Chapter 15

Hindi mapakali si Dessa habang nasa loob ng sasakyan ni Arkhee. Magkasama silang nakaupo sa backseat at papunta sila sa bahay ng mga magulang nito. Malalalim na hininga ang binubuga niya habang pinapakalma ang sarili sa kakaharaping pagsubok.

Kinakabahan man ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa alok ni Arkhee na sumama sa family lunch ng pamilya Almeida upang maipakilala siya sa mga magulang nito.

Isang buwan na ang nakakaraan mula nang pumunta sila ng Brazil at napag - desisyonan nilang dalawa na totohanin na ang namamagitan sa kanila. Ngunit hindi niya inaasahan na ganito kabilis ang magiging pagsulong ng kanilang relasyon dahil nasa stage na sila ng 'meet the parents'.

Napansin maaari ni Arkhee na balisa siya dahil hinawakan nito ang kamay niya at nagsalita. "Eon, relax. They're just my parents. You don't have to worry about anything."

"Well, the reason I'm even worried is because I am meeting your parents," may pagdidiin pa sa sinabi niya. "I don't have a million dollar networth, you know. Now that I think about it, I probably do not deserve you."

"Don't you dare say that Dessa! How could you think that way?" galit nitong sermon sa kaniya. "What you do is way better than what I do. Gracie will never be able to live her life if not because of you. So stop talking about this nonsense."

"Sorry..." mahina niyang sambit.

Arkhee dropped his face on her and planted a kiss on her lips, made her quiver. "You're amazing. Just be yourself. I know they will love you too."

"Thank you Eon." Ngumiti siya rito. "You're just what I need."

-----

Arkhee's parents' house was a grand old mansion tinted with caramel - colored paint. It's decorated with antiques and some luxurious ornaments everywhere. There were lots of lamps and sofas too. They passed a huge, splendid room before Arkhee led her into a glassed conservatory equipped with a lavish dining table and chairs in the middle of the place. Green plants, countless blossoming flowers and a water fountain made Dessa drop her jaws in delight.

"This is paradise..." nasambit niya habang inililibot ang buong paningin sa paligid.

"It is. My mom is a gifted gardener, I guess."

"Doc gorgeous!" tawag ng isang pamilyar na boses sa kaniya. Tumakbo ang batang babae palapit sa kanila at niyakap ang kaniyang braso.

"Gracie!" kinarga niya ito at niyakap. Dawalang linggo na ang nakalilipas mula nang madischarge ito sa ospital at nakauwi na sa kanila. Ngayon lang ito ulit nakita ni Dessa dahil sa susunod na buwan pa ang follow - up check nito sa kaniya. "I miss you!"

"I miss you too Doc! Lolo and Lola are super excited to meet you!"

"And I'm excited to meet them too!" Ngunit sa loob - loob niya ay talagang kinakabahan na siya. Ibinaba niya si Gracie at iniakay siya nito sa isa sa mga dining chairs at pinaupo. "Thanks pretty girl."

"You're welcome! Daddy two, you take care of Doc gorgeous, okay?" nag thumbs - up pa ito kay Arkhee. Natawa na lamang si Dessa dahil ang asal nito ay para ng matanda.

"You don't have to tell me that baby girl..." parang bata din na pumatol si Arkhee rito.

"Hello Doc!" bati ni Arriane sa kaniya, katabi nito ang isang matipuno at matangkad na lalaki na siyang ama ni Gracie. Nakasalamuha na niya ang mga ito noong nasa ospital pa si Gracie.

Ngunit kahit bumibisita rin ang mga magulang ni Arkhee kay Gracie noon ay hindi sila nabigyan ng pagkakataon na magkita at maipakilala sa isa't - isa. Kaya hindi niya maiwasang kabahan at makaramdam ng panliliit sa sarili dahil isang napakayamang angkan ang pamilya Almeida.

