Chapter 65: KVs
Chapter 65: KVs
***
/KATHERINE'S PERSPECTIVE
"A-ano? Y-you're kidding, right?" tanong ko habang pinipilit tumawa. Malamang joke kasi yun.
"Me? I'm not." he looked serious.
"E-ewan ko sayo, Kenneth." sabay tawa ko pa rin nang pilit.
"Please?" hinawakan niya pa kamay ko by his both hands.
"H-ha? Ah, eh. Kasi..." hindi ko matuloy tuloy. Kasi sina mom at dad, pwedi na ba ako? Hindi ko alam! I never asked them about this. I know sinabi na nila nung una na fall in love. But that's it, there's nothing more that they have added. Di naman nila sinabi na magboyfriend na ako kaagad diba. Gaahd. Pressure!
"What is it?" he asked, still not letting go of my left hand.
"P-parents?" nahihiya kong sabi, di pa nga sure eh. Then I looked away.
He chuckled. "Don't worry about that. I already handled that." napatingin naman ako kaagad sa kanya. "So?"
"Uhh."
"Wait, why am I asking?!" sabi niya mostly sa sarili niya. Tapos binitawan na niya kamay ko. Ouch. Suko kaagad? I thought so. Sakit ha.
Yumuko nalang ako. Ewan ko kung ano mang expression niya. Basta gusto ko nang bumalik sa suite at matulog. Pakiramdam ko mahuhulog ako eh. Gahd!
"You are my girlfriend now." he proudly said.
"Ha?" napanganga naman yata ako dun. "Adik ka ba? Wag ka ngang ganyan!" nakakainis kasi.
"It's from the deal, alright? You're my girlfriend now whether you like it or you love it. Capiche?"
"So utos yan?"
"I don't know." he shrugged. "You like it as well, I know. So it's not probably like that." tumawa pa siya.
"Che!" I looked away to conjure a smile. Kasi naman ehhh. First time 'to. Una! First!
Is it official? January Seventeen. ❤
"Kathy, let's go back." he meant the suite.
I smiled. "Okay." tapos nauna akong maglakad. Nakakakaba eh. Naiilang ako. Parang ang bilis naman ata? Kakabati lang namin tapos... ganito na? Hala! Psh. Sabagay, dapat hindi naman talaga ako magalit sa kanya. Dahil unang una eh hindi pa kami nun, pangalawa hindi ko pa siya pinageexplain. Pero kasi! He said those three words, twice. Masakit yun. Pero bakit kapag nandyan siya, gumagaan na rin ako? Ay ewan na. Gulo ko lang.
"Kathy, wait." then he caught up and held my hand once again. Yung pang-holding hands na ulit. My gahd talga! Naalala ko tuloy nung papunta kami nun sa orphanage, ganito rin. Except ngayon, may iba na. Iba na ang status between us.
"Am I not your boyfriend? A real boyfriend should hold his girl like this." he's on my left, tapos yung right arm niya eh inakbay sakin, reaching for my hand and he held it so tight. "Kathy."
My heart hammered. Why is that when he whispers my name, I feel these bats in my stomach? Is it normal for a situation like this?
Napatingin ako. And his face was inches away. N-not here! May mga tao. Seriously! "H-ha?"
He let out a light chortle. "Nothing."
Umuwi kami sa suite nang ganun. May mga tumitingin na babae. Malamang, gwapo ba naman ng boyfriend ko eh. Wait! Did I say that? Boyfriend... Ko? I nearly wanted to jump. I'm just so ecstatic at the thought. :">
Habang naglalakad kami, I can't help but to think and mentally shout to those girls like, "I'm proud that he's MY boyfriend." Pero syempre I can't do that, mamaya atakihin na nila ako. Eh sa tingin palang eh mukhang nililibing na nila ako eh.
Buti naman at na-take ko yun. Nandito na kami sa fifth floor. Habang binubuksan ni Kenneth yung pinto, hindi pa rin siya bumibitaw sakin.
"Kenneth, bitaw na." utos ko.
"I won't."
Natawa ako. "Literally, go."
"Still, no."
