Chapter 19
Unedited for now.
—
AKALA ni Clementia nang sabihin ng kaniyang ina na iuuwi na siya nito ay ibig sabihin nito ay sa mismo nilang bahay ngunit nag kamali ang dalaga dahil nang makaalis sila sa mansyon ng Martin ay dumiretso ang sinasakyan nila sa airport.
Tinanong niya ang ina kung bakit sila roon patungo ngunit hindi siya nito sinasagot. Halata pa rin rito ang dismaya sa naabutan nito sa mansyon ng mga Martin.
Gusto niya sana sabihin sa tatlo kung saan siya dadalhin ng ina pero kinuha ng ina nito ang kaniyang cellphone.
Nakabusangot nakaupo si Clementia sa backseat habang pinag mamasdan ang mga sasakyan na dumadaan at nakakasabay nila. Tumingin ang dalaga sa kalangitan, mukhang uulan pa dahil mas lalong dumidilim ang kalangitan.
Nag patuloy ang biyahe nila papuntang airport. Dalawang oras din silang bumiyahe.
Nang makarating ay hindi pa rin siya kinakausap ng ina. Kahit ng kinuha nila ang bagahe sa likuran ng sasakyan. Tahimik na lang sumunod ang dalaga papasok sa loob.
Tuloy-tuloy lang ang ina nito sa paglakad hanggang makarating sila sa counter. Kinuha na lang niya ang boarding pass dahil naayos na pala ng ina nito ang lahat.
TULOY-TULOY na tumakbo ang mag kakapatid ng makarating ang mga ito sa airport. Kung hindi pa nila pinilit ang ina ay hindi nito sasabihin na paalis na ng bansa si Clementia.
Sinabi ng ina nila kaya umuwi ang ina ng dalaga ay para isama si Clementia sa States. Ang dahilan kasi ng mag asawa kaya umalis ang mga ito ay dahil sa ina ng ama ni Clementia. Hindi iyon sinabi sa dalaga dahil ayaw ng mga ito pag-alalahanin ang dalaga at dahil na rin kailangan nito mag-aral.
May malubhang sakit ang lola ni Clementia kaya kailangan umalis ng bansa ang mga magulang nito para bantayin ito ngunit sa masamang palad ay tuluyan na kinuha ng maykapal ang lola nito, kaya umuwi ang ina nito para sunduin si Clementia.
Hinihingal na tumigil si Tres. Halata rito ang takot, takot na baka tuluyan na sila iwan ng dalaga kapag hindi nila naabutan ito ngayon.
Si Uno naman ay palinga-linga sa paligid. Kanina pa nila tinatawagan ang dalaga ngunit out of reach ang cellphone nito.
Habang si Dos naman ay dumiretso sa boarding announcement. Hinanap nito ang bansa kung saan patungo si Clementia. Nanlumo siya ng makita na nakaalis na ang eroplano na sinasakyan ng dalaga.
Bagsak balikat na tinungo nito ang dalawang kapatid at umiling sa mga ito.
LUMAPAG ang eroplano na sinasakyan nila Clementia makalipas ang 17 hours na biyahe sa himpapawid. Sa buong biyahe nilang mag ina ay hindi siya nito pinapansin maliban na lang kapag nag tatanong ito kung gusto na niya kumain o pinag papahinga siya nito.
Ginawa lang niya ang pag binge watched ng series, kumain at matulog. Sumakit din ang pwet nito sa matagal na pag upo at pag pirmi sa iisang lugar sa mahabang oras.
Nang makalabas sila ng boarding gate ng ina ay bumungad sa kaniya ang ilang mga tao na nag iintay sa mga kamag-anak o kakilala ng mga ito.
Sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang pangalan niya sa isang papel na bitbit ng isang binata. Nanlaki ang mga mata nito ng makilala kung sino ang may hawak ng papel at malaking naka-ngiti sa kaniya.
"Puntahan mo na." Rinig niyang ani ng kaniyang ina.
"Don!"
Patakbong lumapit siya rito at niyakap ito. Nabitawan na rin nito ang bitbit na maleta sa sobrang excitement nararamdaman ng dalaga.
"Easy there, little peanut." Natatawang ani nito sa kaniya. Nakasimangot naman siya na hinarap ito.
"I'm not a kid anymore." Nag tatampo na wika niya rito. Tawa lang naman ang nasagot nito at bumaling sa gilid niya ang tingin.
