Kabanata 13

Fit

Sa pagsalanta sa amin ng unos, hindi bahaghari ang nabungaran namin kinabukasan. Hindi magandang umaga. Hindi masasayang ngiti, kundi purong katahimikan at pagsisisi.

Tahimik akong nagtatanghalian mag-isa sa lamesa. Damang-dama ko ang kapayapaan sa paligid ko at halos mabingi na ako sa katahimikan dahil ako lang ang nag-iisang tao roon.

"Norman! Criselda!" maarteng sigaw ng boses ng kapit-bahay namin na si Aling Pina.

"Ano 'yon?" pasigaw na tanong ni Mama na kalalabas lang galing sa banyo. Naglalaba kasi si Mama ngayon ng mga damit galing sa iba naming kapit-bahay na nagpapalaba.

"Nandyan ba ang asawa mo? May ipapagawa lang sana ako sa bahay."

Umarko ang kilay ko sa maarteng pagsasalita niya na akala mo naman ay dalaga. Ayaw ko mang bigyan ng malisya ang timbre ng boses niya ay hindi ko napigilan dahil hindi na bagong tutugin sa akin ang marinig siya na ganito habang hinahanap si Papa.

Ayaw kong pag-isipan ng masama pero hindi ko mapigilan. Tuwing umuuwi na lang kasi si Papa dalawang beses sa isang buwan ay palagi siyang nanghihingi ng tulong. Minsan nga pakiramdam ko ay kalabisan na. May asawa rin naman kasi siya kaya bakit hindi niya roon hingin ang tulong na kailangan niya kay Papa.

"Hindi kasi gumagana ang tv namin. Baka lang naman alam niya ayusin," imporma niya.

"Baka puwedeng dalhin mo na lang dito para hindi na mahirapan ang asawa ko?" pakisuyo ni Mama.

Iniwan ko ang pinagkainan ko para silipin ang nangyayari sa labas. Nakita ko si Aling Pina na suot ang maikli na maong shorts at spaghetti strap na sando habang nagpapaypay.

Pinagtaasan ni Aling Pina ng kilay si Mama kaya awtomatikong nakaramdam ako ng iritasyon. "Ano? Pahihirapan mo pa ako? Hindi naman libre ang paggawa, nagbabayad naman ako." Tiniklop niya ang pamaypay sabay pamaywang. "Bakit? Tumatanggi ka? Balita ko kailangan na kailangan ninyo ng pera at namumulubi na kayo? Baka nga nagdidldil na lang kayo ng asin ngayon."

Kusang umikot ang ulo ko patungo sa direksyon ng inabandona kong tanghalian. Doon ay nakita ko ang kasasabi lang ni Aling Pina, kanin at asin bilang ulam. Wala naman kaming ibang pagpipilian. Lahat ng natitirang pera namin ay napunta kay Ate para sa contribution niya sa pagpapa-hardbound ng thesis nila at maging sa bayad sa panel.

Ilang araw na kaming ganito magmula noong gabi na nagkagulo sa bahay namin dahil sa ginawa ni Kuya. Magmula no'n ay hindi na naging normal ang takbo ng buhay naming lahat. Palaging parang may mali, oras-oras kaming may iniisip.

Ang kaluwagan na inaasahan ko ay hindi nangyari. Sa halip ay mas napuno pa kami nang pag-aalala.

"Anong kailangan mo?" boses ni Papa mula sa likod ni Aling Pina.

"Oh, nandito ka naman pala bakit ka pinagdadamot ng asawa mo?" Inismiran niya si Mama sabay baling nang nakangiti na kay Papa. "Hihingi sana ako ng pabor." Mas lumawak ang pagkakangiti niya. "Nasira kasi ang tv namin baka lang naman alam mo gawin?"

"Magkano ba?" agad na tanong niya, hindi na binibigyan ng lugar ang pagtanggi dahil sa kagipitan sa pera.

Ang totoo ay ayaw ni Papa na nagtatrabaho sa kaniya. Minsan nga ay hindi na siya nagpapabayad dahil sa ugali nito na pagiging mayabang. Ngayon lang talaga naging ganito dahil gipit.

