Kabanata 17

Gusto Kita

Sa pagsapit ng mga sumunod na umaga sa buhay ko ay mas naging klaro ang isip ko. Hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ngunit mas kaya ko nang lawakan pang-unawa ko ngayon. Tumatak sa isip ko ang mga huling katagang narinig ko kay Papa. Pinaintindi no'n sa akin ang lahat bagaman mayroon pa ring kaunting pagtutol sa isip ko.

"Marami nang bumili sa Phytagoras," anunsyo ni Miles na kaklase ko.

Bumalik ako sa reyalidad dahil sa narinig na balita. Binalot ako ng kaba nang masilayan ang nag-aalalang mukha ng mga kasama ko sa likod ng booth. Kami kasi ni Zia at Jasper ang naka-assign sa pagmo-monitor ng supplies. Si Jude at ang iba pang lalaki ang nakatoka sa pagbili ng mga kailangan sa bayan.

"Kumusta sa labas? Nadagdagan ba ang nasa pila?" tanong ni Dominic, ang assigned leader ng klase para sa entrep week.

"Mayroon namang bumibili kahit paano kaso may mga nagrereklamo na ang bagal daw ng service natin. Kanina pa raw sila naghihintay," imporma ng kaklase ko.

Napangiwi na lang ako dahil sa mga natatanggap naming feedback. Nakikita ko kung paanong pagmamadali na ang ginagawa ng mga assigned sa paggawa ng product pero hindi ko rin maitatanggi na mabagal nga talaga ang production.

Dalwang blender lang kasi ang mayroon kami at mahina pa ang apoy ng electric deep fryer na dala ng kaklase ko kaya mabagal maluto ang fries.

Ilang beses ko na ring narinig ang reklamo ng mga customer namin kaya ako na lang din ang nahihiya. Wala naman kaming magawa rin dahil sa limitadong kagamitan. We weren't able to oversee these aspects because we thought it would be enough already.

"Wala bang puwedeng umuwi para magdala ng kahit na anong makatutulong sa atin?" si Pres.

"Puwede ba ang super kalan?" tanong ni Eric.

"Puwede siguro. Makakapagdala ka ba?"

"Puwede akong umuwi sa amin para kuhanin ang nasa bahay."

Nabuhayan ako ng loob. Isang oras pa lang naman magmula nang magsimula ang entrep kaya makakahabol pa kami kung pag-uusapan ang kita. Kahit naman kasi sabihin natin na award lang naman 'yon, gusto pa rin namin na manalo. At sigurado akong gano'n din ang nararamdaman ng ibang section.

Hindi pa ako nabibigyan ng pagkakataon na malibot ang buong grandstand para tingnan ang mga produktong ibinebenta ng iba. I'm not even sure if our products are competitive enough. Hindi na kasi 'yon bago sa market at sigurado akong hindi na ganoon kalaki ang interes ng mga tao.

Hanggang sa mga sumunod na araw ay naging paulit-ulit lang ang problema. Na unti-unti lang naming nasolusyunan sa pangatlong araw. Mas bumilis ang production namin. Pero hindi na rin gano'n karami ang mga bumibili.

Nagtaas ng kamay si Paoline nang magtanong ng suggestion si Pres kung ano ang puwedeng gawin. "Paano kung magdagdag tayo ng products? Puwede naman daw since nakadepende naman sa atin kung anong desisyon natin."

"Any suggestion sa puwedeng idagdag?"

"Bakit hindi natin i-offer din ang mga product na pinagpilian natin during proposal? Like 'yong crepe at cheese balls?" suhestiyon ni Zia.

"Puwede, let's start by tomorrow. Tingnan natin kung bebenta."

Nakatulong ang pagsisimula ng entrep week para mawaglit sa isip ko ang lahat kahit pansamantala lang. Naging abala kaming lahat na naging sanhi kung bakit sa bawat araw ay pagod ang nararamdaman namin. Idagdag pa na naghahabol kami ng sales kaya sa pagsapit ng ikaapat at ikalimang araw ay doble-doble ang kalbaryo namin. Mas dumami ang paninda, dumoble ang mga customer kaya triple ang pagod naming lahat.