Ang kuleeet. Dumila pa. Nakakainis! Ang cute kase. Tumawa ako nang patago. At ayun nabuksan naman na niya. Umupo muna kami sa sala. Ganun pa rin. Sana naman hindi niya naririnig yung heartbeat ko, grabe kasing tumalon. Gaaahd!
"Kathy," tawag na naman niya.
"Hmm?"
"I love you."
Ehhh! Kenneth naman eh! Kasi. Hindi ko mapigilang ngumiti. Pero pinipigilan ko pa talaga. Pakiramdam ko pulang pula na ako. As in. Kasi naman si Kenneth!
"I-I..." simula ko. Ang hirap sabihin. First time ko eehh. "L-love you, too." then I hid my face with my free hand.
Natawa na naman siya. "Why are you hiding?" tinanggal niya yung kamay ko. "Didn't I say that this," he referred to my façade "...is the perfect view my eyes has ever seen." and he smiled. I can't breathe!
"I, uhh..." wala akong masabi. Pinipigilan ko lang talaga ang kilig ko, sobra. Ang hirap! Natawa na naman siya. "Ba't ka ba tawa kasi nang tawa?! Tsk." I pretended to be irritated.
"I'm just happy. You are all mine now, aren't you?" he didn't wait for my answer. "That's the reason for my happiness. I'm not making any promises as your boyfriend,"
Boyfriend. Nagiinit mukha ko kapag nariring ko yun. Gaahd! Apple na mukha ko.
"But I'll be the man almost perfect for you. I know that sounds too corny, but don't blame a first timer." nahihiya na naman niyang sabi. And it's now my turn to laugh.
"First timer? Really? Sus!" I joked.
He pouted. "Don't you believe your boyfriend?"
Eto na naman. Parang nagiging kahinaan ko na yung word na yun. Graaaabe lang!
I shook my head no, para lang asarin siya. "No I don't. Because I can't remember saying yes to someone."
"Aw, men. That hurts." tapos nagtampo siya. Eh? Tinaggal niya yung pagkakaakbay niya sakin, malamang pati yung kamay naming magkahawak kanina lang. Tapos lumayo siya nang konti sa couch. Binuksan ang tv and ignored me completely.
Halaaa! That was supposed to be a joke. Anung nangyari? Ugh. I mentally gave myself a slap on the forehead.
"K-Kenneth, huy. Joke lang yun." I tried poking his side so that he would laugh a little, but it failed. "Kenneth, hey. I was just joking."
Aba! Tumayo ba naman at umakyat sa hagdan niya. Nubaaa! First time tapos quarrel agad? Tsk. I have to fix this. Just you wait Mr. Verge! Sinundan ko siya. Nakadapa na siya sa kama niya. But I'm more affirmative that he's still awake.
Umupo ako sa tabi ng kama niya at ginulo siya. Niyugyog ko pa nga eh. Kaso wala? "Kenneth kasiii! Joke nga lang yun eehhh."
I sighed. Wala pa rin. Tulog na kaya? Sus. Tinitigan ko yung paligid ng space niya. Ba't ang linis? Siya na itong. Bakla yata ito eh? Joke. Wala lang. Kakaiba kasi. Ang bango pa rito, amoy yung perfume niya. Naginspect lang ako nang ilang minute, medyo matagal din naman. Siguro eh tulog na nga yata 'tong mokong na 'to.
Masaya naman ako kahit ganto. Maaayos 'to, I know. Syempre una pa lang eh. Pero napaparanoid ako! Ewan! Gising na gising pa rin ang diwa ko. Psh.
"Kenneth," bulong ko sa may tenga niya. "I'll mark this date. January seventeen. Sana tandaan mo rin." I smiled. "I love my boyfriend." this time hindi ako nahiyang sabihin kasi di naman niya ako rinig, plus hindi rin nam--
"I love my girlfriend the most." bigla niyang sabi nang inangat niya yung ulo niya. Muntik na nga akong mahulog sa kama niya. Bakit gising pa 'to?! Tch! Nakakahiya naaa!
Hinigit niya ako to fully lay myself down his bed. "Ano ka?! Baliw? Matutulog na rin ako."
"Then sleep here." sabay talukbong pa niya ng kumot samin.
