Kabanata 1
Paghanga
The bad thing about people is that they tend to talk about others' lives which they shouldn't be concerning themselves about. Gossiping, spreading false information, and belittling. Talking ill about that person and making other people believe in the false truth they're spreading. That became their daily routine. To the point that they forgot to take care of their own lives, leaving their child running on the street bare feet and dirty.
On my part, belittling has been what my family has been receiving. Hindi— sa halos lahat pala ng aspeto ay pasok kami. Katulad na lang ngayon na naririnig ko na naman ang bulungan ng mga sugarol na nanay sa kanto na kailangan kong daanan.
Alam kong may karapatan ang mga tao na magsabi ng kung anong laman ng isip nila at kung ano mang gugustuhin nila. Pero sana malinaw din na nakatatak sa isip nila na hindi na sakop ng karapatang 'yon ang mang-insulto at manliit ng kapuwa. Na kung hindi naman pala maganda ang sasabihin nila ay mas mainan siguro na manahimik na lang.
Kaso hindi, eh. Tuwang-tuwa pa sila tuwing may taong ibinababa. Nasisiyahan pa sila kapag may tao nasisira.
"Paano kaya nakakapag-aral ang mga 'yan?" bulong ni Aling Pina na kahit anong hina niya ng boses ay rinig ko pa rin. Para naman kasing nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses na hihina lang kapag ikakapahiya na niya ang pinag-uusapan.
"Graduating na ang ate niya, 'di ba? Tapos siya grade twelve na. Ang Kuya naman naliligaw ng landas," gatong ng isa na may nakaipit na sigarilyo sa bibig habang abala ang mga kamay sa pagbabalasa ng baraha. "Saan nila hinugot ang pera nila pang-aral ng mga 'yan nang sabay-sabay?"
"Himala nga, eh. Samantalang construction worker lang naman sa maynila ang tatay niyan. Katulong ang Nanay kay Lourdes at suma-sideline lang ng laba tuwing sabado," pagsingit ng isa na abala sa pagbibilang ng pera na marahil ay kinita niya sa pagsusugal.
Sinandiya kong bagalan ang paglalakad para magawa ko silang mapakinggan. Behind the earphones plugged on my ears where no music was playing, I could hear them clearly. If it has been their routine to talk about our family ever since we moved to this city, mine became like this. Acting as if I was just simply having a sound trip when in fact, it was their voices that I was listening to.
At kung mayroon man na mula noong umpisa na bago kami dito na walang sawang nanliliit sa amin ay si Aling Martha na 'yon. Na ngayon nga ay nang-iinsultong tingin ang ipinpukol sa akin. Kung umasta akala mo siya na ang pinakamayaman sa lahat. Kung makapagsalita sa amin na bagong salta akala mo naman ay teritoryo niya ang buong lugar at nabili niya ang lupang inaapakan ko.
Kung tawagin ang nanay kong unggoy, pangit, at pagong ay akala mo naman siya na pinakamagandang nilalang sa mundo. Kung marunong lang sana siyang tumingin sa salamin para makita niya na ang mga salitang binibitawan niya ay siya ring deskripsyon sa kaniya.
Marunong akong magbigay ng respeto. Pero marunong din akong tumingin kung kanino nararapat ibigay ang bagay na 'yon.
"Mabuti nga nag-aaral, eh," nagmamalaking sabi ni Aling May.
Sa lahat ng narinig kong pang-iinsultong almusal ngayong umaga, ang boses na 'yon ni Aling May ang pinakamasarap sa tainga.
Kung puwede ko lang silang sagutin at ipagtanggol ang pamilya namin, matagal ko nang ginawa. Kaso ay kabastusan 'yon sa nakatatanda bagaman hind nila 'yon kayang ibigay sa kanilang kapuwa. Tanging si Aling May lang naman ang bilib sa aming nagkakapatid.
