Kaya nasisiguro ko na may mga lihim na nagkakagusto sa iyo, nahihiya lang umamin ang mga iyon."

Umasim ang mukha ko. Alam ko naman kasi na malabo ang bagay na iyon. Lalo na at hindi naman ako nakikihalubilo sa iba. Masyado ring matataas ang standards ng mga kalalakihan sa pinapasukan ko kaya mas malabo pa sa malabo.

I know them and their type. They mostly like those pretty girls in the block. Tipong fashionista at magaling umawra. Those girls who like to doll up themselves are the total opposite of who I am.

Ni hindi ko nga alam kung paanong maglagay ng pantay na liptint, eh. Maski ang masubukan ang mag-apply ng tint sa dalawang pisngi para gawing blush on ay hindi ko kaya. Kahit nga kilay ko ay hindi ko magawang maahitan. I just simply don't care about my appearance. Basta alam ko tao ako, iyon na iyon.

"Sige na, hija, baka hinahanap ka na sa inyo. Gabi na, oh," sabi ni Aling Rosie.

"Sige po, Aline Rosie. Makabenta po sana kayo ng marami," paalam ko.

Tahimik na naglakad ako papasok sa eskinita namin. Gaya ng inaasahan ko na ay sumalubong sa akin ang pabilog na lamesang puno ng mga alak sa ibabaw. Maging sa gilid no'n ay namataan ko rin ang tore-toreng case ng beer. Sinikap kong maging maingat sa paglalakad palampas doon. Mahirap na at baka may masagi pa ako, magbabayad pa ako ng wala sa oras para sa ganito.

Kusang nagsalubong ang dalawang kilay ko nang madatnan ang madilim na loob ng bahay namin. May naririnig akong tinig ng mga nag-uusap ngunit wala akon maananig dahil sa sobrang dilim. Maging sa labas ng bahay ay wala ring kahit na isang bumbilyang maaaring magbigay ng liwanag gayong noong isang buwan lang nang magkabit si Papa ng ilaw roon.

"Ma?" patanong na pagtawag ko sa kaniya. "Ate?" muling pagtawag ko ngunit walang sumagot sa akin.

Lumikha ng ingay ang ginawa kong pagbukas ng yerong pinto ng bahay. Maging ang pagsarado no'n ay maingay rin.

"Ma? Bakit patay pa ang mga ilaw? Gabi na," pagsasatinig ko.

"Eli? Anak? Halika nga rito at tulungan mo akong maghanap ng kandila. Nakalimutan kong bumili kaninang tanghali dahil sa paglalaba ko ng mga dami ni Amado," tinig ni Mama.

"Bakit kailangan mo ng kandila? Hindi naman brownout dahil nakita ko pang bukas ang ilaw sa bahay nila Aling May sa kanto," naguguluhan kong tanong.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nang mahanap 'yon ay dali-dali kong binuksan ang flashlight. Agad na bumaha ang liwanag sa kapaligiran, inilalantad sa mga mata ko ang tunay na estado ng aming kabahayan.

Nagkalat sa kahoy na upuan ang mga damit na sa tingin ko ay mga bagong lalabhan ni Mama para bukas. Maging ang lababo ay wala na rin sa ayos, napakagulo at hindi mabilang sa iisang daliri lang ang patung-patong na platong huhugasan. Mukhang hindi na naman tumulong ang magaling kong kapatid sa gawaing bahay.

"Ma, bakit wala tayong ilaw?" muli ay tanong ko.

"Naputulan tayo, anak. Kanina lang pagkauwi ko galing San Sebastian," sagot niya sa akin.

"Po? Akala ko po ba ay nakapagbayad na? Wala pa rin po bang padala si Papa?" puno ng prustrasyon na tanong ko.

Biglang pumintig ng malakas ang puso ko sa hindi malamang kadahilanan. Basta ay bigla na lang 'yong kumabog habang sa isip ko ay unti-unting lumilinaw sa akin ang lahat.

Wala na kaming kuryente.

"Hindi pa rin nagpaparamdam ang Papa mo. Sinubukan kong tawagan kanina pero hindi na nagri-ring," paliwanag niya.

"Eh, ang pambayad sa kuryente? 'Di ba, may naitabi na tayo sa huling padala ni Papa?" tanong kong muli.

Nag-iwas ng tingin si Mama. At sa ginawa niyang 'yon ay napagtanto kong may mali na namang nangyari habang wala ako.

"Ninakaw na naman ng walang hiyang 'yon?" gigil na tanong ko.

Nanatiling tikom ang bibig ni Mama kaya ang inis ko ay unti-unti nang umakyat sa ulo ko. Pero imbes na palakihin pa ang gulo, inipon ko na lang 'yon sa dibdib ko kasama ng iba pang hinanakit ko mula pa noon.

"Paano na tayo nito ngayon? Babalik na naman tayo sa buhay na dilim ang nakapalibot sa atin?" naghihinanakit kong sabi.

"Gagawan ko ng paraan, anak," pagbibigay niya ng kasiguraduhan.

