Chapter 64: Girl's what

Chapter 64: Girl's what

***

"O-okay." lumayo na ako bigla. Awkward! Pero sa kanya parang wala lang. Psh.

"Uhh, Kath. Do you have anything to do this evening?"

Hala. Ewan. Meron ba? Wala siguro.

"Wala yata. Except for the feast." sabi ko. Ayoko nang magtanong eh. Mahirap na.

"Oh, I see. We'll go together tonight, right?"

Hinuhugasan ko na yung ibang ginamit namin. Ang lagkit. Nakakayeah. Pero di na ako nagreklamo pa. Wala na nga akong naitulong eh tapos ganito pa. Unfair naman nun.

"Bakit naman? Kaya mo na sarili mo." I said without looking.

"O-ohh. Please?"

Napatingin na ako sa kanya. Bigla naman siyang tumingin sa ibang direksyon. Nahiya yata, namula pa. Cute. Haha. Ayy. Joke lang.

"Okay."

"H-huh? Okay?"

"Oo, okay."

"So, does that mean..."

"Oo na. Kulit mo eh!"

"Yes!"

Ang saya lang niya. Sus! Ako rin. P-pero dahil natapos kami sa task namin. Tama! Yun nga. Masaya ako dahil nakagawa kami ng Pavlova nang maayos. Kami? Eh wala naman akong naitulong eh. Tsk. Nakakainis.

Binigay na namin yung nagawa namin sa assigned room para dyan. Dahil marami ngang chenelyn ang Openheim kaya ganun. Muntik pa kaming maligaw pero okay naman. Bumalik na rin kami sa suite kasi nga wala nang klase. Napansin kong parang lagi nalang nawawalan ng klase ah? Ay ewan. Hayaan nalang, at least walang klase. Wag nang problemahin.

Natulog lang ako kasi ewan ko ba, inantok eh. Si Kenneth naman eh... ewan? Di ko alam kung anong ginawa nun. Basta ako natulog. Nagising ako mga four-thirty. Ako naman eh nagbukas ng email ko, baka sakaling may message sina Linds at Yna. Ayun meron naman, sabi naman eh wag daw akong lumayo agad agad kasi di ko pa naman nalalaman yung side ni Kenneth. Tsaka di naman daw manlolokong tao si Kenneth kaya wag na raw akong magdoubt, baka ako pa raw ang magsisi.

Baka nga tama sila. Sige na, pipilitin kong ibalik yung dating closeness namin ni Kenneth. Tapos pag okay na, then I'll hear his side. Wala namang harm yun diba?

After I replied to Linds and Yna, something caught my eye. Email from... Revealed73529100? Ewan. Yan ang nakalagay sa sender eh. Binuksan ko na sana, kaya lang tumawag bigla si Andrea.

Andrea

Calling...

Decline | Accept

Syempre accept. "Hey?"

"Kath!"

"Ha?"

"Wala lang. Hihi."

"Saya mo ah?"

"Di naman. Ready ka na ba?"

"Saan naman?"

"Party later."

Meron bang party? I didn't know. Akala ko ba feast lang? "Meron pala?"

"Nukaba. Yes meron. Anong isusuot mo?"

"Kailangan ba talaga? Nakakatamad ah."

"Ang KJ mo Katherine. Sige na. Some gals want to meet you."

"Ha? Psh. Okay, fine."

"Yes! So later ha. Meet nalang tayo. Adieu!"

***

"You're gorgeous."

"Gorgeous ka dyan. Psh."

"Seriously." ngumiti pa sya.

"Ewan ko sayo Kenneth."

Nalagkad na kami papuntang venue. Pagkarating namin marami agad tao, both students and professors. Siguro may mga personalties din dito, halata naman eh. Konti lang yung tables kasi mas maganda raw kung nakatayo nalang at may party din naman after feast. Di rin naman hassle na tumayo, kaya okay lang.

Simpleng dress lang naman pinasuot sakin ni Andrea. Nakakainis nga eh. Dapat magjjeans lang ako, vans, tshirt okay na. Pero pinagpilitan naman ni Andrea 'to. Psh. Nakakailang tuloy. As in. Tyagain nalang, walang magagawa eh ang compulsive nitong si Andrea. Speaking of her, eto na nga siya paparating.