Ano naman kasi ang masama kung construction worker lang si Papa? Anong mali sa propesyon na 'yon at kailangang maliitin sa paglalagay ng "lang" sa bawat pagbanggit? Mabuti pa nga 'yon at marangal. Maging ang pangangatulong ni Mama at paglalabada. Kaysa naman sa kanila na nabubuhay lang sa tismis at sugal.
May pera nga sila. Nakapagyayabang nga sila sa mga bagay ba mayroon sila na salat kami. Pero nag-aaral kami. At least, kahit hirap pinipili naming lumaban at magpursige kaysa sa sumuko at tumigil. Dahil kami, may pangarap. Na maging ang huminto ay hindi namin pipiliin kailanman.
Ayokong manliit ng kapuwa dahil kung tutuusin ay hindi rin naman kami angat sa iba. Pero sa ganitong bagay na may kinalaman sa pag-aaral ay kaya ko silang harapin ng taas noo dahil hindi tulad ng mga anak nila, nagpapatuloy kami at hindi huminto.
"'Lot, sabay ka na," alok ni Kuya Roel na isa sa mga namamasada ng tricycle sa amin.
"Salamat po," nakangiting tugon ko sa kaniya matapos ay sumakay na sa loob.
Nakasanayan ko na ang ganito tuwing umaga. Mag-aalmusal ng tsismis ng mga kapit-bahay at sasabay ng sakay sa motorsiklo kung may mag-aalok. Nakakahiya man pero para makatipid na rin sa oras nang paglalakad ay sumasabay na rin ako.
Sanay na ako katulad nang pagkasanay ko sa pagtawag nila sa akin ng Kulot o Lot imbes na sa pangalan ko. I am not even sure if they knew what my real name is. Nakasanayan na lang at okay lang naman sa akin.
What I don't like is people calling me names using things that look like my curly hair. Because they were saying it with the intent to insult me. Maging ang pagtawag ng "Ita" sa akin na hindi naman dapat insulto pero kung sabihin ng iba ay parang gano'n na lang ka negatibo ang ibig sabihin ng salita na 'yon.
"Salamat po sa pagsabay," nakangiting pasasalamat ko kay Kuya Roel nang makarating kami sa eskwelahan. Sinuklian niya 'yon ng ngiti at isang tango bago tumalilis ng alis.
Agad na lumawak ang ngiti ko at nakaramdam ng kaluwagan sa puso nang makita ang pamilyar na pigura ng kaibigan ko.
"Zia!" nakangiting bati ko na sinabayan pa nang kaway.
"Wow, mare. Miss na miss? Nagkita lang tayo two days ago," sarkastikong tugon niya.
"Kapal mo! Pasalamat ka nga binabati ka pa, eh," ganting sarkasmo ko.
Inismiran lang niya ako sabay kawit ng braso sa braso ko. Sabay na naglakad kami papasok sa loob kasabay ng mga estudyanteng papasok na rin.
Hindi ko alam kung ako lang. Pero mas ramdam ko ang laya kapag nasa paaralan ako at kasama ang kaibigan. Parang ako, ako. Malamayang umakto ng naaayon sa gusto.
Sa bahay kasi, bagaman ako pa rin naman 'yon, may restrictions. Sa bahay, hindi ka puwedeng umatungal ng reklamo dahil kung pagod na ako, mas pagod ang nanay ko. Madalang lang din mag-usap at maupo sa iisang lugar ang pamilya dahil abala ang mga tao. Kung hindi pa siguro dahil sa hapunan ay hindi kami magsasama-sama sa iisang lugar.
Wala rin akong makausap sa bahay dahil kapwa mga pagod na sa abalang araw na nagdaan. Kaya sa paaralan lang talaga ako malayang magpahayag ng sarili. Sa kaibigan ko lang talaga nagagawang magsabi ng mga nararamdaman ko.
"Mag-aayos na naman ng puwesto para sa third quarter sa Marketing," imporma ni Zia na dahilan kung bakit lumakas ang kabog ng dibdib ko sa baka.
"Sana katabi pa rin kita," kabadong turan ko.