Hindi ko naman pinagdududahan si Papa sa kabila ng motibo na ipinakikita ni Aling Pina. Ngayon pa ba na wala na kaming ibang iniisip kundi ang paraan para makaraos kami sa isang araw?

"Pupunta na lang ako. Hintayin mo na lang kami ng asawa ko," saad ni Papa.

"Bakit kasama pa 'yang asawa mo? Hindi naman siya kailangan doon?" masungit na tanong niya.

"Alam niya kung paano ako magtrabaho at matutulungan niya ako. Ngayon, kung ayaw mo sa presensya niya, puwede ka nang maghanap ng ibang mauutusan mo," walang emosyong sabi ni Papa kay Aling Pina.

Napairap ako sa hangin. Halata naman kung ano ang gusto niyang mangyari. Kaso sorry siya, matino ang Tatay ko 'di tulad ng mga lalaking nauuto niya. Hindi ko na nga maintindihan kung bakit hindi na siya makuntento sa asawa niya at bakit parang hayok na hayok pa sa lalaki.

Pairap siyang umalis sa harap nila Mama para tunguhin ang sarili niyang bahay. Sila Mama at Papa naman ay sabay na pumasok ulit.

"Elisha, pupunta lang kami sandali sa kapit-bahay," si Papa. "Dito ka na lang muna at hintayin ang pag-uwi ni Ate mo."

"Bantayan mo ang nakasalang na labahan ko sa washing. Huwag mong papakialaman, ha? Huwag mo na pagurin ang sarili mo, mag-aral ka na lang," bilin niya.

Tumango ako sa kaniya ngunit sa isip ay may sarili nang plano sa pag-alis nila.

Tinanaw ko ang papalayong pigura ng mga mgulang ko hanggang sa tuluyan silang naglaho sa paningin ko. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at maging ang paghuhugas. Nang matapos ay agad akong nagtungo sa banyo para ipagpatuloy ang paglalaba ni Mama. Alam kong sinabihan niya ako na huwag na pero gusto kong tumulong. Kahit sa ganitong paraan man lang ay magkasilbi ako.

Isang oras matapos ang pagbabanlaw ko ng mga damit ay nakaramdam na ako ng sakit sa balikat. Tuloy ay hindi ko maiwasang alalahanin na ganito ang nararamdaman ni Mama tuwing naglalabada para lang masuportahan kami sa pagkain at pag-aaral.

Bigla akong inusig ng konsensya ko dahilan para mapuno ng luha ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay wala akong silbi. Hindi ko man lang natutulungan si Mama kahit na may kakayahan naman ako. Hindi ko man lang nagawang pagaanin kahit papaano ang bigat na nakaatang sa mga balikat nila ni Papa.

"ILABAS MO ANG CELLPHONE NG ASAWA KO!"

Binundol ng kaba ang dibdib ko. Gano'n kabilis na napalitan ng takot ang kaninang lungkot na nararamdaman ko ng walang anu-ano'y biglang kumalabog pabukas ang pintuan ng bahay namin.

Dali-dali akong lumabas para lamang batiin nang nakasadlak na si Papa. Sa gilid niya ay nakaluhod si Mama na puno ng luha ang mga mata.

"Wala kaming kinukuha sa inyo," kalmadong sagot ni Papa.

"Anong wala?! Nawala ang iPhone ng asawa ko!" gigil na sigaw ng asawa ni Aling Pina kay Papa.

Imbes na matakot sa inaakto niya, hindi ko napigilan ang sarili na matawa. Kailangan talagang sabihin ang brand? Halatang naghahambog lang, eh.

"Wala kaming kinukuha o hinahawakang kahit ano sa bahay ninyo, Carding, maliban sa tv na pinapaayos ng asawa mo," malumanay na paliwanag ni Mama. "Hindi rin kami umalis sa sala ng bahay niyo buong oras na ginagawa ng asawa ko ang tv ninyo."

Kampante ako na inosente ang mga magulang ko dahil hindi nila ugali na mang-angkin ng gamit ng iba. Ni hindi nga sila mahilig sa mga mamahaling gamit at mga second-hand lang ang lahat ng mayroon kami.

