Chapter 14
Sinulit ni Dessa ang huling araw niya sa Rio de Janeiro. Nagising siya ng maaga upang mag - swimming sa dagat ng Ipanema. Pagkatapos niyon ay magkasama silang nag shopping at namili ng mga souvenirs ni Arkhee. Mabilis dumaan ang oras at kinahapunan ding iyon ay kinailangan na nilang bumalik ng Pilipinas.
"I can't believe I just spent a whole weekend here in Brazil," sambit niya habang nakaupo sa couch sa loob ng eroplano. "Ibang klase rin kayong mayayaman noh? Yung trip niyong weekend ay sa kabilang panig ng mundo."
"I needed to do some business here and Kristoff who's our co – pilot today have to supposedly check on Oreo secretly. But I guess it can't be helped dahil nabuking pa rin siya ni Oreo dahil sa'yo." Kibit – balikat nitong usal habang nakaupo rin sa kabilang couch.
"Bakit parang kasalanan ko pa ngayon? Stalker lang talaga 'yang friend mo!" She stuck her tongue out at him. "Hindi ka mananalo sa akin sa pang – aasar Arkhee Almeida!"
"Hmmm. Now that you mentioned my name. Don't you think we should call each other with endearments?" Mukhang nakakaungos na sa pang – aasar si Arkhee.
"Do we really have to go to that level already?" inosente niyang tanong.
"Why not? Everyone calls you doctor or Dessa. And I'm not just everyone. I'm your boyfriend."
Napangiti siya sa sinabi nito. "Hmmm...point taken."
"So what do you like? Honey? Love? Babe?" excited pa ang tono ng pagtatanong nito.
"Ayoko ng Babe. Hindi naman ako biik. Love and honey are too common, don't you think?"
Patango – tango pa ito bago sumagot. "Yeah. So do you have anything in mind?"
Nag – isip – isip muna siya bago sumagot.
"How about Eon?" mababanaag sa mukha nito na hindi nito naintindihan agad ang salitang sinabi niya. "You can google that or find the synonyms."
Hinawakan nito ang cellphone at halatang nacurious ito sa salitang sinambit niya na magiging endearment nila.
"Huh...age? Blue moon? Ano ba 'to?" nagtatakang sambit nito habang binabasa ang mga nasearch. Nagpatuloy pa ito sa pagbabasa nang mapansin ni Dessa na napangiti ito. Tinakpan ni Arkhee ang bibig na para bang nagpipigil at parang nahihiya pang sabihin ang nabasa nito. "Forever?"
She couldn't help but grin. "What do you think, Eon?"
Matagal bago nakasagot si Arkhee. Hindi niya mabasa ang iniisip nito, tuloy kinabahan siya. Masyado atang OA ang suggestion niya at mukhang nag – aalangan ito. "If you don't like it, let's think of something --"
"I think I really love you now, my Eon..."
Natigilan siya sa narinig mula rito. Pakiramdam niya ay namula ang buong mukha niya. Kahit ang puso niya ay hindi na napigilan na tumibok ng napakabilis. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman.
He's in – love with me?
Dahil hindi siya nakasagot ay nagpatuloy ito. "You don't have to say that you love me too. I'm already happy that you think of me as your forever."
"Huh...parang gusto ko na tuloy bawiin ang suggestion ko. Pwede pa ba?"
"Wala nang bawian! I'm your Eon! If you want to change it, then you have to kiss me..." nang – aasar na sabi nito sabay kindat pa sa kaniya.
"Ahhh. The evil is out from hell."
"That's mean. But I'm still your Eon, no matter what. Haha." Pang – iinis pa nito sa kaniya.
"Whatever. I'm going to sleep..." Sa unang pagkakataon ay tinatanggap niya sa sarili na hindi siya mananalo sa pang – aasar kay Arkhee dahil hindi na niya mapigilan pa na kiligin sa mga pinagsasabi nito.
She leaned on the other side, looking out at the window and happily smiled. She didn't want Arkhee to find out how he made her heart skip a beat. She didn't want him to see how red her face was while her mind replayed the words he said to her.
She closed her eyes but then she felt something soft touch her skin. Nang buksan niya ang mga mata ay napansin niyang may kumot na nakapalupot sa kaniyang katawan. Nakatayo rin si Arkhee sa gilid ng upuan niya.
"Thank you." She muttered.
Hindi na siya nakaiwas pa nang hawakan ni Arkhee ang ulo niya at halikan nito ang buhok niya. "Good night Eon."
Nang pakawalan siya nito ay dali – dali niyang tinakpan ng kumot ang kaniyang mukha at kagat – labing nagpigil na mapasigaw. Hindi niya inaasahan na napaka – sweet pala nito at sa sobrang kilig ay hindi na kinaya ng puso niya. Mukhang hindi na mapipigilan pa na ma inlove siya kay Arkhee at magpakatotoo siya sa sarili.
*****
A/N:
Bagong tawagan para sa mga taong in a relationship...Eon...pwede niyo isuggest sa inyong mga jowa.
Promise hindi ako magagalit. haha.
Thank you for voting and commenting!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top