"Uy, bongga nyong dalawa ah. Magkadate?" pangasar pa niya.

"Good evening din Andrea!" sabi ko nalang. Si Kenneth naman eh natawa nalang.

"Sus. Pakipot pa. Oh well, tara na dun."

"Eh bakit di mo kasama si Jap?" tanong ko habang naglalakad na kami.

"H-ha? Aba naman. Di ko naman dapat lagi yung kadikit noh. Eww."

"Sino kaya mas pakipot pa satin."

"Ang yabang mo Kath." tumawa nalang ako.

Usap-usap lang naman kami rito. May table na nakuha sina Andrea. Ay hindi raw pala, for pre-uni students pala ito. Malay ko ba. Basta nakaupo lang na kami rito, ako naman eh ngiti lang nang ngiti at tawa lang nang tawa. Di ako masyadong umuusap. Pero may kasama rin kaming classmates namin dito sa table. And believe me, ngayon ko pa lang sila nakausap.

"So tell me ate Kath, bakit ang tahimik mo naman yata kapag nasa room?" tanong ni... sino nga pala 'to? Ayun! Si Rein, ang makulit na lalaki. Pinakang-bata rin siya sa room, as for a third year student.

"Ako ba? Lahat naman tayo tahimik ah?" totoo naman kasi. Tahimik lang kaming lahat lalo na kapag may ginagawa.

"Hindi. What I mean is kapag yung pwedi nang mag-jamming. Mga ganung time ba."

"Ahh. Ewan. Nakakatakot kayo eh." biro ko.

"Kami? Adik ka rin Kath." sabi naman ni Lauren. Grabe itong babaeng ito sa ganda, pwedi na akong maging tomboy. Joke.

"Seriously. Baka kasi ano... ayun, di nyo ako feel."

"Di raw? Eh gusto ka na ngang ligawan nitong si Lex—" sabi naman ni Zan, nabatukan naman agad siya ni Lex. Ang kulit lang eh.

Bigla namang umubo 'tong unggoy kong kalapit. Anyareh?

"Gusto mong tubig?" alok ko. Kaawa na eh. Joke lang.

"No thanks." sabay ngiti. Gahd! I missed that.

"Sweet nga naman ng KayVee!" joked Andrea. I gave her a glare. "Easy ka lang Mrs. Verge."

"Andrea!"

"Hehehehe. Joke lang. Diba nga Kenneth?"

Aba! Nag-nod ang mokong. Ano raw yon? Eh. I don't care.

Nagkulitan lang naman kami sa table. Nagsalita si chef. Guillermo tapos may nagserve na ng food and all. Eto na nga yung dinner something, and okay naman. Masaya. I made friends na talaga. May dumating pa nga eh, si ate Lovie, Shanta, Franco at medyo nakalimutan ko na yung iba. Namaaan, di ko maaalala yung names lahat agad. Basta yun, sa room eh makikihalubilo na ako.

"Kath anong type mo sa lalaki?" tanong ni... Lex? Oo, Lex nga yata.

Tumawa ako. "Wala."

"Suuuus! Wala raw." bulong ni Andrea. Pero rinig ko yun kaya siniko ko. "Oo na po, shut up na me."

"Uy Kath nagiintay si utol." Franco

"Oy hinde ah. Panira ka tol!" nabatukan naman ni Lex si Franco. Mahilig sila sa batok, pramis. Haha. Kukulit!

"Di nga Kath, ano raw?" ulit naman ni Shanta.

"Interview portion, ganun?" biro ko. Natawa nalang kami. "Wala nga. Ewan ko. I like weird guys siguro. Weird in a way na may kakaiba silang ugali na nakakakuha ng attention ko."

"Edi weird pala si Kenneth?" bulong na naman ni Andrea.

"Andreaaaa!"

Tumawa si Andrea. "Sus! Pakipot. Kinikilig naman."

"Che! Oh asan si Jap?"

"Bah! Malay ko dun! Magsama sila nung cheerleader wannabe na yun!"

"Wannabe?"

"Oo. Di naman kasi marunong eh, nagpupumilit lang. Kaya wannabe."