Nagwawala naman na ako rito. My gaaahd! Hindi naman ako kinakabahan kay Kenneth... okay, kinakabahan kasi ewan ko. Pero I trust him naman eh kaya alam kong malinis utak nito. Haha.
"Kase! Huy! I'll turn off the lights na lang." palusot ko para makaalis dito.
"It's fine. Plus, that's why I placed the sheets above us." nakapikit niyang sabi. Pero nakaharap sakin. Hawak hawak kasi braso ko kaya di ako makaalis. Psh. Oo na, kinikilig din naman ako kahit papanooooo. Hihi.
"Eh! Ang awkward kasi!" I finally confessed. Totoo naman eh! Awkward! Psshh. At eto nagmulat ang monkey.
"Why? We're steady now. You're my girlfriend." he pinched my nose. "And I'm your boyfriend." this time, he leaned to kiss the tip of my nose. Luuuhhh! Baka pula na ako neto. Shemaaay!
"Kathy, don't just sleep yet." he said. Eh sino bang matutulog sa pinaggagagawa mo? May nagmamartilyo pa nga sa dibdib ko eh. "If you're the valedictorian, you could answer this."
Edi nachallenge naman ako. "Bring it on."
"What's the antonym for no?"
"Yes."
He chuckled. "So there, you finally said yes to someone. You finally said to your-already-boyfriend your mighty yes." I smacked his arm lightly. "So now you wouldn't be teasing that you didn't say yes, because you actually did." he kid.
"Ewan ko sayo. Ang daya mo."
"I'd cheat just to win you. But I will never cheat on you. I'd die before that happens." seryoso niyang sabi. I smiled. Ang swerte ko lang talaga.
"Mr. Verge. I would never get tired saying yes to you." we both smiled. I saw his face flushed red. Tinawanan ko nga. Pero ngumiti nalang siya na parang sinasabing, "You won this time."
He closed his eyes, and I closed mine as well. I trust him and he looked angelically very tired. I felt secured in his presence. There's nothing more I could ever imagine getting when I have this someone that depicts every little thing that could make every negative hormones inside me the other way around.
"I love Katherine Villanueva." he whispered again, "I love my girlfriend." he said it one last time and we both fell into slumber.
I counted every of his three words, he said it for almost six times now. And that's enough of a proof that, well, this is all true.
I love you more Kenneth Verge.
/ANDREA'S PERSPECTIVE
"Hoy! Gising na!" tinulak ko pa siya to free myself, nagawa ko naman.
"Hmm!" reklamo niya habang nagtakip pa ng unan sa mukha. Aba't 'tong loko na 'to ah!
"Dalian mooo! Pagluto mo na akong breakfast!" utos ko habang nakasigaw pa rin. At oo, siya ang tagaluto ng breakfast.
"Eehhmmm!" he moaned. "Five minutes."
Five minutes ka dyan! Tumayo na ako and place my hands on my waist.
"Bubuhusan kita ng tubig dyan Jake Anthony pag di ka pa tumayo." kalmado kong pagkakasabi pero may warning tone.
"Tsk. Tatayo na nga oh." ayan tumayo na nga. Medyo naiinis pa, nakapikit pa rin yung mata.
"Good." mahulog ka sana...
Sakin. Joke lang!
Bumaba na nga siya habang ako eh humiga pa ulit. Haha! Madaya ako eh. Bakit ba, napuyat eh. Ang hirap matulog kaya pag kalapit mo crush mo. Shemay lang talaga! Sarili ko pa rin naman 'to kahit alam kong may feelings ako sa kanya. Komportable lang talaga ako. Siya rin naman eh. Tingnan mo nalang makakilos, parang bakulaw.
"Anong lulutuin kooo?!" sigaw niya from downstairs. Oh see?
"Aba malay ko sayo! Kahit ano basta pagkain!" I shouted back.
"Ano baaa! Andrea Louisse! Bumaba ka nga rito!"
Luuhh! Real name na, matakot ka na Andrea. Shet. Nagayos lang ako nang konti at bumaba na rin. Baka mamaya ako pa buhusan nun ng tubig.
"Oh, ano nanaman ba?!" iritado ko na namang tanong. Kainis eh!