Nahahaapong sumandal ako sa kinauupuan kong bench nang sa wakas ay mabakante. Mali, tumakas lang pala ako dahil hindi ko na kinakaya ang pagod. Imbes kasi na taga-monitor lang ay naging tagaluto ako bigla ng crepe since 'yon ang proposed product ng group namin.

Para iyong pancake ngunit manipis lang ang pagkakaluto. Papalamanan ang loob ng prutas at lalagyan ng chocolate syrup. Mas mabenta pa 'yon kumpara sa orihinal naming produkto.

"Elisha."

Napatuwid ako ng upo. Wala pang isang minuto ay bumilis ang pagtibok ng puso ko dulot ng kaba at ng isang simpleng dahilan na galing ang pangalan ko sa boses niya.

"Medwin," kabado kong tawag sa kaniya.

"Kumusta? Anong ginagawa mo rito?" Naupo siya sa tabi ko na may sapat na distansya para komportable pa rin ako.

"Pahinga lang," simpleng sagot ko.

"Ang dami niyong customers," papuri niya.

Ngiti lang ang naging sagot ko. Matagal na ang huling pagkikita namin, halos isang linggo na rin. Magmula ng araw na 'yon na may narinig ako mula sa kaibigan niya. Ayaw ko na lang kasi ipilit 'yong sarili ko kung may iba naman palang gusto 'yong tao.

Oo nga at gusto ko siya, pero hindi naman sapat na dahilan para lapit-lapitan pa siya. Wala namang dahilan at okay lang naman sa akin noon na kahit palihim lang. Naiba lang talaga ang daloy ng hangin dahil sa hindi inaasahang pagkakalapit namin.

Siguro nga dapat bumalik na lang kami sa part na 'yon sa buhay ko. Lalo na ngayon na mas marami pang bagay na kailangan kong intindihin kaysa ang lalaki. At pinalinaw lang sa akin 'yon ng mga nangyari at nang mga narinig ko sa kaibigan ni Medwin.

May iba siyang gusto.

"Tired?" he ask gently.

"Medyo, ang dami kasing ginagawa."

"Puwede mo akong samahan?"

Nagsalubong ang kilay ko nang harapin siya. Mayroong nangangapa ng ngiti sa mga labi ni Medwin at ang pag-aalangan ay hindi maitatangging naroon sa mga mata niya.

"Saan?"

"Basta, may ipapakita lang ako sa'yo," paniniguro niya.

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na makaalam dahil nagsimula na siyang maglakad palayo. Hindi ko agad nagawang sumunod. Sa isip ko ay tinitimbang ko pa kung dapat ba na sumunod ako.

Kung kalat na sa buong TVL na may babae siyang gusto, anong iisipin nila kung makikita nila akong nakasunod sa kaniya?

Baka hindi na lang ang pagiging kulot ko ang mahanap nilang dahilan para pangalanan ako ng kung anu-ano. Baka sa susunod na bukas malandi na ang itatawag nila sa akin. O 'di kaya'y babaeng makapal ang mukha na ipinagpipilitan ang sarili sa lalaking hindi naman siya magugustuhan.

Pero hindi ko naman kasi ipinagpipilitan ang sarili ko sa kaniya. Puwede niya akong hindi kausapin kung naaawa lang naman siya sa akin. Tutal nagsimula lang naman siyang kausapin ako nang minsang hinanap niya sa akin si Zia. Kaya hindi malabong awa lang talaga.

"Elisha?"

Napatingala ako. Dalawang metro ang layo sa akin nang puwesto niya. "Saan ba? Susunod na lang ako."

"Sa room namin sa fourth floor." Hinuli niya ang mga mata ko at pinakatitigan. "Sumunod ka, ha? Maghihintay ako."

Tango lang ang nagawa kong isagot. A part of my mind is stopping me from following him. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit. Parang may bumubulong lang sa akin na huwag na akong tumuloy.