"Ang bitter mo." biro ko.

"H-hindi ah! Magsama talaga sila!"

"Alam mo yan ang laging line ng nagseselos na girlfriend." natatawa kong sabi.

"Bakit ba kayo nagbubulungan dyan?" tanong ni ate Lovie. Kaya naman napaayos kami. Sakto namang dating ni Jap. Eh wala nang space kaya tumayo ako't lumapit sa kanya.

"Pagkakataon mo na oh, dalian mo. Nagseselos yan." bulong ko kay Jap. Tapos tumingin naman ako sa kanilang nasa table. "Guys una na ako ha. Sakit na ng tyan ko eh. See you."

"Ayy, ang sakit na rin ng tyan ko." sabay himas ni Lex sa tyan niya. Ang cute nitong batang 'to. Joke. Mas matanda yata yan sakin, isip bata lang tsaka baby-face.

"Masyado ka namang nagpapahalata Lex eh." ate Lovie

"Nagpapahalata? H-hindi kaya!" Lex

"Whatever you say."

Ngumiti na lang ako. Gusto ko na rin namang humiga. Oh magpainit, lamig kaya. Wala naman akong jacket na dala eh.

I waved. Karaniwan lang naman ang paalam nila, magingat ganun ganun. Nakakatawa iyung si Lex. As in.

"Sama mo ko! Walang mangyayari sayo. I'll be your helmet." sabi niya.

"Helmet?! Di naman yan nagmomotor eh." singit ni Zan.

"Haha. Adik ka Lex. Sige na, babay!" then I smiled. At eto naglalakad na ako pabalik. Marami pa rin tao rito kaya ayos lang. Never kang makakafeel ng nakakatakot na ambiance rito. As in. Malamang! Security is in its high level.

Ang fresh ng hangin ditooooo. Exhale. Umupo muna ako. Quarter to seven pa lang naman eh. Kaso may klase ata bukas? Ewan ko lang. Pwedi na rin, makakatulog naman ako agad basta matapos immediately ang works. Eto rin ang advantage ng Openheim. Hoho!

May naaninag naman akong familiar na nilalang na papalapit sa way ko. Naka-jeans, vans at polo. My ghad! Nakakapanghina lang eh. Ba't ganun? Eh nakita ko na naman siya kanina na ganyan? Psh.

"Hey. Thought you went back?"

"Napatigil lang sandali. Ba't ka nandito?"

"Uh, this is the way back?"

Ay. Nga pala. "Ahh. Sige. Uwi ka na."

"Why are you shooing me?" natatawa niyang tanong.

"I'm not. Stay if you'd like."

"Nice." tapos umupo na siya sa tabi ko.

Silence.

Tahimik lang. Nagpapakiramdaman lang kami habang nakatingin sa napakagandang view. Ewan ba. Go Kathy kaya mo yan! Kathy? Kath pa nga! Psh. Nahawa pa. Pssh. Basta kaya ko 'to! Diba nga ibabalik ko yung closeness? Eto na.

"Kenneth."

"Huh, why?"

"Wala lang. Ano... salamat."

"For what?" ngumiti pa. Eehh! Nanghihina ako eeh!

"Dun sa kanina. Halos parang ikaw lang yata ang gumawa nun."

"It's alright." ngumiti na naman. "I can't let you do something you can't."

"Yabang mo."

Natawa siya. "I missed you." bulong niya. I blushed scarlet, I felt it!

"H-hehehe. Adik ka."

"I'm serious. P-please don't walk away again." sabay hawak niya sa kamay ko at tumitig sakin. Napaiwas naman ako.

"K-Kenneth..."

"Please?" he tightened his grip.

"I won't." I looked right into his eyes to assure him.

"Kathy." hinigit niya ako for a hug. I felt the electricity flow. I hugged him back.

Bakit ba kasi minahal ko 'tong mokong na 'to eh!

Pero pakiramdam ko ang swerte ko pala. Kasi he loves me back. Yun na lang muna iisipin ko at wala nang iba.

"Remember our bet?" tanong niya.

"Oh bakit? Eh diba magkaparehas lang naman average natin?"

"Think again."

