Kabanata 10

Sideline

"Anong ka-cheap-an 'yan, Elisha?" natatawang tanong ni Jess.

Nilikob ako ng hiya ngunit pinilit kong huwag magpaapekto. Aprubado naman ng adviser namin ang ginagawa ko at wala namang masama kaya bakit ako hihinto.

Hindi ko lang gusto na sa kaniya nanggaling dahil kaibigan ko siya. At mas tama na naiintindihan niya kaysa sa paghusga na ginagawa niya ngayon. Kung may pagpipilian lang ako hindi naman ako aabot sa ganito. Sadyang gipit lang talaga kami at gusto kong makatulong kahit papaano kaya ginagawa ko 'to.

"Kailangan ko ng pera, Jess. At hindi 'to ka-cheap-an tulad ng tawag mo dahil marangal 'to," iritableng tugon ko. "Kailangan kong kumita kahit papaano para sa pamilya ko. Kung hindi mo gusto ang nakikita mo, respetuhin mo ako."

"Oo nga, Jess. Kaibigan mo si Elisha tapos ganiyan mo pakitunguhan," segunda ni Jude na kaklase ko.

Nakita kong napayuko si Jess at bahagyang pinamulahan ng mukha. Kung napahiya man siya sa mga nasabi ko, hindi ko na makuhang intindihin 'yon.

Nanliit ako sa mga sinabi niya ngunit hindi ko intensyon na ipahiya siya pabalik. Dismayado ako dahil sa mga narinig ko dahil totoo ang sinabi ni Jude, kaibigan ko siya kaya bakit kailangan niya akong maliitin nang gano'n.

Pero hindi ko rin makuhang itanggi na gumaan ang loob ko nang magawang ipagtanggol ang sarili sa harap niya. Taliwas sa kung sino ako na tanggap lang nang tanggap nang panliliit ng iba noon.

"Pabiling gummy worms, Eli!" malakas na wika ni Dianne na nasa kabilang side ng room taliwas sa akin.

Nabuhay ang tuwa sa puso ko dahil sa suportang natatanggap ko sa kanila. Dali-dali ko siyang pinuntahan bitbit ang isang eco bag na mga paninda ko.

"Ilan?" may ngiti sa mga labi na tanong ko.

"Tatlo. Samahan mo na rin ng dalawang mani."

Mabilis akong tumalima dala na rin ng tuwa dahil sa maraming order niya. Ibinigay ko sa kaniya ang binili kasabay nang pagkuha ng bayad. Kung wala lang sigurong tao ngayon ay inamoy at niyakap ko na ang twenty-five pesos na bayad niya.

Pakiramdam ko worth it ang pagpupuyat at paglalakad ko ng mahaba kahapon para lang makabili at nakapagbalot ng paninda. Gummy worms, gummy na dolphin, at mani ang paninda ko. Nakabalot 'yon sa maliit na plastic na nagkakahalagang limang piso.

"Ako rin, El, pabili akong mani," si Nancy.

Akala ko talaga ay walang tatangkilik at hindi ako papansinin, pero suportado nila ako at binibili ang paninda ko.

"Dolphin sa akin."

"Gummy worms sa akin, Elisha."

Lubos na nagalak ang puso ko sa isiping sa ganitong paraan ay matutulungan ko ang pamilya ko. Sa loob ng trenta minutong break na mayroon kami, nagawa kong maipaubos ang halos lahat ng paninda ko. Tanging dalawang gummy worms lang ang natira na ibebenta ko na lang bukas.

Ngayong araw, wala akong kikitain talaga. Balak kong ipambili ang ninety percent nang kinita ko para mas marami akong maibebenta bukas.

"Bilhin ko na ang tira." Naupo si Danrick sa puwesto niya na katabi ko lang.

Nauna kong naramdaman ang pagtutol sa maliit na bahagi ng puso ko ngunit mabilis din iyong natabunan nang pasasalamat.

"Thank you, Danrick," walang halong pagkukunwari na saad ko.

"Kahit ano para sa'yo, Elisha," seryoso at sinsero niyang tugon.

Natigilan ako. Nabitin sa ere ang kamay ko na magbababa na sana ng dalawang balot na paninda ko sa lamesa niya.

"Tigilan mo, Danrick," siya ko sa mababang tono.

"Elisha, sa tingin mo ba nagbibiro ako?" nasasaktang aniya.

"Oo." Kalmado kong ibinaba sa lamesa niya ang paninda ko. "Alam kong biro lang ang lahat para sa 'yo."

"Seryoso ako, Elisha. Gus—"

"Bayad mo?" mabilis na putol ko sa sasabihin niya.

Nasabi niya na sa akin ang bagay na 'yan bago pa man kami mag-moving up. At taliwas sa agarang pagtitiwala ko sa mga salita niya noon, maingat na ang pagpili ko sa paniniwalaan ko ngayon.

Nasa akto na siya nang pakikipag-argumento nang pumasok ang pamilyar na pigura ng isang tao sa room namin. I instantly felt the joy in my heart as if I wasn't just in a bad mood with Danrick. Agad kong tinapunan ng tingin ang maamo niyang mukha.

Pansamantala kong nakalimutan ang mga bagay na iniisip ko sa pagdating niya. Nabaling sa kaniya ang buong atensyon ko kahit hindi naman ako sigurado kung makikita niya ba ako.