At hindi namin pag-iinteresan ang mga gano'n lalo na ang nakawin ang hindi amin. Oo at salat kami pero hindi kami magnanakaw.

Maliban kay Kuya.

"Sabagay, sarili niyo ngang anak pinagnanakawan kayo." Sarkastikong tumawa si Aling Pina bago tinaliman ng tingin si Papa. "Ilabas niyo ang cellphone ko na 'yon. Mga hampaslupa kayo! Kung inggit kayo sa kung anong mayroon kami, magpakakuba pa kayo hanggang sa gumagapang na lang kayo sa lupa. Mga magnanakaw! Ipapabaranggay ko kayo!"

Sa bawat insultong ibinabato niya sa pamilya namin ay siya ring pagkuyom ng kamao ko. Tumalim ang tingin ko sa kanila bagaman hindi nila 'yon nakikita.

Pinuno ako ng awa para sa pamilya namin, awa para sa mga magulang ko na wala namang ginagawang masama sa kanila. Kasabay no'n ay ang takot dahil sa pagbabanta ni Aling Pina.

"Ipapa-barangay raw tayo," problemadong sabi ni Mama.

Kabado akong lumapit sa kanila. "P-Pa..."

Bumuntonghininga si Papa sabay alalay kay Mama patayo. "Huwag kayong matakot. Wala tayong ginagawang masama. Hindi tayo nagnakaw."

Sinubukan kong kumalma ngunit hindi ko 'yon mahanap sa sistema ko. Lalo na at kilala ko si Aling Pina. Hindi siya nagbibiro nang sabihin niya 'yon. Kaya hanggang kinabukasan ay dala-dala ko ang pag-aalala na 'yon sa isip ko.

Lutang ang pag-iisip na naglalakad ako sa bukana ng gate ng school namin. Papasok na ako ngayon na hindi ko na sana gagawin dahil sa nangyari sa pamilya ko kahapon. Kaso hindi tama na humanap ng dahilan kung kaya ko naman.

Isang buntong hininga ang kumawala sa bibig ko nang muling maramdaman ang pagbigat ng dibdib ko. Bagsak ang mga balikat at mabagal ang aking bawat paghakbang. Hindi ko maalis sa isip ko ang bawat sigaw at iyak ni Ate Erin. At naaawa ako sa kalagayan namin na hindi ko alam kung may solusyon pa ba.

Another sigh and another hope for a better day.

Despite my clouded mind, I abruptly shifted my body towards my back upon hearing footsteps following mine. The familiar build of Medwin greeted me, but the smile I always look forward to witnessing is nowhere to be seen.

"May problema ka ba?" tanong niya sa tono na nababahiran ng pag-aalala.

Hindi ko na tinangkang magbigay ng ngiti sa kaniya sa kadahilanang alam ko na hindi 'yon uubra. The whole me screams problem and misery. Even my deep breaths carry the weight of the emotional load I have in me.

"Wala naman, iniisip ko lang ang mga posibleng mangyari sa entrep week," sagot ko na malayo sa katotohanan.

Ayaw ko lang pag-usapan lalo na kung hindi rin naman 'yon masosolusyunan ng simpleng kuwentuhan lang. Our family's suffering too much financially which made us emotionally unstable. We would often feel anger even at the slightest mistake. Kaya siguro naging gano'n ang nangyari kay Kuya.

"Sigurado ka? Mukha kang galing sa pag-iyak, Elisha," komento niya kaya mabilis akong napaiwas ng tingin.

Kanina ko pa 'yon napansin nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin. Ramdam ko rin ang mabigat na talukap ng mga mata ko. Gusto ko na lang talaga matulog, ang ipikit at ipahinga ang mga mata ko.

Kaso kailangan kong pumasok lalo na at magdi-distribute na kami ng task ngayon para sa dadating na entrep week.

"Anong gagawin natin next week? I mean paano ang flow?" pag-iiba ko ng usapan.

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Opening sa lunes at closing sa friday. From nine in the morning until two in the afternoon ang operating hours. The rest of the afternoon will be allotted for the clean-up of every station."

Hindi ko man ubos na naiintindihan ang lahat ng sinabi niya dahil sa kakulangan ng pokus, tumango pa rin ako. "Anong mangyayari pagkatapos ng bentahan sa loob ng one week?"

