Chapter 2
BINUKSAN ni Tres ang pinto ng magiging kwarto niya at sinenyasan siya na pumasok na sa loob.
Nag tataka na tumingin siya rito dahil hindi ito pumasok sa loob at nasa harapan lang ng pinto.
"Gustuhin ko man na tulungan ka mag ayos but I'm already on my last straw."
"Ha?"
"Kapag may kailangan ka, don't hesitant to call. May telephone diyan sa gilid."
Tumingin siya sa paligid at nang makita niya ang telephone ay tumango siya rito.
"What's your mum means by your teammates earlier?
"Ah, teammates ko sa cheer dance," alanganin niyang sagot dito.
Pinasadahan naman siya nito nang tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tumango-tango sa kaniya.
"Binubuhat ka?"
"Oo, flyer ako. Actually, may practice kami ngayon. Nag paalam lang ako na maaga uuwi."
Bigla ito umiwas nang tingin sa kaniya. "So, those guys your mum mentioned earlier... are your lifters?"
"Sina Noah and Matt? Oo, bases ko sila," naka-ngiti niyang sagot dito. Hindi niya akalain na mabait pala ang bunso ng triplets.
"Oh!" For some reason, she hint a little disappointment sa tono nito.
Inikot niya ang paningin. Bigla siya nailang dito. Nakita niya nasa loob na ng silid ang maleta niya.
"Ahm, thank you," saad niya rito nang hindi na siya makahanap na pwedeng isagot dito.
Tumango naman ito sa kaniya. "How old are you again?"
"I'm nineteen."
"Good. I'll let you unpack your things na."
She smiled at him. "Thanks, Tres." Napansin naman niya natigilan ito saglit sa pag tawag niya rito pero agad rin nahimasmasan at walang sabi-sabi na tinalikuran siya nito.
NAGING busy siya sa pag aayos ng gamit sa silid na gagamitin niya sa buong semester.
Natigil lang ito nang may kumatok sa kwarto at pina-pababa siya para mag gabihan. Tumingin siya sa orasan at nakita na ala siete na ng gabi. Kaya pala nagugutom na siya.
Nang makarating sa dining area ay napansin niya na andon na ang lahat at siya na lang ang hinihintay ng mga ito.
Na-gi-guilty na lumapit siya sa mga ito.
"Sorry po, hindi ko po napansin ang oras."
"It's okay, honey. Maupo ka na para makapag simula na tayo kumain."
Tumabi siya kay Eleanor, nasa pinaka center table naman naka upo ang ama ng triplets habang ang tatlo ay sa opposite side na pwesto nila.
Umiwas siya ng tingin na mapansin naka tingin ang mga ito sa kaniya.
"Cece, your mom told us nasa cheer dance ka raw? Is that right, honey?"
"Yes po, tita. Maybe ayan po ang dahilan kung bakit hindi nila ako sinama sa America."
"They said your team is planning to compete in Asia?" may malalim na boses na saad ng ama ng tatlo. Tinawag ito ng ama niya sa pangalan Benjamin.
"Ahm, yes po," medyo nahihiya niyang sagot dito.
"Cheer dance, huh?"
Napalingon siya kay Uno nang mag salita ito. May panguuyam ang pag kakasabi nito.
"M-may problema ba do'n?"
"Uh, uh," kumunot ang noo niya. "You are letting some dudes touching you."
Napatanga naman siya sa sinabi nito. Anong mali roon? Cheering squad sila at lalo nang hindi some dudes sina Noah at Matt.
"Uno!" sita ng ina nito.
"Forgive my brother, he's an asshole," kalmadong saad ni Dos sa kaniya habang hinihiwa nito ang karne sa plato.
"Language, young man!" sita ng ama nito. She jumped a little nang sumigaw ito. Natakot siya dahil sobrang lalim at lamig ng boses nito.
"A-ayos lang po." Niyuko niya ang ulo at sa pagkain tinuon ang atensyon. Naramdaman naman niya ang pag hawak ni Eleanor sa kaniyang braso na binigyan siya ng isang ngiti.
KINABUKASAN ay maaga siya nagising dahil katulad nga nang sabi sa kaniya ng coach nila. Kailangan niya mag practice para habulin ang oras na hindi niya na-practice kahapon.
Pababa na siya ng hagdan nang makita niya si Dos na paakyat. Napansin niya na basa ito ng pawis.
Pinasadahan niya ng tingin ang katawan nito pero agad rin siya umiwas nang makita siya nito.
She saw him smirked before going inside to his room. Bigla uminit ang pisngi niya sa hiya.
Mabilis siyang bumaba at pumasok sa kusina kung saan nakita niya si Eleanor.
"Tita, good morning po," bati niya rito.
"Papasok ka na?" Tumingin pa ito sa wall clock. "Hindi ba masyadong maaga?"
"Kailangan ko po kasi habulin 'yong oras na hindi ko pi-ni-ractice kahapon dahil maaga ako umuwi."