Iniignora ko 'yon at mas pinili ang mas malaking parte ng isip ko na puno ng kuryosidad tungkol sa gustong ipakita ni Medwin

Hahakbang pa lang sana ako nang biglang may humarang sa harapan ko. Tiningala ko 'yon para lamang manungaran si Danrick na balot ng pawis ang buong mukha.

"Anong nangyari sa'yo?" nagtataka kong tanong.

"Bigla ka kasing nawala kanina kaya nag-alala ako sa'yo." Ginulo niya ang buhok niya habang inaayos ang paghinga.

"Tumakas ako kasi ayaw ko nang maglinis," nakangiwi kong pag-amin.

"Ito, oh. Inumin mo na muna." Inabot niya sa akin ang paper cup na ginagamit namin sa mga paninda namin. "Pinapaubos na ni Pres ang mga sangkap tutal tapos na rin naman ang entrep week at para hindi masayang. Para sa'yo 'yan, ako ang gumawa. Buko flavor dahil alam kong paborito mo."

"Hindi ka na dapat nag-abala," nahihiyang saad ko.

"Masyado kayong naging abala sa likod kaya alam kong hindi kayo nakakatikim ng sarili nating produkto." Kinuha niya ang kamay ko para ilagay roon ang medium-sized na paper cup na dala niya. "Mauna na ako. Hindi ako sigurado kung okay ka na sa akin pero umaasa ako na magiging maayos tayo kapag handa ka na ulit na pagkakaibigan na alok ko."

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na makasagot dahil nauna na ang paghakbang niya palayo. Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita.

Nagbaba ako ng tingin sa kamay ko na ngayon ay hawak na ang paper cup na bigay ni Danrick. Napabuntonghininga na lang ako nang maramdaman ang pasasalamat sa kaniya dahil sa walang sawa niyang pagsubok na ibalik ang pagkakaibigan naming dalawa.

Bitbit ang bagay na 'yon, at ang nararamdamang kaginhawaan sa dibdib ko, ay naglakad ako patungo sa lugar na sinasabi ni Medwin. Kaunti lang ang tao sa loob ng building ng senior high dahil karamihan ay nasa grandstand pa. Tahimik ang pasilyo kaya kampante ang paglalakad ko.

"Medwin?" kumot ang noo na tanong ko. "Bakit ang dilim?" Wala akong nakuhang tugon. Tanging ang liwanag na nagmumula lang sa sentro ng room ang nakikita ko. Nakakatpan ng blackout curtains ang buong room kaya walang nakakapasok na ilaw.

As if controlled by it, I began to take small steps closer. And when I was finally near, fascination hit me with what I saw. It was a handmade craft of a small night lamp. It was made out of small bamboo with a design portraying a beach and a sunset.

Warm lang din ang ilaw kaya sobrang ganda sa mata. Alam ko, ito ang produkto ng mga TVL tulad ni Medwin. I'm drawn to it.

Umangat ang kamay ko para hawakan sana 'yon nang umalingawngaw ang boses ni Medwin sa likuran ko.

"Nagustuhan mo ba?" malumanay niyang tanong.

"Maganda siya," wala sa sariling komento ko.

"Elisha," malambing niyang sambit sa pangalan ko. "May gusto sana akong itanong sa'yo."

"Ano 'yon?" tanong ko kahit nakapako pa rin ang paningin sa lamp.

"Humarap ka sa akin," utos niya.

Bagaman naroon ang pagtutol sa akin na alisin ang tingin doon ay humarap ako sa kaniya. Tanging ang kaunting bahagi ng mukha lang niya ang naaaninag ko mula sa maliit na diwang ng pintuan kung saan nagmumula ang liwanag.

"Gusto kitang ligawan," seryoso niyang sabi na yumanig sa mundo ko.

Nalaglag ang panga ko sa walang babalang paghahayag niya na hindi ko magawang lubos na maintindihan. Tama ba ang pagkakarinig ko? O gumagawa lang ng sariling memorya ang imahinasyon ko? Memoryang malayo sa katotohanan at hinding-hindi magkakatotoo.