"Announcement lang po for Entrep Week. Since magsisimula na siya sa susunod na linggo, i-finalize na raw per section ang business na gagawin ninyo. Either susundan ninyo ang suggestion ng panel during the proposals or may iibahin kayo," anunsyo niya. "It's your call guys. And free cut ng buong Grade 12 ngayon kaya puwede na kayong mag-start na magplano."

"Thanks, Medwin!" pasasalamat ni Zia sabay kaway sa kaibigan.

Medwin took his exit with a smile on his lips. While I never took my eyes off of him as he walked towards the direction of the door. He never looked in my direction, but I contented myself looking at him from afar.

Paghanga lang naman ang mayroon ako sa kaniya pero sa kakaibang paraan na hindi ko mapigilan. Tipong tuwing makikita mo siya saka mo lang mapapagtanto ng hinahangaan mo pala siya. Pero kung hindi naman, hindi siya pumapasok sa isip ko.

Pero iba kasi ang dating niya sa akin lalo na tuwing ganito na ipinakikita niya ang ibang personalidad niya. He looks so ideal with the way he announced things we needed to do.

At the same time that it made me realize how different we were.

"Eli! Bili tayong buko sa labas!" pasigaw na anyaya ni Zia.

Hindi na ako nakatanggi dahil basta na lang niya ako hinila kasabay nang paglalakad niya.

"Sana nagtatanong kung payag ako 'di ba?" sarkastikong saad ko.

"Bakit? Tatanggi ka ba?"

"Oo sana," biro ko.

Napahinto siya sa paglalakad para linguning ako. "Magkalimutan na tayo kung gano'n," seryosong saad niya bago ako muling hinila.

Napailing na lang ako. Kailanman hindi magkakatotoo ang mga salitang 'yon at pareho naming alam ni Zia ang bagay na 'yon.

She plays a big part in my life and she's my greatest treasure that even if she wouldn't feel the same way, I'll do my part not to make her regret being my friend.

"Si Medwin."

Nadamay si Zia sa ginawa kong paghinto nang marinig ang pangalan na 'yon. Pinatunayan na naman ng presensya niya ang kakaibang epekto niya sa akin.

"Lapitan natin," excited na anyaya niya.

Marahas ko siyang inilingan. "Baliw ka, nakakahiya."

"Sira, roon din naman ang punta natin kaya bakit ka mahihiya." Pinaikutan niya ako ng mga mata. "Napaghahalataan ang nagpapantasya kay Medwin."

"Lakas ng topak nito. Pantasya agad? Hindi ba puwedeg nabibilib lang doon sa tao o kaya nahihiya?"

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip ko ang gabi nang ihatid niya ako sa kanto ng eskinita papasok sa amin. Hindi ko nga rin magawang isipin kung bakit at paanong nangyari 'yon.

"Nako, huwag ka na mahiya. Si Medwin lang 'yan, hindi katangkaran, 'di rin kaguwapuhan, medyo cute, at mabait," paglalarawan niya sa taong kabisado ko na.

Sa takot na baka mas lalo niya pa akong asarin kay Medwin at hindi na lang ako nagkomento. Patuloy lang akong nagpatangay sa kaniya.

"Zia," bati ni Medwin padaan pa lang kami sa puwesto niya.

Kasama niya ang kaklase niya marahil o kaibigan na kasabay niyang bumibili ng siomai.

"Medwin!" malakas na bati niya sa lalaki na para bang hindi namin siya nakita kanina.

Katulad nang unang beses na nagkausap kaming dalawa, nagtago ako ulit sa likod ni Zia.

"Hi, Elisha," bati niya sa akin.

Kung hindi ko pa napigilan ay baka napaatras ako dahil sa bigla nang batiin niya ako. Napalunok ako upang agapan ang pagpiyok ko bago pa man ako magsalita. "Medwin."

"Libre ko na kayo," alok niya.

"Hala hindi—"

"Sure," walang kahiya-hiyang pagtanggap niya sa alok ng lalaki, binabalewala ang pagtanggi ko sana.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata para pakalmahin siya ngunit iniignora niya lang ako at nagtungo na sa bantay para mag-order para sa aming dalawa. Dala ng hiya ay bahagya pa akong lumayo sa kumpol nila.

Ngunit sa mabilis na paghawak ni Medwin sa pulso ko ay napigilan niya ako. Sa pagbalot ng malambot niyang kamay sa balat ko ay pinangibabawan ako ng hiya dahil taliwas iyon sa gaspang na mayroon ang kamay ko.

"Elisha, saan ka pupunta?" seryoso niyang tanong.

"Hihintayin ko na lang si Zia sa room namin," pilit na nilalabanan ang hiya na saad ko. I am not even meeting his eyes due to the great amount of shyness his presence is giving me.

"Nag-order siya para sa 'yo. At sagot ko naman kaya huwag ka nang tumanggi," pagrarason niya.

Pasimple kong hinila pabalik ang kamay ko habang mas dumidistansya pa ng kaunti. Sapat na layo mula sa kaniya para maramdaman ko muli ang komportableng paghinga.

"Mas nakakahiya na ikaw ang magbabayad," puna ko.

I can see no point in why would he waste money on me when we are not even that close to begin with.

"You're a friend of a friend. And I want to believe that you could be my own... friend." He lowered his gaze at me which made me look up to meet his eyes. He flashed me a sweet smile, allowing me to find comfort in him. "I want to be friends with you, Elisha."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top