"Gano'n ba? O'sige, andiyan 'yong isang driver—"
"Hindi na po, tita, I can manage po. May taxi at jeep naman po."
Alanganin naman itong tumingin sa kaniya. Mahahalata rito na hindi pa rin ito pumapayag sa gusto niya na mag commute.
"Tres, anak!"
Napalingon siya sa binata na tinawag ni Eleanor. Natigil ito sa pag laro ng susi sa kamay at tumingin ito sa kanilang dalawa.
Nakasuot na ito ng uniform at ready na pumasok.
"Yes, mum?"
"Ikaw na mag hatid kay Cece, anak."
"Po?!" sabay nilang saad. Bigla naman siya umayos nang tayo at umiwas nang tingin kay Tres.
He sighed. "Come on."
Wala na siyang nagawa at sumunod rito. Siya na lang din ang nag paalam para sa kanilang dalawa dahil nauna na si Tres lumabas.
Nang makalabas siya ay nasa harapan na ang sasakyan nito. Pinindot nito ang susi pagkatapos ay pumasok sa loob ng sasakyan.
Madali naman siyang sumunod rito. Pumasok siya sa passenger seat at nanginginig pang kinabit ang seatbelt sa kaniyang katawan.
"Wait lang."
Nilingon niya ito. Wala pang ilang sandali ay bumukas ang magkabilaan pinto sa backseat.
"Morning," bati ni Dos sa kanila.
"Where the hell are you going this early?" may pagkainis na tanong ni Uno sa kaniya. Nilingon niya ito at nanlilisik ang mata nito.
"Papasok?" may alanganin niyang sagot dito.
"This early?!"
Nabigla pa siya sa pag sigaw nito. "M-may practice po ako."
"The fuck? 'Wag mo ako i-po!"
"Sorry." Nilingon naman siya ni Tres pagkatapos ay sinupalpal ang kapatid sa likod bago nito binuksan ang makina.
"Patahimikin mo 'yan, Dos. Naiirita ako. Ang aga-aga nakikisakay kayo sa sasakyan ko."
"Aba't, mas matanda—"
"Nang apat na minuto," bara ni Tres kay Uno.
Narinig naman niya na tumawa si Dos. Bigla siya nanghina nang marinig ito tumawa. Ang ganda nito sa kaniyang pandinig.
KUMAWAY siya sa mga ito nang makababa na siya sa sasakyan ni Tres. Hindi naman agad umalis ang tatlo, bagkus ay hinintay pa muna siya ng triplets makapasok sa loob ng building.
"Sino 'yang nag hatid sayo?" tanong ni Matt sa kaniya.
"Ah, anak ng kaibigan ni mama."
Napansin niya na kumunot ang noo nito. Hindi pa pala niya nasasabi sa dalawa na umalis ang magulang niya at pinaubaya siya sa kaibigan nito.
"Long story short, lumipad pa-America parents ko and pinaubaya ako sa kaibigan nila which is may anak na triplets."
"Wow! Kumusta naman?" tanong pa nito. Sabay na silang nag lakad patungo sa gymnasium para mag practice.
"Too early to tell. Anyway, sorry, nadamay pa kayo sa maagang practice today."
Ginulo naman ni Matt ang buhok niya. "Ayos lang 'yon. Basta 'wag mo kakalimutan 'yong libre mong lunch sa'min mamaya."
"Oo naman, kuya!" Inakbayan niya pa ito kahit mas matangkad ito sa kaniya.
Naramdaman naman niya na may umakbay din sa kaniya sa gilid niya. "Morning, liit!" bati ni Noah sa kaniya.
Ngumiti naman siya rito at sabay na silang tatlo nag tungo sa loob ng gymnasium para simulan ang maagang practice nila.
TUMIGIL ang sasakyan ni Noah sa tapat nang mansyon ng mga Martin. Pinatitigan pa ng binata ang malaking kulay itim na gate sa kanilang harapan.
"Thanks, kuya, sa pag hatid," saad niya rito habang inaalis ang suot na seatbelt sa katawan.
"Ayos ka na rito?"
Tumango siya rito. Kinuha niya ang bag at gym bag sa backseat.
"Hindi na kita mapapasok sa loob, nakikituloy lang ako, eh." Natawa pa siya sa sinabi. Ginulo naman ni Noah ang buhok niya.
"Kuya, 'yong buhok ko palagi na lang."
Ngumisi naman ito sa kaniya. "Sige na, pumasok ka na sa loob."
Lalabas na sana siya ng sasakyan nang may bumusina sa likuran nila. Sumilip si Noah sa rear-view mirror habang siya naman ay sa side-view mirror.
May itim na sasakyan ang nasa likuran nila. Nakilala niya ito bilang sasakyan ni Tres.
Nang hindi umaalis ang sasakyan ni Noah ay bumusina ulit ito sa kanila.