"A-Ano?" Sunud-sunod ako napakurap, umaasang sa paraang 'yon ay lilinaw ang rehistro ng mukha niya sa mata ko upang makita ko kung nagsasabi na siya ng totoo.

"Kung papayag ka... liligawan kita," walang halong biro ang timbre nang pananalita niya.

"B-Bakit?"

Sunud-sunod akong napalunok nang maramdaman ang bikig na nakabara sa lalamunan ko.

Itinatanggi ko ang mga salita niya dahil alam kong mas malaki ang tsansang nagbibiro lang siya. Muling nanumbalik sa isip ko ang mga karanasang natanggap ko sa ibang tao. Lahat ng mga salitang narinig ko ay paulit-ulit na ragasa tila ba nagpapaalala ng aking pagiging kakaiba.

"I find you attractive, Elisha. I am fascinated by you." He took one step closer. "And I am hoping to have one chance to court you."

"Huwag mo akong binibiro, Medwin." Pagak akong natawa.

Kahit sino naman yata kasi a g iharap sa akin, mananatiling ganito ang reaksyon ko Imposible kasi. Malabo pa sa malabo dahil hindi ako kagusto-gusto. I am not that kind of woman who are likeable and worth flaunting for.

"Hindi ginagawang biro ang ganitong bagay, Elisha." Isa na namang hakbang palapit. "Hindi ko sinasabi ang mga bagay na 'to kung hindi ako sigurado."

"Baka naninibago ka lang. O baka talagang naaawa ka lang sa akin dahil sa mga nakita mong pagtrato sa akin ng ibang tao." Umiling ako sa kaniya. "Tigilan mo na Medwin."

Lumaylay ang balikat ni Medwin. "Elisha naman."

Muli akong umiling. Hindi ko paniniwalaan, hindi kailanman.

"That light... I made it for you," he whispered gently. "Take it if you'll allow me to court you. Just... walk away if you won't."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at sa pagkakataong 'to ay nakita ko na ang umaasa niyang mga mata. Buo na ang desisyon ko bago pa man may mangyaring ganito. Kaya hindi ko na kailangang pahirapan ang sarili ko sa ganitong bagay.

Love? It isn't for me.

Relationship? No. Not until my family's life becomes stable.

So I made the decision only after ten seconds. I took my first step closer to him. Another one, until I was able to go near him.

"Gusto kita, Medwin," mahinang pag-amin ko.

Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya. "Elisha..."

Magaan akong ngumiti sa kaniya. "Pero hindi ibig sabihin na kailangang gustuhin mo rin ako. Just like what you've said, you are just fascinated. And I believe that it wouldn't be enough. Sinasabi ko 'to, hindi para magmukhang kawawa sa harap mo. I really appreciate your kindness, Medwin. And I am thankful for that. Pero, hindi muna. Ayaw ko pa."

Mas lalong lumaylay ang balikat niya pero ang pagsisihan ang naging desisyon ay hindi ko mahanap sa puso ko. I know that I did it right, to not engage myself with someone right now. I still have plans for myself. And dreams that I want to achieve not just for me, but also for my family.

Masaya ako na ngayon nangyari ang bagay na 'to. Dahil kung sa hinaharap na mas malala pa ang nararamdaman ko sa kaniya, baka hindi na ako makakaahon. But today, with our present and future that I am holding on, I started to take small steps to walk away. Followed by another one as I finally walked passed him, leaving him for the future I want to achieve.

It's my choice not to fall. As much as I would want to, I'd rather not. Kilala ko ang sarili ko pagdating sa ganitong bagay. I always craved for loved and the feeling of being in a relationship. I might end up spending most of my time with him, stealing away the chances where I could've utilized for my future. Gano'n kasi talaga ako kapag sinasagad ko ang pagmamahal. I'd lose myself and that would only mean my wings getting cut off.

So for now, I would walk away. I am choosing myself, my dreams, and the good life I want for my family.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top