Ha? Wait. Ah! Oo nga pala. Parehas kaming pweding humingi ng favor o kung anong ipagawa.

"I remembered. Eh anong meron? Maguutos ka? Luuhh! Yoko namang maging katulong."

"I won't do that." tumawa siya. "There's one thing I want you to be."

"Oh please. Wag namang janitor, katulong, slave, nanay, tatay, aso, pusa—"

"My girlfriend."

His what?!!

/JAP'S PERSPECTIVE

"Pagkakataon mo na oh, dalian mo. Nagseselos yan." bulong ni Kath pagkarating na pagkarating ko sa place nila. Sabay alis na rin niya.

Selos daw? Sino?

Umupo naman ako sa inupuan ni Kath kanina. Nagbatian din kami. Kilala ko na rin sila, lalo na sina Lex, Zan, at Rein. Kasama ko yan sa try-outs. Si Franco eh hindi naman daw sporty kaya sa school newspaper ang sugod.

"Pare kamusta?" Zan

"Ayos lang."

"Kakadating mo lang?" Lex

"Ah, hindi. May kinausap lang ako."

"Chicks ba pare?" sabay tawa ni Rein. Agkap talaga 'to!

"Oo." biro ko. May nabilaukan naman na nasa tabi ko. Selos ba 'to? Haha! Ayos!

"Nice pare! Matinik ka rin pala!" sabi na naman ni Rein. Tinawanan ko na lang.

Sa kabilang upuan naman eh si Kenneth pala. Ano naman?! Bahala siya dyan. Pero binati ko rin naman, baka ma-issue pa. Kahit may issue pa rin naman talaga.

"Oy." tawag ko sa babaeng nagseselos.

"Ano ba na naman?!" tingnan mo 'to, inis agad.

"Badtrip ka yata?"

"Wala! Hinde!"

"Oy Jap anong ginawa mo kay Andrea?" natatawa nilang tanong.

"Wala, ewan ko rito. Nagseselos ata." biro ko sabay poke pa sa tagiliran niya. Haha. Nainis pa yata lalo.

"Che! Ewan ko sayo!"

"Oohh. LQ?" Lex

"Eh kayo ba? Tinik mo talaga Jappyboy!" Rein

"Loko ka, Rein. Hindi pa naman. Baka mamaya kami na." biro ko na naman.

"Asa kaaa!" sabay batok pa sakin.

"Aray lang ha."

"Serves you right!" sabay irap pa niya.

"Weh."

"Ewan ko sayo Jake Anthony!" tumayo siya at nag-walk out.

"You gotta get her man." bulong ni Kenneth. Ewan ko ba, pero sinunod ko.

Tagal ko pa bago mahanap si tol. Pano ba naman kasi may kumakausap pa sakin. Di ko naman maiwasan at baka masabihan pang suplado o ano. Eto, nagiging nice. Bigla namang nagkaron ng mga nagsasayaw sa gitna, tumugtog na kasi ang party music. Pano na 'to?!

"Hi Jap!" bati ng isang babae na hindi ko naman kilala. "Wanna dance?"

Ayun! Nakita ko na si tol! May kasayaw na lalaki? Sht naman oh!

"Oh tara." pumayag naman ako. Dinala ko siya sa malapit kina tol at sa gungong na yun! Party song naman 'to kaya maingay at wild ang tao.

Mas nagingay naman kami ni partner hanggang sa napansin na ako ni tol. Nanlaki mata niya habang ngitian ko lang siya nang nakakaloko. She quickly composed herself until she smirked at me. Anong palabas naman yan Andrea?!

"Woooh! Parteeey!" sigaw ni Andrea habang pataas nang pataas ang energy niya.

Sus! Akala naman niya matatalo niya energy ko ha? Tch. Ano pa bang ginawa ko? Edi mas nag-ingay, nakisabay din naman sa trip ko si partner. Buti naman. Nakailang party songs na rin, di pa rin kami natitinag sa pagpaparinigan. Oo, sigaw kami nang sigaw. Para na kaming tange.

"Grab your partners now cause we're about to slow things bit down." sabi nung dj.