Mabilis niya binuksan ang pinto sa gilid niya at lumabas. Kumaway siya kay Noah bago ito umandar paalis.
Gumilid naman siya para bigyan nang daan si Tres ngunit hindi umaandar ang sasakyan nito bagkus ay bumukas ang pinto sa backseat nito.
Nang hindi niya maintindihan ang nangyayari ay bumaba ang bintana sa passenger seat kung nasaan si Uno.
"Get in!"
"O-okay!" Mabilis siyang lumapit dito at pumasok sa loob ng sasakyan. Bumungad sa kaniya sa backseat si Dos na kinausog niya sa gilid ng pinto.
"Bakit nasa dulo ka? Come closer," puna ni Dos sa kaniya. Umiling-iling naman siya rito dahil nahihiya siya sa binata.
Hindi niya nasagot ito dahil nag tanong si Uno sa kaniya. "Sino nag hatid sa'yo?"
"Ah, teammate ko."
"Who?"
"Er, Noah?" patanong niyang sagot dito. Bigla naman ito lumingon sa kaniya.
Napigil niya ang pag hinga sa paraan nito tumingin sa kaniya. "His name is Noah," saad ni Tres sa kaniya, referring to Uno's real name.
"T-talaga? I.. I didn't know," aniya bago umiwas nang tingin dito.
Tumahimik naman ang mga ito. Pinaandar ni Tres ang sasakyan papasok sa loob ng mansyon. Wala pang sandali ay nasa tapat na sila ng malaking bahay.
"Thank you."
She jumped a little nang malakas na binaksan ni Uno ang pinto sa passenger seat. Namalayan na lang niya ito nakalabas na.
Naguguluhan na binalingan niya ang dalawang kambal. Ngumiti si Dos sa kaniya then lumapit sa kaniya na kina-straight niya nang upo.
"There." Sinundan niya kung saan lumanding ang kamay ni Dos sa kaniyang gilid. He opened the door for her.
"T-thank you," namumula niyang saad rito. Bigla na lang siya namumula kahit sanay naman siya sa close contact dahil nasa cheer dance siya.
Unti-unti siyang umusog hanggang makalabas siya ng sasakyan. Sumunod naman ito ng labas sa kaniya habang si Tres nakalabas na at hinagis ang susi sa driver nag aabang sa gilid nila.
"Come on, Cece."
Dumausdos ang kamay ni Dos sa kaniyang braso na nag bigay nang milyong boltahe sa kaniya hanggang sinakop nito ang kamay niya.
"W-wait," pigil niya rito ngunit nahila na siya nito papasok sa loob ng mansyon.
Narinig naman niya ang pagtawa ni Tres nakasunod sa kanilang likuran.
INILAPAG ni Eleanor ang tray nang juice at prutas sa coffee table sa kanilang harapan.
"I'm glad you're getting along," puna nito sa kanilang apat nina Uno, Dos at Tres.
Nang hilahin siya ni Dos kanina ay dinala siya nito sa play room kung saan may mga video games na pwedeng laruin.
Nabaling naman ang tingin niya kay Uno nakahalukipkip at nakaupo sa hindi kalayuan sa kanila. Gusto niya sabihin na kanina pa masama ang tingin ni Uno sa kanila— sa kaniya.
Sa tutuusin ay wala naman siyang maalala na ginawa rito para magalit ito sa kaniya at bigyan ng matatalas na tingin.
"Hindi naman po mahirap pakisamahan sila," she said. Kinuha niya ang maliit na tinidor at tinusok sa prutas na papaya at sinubo ito.
"Mabuti naman kung gano'n."
"Si Uno lang naman dito ang mahirap pakisamahan," saad ni Tres.
"What did you say?!"
"Tres, don't say that to your brother," sita ni Eleanor. Napansin niya na mas lalong umusok ang ilong ni Uno. Masama itong nakatingin sa kapatid.
"Saan mo binili 'to, ma?— matamis po."
Pinagmasdan niya kung paano nawala ang atensyon ni Eleanor sa dalawang anak at nakangiti na bumaling kay Dos.
"Last weekend umuwi ng tagaytay si Aling Lora. Nag pasuyo ako na mag uwi ng ilang prutas."
"Matamis, ma."
"Talaga? O'sige, mag papabili ulit ako." May ngiti naman sa labi na lumabas ng silid si tita Eleanor habang binibilinan sila na mag hahapunan na.
Hindi niya mapigilan na ngumiti rin kung paano hinandle ni Dos ang ina.
Ninguya ni Dos ang huling prutas naka tusok sa tinidor nito bago kinuha ulit ang controller sa ibabaw ng coffee table.
"Last game," anito kay Tres.
"Last game before dinner!" Binalik na ni Tres ang tingin sa screen at nag simula mag pipindot sa hawak na controller.
Dumako ang paningin niya sa likuran ni Uno nang padabog na lumabas ito ng silid.
"Don't mind him," mahinang saad ni Tres sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top