Kabanata 14

Boyfriend

"Elisha, puwede ba akong sumabay sa'yo?"

Nagtataka kong tiningala si Medwin. "Bakit?"

Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito ngayon sa harapan ko. Ang dinig ko ay kanina pa natapos ang klase nila dahil binigyan lang sila ng free time para gumawa ng product dahil komplikado ang kanila. Ni hindi na nga ako nagtangka na hagilapin siya para silayan.

Tapos ngayon, nandito siya sa harapan ko.

"I mean, ano kasi, pupunta akong bayan ngayon." Nagkamot ako sa ulo ng maging sa sariling pandinig ay ang awkward ng pagsasalita ko.

Hindi ko na nabilang sa daliri ko kung ilang beses na ba kaming nagkita at nagkasama kahit sa mabilis na sandali lang. Naiilang pa rin ako kahit na mabait naman ang pakikitungo niya sa akin.

Palagi pa rin kasing nandoon ang pagtataka at pagtatanong sasarili kung bakit niya ako kinakausap. Bakit hindi siya tumulad doon sa iba na hinuhusgahan ako. Hindi ko tuloy maiwasang pagdudahan ang kilos niya. Minsan nga naiisip ko na baka alam niyang gusto ko siya kaya pinagtitripan niya ako.

"Tara, sama na ako," pagpipilit niya pa rin.

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Seryoso ka? Maglalakad lang ako. Baka wala ka namang gagawin doon at nagpapagod ka lang."

Imbes na magsatinig ng sagot ay nagpunta siya sa likod ko para roon ako itulak palakad. Sa paglapat pa lang ng kamay niya sa likod ko, bagaman natatakpan 'yon ng uniporme, ay naghuramentado na agad nagpuso ko. Hindi lang dahil sa simpleng reyalidad na si Medwin ang may gawa no'n, kundi dahil tinitingnan kami ng ilang tao.

Alas kwarto pa lang kasi ng hapon kaya maliwanag pa. Whole day akong nasa school dahil sa kailangan naming mag-ayos ng booth namin para sa entrep week. At ngayon nga ay pupunta ako sa bayan para mag-canvas ng mga supplies na gagamitin namin sa ibebenta namin.

Wala sa sariling kong kinuha ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko at inalis 'yon. Ngunit sa pagkabigla sa sariling ikinilos ay tila nalalasing bumitaw ako sa kaniya.

Tinawanan ako ni Medwin. Naiiling na pinantayan niya ang paglalakad ko na nagtuluy-tuloy hanggang sa makalabas kami ng campus. Pareho kaming tahimik, nangangapa kung sino ang unang magbubukas ng bibig.

"Ano bang gagawin mo sa bayan?" tanong ko nang hindi na matagalan pa ang katahimikan.

"Magtitingin-tingin," simpleng tugon niya. "Bakit? Ayaw mo ba akong kasama?"

Bigla akong nasamid kahit na wala naman akong iniinom o kinakain. Naging sunud-sunod ang pag-ubo ko habang sa isip ay paulit-ulit na naririnig ang mga salita ni Medwin. I even have to soothe my own chest to calm me down.

Kasalanan ko dahil assume-ra ako at nabibigyan ko ng mga kahulugan ang mga bagay na wala namang ibig sabihin. Katulad nang sinabi niya na simpleng mga salita lang naman pero bigla ay naging kakaiba.

"Mga pinagsasabi mo, Medwin," pilit na nilalabanan ang ubo na sabi ko.

"What?" He chuckled. "You've been asking me the same question since earlier, hence I thought you don't want me to tag along."

"Ayusin mo kasi ang pananalita mo," nakangiwi kong wika sa kaniya.

I felt Medwin's movement when looked at me, but I was a coward and didn't reciprocate it.

"I don't know why, but for some reason, I like being with you. I enjoy your company." He sigh. A fulfilled one as if he just got out from a tiring day. "Hindi tayo magkaibigan pero ang gaan ng pakiramdam sa tabi mo. Ang cute mo lang kasi." Tumawa siya ng mahina. "Especially that time when you shyly took my hand for a shake."

Masyadong mapaglaro ang mga pinili niyang salita. Sinadya man niya o hindi, hindi ko nagawang Ilagan ang kakaibang dulot no'n sa akin. Masarap sa tainga ang suwabeng mga salitang 'yon mula sa kaniya. Ang sarap ulit-ulitin kung maaari lang dahil minsan lang ako makatanggap ng gano'n mula sa ibang taong labas sa pamilya ko.

