Chapter 16
Katatapos lang ng limang oras na operasyon na isinagawa ni Dessa. Nag – stretching pa siya habang naglalakad palabas ng ospital. Alas onse na ng gabi at nararamdaman na niyang sumasakit ang buong katawan niya sa pagod. Gustong – gusto na niyang umuwi at makapagpahinga.
Ngunit naputol ang kaniyang pag – iisip nang marinig ang cell phone niyang tumutunog. Kinuha niya ito sa loob ng kaniyang bag at nakita na ang pagkarami – raming messages at missed calls.
Nagtataka man ay sinagot niya ang tawag na mula sa kaibigang si Eliza. "Yes Liz?"
"Dessalina! Oh my God! Finally! Where are you? Tapos ka na ba sa operation mo? Nabasa mo ba mga texts ko sa'yo?" may pag – aalalang sunod – sunod na tanong nito.
"Huh? Wala pa. I'm too tired to check my phone. What is it?"
"Goodness gracious! Arkhee got into an accident! He's in the emergency room --" hindi na niya narinig pa ang mga sumunod na sinabi nito dahil mabilis na siyang kumaripas ng takbo. Ito ang unang rumehistro sa utak niya nang marinig ang sinabi ng kaibigan.
Kahit pagod na pagod na siya ay tinangka niya pa ring tumakbo ng mabilis. Naging blangko ang pag – iisip niya at ang gusto niya lang sa mga pagkakataong iyon ay makarating sa kinaroroonan ni Arkhee.
Please. Please Lord. Please not so serious... Please.
Naikuyom niya ang mga palad habang papalapit na siya sa emergency room. Malayo – layo rin ang tinakbo niya dahil masyadong malapad ang St. Andrew's Hospital at nasa kabilang wing siya nang tumawag si Eliza. They were supposed to have a date today but she had to cancel it for work. She was so busy today. She haven't even checked her phone and when she did, a very bad news struck her.
"Where is he?" Isa – isa niyang pinagbubuksan ang mga kurtina at sinilip ang mga kama nang makarating siya sa ER. Ngunit hindi niya makita ito at nauubusan na siya ng pasensya. Nag – ooverthink na siya. Masama na ang iniisip niya at bilang doktor na hindi naman bago sa kaniya ang mga ganitong sitwasyon ay nakakaramdam na siya nang sobrang sakit sa dibdib.
"Arkhee?!?!" sigaw niya, hysterical na siya. Hindi na napigilan ng mga mata niya na mamuo ng mga luha dahil wala na siyang kasisidlan pa ng pag – aalala. Wala na siyang pakialam pa kahit nakatingin na sa kaniya ang mga taong naroroon. Isa lang ang nasa isip niya at iyon ang malaman ang kondisyon ni Arkhee.
"Doc Velasco?" tanong ng isang ER male nurse sa kaniya na mukhang kilala siya. "May hinahanap po ba kayo?"
"Ye – yes! Arkhee Almeida! Where is he? Is he okay?" Her voice was full of panic.
"Arkhee Almeida?" Nag – isip pa ito na para bang inaalala kung mayroon ba talagang pasyenteng may ganoong pangalan. Hindi na siya mapalagay habang hinihintay itong sumagot.
"Yes! Nasan siya? I heard he's here. Please tell me he's okay...please...please." Hindi niya alam bakit parang nagmamakaawa siya sa kausap subalit ito ang inilabas na reaksyon ng sarili niya.
"Ahhh. Yes doc. Nailipat na po siya doc. His vitals were stable but he's still unconscious kanina. Si doc Enri Morales po 'yung nag – attend sa kaniya." May tiningnan ito sa clipboard na hawak at nagpatuloy. "Nasa room 2 po siya ng V.I.P. suite. His lab --"
"Thank you. That's all I need to hear." Tumakbo ulit siya palabas ng ER at nagmamadaling tinungo ang elevator. Nang makapasok ay halos mapaupo siya sa sahig ng elevator. Nanghihina ang mga tuhod niya at nananakit ang dibdib niya.