"Hi Arri! Hi Fred!" bati niya sa dalawa. Subalit lumakas na lalo ang tibok ng kaniyang puso nang makita ang dalawang matandang nakasunod sa mga ito. At hindi nga siya nagkamali dahil mabilis na lumapit sa mga ito si Arkhee.

"Hi Ma, Hi Pa," hinalikan ni Arkhee sa pisngi ang mga magulang. Nasa mga 60's ang tantiya ni Dessa sa mga ito.

His mom had a brunette hair up to her shoulders and pearl earrings. She was wearing a sophisticated, knee - length, blue dress while Arkhee's dad was a dark - haired man and obviously affluent - looking, in a white polo shirt and black trousers. May pinagmanahan nga talaga sa kagwapuhan at kagandahan sina Arkhee at Arriane.

"I'd like you to meet Dessa, my girlfriend."

Panicking inside, Dessa forced herself to calm her nerves and smiled. "Good noon po."

Tumayo siya sa kinauupuan at lumapit sa mga ito. Nagmano siya sa dalawang matanda bilang paggalang sa mga ito. Nang tumindig siya ay niyakap siya ng ina ni Arkhee at hinalikan rin sa pisngi.

"You're so polite and beautiful, Hija. No doubt Arkhee is so excited na maipakilala ka," anito na ikinabigla niya. Hindi agad siya nakabawi kaya napangiti na lamang siya nang maghiwalay sila.

"Ma naman!" reklamo ni Arkhee na may dalang paglalambing. "You're spilling the beans."

Natawa ang ina ni Arkhee at umiling - iling naman ang ama nito.

"Why are you embarrassed? Kaya hindi ka nananalo kay Ash kasi mabilis kang mapikon." Nakangiting pagbibiro ng ama. "Baka maunahan ka pa niyang mag asawa."

"Hah! Ang sabihin mo Pa baka walang gustong magpakasal sa kaniya." Hinawakan ni Arkhee ang kamay ni Dessa at naupo na silang lahat sa dining area.

Mukhang nag - worry lang talaga siya para sa wala dahil ang pamilya ni Arkhee ay isa lang ding normal na pamilya kapag magkakasama. Nagbibiruan at nagtatawanan, masayang nag - uusap sa hapag - kainan, katulad ng pamilya niya kapag kasama niya ang mga ito. Dahan - dahan ng gumagaan ang pakiramdam ni Dessa at nawawala na ang kaba sa dibdib niya.

"I'm not so sure about that. Dan is back. Baka nga maunahan ka pa talaga niya." Sagot naman ni Arriane na halatang nang - aasar.

"Danie's back? When?" bakas sa mukha ni Arkhee ang pagkagulat. "Ash didn't mention it."

"Why would he? He must be thinking you're still in - love with her..." sa pagkarinig ng sinabi ni Arriane ay nagpanting ang tainga ni Dessa. Napatingin tuloy siya sa mukha ni Arkhee na nakakunot ang noo.

"That's crap sis. But if she's finally back, does that mean she's leaving the convent?" Tama ba ang naririnig ni Dessa? Kumbento ba kamo?

"I'm not sure. Ash actually sent the message in our GC Khee. I guess you're too busy to read messages now." Napansin maaari ni Arriane ang pagkabalisa sa kaniyang mukha dahil ibinaling nito ang tingin sa kaniya. "Danie was Arkhee's first love Dess, but she's probably Ash's one, true love. But both of them didn't stand a chance. Dan's heart is taken by Someone whom they can never compete."

Arriane pointed her finger towards the sky. It made sense to Dessa that maybe the woman they were talking about wanted to become a servant of God, like probably a sister.

Ngunit hindi niya pa rin naiwasang makaramdam ng kirot sa kaniyang puso sa nalaman. Napagtanto niyang marami pa talaga siyang hindi alam kay Arkhee, katulad na lamang ng mga taong naging parte rin ng buhay nito.