"Sana nga, eh. Baka maging pipe na naman tayo nito sa mga magiging katabi natin. Nakakahiyang makipag-usap sa kanila kahit na dalawang quarter na natin sila kasama."
"Matatalino kasi sila," dahilan ko. "At mahilig makipag-socialize. Eh, tayo? Tamang upo lang sa sulok na akala mo takot sa tao."
Nagkibit balikat siya sa tinuran ko, sariling paraan niya nang pagsang-ayon. "Kaya nga. Kahit sana sila Dennise, Jam, o Jessie lang," hiling pa niya tinutukoy ang iba pa naming kaibigan.
I do belong to a squad, but it was more like a companion not to be left out. Kaibigan ko rin naman sila, pero hindi pa rin ako gano'n kakomportable na kasama sila hindi katulad ng kung ano ako kay Zia.
Masyadong magkapareha ang ugali namin kaya magkasundo kami. Parehong maldita, sarkastika, at maging ang pagiging matabil ng dila ay pareho kaming dalawa. Isama pa ang pagiging tamad sa klase at sabay na magsisi at iiyak kapag may grado na at alanganin na bumagsak.
People intimidates me. Kahit na wala naman silang ginagawang masama sa akin. Tingnan lang nila ako, lumilipad na agad ang isip ko sa kung ano ang iniisip nila tungkol sa akin. Kung puwede lang takpan ang aking mukha para hindi nila ako makita ginawa ko na sana.
Siguro isa na ring dahilan ay ang nakasanayan na pangmamata sa amin ng mga tao sa paligid namin. Even before we moved here, sa Manila pa lang pa lang kasi nanliliit na ako. I am one of those students who belong to the least smart ones. I used to attend remedial classes to help me better understand the lessons. Kaya madalas na itinatabi sa matalino sa oras ng national exams.
"Crush mo!" pasigaw na bulong sa akin nang mapadaan kami sa coop ng school.
"Sinong crush?" kunot ang noo na tanong ko sabay gala ng mga mata para hanapin ang tinutukoy niya.
"'Yong sa kabilang section. Sa Gokongwei! 'Yong Samuel!" kinikilig na pagpalalawak niya ng ekplenasyon.
Mabilis na nakilala ko ang tinutukoy niya at gano'n din kabilis na iginala ang paningin para hanapin ang taong pinag-uusapan naming dalawa.
Agad na napasimangot din ako nang hindi na marandaman ang kilig na madalas kong maramdaman sa tuwing malapit siya. Even though he's just his usual self, wearing his uniform. Wala pa rin namang nagbabago sa blangkong mukha niya pero nawala na talaga ang dating epekto sa akin.
Iba na kasi ang gusto. Bulong ng isang bahagi ng isip ko na agad ko ring sinang-ayunan dahil 'yon ang totoo.
"Ayoko na sa kaniya," simangot ko, akala mo naman may karapatan kung umayaw sa tao.
Nangunot naman ang noo ni Zia at taas ang kilay na hinarap ako. "So, ilan na lang ang natitira?"
Nginisihan ko siya at hindi na kinailangan pang magbilang dahil may sagot na agad sa tanong niya. "Isa."
Inirapan niya ako at pabagsak na sumanda sa sariling upuan. "Nakaka-proud, mare, ha? Sobra," sarkastikong anas niya. "Mula sa lima isa na lang. Hanep! Ano ka? Kolektor ng crush?"
Ako naman ang umirap sa kaniya. "Crushes lang ang mayroon ako at walang gandang katulad mo."
Nag-make face lang siya sa akin. Hindi na naman gusto na pinupuri ang ganda. Bakit kaya gano'n? May mga taong maganda pero hindi gustong nakatatanggap ng mga papuri samantalang mas marami ang bilang ng mga taong naghahangad na masabihan no'n?
Katulad ko na hindi na nga gustuhin, hindi pa maganda. Though hindi naman ako naghahangad na may magkagusto sa akin. Okay na ako sa patagong crush. Mas may thrill. Para sa isang taong takot makihalubilo sa iba, paghahanap ng taong hahangaan ang naging libangan ko.
Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at muling itinutok sa corridor ng building namin. Sa makailang ulit na tinatahak ko ang daan na 'to, nakabisa ko na ang oras kung kailan dadaan ang bagong apple of the eye ko.
At hindi naman ako nabigo dahil ilang sandali lang ay dumagundong ang malakas na pagpintig ng puso ko. Naging malabo ang paligid niya at tanging siya lang ang malinaw sa aking mga mata. At ang bawat galaw niya ay hindi lumalampas sa paningin ko, lahat ay nasasaulo.
"Hoy, seryoso? 'Yan bago mo?" manghang tanong ni Zia na malamang ay napansin ang kakaibang kinang sa mga mata ko.
Halos nasa magkabilang dulo ang distansya namin ngunit nagagawa pa rin namin siyang makita. "Kilala mo?" sabik na tanong ko.
Ang nakasanayan kong pag-irap niya ay hindi ko pinansin. Tahimik na hinintay ko lang ang kumpirmasyon mula sa kaniya.
"Kaibigan ko simula elementary."
Nanlaki at mas lalo pang kuminang ang mga mata ko. "Anong pangalan?"
Nginiwian niya ako at tiningnan ang taong malapit na naming makaharap. "Sure ka na r'yan? Sa maitim, may malaking mata, makapal na labi, tho matangos ang ilong niya, at maliit na taong 'yan?"
"Mas matangkad siya sa akin!" pagtatanggol ko sa lalaki.
Isang irap na naman ang natanggap ko. Kung hindi ko lang siya kaibigan ay malamang na-offend na ako sa kanina niya pang pagpapaikot ng mga mata sa akin. Natural na kasi sa kaniya 'yon kaya wala nang kaso sa akin.
"Malamang na mas matangkad sa'yo 'yon, baliw! 4'8 ka lang Elisha Sta. Monica. Kaya kahit sinong itabi sa'yo mataas ang porsyentong mas matangkad dahil sa liit mo," natatawang pang-aasar niya.
Inirapan ko siya at inambahan ng suntok ngunit agad ko ring ibinaba ang sariling kamao. "Nagsalita ang matangkad. Hoy!" Dinuro ko siya na sinagot lang niya ng pang-aasar gamit ang panggagaya sa buka ng bibig ko. "Lumamang lang ng ilang pulgada akala mo ng taas na! Matuto kang yumuko sa mas mababa sa'yo, Zia Valderama!"
Nagtagisan kami ng tingin ngunit sa loob-loob namin ay alam naming biruan lang ang nangyayari.
"Zia?" anang boses na pumigil sa pagtititigan namin. At kahit hindi ko kita, alam ko na agad na siya ang nagsalita.
Ang pangkaraniwang araw na inaakala ko para sa araw na ito ah hindi nangyari. Dahil ang boses na 'yon na walang kasing ganda at lambing ay nagdulot ng kakaibang bilis ng tibok ng puso ko.
Unang beses ko pa lang narinig ang boses niya. At nagsisisi ako kung bakit hindi ko naihanda ang recording app sa phone ko para magawang i-record ang boses niya para magawa kong pag-sawaan.
Hindi 'yon malalim katulad ng sa iba na kaedaran niya. Ang hinuha ko ay pareho lang kaming seventeen years old at nasa Grade 12 na. Hindi rin katulad ng iba ay maliit lang siya na ang tantiya ko ay 5'2 lang. Ngunit katulad nang sabi ng magaling na kaibigan ko, maliit akong tao kaya mas matangkad siya sa akin.
"Medwin," pagbanggit ni Zia sa pangalan ng taong hinahangaan ko.
Sa unang pagkakataon makalipas ang isang buwang lihim na pagnanakaw ko ng tingin sa kaniya ay napangalanan ko siya. Ang dating pamilyar na mukha lang na pinagmamasdan ko sa tuwing dadaan sa aming silid-aralan ay may pagkakakilanlan na.