Pumunta siyang likod ko at... yumakap? Gaaahd! "Please, tol." yung baba pa niya eh nilagay niya sa shoulder ko. "Ikaw naman magprepare ngayon. Pleaaaase?"
"O-oy! Pacute ka lang. Tsk." tapos umalis ako sa pagkakayap niya. "Ayoko." matigas kong sabi.
"Tsssk! Bakit na naman?" yumakap na naman ang loko. "Paano yan sa future natin? Kapag puyat ako galing trabaho, di mo ba pagluluto asawa mo?" pasweet niyang sabi.
Shet naman oh Jap! Nilagyan mo lang ng butterflies ang tyan ko eehh! Namaaan!
"E-ewan ko sayo!" nilayo ko mukha ko na pakiramdam ko eh namumula na.
"Pleaaaase?" sabi pa ulit niya.
"Oo na." kalmado kong sagot. Kasi naman. "Oo na nga sabi! Alis na dyan!" ayaw pa kasing kumalas.
"Ito naman oh. Parang nanlalambing lang eh. Masasanay ka rin." umalis siya at ngumiti nang nakakaloko sakin.
Pechay ano yun?! Bahala siya! Sinamaan ko nalang yung tingin ko. Naman kaseee.
At dahil dun nasunog ang breakfast namin. Nakakadistract kaya kasi, di matanggal sa isip ko eh! Nakaka--ay ewan!
"Ano ba naman yan tol?!"
Here we go again.
"Ano? Breakfast." kalmado lang ako.
"Eh bakit itim?! Ano namang akala mo sakin ha? Gusto mo na ba akong mamatay?!"
"May sinabi ba ako?"
"Wala! Eh bakit kasi ganyan?! Gutom na ako eh. Tsk." naiinis niyang sabi. Haha. I don't care.
"Sabi ko naman kasi sayo ikaw na eh. Wala akong future sa ganyan."
"Magaral ka! Ayoko ng ganyangasawahindimarunongmagluto." binulong niya yung huli.
"Ano ulit? Para kang mongoloid dyan." sabi ko sabay tawa.
"Sige tawa ka pa. Tch. Maligo ka na nga!" utos pa niya.
"Bakit na naman?!" naiinis na rin ako. Ang bipolar kasi.
"Sa labas tayo kakain. Libre mo."
"Anong libre ko?! Tsk. Asa ka!" ako ang babae tapos ako ang manlilibre? Sus. Asa talaga siya.
"Nako namaaan Andrea! Oo na nga, ako na. Basta maligo ka na, ako rin magaayos na." sabi niya.
"Yun naman pala eh. Kay." tumaas na siya sa bathroom niya, ako rin naman.
"Pag naunahan kita, sorry ka nalang. No breakfast for you." pahabol niya bago pumasok sa bathroom.
"Tsk. Ewan ko sayo!"
Haaay, Lord. Bakit naman po ba ganito ang buhay naming dalawa. Magkabati, sweet ngayon, tapos mamaya may gyera na. Anu ba talagaaa?
***
"Ikaw na!"
"Ikaw naaa!" sigaw ko pabalik. Nakakahiya kami dito. Gaahd.
"Andrea naman kasi, ikaw na tumawag. Tamad mo."
"Ako pa naging tamad? Tsk. Tatawagin lang yung waiter eh. Dadaan din naman yun."
"Eh nagugutom na nga ako eh!"
"Aba! Magtiis ka."
"Tol naman kasiii." pacute eh. Di bagay sa kanya. Joke. "Sige na pleaaaase?"
"Balak mo ba talaga akong gawing alalay mo ha? Bakit ka ganyan?" seryoso kong sabi. Ayoko na kasi, naiinis na talaga ako.
"H-hindi naman sa ganun."
"Fine! Tatawagin ko na! Nang makakain na yang gutom mong sikmura." sabi ko sabay tayo.
Pumunta naman ako dun sa counter, "Excuse me. Could you please assist that monster over there," tapos tinuro ko si Jap. "He's been waiting for minutes, but no waiters are wandering around."
"Sorry ma'am. We'll get into it."
"It's fine. Thanks."
Akala niya babalik pa ako sa table namin ha. Neknek niya! Nakakainis! Lumabas nalang ako at naghanap ng ibang makakainan. Tsk. Sobrang gutom na ako. Mamayang lunch na nga lang ako kakain.
