Chapter 61: Spaces
Chapter 61: Spaces
***
"Oy tol!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya.
"Ano?"
"W-wala."
"Papansin!"
"Eto naman. Masama na bang tawagin ang bestfriend ko?"
"Oo." umisnab lang siya. Grabe talaga 'tong amazonang ito. "Hoy. Baka gusto mong ibili na ako ng lunch?" nakataas pa kilay niya nyan.
"Sungit mo! Oo na po. My queen."
"Queen ka dyan! Baduy mo tol. Dali na! Pagod na ako'y nagugutom. Di ka nahahabag?" sabay pout pa niya.
Ano ba 'to nagpapacute?! Grabe lang.
Epektib eh! Tsk tsk.
"O-oo na nga po. Maghintay ka dyan!" pinilit kong maging normal yung tono ng boses ko. Syete! Ano bang nangyayari sakin ngayon?! Nababading na ba ako?! Tch.
Pumila na nga ako sa counter. Chicken na lang ang kinuha ko. Malay ko ba sa gusto nun! At tsaka nawawala ako sa sarili ngayon. Ewan ko rin kung bakit.
Habang nakapila naman ako. May mga babaeng nagaapproach sakin. Siguro dahil naka-jersey ako. Oh talagang gwapo ako? Haha. Kaso lang ang pawis ko pa rin. Di ba sila nandidiri o ano? Grabe naman ang charms ko!
Eto na nga, tapos na akong bumili. Papabalik na ako sa upuan namin. May nakita naman akong lalaking mga kumakausap kay Andrea. Natawa nalang ako.
"Miss ano pong number mo?" tanong nung isang lalaki.
"Two." sagot ni tol nang hindi lumilingon.
"Hindi po. Cellphone number po."
"At bakit?!" ayan na, nagsusungit na. Haha! Teka bakit ko pinagtatawanan yung lalaki? Malamang kasi nakakatawa si Andrea. Ang ganda pa niya tapos-SHT! Saan na ba napunta 'to?!
"W-wala. Meron lang po kasing gustong manligaw sa inyo." ang tatag naman nung mga lalaking yun.
"Pwes di ako available. Sorry ha?" kunwari siyang nagsmile sabay irap naman.
"Ate sige na po?"
Napatayo na siya. "Ang kulit lang!" nagpunas siya ng noo, may pawis kasi. "Ganito kasi yan. May boyfriend na ako, okay? Kaya get lost!"
Nagtakbuhan naman yung mga lalaki. Wala nang nangugulo kaya cue ko na para lapitan siya. Natatawa pa rin talaga ako.
"Number mo nga miss?" pabiro kong sabi habang nasa likod pa ako
"Sinabi nang-!" di na niya naituloy kasi nga nakita niyang ako 'to. Natawa nalang ako. "Ewan ko sayo! Akin na nga yan! Gutom na talaga ako!" sabay hablot niya sakin nung tray.
"Easy ka lang tol." umupo na rin ako. Uminom lang muna akong tubig, mahirap na baka kung anong mangyari sa tyan ko.
"Easy? Eh nakakaimbyerna eh!" pagsusungit niya. Tumawa naman ako. "Oh? Tawa ka dyan?!"
"Ang sungit mo talaga pag gutom." tiningnan niya lang ako nang masama. Tumingin nalang ako sa ibang direksyon sabay bulong, "Ang ganda mo rin."
Sinipa niya tuhod ko. "Ano nanamang binubulong-bulong mo dyan ha?!"
"Aray ko." sabay himas sa tuhod kong minurder nya. "Wala."
"Meron eh. Anooo?"
"Wala nga! Kulit neto."
"Damot mo!" sabay kain nya.
"Pakabusog."
"Che!"
Makalipas ang ilang minuto eh natapos na rin kaming kumain. Dahil mamaya pa namang one-thirty ang balik namin sa gym, naggala muna kami ni tol. Niyayaya nga ako sa mall eh, libre ko raw siya nang kung ano-ano. Nakakainis nga eh! Ang kulit! Pero wala akong magawa, alangan namang magpasalvage ako sa boses nito.
"T-teka lang!" tawag ko sa kanya. Nauuna kasi siyang maglakad, eh may napansin ako.
"Ano nanaman?" lumingon siya sabay humangin nang malakas. Shet! Pati ba naman ang amihan nakikigulo sa feelings ko?!
Sht!
Feelings daw?
Wala! Kunwari di ko yun sinabi! Erase!