"Hi tita. How's the flight po? You guys must be tired."
"Ayos naman hijo, but I'm really tired right now. Can we go now?"
"Yes, po tita." Sagot ni Don. Bumaling naman ito sa kaniya at kinuha ang hawak nilang mga maleta. May tag isang malaking maleta lang silang hawak ng ina. Yung iba niya kasing gamit ay ipapasunod na lang sana sa bahay nila kung alam niya lang na hindi pala sila roon uuwi at aalis pala siya ng bansa.
Si Don ay pinsan ni Clementia. Kababata nito ng dalaga kahit may dalawang taon itong agwat sa kaniya ay naging malapit na mag pinsan ang mga ito ngunit nang mag high school ang binata ay kinuha ito ng ina para manirahan na sa States.
"How's your tito doing while I'm away?"
Pasimple na bumaling ang tingin ni Clementia sa ina at kay Don. Medyo seryoso kasi ang mga ito.
"He's not doing okay po Tita, but I know Tito is strong. He can manage it po little by little."
Ngumiti naman si Stella sa naging sagot ni Don. "Kayo po? How are you?" Tanong pa ng binata.
Natigilan si Stella sa naging tanong nito. Kanina pa kasi ito maraming iniisip lalo na sa nalaman nito tungkol sa kaniyang anak at sa mga anak ni Eleanor.
"I'm okay. We're okay." Ani nito. More like saying to herself.
BINUKSAN ni Don ang bahay ng magulang nito. Kasunod niyang pumasok ang ina. Agad napansin ni Clementia ang atmosphere ng bahay, para itong nawalan ng kulay.
Akala niya ay maabutan niya ang ama o magulang ni Don kapag dumating sila sa bahay nito ngunit isang tahimik na bahay ang nadatnan niya.
"Tita, kung gutom po kayo. I can cook po."
Bumaling si Stella sa anak. "Cece, ikaw na lang muna kumain at mag pahinga. Kailangan ko lang umalis saglit."
"San ka po pupunta, Ma? Akala ko po pagod ka po?"
"Mamaya na lang ako mag papahinga. Si Don na lang muna ang bahala sayo." Bumaling ang tingin ni Stella sa binata na nakikinig sa dalawang mag ina. Tumango si Don at nginitian si Stella.
Lumapit si Don kay Clementia na nag tataka pa rin habang dumiretso naman sa kwarto ang kaniyang ina para mag palit ng damit.
"Let's go, Cece. I'll cook for you."
"But si Mommy?"
"I'll tell you later, but first you'll eat."
Hindi na sumabat si Clementia rito at sumunod na lang sa pinsan sa kusina.
INILAPAG ni Don ang plato na may laman na aglio e olio pasta sa harapan ni Clementia.
"Thanks." Pasasalamat ng dalaga bago mag simula ito kumain. Umupo naman sa unahan niyang upuan si Don.
"How are you, Cece? It's been a while."
Pilit na ngumiti ang dalaga rito. "I'm okay." Sagot niya rito. Nakita niya na tinaasan lang siya ng kilay ng binata.
"Actually, Mama found out I'm seeing someone."
"That's nice!— Or isn't?" Dagdag ni Don nang makita ang malungkot na reaksyon ng dalaga.
"She caught me having sex—" Kumunot ang noo ng binata sa narinig pero wala ito sinabi at inantay lang ang susunod na sasabihin ni Clementia.
"With three guys."
"Wait, three guys? THREE?!"
"They're triplets, Don."
"And they're brothers?" Tumango si Clementia bilang sagot dito.
"Okay, Tita's reaction was understandable. Who wouldn't have thought that she would see her daughter having sex? Not only sex but with three guys. She must be shocked."
"Correction, shocked and mad."
"I don't think, Tita's mad. More like, disappointed."
"That's worst!"
"Ow! No, baby! Don't get me wrong." Gulat na saad ni Don sa dalaga.
"I disappointed her." Mahinang ani Clementia rito. "I'm sorry. I should've said that."
"It's okay, kuya." Pagkatapos sabihin iyon ng dalaga ay parehas silang nanahimik. Ilang minuto rin na hindi nag sasalita ang dalaga nang basagin ni Don ang katahimikan.
"Do you love them?"
Mas lalong natahimik si Clementia sa narinig sa pinsan.
Inangat nito ang ulo at tinitigan si Don pagkatapos ay pilit na ngumiti rito at tumango.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top