Pumunta nalang muna akong homeroom, maggagawa ng works para advance na. Pagdating ko naman eh nandito ang barkada, kaya hindi rin ako nakagawa ng works.
"Oh, 'to na pala si tol Andrea eh. Asan si Jappyboy?" tanong ni Rein.
"Ewan ko dun. Wag ako tanungin nyo."
"LQ pa rin ba kayo?" tanong naman ni ate Lovie.
"Ate Lovie naman! Di kami lovers."
"Eh ano pala?" Lauren
"Ewan. Friends."
"Sus! Bakit di ka sure?" Rein na naman. Pinakabata, pinakamausyoso.
"Adik ka Rein! Friends nga."
"Nako guys, wag nyo nang kulitin si Andrea at baka napaamin nang de-oars." Zan. Sabay tawa nila.
"Osige, maiba naman. Nasan si Kath?" tanong ni Lex. Tinawanan nalang namin.
"Si utol oh, in sink." Zan
"Natamaan na nga. Patay tayo dyan." Franco
"Hoy Zan! Anong intsik?! Baliw ka!" Lex
"In sink. Inlababo!" sabay tawa. Ang weirdo ng mga 'to. "Pag di mo nagets, nako umalis ka na ng Openheim."
"Eh! Liligawan ko pa si Kath eh." Lex
"Hala Lex," sabi ko. "Seryoso ka talaga kay Kath?"
"Oo naman!" sabay ngiti pa niya.
"Nako. Maghanap ka na ng iba." natatawa kong sabi. "Taken na puso nun eh."
"W-weh? S-sino naman?" nauutal niyang tanong.
Tinawanan pa namin siya lalo.
"Grabe na nga tama mo Lex! Adik ka na." Lauren
"We know right. Ang NGSB, umiibig na." pangasar nina ate Shanta at Lovie.
"Basted naman agad!" Rein
"Eeehhh! Dali na kase! Sino?!" pagmamakaawa pa ni Lex. Haha. Nakakatuwa eh. "Wag lang talaga si pareng Kenneth! Mahirap na kalaban yun eh." pahabol niya.
Hala. Talo ka na nga talaga Lex.
"Nako Lex, hindi mo magugustuhan ang sagot ko." sabi ko.
"Aish. Tsaka mo na nga lang sabihin. Kapag marunong na akong manligaw." cool niyang sabi sabay ayos ng buhok. Loko talaga 'to.
"Sus! Kahit kelan di ka matututo." Franco
"Oy! Matututo ako ha." Lex
"Ano? Magpapaturo ka sa mga babaeng nanliligaw sayo?" Rein
"Kapal nyo naman. Sa internet ako kumakapit!" tumawa nalang kami habang tumayo si Lex. "So if you'll excuse me. Magaaral muna akong manligaw."
Kung ano anong pangaasar lang ang ginawa namin kay Lex. Ang kulit lang eh. Haha.
Nawala naman tawa ko nung may dumating. You-know-who, and he's not even Voldemort.
"Oh eto na pala si Jappyboy eh!" Rein
"Sup guys." sabi naman niya.
Tumayo ako at pumunta na muna sa workspace ko. Nandun kasi sila sa couch zone.
"Andrea! Lika dito! Ba't ka umalis!" sigaw ni Zan. Umiling nalang ako. Sana naman nakita niya.
"Ang KJ ni Andrea!" sigaw naman ni Rein. Haha.
Aynako, ayoko basta. Naginternet nalang muna ako. Walang magawa eh.
"Huy."
"Bak-- OH ANO NANAMAN?! Maguutos ka na naman?!" napasigaw na ako.
Gaaahd! Somebody pull me out of this!
"Chill ka lang, yung puso mo tol." kalma na naman niyang sabi. Akala mo naman walang nangyari kanina ah. Nakakainis 'to!
"Nakakabit pa rin naman!"
Nasa loob ka pa nga eh. AY! TCH. Nevermind that. Naiinis ako!
"Mabuti naman. Oh," may inabot siyang lagayan.
"Ano nanaman 'to? Listahan ng iuutos mo?!" sarcastic kong pagkakasabi.