"Anong paraan naman, Ma? Maglalabada ka na naman hanggang magsugat-sugat na ang kamay mo?" Umiling ako sa kaniya. "Huwag na, Ma. Sanay naman na tayong walang kuryente noon pa kaya hayaan mo na. Para na rin makita ng lalaking 'yon ang resulta ng ginawa niya," galit na sabi ko.

"Huwag mong pagsalitaan ng ganiya ang Kuya mo. Kapatid mo pa rin 'yon," suway niya.

Mariin kong itinikom ang bibig ko nang maramdaman ang pangangati ng dila ko para sagutin ang pagsaway niya sa akin. Hindi ito ang unang beses na naging ugat ng mga pagtatalo namin ang bagay na 'to. At sa mga paulit-ulit na pagkakataon na ganito ay sobrang sumasama pa rin ang loob ko.

Alam kong kabastusan ang pagsabihan at pag-isipan ng masama ang nakatatandan kong kapatid. Ang hindi siya respetuhin pero hindi ko rin kasi mapigilan minsan.

Paano ko irerespeto ang isang taong hindi rin kayang respetuhin ang mga magulang namin?

Maraming gustong magkaroon ng Kuya. The idea itself is such a good fantasy. Having someone beside you who serves as the protector and someone who will guide you. 'Yong taong magbabanta na bubugbugin sino man ang magtangkang manligaw sa'yo.

But in reality, not every "big brother" can be that someone. Dahil minsan, imbes na pagprotekta ay siya pa ang kailangan mong gabayan. Imbes na umakto bilang nakatatanda ay tila siya pa ang pinakabata kung magbigay ng problema sa pamilya.

Suwertihan kumbaga.

"Paano na tayo nito ngayon?" nawawalan ng pag-asang tanong ko. "May research pa naman kami ngayon."

"Makiki-charge na lang tayo ng laptop sa Tita mo," sagot niya.

Puno ng iritasyong bumuntong hininga ako. "Sinabi ko na kasi sa inyo na pagsabihan niyo. Eh, masyado ninyong kinukunsinti ni Papa kaya mas lalong naging pasaway. Ilang beses na niyang nagawa 'yan, Ma. Ilang beses na ring nangutang sa kung kani-kaninong tindahan pero ni isa walang binayaran. Tayo pa ang maghihirap at mapapahiya."

"Pera lang 'yan, anak. Huwag tayong tumulad sa mga kapitbahay nating nag-aaway dahil lang sa pera na napapalitan naman," pangaral niya.

Imbes na pagaanin ang loob ko ay mas lalo lang bumigat ang dibdib ko sa sama ng loob.

Naiintindihan ko naman si Mama. Pilit kong iniintindi ang rason niya. Ayaw niya rin kasi na mapahiya ang pamilya namin tulad ng iba na halos buwan-buwan kung magsagutan at magbasagan ng mga gamit. Ayaw niyang magkaroon ng dahilan ang mga kapitbahay namin para pag-usapan kami.

Pero minsan kasi, kailangan din nilang pangaralan si Kuya. Bente uno anyos na ang lalaking 'yon pero puro sakit pa rin ng ulo ang inaambag sa pamilyang 'to. Ni hindi nga makapagtapos at paulit-ulit lang sa kolehiyo.

Palibhasa'y panganay kaya nasusunod sa luho noong mga panahong may pera pa kami. Palibhasa ay nag-iisang anak na lalaki kaya paborito at hindi nasusuway ng matindi.

"Pera nga lang 'yan, Ma. Pero kung uugaliin niya, baka magkaroon tayo ng mas malaki pang problema." Bumuntong hininga ako, nagsasawa na sa pakikipag-argumento ngunit gusto pa ring iparating ang punto. "Magkano lang ba ang kinukupit niya noong nasa Maynila tayo? Limang piso? Sampo? Tapos ngayon, ano? Hindi bente o sikuwenta, Ma. Limang daan!"

"Kaya kong kitain 'yan kay Lourdes," tukoy niya sa amo niya.

"Hindi 'yon ang punto ko, Ma. Oo nga at kaya nating bawiin ang halagang 'yan. Pero kung hahayaan nating ganiyan siya, paano kung hindi na lang tayo ang gawan niya ng ganiyan?"

Tinaliman niya ako ng tingin. "Sinasabi mo bang magnanakaw ang Kuya Simon mo?"

Nag-iwas ako ng tingin. Sumisigaw nang pagsang-ayon ang isip ko sa tanong niya, ngunit ang isatinig 'yon ay hindi ko kaya. Masasaktan lang si Mama. At ayaw ko nang dagdagan pa ang problema niya.

"Mabait ang kuya mo," giit niya.

Pag tulog.

"Kahit ganiyan 'yan natutulungan at nauutusan natin 'yan. Magtitino rin 'yan."

Kailan pamangyayari ang pagbabagong 'yon? Kapag huli na?

Akala ko ay magiging maganda ang pagtatapos ng araw ko ngayon. Pero imbes na tuwa ay lungkot at sama ng loob ang naipon sa dibdib ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top