At eto nga, slow song, which means? Slow dance. Nakita ko namang magkayapos na yata si tol at yung gungung na yun! Pucha! Aba naman! Naunahan pa ako?! TCH. Hinigit ko rin si partner at nagsayaw na kami. Habang nagsasayaw di ko maiwasang hindi tumingin dun sa dalawa. Oh sht! Ang lapit yata nila masyado sa isa't-isa?! Fk it!

Unti-unti eh dinadala ko si partner sa malapit pa kina tol. Dinikit ko naman yung noo ko sa kanya, making sure na makita ni tol. Ayun, nakita nga! Sakto! Pero ano yun?! She wrapped his arms into the guy's neck! Shet naman oh!

HINDI KO NA KAYA!

Binitawan ko na itong ka-partner ko at nag-sorry. Okay lang naman daw. Nakunsensya ako kaya hinatid ko muna siya sa condo niya. Nakakahiya naman kasi. She was used in a sealed sense. Pero no harm naman eh.

Nang makabalik ako, slow dance pa rin naman. Pero nasaan na yun? Takte! Aba naman! Lingon lang ako nang lingon at nahagip na nga ng mata ko ang dalawang taong nakaupo at nagmomoment yata? Let's see kung matuloy nyo pa yang moment nyong yan!

"Uh, Andrea kasi..." naabutan kong sabi nung gungong. Pero malamang hindi niya naituloy kasi nga dumating ako.

Hinigit ko ang braso ni Andrea patayo at lumakad palayo. Narinig ko namang tinatawag si tol nung lalaki. Aba! Paki niya! Sino ba siya ha?!

"Ano ba Jap?!" iritado na naman niyang sabi.

"Babalik na tayo. Gabi na." kalmado ko namang sabi.

"Sht naman tol! Walang morning classes bukas kaya okay lang! Anu ba! Bitiwan mo ako!" nagpupumiglas pa siya, pero mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko.

"Eh ano bang problema mo?! Masakit na yung braso ko ha!" sigaw na naman niya. Ang ingay naman nitong babaeng 'to.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko at yung ulupong na yun."

"Oh?! Anong meron?!"

"Wala. Lika na."

"Bitiwan mo na nga sabi ako eh! Masakit na braso ko! Makakalakad naman nang hindi hawak hawak eh! Tch."

Edi binitawan ko naman ang kamay niya. Baka mamaya magkapasa o kung ano man 'to eh. Masisi pa.

Aba! Bigla ba namang tumakbo? Fck naman oh. Anung problema nun?! Syempre hinabol ko, mabuti nalang at mas mabilis akong tumakbo. Nung naabutan ko siya, bigla ko syang niyakap at binuhat na parang sako. Nakakainis eh!

"Jake Anthony!!! Put me down, right now!" utos niya. Sorry tol, di muna ako matatakot ngayon sayo. Dahil mas natatakot akong mawala ka.

"Ayoko. Ang kulit mo kasi eh."

"Eh mas malala pa 'to sa kapit mo eh! Kasi naman," napaubo siya. Shet. Nasasaktan yata. Binaba ko siya at niyakap ulit.

"I'm sorry." bulong ko sa tenga niya. "I'm sorry kung nasasaktan kita. Nasasaktan mo rin naman ako eh, kaya quits lang."

Kumalas siya sa yakap at tumingin sakin. "H-ha? Anong n-nasasaktan ka dyan?"

"Wala. Lika na!" binuhat ko ulit siya. Pero pa-bridal style na. Napasigaw naman siya at napayapos sakin. Score 'to! "Ano, komportable ka na?"

Hinampas niya pa ako. "Ewan ko sayo!" tinago naman niya mukha niya sa mga kamay niya. "Ibaba mo ako!"

"Ayoko."

"ISA! JAP!"

"Ayaw."

"Masasapak kita mamaya!"

"Kahit na."

"Jap naman kasi! Lagot ka talaga—"

"Hahalikan kita eh!" sigaw ko. Ang ingay kasi. Ayan natahimik na. Buti naman.

/ANDREA'S PERSPECTIVE

Naiinis ako kay Jap! Sooooobra! Eh ano naman kung makipagsayaw ako sa ibang lalaki, kaibigan ko rin naman yun eh. Bakit ba! Ano bang pakielam nya?