"Nako naman tol. Pag maguutos ako, di na kailangang isulat. Tsk. Sayang pa papel at ink ng pen."
"Ewan ko sayo!" sabay isnab.
"Bakit, pag ba sinabi kong mahalin mo ako at wag kana titingin sa iba gagawin mo ba?" seryoso na siya.
"W-weh? G-galing mo n-naman." I tried sounding sarcastic, but ended up stuttering.
"Pakipot pa. Oh, kunin mo na kasi!" ayan na naman siya, sumisigaw. Kainis!
"Ano ba kasi yan?!"
"Pancake nga! Baka kasi nagugutom ka na! Kaya ayan! Tsk. Ang hirap mong kausapin." sabay walk-out niya.
Tingnan mo talaga yung lalaking yun. Panira!
Tiningnan ko naman yung bilog na Tupperware, at totoo ngang may pancake. Siya ba naggawa nito? Oo ganito yung favorite kong lagi niyang niluluto sakin for breakfast, pero kasi... nageffort siya? WEH? Sus! Baka naman binili niya lang 'to? Ewan! Only one way to found out.
Tinikman ko.
Affirmative. Siya nga. Nangiti naman ako. Nakita kong nasa workspace lang naman niya siya.
"Oy! Salamat!" sigaw ko, enough para marinig niya.
Ngumiti naman siya sakin. Kakaibang ngiti. o///o
Seryoso! Yung puso ko. Bakit ganun? May side siyang nakakainis nang sobra na parang gusto ko siyang sipain a hundred times, pero...
Meron din siyang kakaibang side na nakakapagpahina sakin at nakakapagpatalon ng puso ko. Psh. Corny na, pero kasi totoo. Gaaahd.
Before lunch eh dumating na rin si Kath dito.
"Asan si Kenneth?" tanong ko sa kanya.
"Di ko nga alam eh. Kanina ko pa--"
"Hinahanap? Yiie. Kaw na Kath!" pangasar ko.
"Baliw ka." sabay tawa niya.
"Eh nasaan nga?" si Jap naman. Weh?
"Oh talaga Jap? Tinatanong mo yan?" pangasar ko sa kanya naman.
"Tsk. Baka kasi alam ko. Wag nalang." tapos nanahimik na siya.
"Alam daw oh. Eyy." tapos tinawanan nalang namin siya.
Wala namang klase ngayon kaya tambayan lang kami dito sa homeroom. Sa napakalaking sala, na may kutson sa gitna at settees naman sa gilid.
Mga naglolokohan lang, kwentuhan, kulitan. Masaya naman. Ayun, naiwelcome kaming tatlo sa barkada. Si Kenneth kasi wala pa eh, baka pagdating nalang.
"Uyy mamaya na raw malalaman kung sinong nakapasa sa mga vetting and try-outs ah." sabi ni Lauren.
"Talaga? Paano? Pupunta pa ba kung saan nagtry-out o vetting, ganun?" tanong ko naman.
Sa totoo lang kabado ako. Hindi ko alam eh! Gusto kong makapasa, pero malabo. Pero okay lang naman din kung hindi. Di ko naman ganung kagusto eh. Gawa lang nitong señoritong kalapit ko. Psh.
"Hindi na. Nakaflash na raw yun sa pupil's hall."
"Ayos! Sana pasa tayo sa team!" sabi ni Lex.
"Pasa tayo dyan noh. Tayo pa!" Jap
"Well good luck boys." sabi ko. "Sigurado namang makakapasa na kayo Lex, Rein at Zan! Gagaling nyo kaya."
"Wooohh!" sigaw nila, sabay tawa naman namin.
"May nakakalimutan yata si Andrea ah?" tukso nila.
"Ha? Sino pa ba? Kayo lang namang tatlo alam ko ah?" painosente ko namang sabi. Haha. Ganun talaga.
May umubo naman sa tabi ko. Hanggang sa sinabi na talaga yung pinakang word.
"Ehem, ehem!" ganyan niya sinabi. Psh. Ano naman.
"Oh? Okay ka lang?" dry kong tanong sa kanya.
"Hinde. May tubig ka?" tanong niya.
"Wala."