"Awarding. May mga iba't ibang awards kasing ibibigay para sa mga piling participants. Best business plan, highest sales, best product or service, best campaign materials, and such," paliwanag niya.

Muli akong tumango habang nakapako ang paningin sa sahig. This event is one that students in Paraiso High School look forward to. Buong grade twelve classes kasi ang participants regardless of the strand.

Kaso, as we are part of the ABM community, we are expected to perform better than most of the booths. Pero mukhang matatalo kami sa isang kategorya dahil maging ako ay bilib na bilib sa produkto ng mga TVL, produkto nila Medwin sa madaling sabi.

"Anong product niyo?" tanong niya nang hindi na ako umimik.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang nakayuko, pinagmamasdan ang dinadaanan sa isiping sa ganoong paraan mawawala sa isip ko ang mga problemang bumabagabag sa akin. "Hindi ako sigurado sa iba. Pero shake yata with fries."

"Parang Kerimoto?" Tumango ako.

Naputol ang pag-uusap namin nang bigla na lang niya akong hinila nang marahan palapit sa kaniya hanggang sa nasa kabilang gilid na niya ako.

"May sasakyan," balewalang saad niya ngunit ang dulot sa akin ay kakaiba.

Kusang gumalaw ang ulo ko para sundan ng tingin ang sasakyan na dadaan sa gilid namin. Sasakyan 'yon ng isa sa mga guro ng senior high kaya pamilyar. Pero ang intindihin 'yon ay hindi ko nagawa dahil mas nakuha nang kilos ni Medwin ang atensyon ko.

Maingat ang pagkakahawak niya sa braso ko habang ang paningin a nakasunod sa papadaang kotse. When he stopped walking, I halted my steps, too. But, instead of looking at the car just like what he did, my eyes remained fixed at him.

When did we get this close to one another? Ni hindi nga ako sigurado kung kilala niya ba ako. I was just simply content by how I used to steal glances at him while I was waiting for his arrival.

Tapos ngayon, kilala na niya ang eksistensya ko. Hindi na lang ako 'yong taong palihim siyang kilala at hinahangan. Pero kasabay nang paglalim nang koneksyong mayroon kami, ay siya ring pagyabong nang simpleng paghanga lang na nararamdaman ko para sa kaniya.

I like him. And him, acting like this isn't helping me at all.

"A-Ano... 'yong braso ko," nahihiyang sabi ko. Gusto kong pangunahan ang paglayo ngunit wala akong kakayahan na gawin yon dahil sa hiya at pagkabigla.

Nagbaba ng tingin sa akin si Medwin. Nauna niyang sinalubong ang mga mata ko bago pinagtuunan ng pansin ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

A smile crept out of his lips but didn't make any move to distance himself. "Do you think my hand would fit?" he asked, staring deeply into my eyes.

"Alin?" nagtataka kong tanong.

The moving car went blurry in my eyes as the sole focus of it was Medwin and his smile. Hindi ko naiintindihan ang tanong niya bagaman malinaw kong naririnig ang kaniyang mga salita.

Sa kabila nang nakapirmi kong anyo ay ang hindi maampat na mabilis na pagtahip ng puso ko. Ni hindi ko na nga magawang intindihin ang paligid ko, kung may nanonood ba sa amin o kung ano. I just focused my attention in his eyes, allowing myself to submerge into the world he created just for us.

"This..."

My gaze went even downwards when I felt the warmth of his palm cascading down. The smoothness of his palm traveled along my arm until it finally reached its destination.

My hand.

"It fits," he absentmindedly said.

And it served as the alarm clock, waking me up even though I wasn't sleeping. Pinaaalala no'n ang reyalidad ko. Na hindi ito ang tamang oras para sa ganitong bagay.

I have bigger problems to think of. A mountain-height of things I need to take care of. At mas importante ang pamilya ko ngayon kaysa sa mga bagay na hindi naman makatutulong.

"I'm sorry," wala sa sariling paumanhin.

Marahan kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya sabay dali-daling umalis at iniwan siya.

But even with the distance, we grew to have... the feeling of being held by him still lingers in my heart.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top