Hindi ko lolokohin ang sarili ko sa pagsasabing hindi ko nilagyan ng kahulugan ang mga salita niya. How could I not when those words were the exact same thing I wanted to hear from someone I like?

Alam kong totoo ang naririnig ko. Ngunit mas nais kong paniwalain ang sarili ko na kalokohan lang ang lahat. Na likha ng imahinasyon at kailanman ay hindi magkakatotoo.

Why would he? And I know for sure that he would never really like someone like me. Masarap magbigay ng kahulugan ngunit mas masarap 'yong may kasiguraduhan.

"Alam mo ba kung sino ang pinakamahirap kalabanin sa mundo?" maya-maya ay tanong niya.

"Huh?" I looked up at him with a confused look on my face.

Nilingon niya ako kasunod ng isang malungkot na ngiti. "Sarili."

Nawalan ako ng imik. Wala pa man siyang sinasabi pero nakukuha ko na agad ang punto niya. Kung bakit niya binuksan ang usapan ay hindi ko alam. Pero unti-unti kong nagugustuhan ang patutunguhan

"Alam mo 'yon? Sa lahat ng nakakasalamuha mo na maaari mong maging kakumpetensiya, mawalan ka lang ng tiwala sa sarili mo matatalo ka na. 'Yong ang dami mong gustong gawin pero sarili mo lang din ang pumipigil. Ang hirap kapag kulang ka ng tiwala sa sarili mo, 'no?"

Oo.

Sobra.

Nawalan na ako ng kakayahan na bilangin kung ilang beses ko na bang pinagdudahan ang sarili ko. Kung ilang beses kong tinanong kung may lugar ba ako sa mundo. My difference shouldn't even be a big deal. Ni hindi na nga bago pero kung tratuhin ka parang bagong salta ka lang sa mundo.

Sa ibang bansa wala namang problema? Pero pagdating dito sa Pilipinas sobrang big deal na. Ang hirap lang kasi na kapag kulot ka, ihalintulad ka na agad sa ibang bagay na kamukha ng buhok mo. Minsan pa nga akong tinawag na pang-isis ng kaldero. Kaya kahit ayaw ko, nagiging masama ang tingin ko sa sarili ko. Ako mismo ang nagbababa sa akin at nangliliit sa sarili. At palagi kong iniisip na lahat ng tao ay hinuhusgahan ako sa isip nila dahil lang sa pagiging kulot ko.

Maging pagtawag sa akin ng salot ay nagiging sanhi para isipin ko na baka gano'n nga talaga ako. Salot. Walang ibang idudulot kundi kamalasan sa iba. Even with what happened with my parents, I am blaming myself at the back of my mind. The misfortune in my family, what happened with Ate and Kuya, I feel like all were my fault.

"Paano kung tama naman ang lahat nang sinasabi nila tungkol sa isang tao?" mahinang tanong ko. Malayo ang destinasyon namin ngunit para bang mas lumayo pa 'yon ngayon kasama ko siya.

"Should other people's word matter?" makahulugan niyang tanong.

"Mahirap hindi marinig, Medwin," malungkot kong tugon.

"Walang ibang gamot sa kakulangan ng kumpyansa maliban sa pagtanggap at pagtitiwala."

Sa isang natural na galaw ay nagawa niya akong akbayan. Kusang sumunod ang mga mata ko roon habang kinokontrol ang sariling nararamdaman upang huwag iyon bigyan ng kahulugan.

"Kung patuloy mo silang pakikinggan, paano mo masisimulan ang pagkatiwalaan ang sarili mo? Do not be afraid to stand up for yourself. Your value wouldn't be defined by their words. And it shouldn't be. You are far greater than their judgment, Elisha."

Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Lalo na kung halos buong buhay mo ay gano'n na lang palagi ang naririnig mo. Magmula noong pagkabata, doon pa lang sa buhay namin sa Maynila hanggang dito, gano'n pa rin ang naririnig ko.

Nakagisnan ko na at nakasanayan kaya mahirap alisin sa isip ng gano'n kadali. Kung may gamot nga lang na puwede kong inumin para makalimutan ko ang mga salita nila, matagal ko nang ininom para hindi ko na iniisip pa. Kaso, lahat ng salita, lahat pang-iinsulto, at lahat ng panliliit nila ay nakatatak na hindi lang sa isip ko kundi maging sa puso ko.