Umalis si Zia sa gilid ko para harapin ang lalaki. Gusto kong sumunod at makipaglapit din ngunit pinangungunahan ako ng hiya dahil sino lang ba ako? Nahihiya akong tumabi sa katulad niya mukhang respetsdong estudyante. Hindi siya sikat ngunit sa obserba ko ay maraming nakakikilala sa kaniya. Marami ring kaibigan hindi katulad ko na pili lang.
Tsaka crush lang naman kaya dapat hanggang doon na lang. Simpleng paghanga na agad ding makakalimutan katulad ng mga nauna ko nang hinangaan.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Mula sa kayumangi niyang balat, payat na pangangatawan, makapal at may kahabaang buhok na kung titingnan ay may kaunti ring kulot, ang mga labi niya na mapula at may kakapalan, hanggang sa ilong niya na katamtaman lang ang tangos. Ngunit ang pinakapabirito ko sa lahat, ang itim at tila kumikinang niyang mga mata.
"Kurap, Eli. Napaghahalataang patay na patay," bulong ni Zia sa akin.
Mabilis at sunud-sunod ang naging pagkurap ko sabay yuko dahil sa pagkapahiyang nararamdaman. Palihim na sinamaan ko ng tingin si Zia na walang pagdadalawang isip na ibinalik niya sa akin.
Umami 'yon ng mahinang tawa mula kay Medwin na dahilan para ikapula ko pa. Natutukso akong lumingon at titigan ang mukha niya katulad ng mga nagdaang umagang nakasanayan ko na. Ngunit sa sobrang hiya ay mas isiniksik ko ang sarili ko sa likod ni Zia para itago ang sariling mukha.
"Kaibigan ko. Ingat ka, nangangagat 'yan," pagpapakila ni Zia sa akin.
"Nahihiya yata sa akin ang kaibigan mo, Zia," wika ni Medwin na kababakasan nang ngiti ang pagsasalita.
"Sus, pabebe lang 'yan," pang-aasar pa ng kaibigan ko.
Gusto ko siyang batukan o maski irapan man lang pero hindi ko magawa dahil oras na kumilos ako ay makikita ako ng lalaki. Pero dahil isang Zia Valderama ang kaibigan ko, imbes na hayaan ako sa pakikipag-face-to-face sa likod niya ay walang ingat na hinila niya ako at ipinaharap sa kaibigan niya.
Kinain ako ng matinding hiya at agad na sinalakay ng kaba. Pinanatili kong nakayuko ang ulo ko at hindi nangahas na salubungin ang mga mata niya. Ramdam ko ang paningin niyang nakapako sa akin ngunit wala akong lakas ng loob na tingnan siya.
His eyes have been my weakness when it comes to him. Masyadong maganda ang kinang no'n na tila maraming sinasabi kahit na ang kaniyang bibig ay tikom. Gano'n na lang kaganda ang mga mata niya na tinatakasan ako ng lakas at kumpiyansa.
"Hi, friend of Zia. Medwin Laquindanum," pagbati niya sa walang kasing lambing na boses.
Natural na 'yon sa kaniya ngunit ang sarap hilingin na maangkin ang tinig niya. Hindi 'yon brusko at hindi rin malalim katulad sa iba na nakaaakit daw para sa karamihan ng mga kababaihan. Normal na boses lang, malambing, magaan, at napakasarap sa tainga.
"Hi, daw." Siniko ako ni Zia. "May dila ka Elisha, uso magsalita," sarkastiko niya pa ring bulong.
Nang hindi ko pa rin magawang sumagot, inilahad niya ang kamay sa harapan ko, nakikipagkilala. At gano'n na lang ang pagwawala ng puso ko sa kaba nang mapagtantong mahahawakan ko ang kamay niya.
"Well?" he murmured, patiently waiting for my response.
Isang malalim na hininga ang ginawa ko bago binuo ang kakarampot na tapang na mayroon ako. This is the first time that a guy talked to me aside from my classmates. Lalo pa na taong hinahangaan ko.
"Elisha," I finally said, letting him know my name. "Elisha Sta. Monica."
With a little braver heart, I took his hand.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top