"Eon...Dan's ancient history. She's just one of our good friends since highschool, like Oreo." Palihim nitong hinawakan ang kamay niya sa ilalim ng mesa. "There's nothing to worry about it. Arri's just teasing me."

"I know. I'm not worried." She mustered a smile. "You shouldn't underestimate me..."

Inilapit ni Arkhee ang mukha nito sa kaniyang tainga. Akala niya ay kung anong ibubulong nito. "I love you. And I'm not underestimating you. I just don't want you to think I'm in love with another woman."

Napahigpit tuloy ang hawak niya sa kamay nito nang marinig ang binulong nito. Tumindig ang mga balahibo niya sa batok nang dampian siya ng halik ni Arkhee sa kaniyang pisngi.

Hindi niya inaasahan na magagawa nito ang bagay na iyon sa harap ng pamilya. And it made her blush badly. She pressed her lips together. This man was always unpredictable, but even so, it didn't make her hate him, rather, his unpredictability made her love him more.

"Ui...Daddy two, you're so in - love!" panunukso ni Gracie sa kanilang dalawa, maaaring nakita nito ang paghalik ni Arkhee sa kaniya. Ngumisi tuloy lahat ng kapamilya ni Arkhee. "You should get married!"

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Hindi pa nga siya nakaka move - on sa 'meet the parents' stage ay may bago na namang ideya ang lumabas sa ere.

"Oo nga naman, Hijo. Both of you are at the right age na." dagdag pa ng kaniyang ina.

Arkhee cleared his throat. "Ma, we'll get there. Don't pressure Dessa. She's busy saving lives, remember?"

"I'm not pressuring. I'm just stating a fact, son." Malambing ang pagkakasabi ng mga salita ng ginang ngunit para kay Dessa ay isa itong 'alarm clock' na nagpapaalala sa kaniya na maaaring dapat na siyang mag - asawa.

"We --" hindi na nakasagot pa si Arkhee sa ina dahil dumating na ang mga kasambahay nila na dala ang mga pagkaing inihanda para sa kanilang pananghalian.

"Food is here!" Magiliw na sabi ni Gracie. Hindi na rin ipinagpatuloy pa ni Arkhee ang dapat nitong sasabihin. Sa tingin niya rin ay mas mabuti nang hindi na lamang iyon patulan pa. Para sa kaniya ay masyado pang maaga para pag - usapan ang kasal para sa kanilang dalawa. O baka natatakot lang talaga siya?

Dessa never thought of herself marrying someone. It never occurred to her that at some point in her life she will even find someone would want to spend their whole lifetime with her.

At times, she felt scared of the idea to be a wife for a man and become a mother of their children. She got scared that it won't work - out and destiny will betray her in the future. She didn't want things to not follow the pattern she had made up in her mind about marriage.

That's why, for years, her life revolved around her work as a doctor. When she pursued neurosurgery, she kept studying and researching for different techniques and practices to better herself in the field. And she felt a sense of fulfilment everytime she did a succesful operation. She was happy but she couldn't deny the fact that there was something missing in her life even how satisfactory her day went.

Naging subsob siya sa kaniyang piniling landas at nakalimutan na niya na bigyang halaga ang buhay pag - ibig niya. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa mga napagtantong katotohanan sa sarili.

She felt like she's finally stepping out from a trance. She was so busy trying to prove to herself that she's a brilliant doctor, so desperate to make people recognize her very existence through her hardwork, she was so sure of herself she wasn't missing out on anything.

But I've been such an idiot.

Tinitigan niya si Arkhee at mula sa kaniyang puso ay ngumiti siya nang magtama ang kanilang mga paningin. This time, she knew, her heart was definitely on the right track.

I love you. And if you'll ask me to marry you soon, I probably will.

*****

A/N:

Ako din, guilty. Nakalimutan ko nang mag love life dahil sa trabaho ko dati. Kaya naman ibinibenta na ako ng nanay ko ngayon. Haha.

Thank you for the votes and comments!

Love & Light,

BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top