Wala siyang karapatang magselos! P-pero bakit nagseselos ako sa kanila ni Kath? Ay ewan! Bakit ba! Hindi ko naman sila pinaglalayo tapos kaibigan ko rin naman si Kath eh. Di naman ako brutal sa kanya at sa mga babae niya. Sa kanya lang, alone. Nakakaiyamot kasi!

Ewan kooo! Simula nalang nung nangyari yung unexpected K-word, you know, lips thingy—GAHH! I can't even imagine that for the second time! Hell! Okay, maybe a little like heaven, pero kasiii! Umaasa ako, ayan tuloy. Tsk.

At eto na nga, buhat buhat niya ako. Pechaaay! Ang daming nakatingin na tao. Di ko nga lang alam kung anong iniisip nila. Nakooo! Makakasapak ako kung negative man yan, swear. Psh. Inaaliw ko na lang sarili ko habang di pa kami nakakarating sa suite. Pero makalipas naman ang ilang hakbang ni Jap eh nandito na rin kami sa building.

"Oh ibaba mo na ako." I said dryly, nandito na rin kami sa loob ng elevator. Buti walang tao.

"Eh."

"Eh? Anong eh? Ibaba mo ako sabi ehhh!"

"Ano ba naman tol. Ang ingay mo eh. Gusto mo talagang magka-part two yung halik—" Binatukan ko nga bigla. "Aray! Bakit? Totoo naman ah! Tsk. Ayaw pa."

"Baka gusto mong masapak ulit Jake Anthony?!"

"Baka gusto mong mahalikan ulit Andrea Louisse?" at nagsmirk pa ang loko.

"Lecheflan! Ewan!" nakakainis kasi! AHHHH! Bwisit na nakakakilig! Pechaaay lang talaga!

Fifth floor na. Lumabas naman agad si Jap. Nabibigatan na yata sakin. Tama lang! Mapagod ka, buti nga sayo. Para wala na ring sigawan portion mamaya sa suite. Kakayamot na.

Binuksan na niya agad yung pinto. At tumaas sa hagdan ko, hinagis pa ako sa kama ko.

"Bastos ka talaga! Di gentleman! Tsk. No wonder ayaw sayo ni Kath." bigla akong napatigil. Baka ma-offend siya, lagot na. My gahd!

Humiga ba naman sa tabi ko. He rolled, at ngayon eh dinaganan na niya ako. Tinutulak ko, kaso lang di kaya ni powers.

"Anu ba! Ang bigat mo tol!" I complained, still pushing him away.

"Sus! Nagsalita ang hindi mabigat. Usod nga." ayan umalis na siya. Pero nakahiga pa rin sa tabi ko.

Laking gulat ko na lang nang bigla niya akong niyakap. Shet! Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. My gaaaahd! Ang bango pa niya. Parang di lalaki eh. Chos. Pwedi na bang kiligin? :">

"Wag kang magulo tol. Matutulog ako." sabi niya nang nakapikit habang ang isa niyang braso ay nakayapos sakin. Grabe naman ohhh!

"E-ewan ko sayo. Bahala ka nga!" sabi ko habang pinigilan ang ngiti ko. Pushemay! Kahit ngayon lang please? Ngayon lang 'to talaga.

Nagmulat naman siya ulit. "Pero ikaw, magkakagusto ka ba sakin kahit di ako gentleman sayo?" seryoso niyang tanong. Nakatitig lang siya nang tuwid sa mata ko.

"M-maybe. Who knows." tapos pumikit ako para di ko makita expression niya. Shet lang kasi. Nakakakilig na ewan!

"Oh? Talaga ba?" hindi ko siya sinagot. Nakapikit pa rin ako. "That's good." natawa siya nang mahina. Kinuha niya yung free arm ko para ilagay sa likuran niya.

So parang magkayakap kami ngayon. Magkayakap pala talaga. My goooooodness gracious! Gusto kong tumalon! Pero ayoko rin namang kumawala dito. So I hugged him back, this time I did it myself. Alam ko ring naramdaman niya yung pagkayakap ko.

"I like you tol." he whispered.

H-huh? He what?


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top