Malalim ang pagkakabaon. Malabong makalimutan. At mas lalo lang ako sinusugatan.

"Nagka-boyfriend ka na ba?" tanong niya bigla.

Napapantastikuhan ko siyang nilingon. At dahil sa biglaang pagkilos ko ay naipagpag ko ang kamay niya mula sa balikat ko.

"Anong klaseng tanong 'yan?" Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa.

"Seriously, I'm curious."

Hindi ko nagawang sumagot agad nang matapat kami sa tawiran. Naging abala ang mga mata ko sa pagsasalit-salit ng tingin mula sa kaliwa at kanan. Nang masiguro na walang sasakyan na dadaan ay magsisimula na sana akong muli sa paglalakad.

Ngunit sa isang hakbang ko pa lamang ay naunahan na ako ni Medwin. Sa natural na kilos ay kinuha niya ang pulso ko upang marahan akong hilahin para isabay sa paglalakad niya. Tinangay ng hangin ang lahat ng natitirang katinuan ko. Muli, sinundan ng mga mata ko ang kamay niyang nakalapat sa balat ko.

Pangatlong beses na ito ngayong araw. At bawat isang 'yon ay pare-pareho ang epekto sa akin. Pinabibilis ang tibok ng puso ko. Nabubuhay ang pag-asa sa dibdib ko. Subalit gano'n kabilis ko ring kinakastigo ang sarili na huwag bigyan ng kahulugan ang mga bagay na wala namang ibang ibig sabihin talaga.

"'Yong tanong ko," pagpapaalala niya nang makatawid kami.

Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya. "Wala akong ganiyan."

"Eh, manliligaw?"

"Wala rin."

"Seryoso?" hindi naniniwala niyang tanong.

"Oo nga. Hindi man na nakagugulat ang bagay na 'yon kaya bakit ganiyan ang reaksyon mo?" Nagpakawala ako ng tawa sabay iling. "Walang magkakagusto sa akin kahit na pumuti pa ang uwak."

Nakita ko siyang umiling matapos ay nagbitaw ng malungkot na ngiti. "Bakit ka ganiyan sa sarili mo? Ang baba mo sa sarili mong mga mata, Elisha."

Ako naman ang napabuntonghininga. "Hindi sa gano'n, Medwin. Tanggap ko lang kasi 'yong reyalidad na hindi ako gustuhin. Hindi ako magugustuhan ng kahit na sino. At isa pa, hindi kasi ako interesado."

Hanggang simpleng paghanga lang naman kasi ang kaya ko. Walang puwang sa akin at ayaw ko dahil mas inuuna kong bigyan ng prayoridad ang mga pangarap at kinabukasan ko.

Naniniwala naman kasi ako sa sinabi sa akin ni Mama na huwag kong madaliin ang pag-ibig, na sa tamang panahon ay dadating din 'yong taong itinakda para sa akin. Hindi naman kasi mahalaga sa akin ang ganiyang bagay sa ngayon. Ayaw kong mahati ang atensyon ko. At gusto ko munang kilalanin ang sarili ko.

Gusto ko na kapag makikilala ko na siya, haharap ako sa kaniya ng may kumpiyansa. 'Yong wala nang pagdududa sa sarili ko at buo na ako. Mahirap naman kasing sumugal sa pagmamahal na ang tanong baon mo lang ay 'yong kagustuhan na may matawag kang kasintahan.

Hindi matibay. Lalo na sa akin na kung susubukan ko man ay baka ulanin lang ako ng kakulangan sa tiwala sa taong 'yon. Baka palagi ko lang iisipin na hindi ako sapat at may mahahanap siyang mas higit pa sa akin.

"Paano kung may manliligaw sa'yo?" hindi sumusukong tanong niya ulit.

"Imposible." Tumawa ako ulit.

"Paano kung ako?"

Awtomatikong huminto ang mga paa ko sa paglalakad. Nag-uulap ang pag-iisip na nilingon ko siya. Ngunit mas lalo lang natuliro nang nabungaran ang seryoso niyang mga mata na para bang maraming gustong sabihin.

Bumuka ang bibig ko upang magsalita ngunit walang tinig na lumabas. I just stood there, with people walking passed us, rooted at my place while exchanging deep glances at Medwin.

"Paano kung ako, Elisha? Sasagutin mo ba ako?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top