"Samahan mo akong bumili." tapos hinigit na niya ako palabas.
"Oyyy! Stop! Yung shoes ko naiwan ko!" sigaw ko kahit malapit lang ako sa kanya.
Kasi naman!
Nakapaa lang ako, di na ako nagsocks. Tinamad eh. Chos.
"Sus. Ayan ka na naman. Gusto mo talaga may part two sa lahat ng nangyayari sa'tin noh?" tumigil kami, tapos ngumiti ba naman nang nakakaloko eh. Adik!
"Ano?!"
"Eto."
At binuhat na naman ako. Syempre nagpupumiglas na naman ako.
"Ang likot mo! Umayos ka nga!"
"Ibaba mo muna ako!"
"Tsk. Oh." ayan na nga binaba na niya ako.
Tatakbo na sana ulit ako kaso lang nahawakan niya ako kaagad.
"Confirm. Gusto ngang maulit. Tsk. Pagbibigyan na nga kita."
"Anong pagbibig--"
Sinandal niya ako sa wall. Gaaahd! Buti walang tao. Mali! Dapat may tao. Heeelp!
May demon na lumalapit! Mygashmygash! Uulitin nga niya talagaaa!
/LEX'S PERSPECTIVE
Kakaalis lang nung dalawang labiduds. Di ko naman na maintindihan pinaguusapan nila. Nakakadistract kasi si Katherine eh. Ang ganda! :">
Di ako bakla ha! Nakakainlove lang kasi talaga eh.
"Hay." I sighed. "HAAAYY!" nilakasan ko. Huhu! Ayaw akong pansinin ni Katherine.
"Anong sakit naman ng kaluluwang sumapit sayo at ganyan ka nang ganyan?" Rein
"Walaaa!" nilakasan ko na naman. Ayaw kasi akong tignan ni Katheriiiiineee!
"Sus! Wag ka nang kabahan mamaya sa results. Pasado ka naman, sure yan!" pag-cheer ni Zan.
Mas maganda kung sa heart nalang ni Katherine ako pasado eh. :D
Kaso ayaw naman akong pansinin. WAHH! Tsk.
"Tara sundan natin yung dalawa. Baka may tinatago yun." sabi ni Kath.
Tumayo naman agad ako. "Taraaa!" sabi ko nang ngiting-ngiti.
"Tara na!" sabi niya sakin.
HAPPIEST! :DD
Hinigit niya ako palabas.
SUPER HAPPIEST! Hinawakan niya braso ko. :">
"Ayun, tumigil sila sa paglalakad." sabi ni Kath, nakatingin pa rin dun sa dalawa.
Ang saya ko laaang! :D Naaadik na yata ako. Psh. Okay lang, kay Katherine naman. Heehee.
"Ano bang ginagawa natin dito?" sabi nung nasa likod namin.
Mga sumunod pala. Tsk. Solo moment na namin 'to eh. TSK.
"We're eavesdropping. Shh." Katherine :")
Ang ganda ng boses niya! Mas favorite ko na yun kesa sa favorite music ko. Heehee.
"Hala." she gasped quietly.
Sinandal kasi ni Jap si Andrea sa wall. At...
They're kissing?
Hala!
"GO ANDREA!" cheer ni Kath.
Napaalis naman sila. Sayang, di pala sila nagkikiss. Natakpan lang pala ng mukha ni Jap.
"Ayy?" reaction nung tao sa likod namin.
"Di kayo nagkiss? Tsk. Sayaaang." natatawang biro ni Katherine.
Natawa rin naman ako. Ang ganda niya kasing tumawa, mas nakakainlove! :D
"Oh tol sayang daw oh, tuloy na natin?" biro ni Jap kay Andrea.
"Ewan ko sayo!" sabay tulak niya kay Jap.
"Attention Students of Openheim, attention." voice from the intercom said. "The results of the try-outs and vetting are now flashing at student's hall. That is all." matipid nilang pag-announce.
"Tara na guuuuuys!"
At sumugod na nga kami.
Liligawan ko talaga si Kath kapag nakapasa ako sa team. Ay, magpaparamdam muna pala ako. Tapos ayun, ligaw to the highest level!
Tama yun nga! :">
Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top