Hindi niya na napigilan na humagulgol. Sa unang pagkakataon pakiramdam niya ay wala siyang nagawa bilang isang doktor para sa taong importante sa kaniya. Wala siya sa tabi nito nang may mangyari kay Arkhee.
Ang sakit – sakit ng puso niya. Naghalu – halo na ang mga emosyong nararamdaman niya. Natatakot siya sa maaring mangyari kay Arkhee at baka hindi niya kayanin. Sino ba naman ang mag – aakalang may mangyayaring masama rito? And now she realized something.
Life is fleeting and it will always be. No one can be sure when one's life will end and no one knows what the future holds. Dessa felt so proud of herself for saving lives because she's a doctor but she's not God. She can only pray and hope that she could save the lives of her patients but it's not up to her if they will continue living or not.
And now that it's Arkhee's life on the line, she wanted to scream and beg God to not take his life away from her. She wanted Arkhee to stay with her, to be loved by him, because she loves him. Dessa's in – love with him.
I love him but he doesn't know that. He still doesn't know how much I want to be with him. I haven't told him yet that I do. Why didn't I tell him so?
What was she waiting for? Kailangan pa bang may mangyari sa lalaki para marealize niyang ang tagal na niyang pinaghihintay na sabihin niya rin dito na mahal na niya ito? Pero paano kung huli na ang lahat? Paano kung hindi na nito marinig na sabihin niyang mahal niya si Arkhee?
Mas lalong siyang napaiyak. Nagsisisi siya sa mga pagkakataong ibinigay sa kaniya ng Diyos na iparamdam at sabihin kay Arkhee na mahal niya rin ito. Bakit nga ba hinayaan niyang dumaan ang panahon na hindi man lang siya nakapag sabi rito ng 'I love you' o kahit man lang sabihin rito na gusto niya itong palaging kasama? Regrets were now covering her heart.
She's so scared and sad. Of all the things that she didn't see coming, this one's the worst so far. How will she even forgive herself if Arkhee left without him knowing what she really felt for him? She might just spend her entire life mourning and not moving on.
"Dessa?" narinig niyang tawag ng isang pamilyar na boses ng lalaki. "Oh my God. Are you okay? Here let me help you."
Hindi niya napansin na bumukas na pala ang pinto ng elevator. Masyado siyang lunod sa kaniyang mga iniisip. Nilingon niya ang lalaking nagsalita sabay nang pagpunas ng kaniyang mga luha gamit ang likod ng kaniyang mga palad. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat upang makatayo siya ng maayos at makalabas ng elevator.
"Enri...si...si...Arkhee?" humihikbing tanong niya. Narinig niyang bumuntong – hininga ito bago nagsalita.
"I think you need to rest first Dess. Arkhee will be okay. He will wake up soon."
"No. I should be with him. I need to be with him. Please?"
Bahagya pa itong nag – isip bago sumagot.
"Okay. I'll allow you to go to him kahit tapos na ang visiting hours. I'm his doctor Dessalina and as your friend, I want you to be strong for him." Marahan lang siyang tumango at sabay na nilang tinungo ni Enri ang silid na kinanalagyan ni Arkhee.
Nang buksan nila ang pinto ay nakita niya ang nakahigang si Arkhee, may puting benda ang ulo nito at may neck brace. May mga galos din itong natamo sa braso. Napaka matiwasay nang paghinga nito. Lumapit siya sa kama at hindi niya napigilan na halikan ito sa pisngi. Marahan niya itong niyakap at napaiyak na naman siya.
"Please wake up. I'm here, Eon..."
A/N:
Oopps...sometimes things and people leave us unexpectedly. And indeed it's a lesson for all of us to cherish those we love while they are still with us.
Thank you for all the votes and comments!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top