Hinila ko nga siya sa tabi. May napansin kasi ako sa mga lalaki na pakalat-kalat. Nakakasira ng ulo eh! Pinipicturan ba naman si tol. Eh eto namang baliw na 'to hindi napapansin. Manhid! Pero swerte nung mga lalaking yun ha, kundi baka nasapak na yun isa-isa nitong si Sisa.
"Bakit ang ikli ng short na suot mo?! Tapos bakit ganyan yung pantaas mo, bitin?! Wala ka na bang matinong admit ha?" reklamo ko sa kanya.
"A-ah, eehh." lumayo siya sakin nang konti. "Teka lang muna ha! Teka, wait." hinawakan niya yung ulo nya na parang sumasakit ba. "Bakit ba? Eh salagay eto yung isa sa nairequire saming attire sa audition eh! Alangang magsuot ako nang mahabang shorts, tapos magjacket or something!"
"Eh ba't yung iba hindi ganyan ang damit?!"
"Aba malay ko! Tsaka," naging malumanay na siya. "Hindi naman sigurado kung papasa ako eh. After all, napilitan lang ako gawa mo."
Yeah. My fault. Aba! Malay ko naman na gagawin niya talaga. Kaya ko lang naman sinabi yun eh kahit papano gusto kong maging lady-like siya. Ewan ko ba. Pero minsan ayoko rin, minsan gusto ko na tough sya para walang makakagalaw sa kanya kahit sino man. At mukhang ganun na nga siya ngayon. Kaso lang alam kong minsan eh nahihirapan na rin siya. Gusto ko nga ako lang proprotekta sa kanya eh. Bakit? Ewan ko rin. Siguro dahil ako na bestfriend niya. Maghanda na ng libingan ang aagaw!
Hinatak ko naman siya agad sa loob ng mall dahil wala na rin naman akong maisagot sa kanya. Diretso kami sa clothing store. Kahit saan basta may damit.
"Do you have sweatpants here?" tanong ko dun sa salesman.
"For her?" tumingin naman siya kay tol. Kakaiba tingin eh. Nakakalalaki!
"Yeah. For MY girlfriend." sabi ko nang walang tono, pero may warning ang approach.
"S-sige po sir. This way."
Nung tiningnan ko si tol, parang di maipinta yung mukha. Maya maya eh bigla niyang hinila wrist niya. Nakalimutan kong hawak ko pa pala. Pasensya naman! Nadala lang eh.
"Nahihibang ka na ba?! Bakit mo naman sinabi yun?!" naiinis niyang sabi.
"Kung nakita mo lang kasi kung paano ka tingnan nung lalaki kanina." kalmado kong sagot.
"Kilala mo naman ako diba? Nagmamaldita kapag ayaw sa lalaki. Since hindi ako nagsungit kanina, ano na? Gets mo na ba ha?!"
"Gusto mo ba yun?!!!" napalakas kong tanong.
"O-oy! W-wala akong sinabi ha!" sabay iwas niya nang tingin. "Pupunta na ako dun at magpapalit señorito!" sabay ngiti niya nang sarcastic.
Ang baliw talaga nung amazonang yun. Pero nararamdaman ko namang swerte yung taong mamahalin nun. Teka... nararamdaman KO?
Ay malamang! Bestfriend ko eh. Yun na yun, wala nang iba pa.
Kamusta na kaya si Kath? Tsk! Baka kinukulit na naman nung epal na yun! Lagi na lang. Alam kong siguro maraming nagiisip na ako yung panira rito, hindi rin! Bakit sila na ba? Sure bang sila hanggang dulo? Sht naman kasi. Ako yung nauna eh!
Alam ko rin naman na hindi porque't nauna eh ang karapatan ay nasa kanya. I know that. Pero iba eh. Perfect na sana kami nun, kaso lang nasira. Wala akong sinisisi, mali yun.
Okay na rin naman eh. At least nung mga panahong durog na durog ako eh binuo ulit ako ni Andrea. Ang korni pero totoo. Ang saya ko nung panahong yun. Sobra. Pero ngayon naguguluhan na ako! Aaminin ko namang nagkagusto rin ako rati kay Andrea eh.
Ayan naamin ko na!
Pero kasi kada nakakakita ako ng kung anong bagay na makakapagpaalala sakin kay Kath, eh para akong nasisiraan. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Mahal na mahal.
Pero naguguluhan nga ako! Nandito kasi si Andrea.
Posible kayang...
Posible kayang may nararamdaman pala ako sa kanya matagal na?
/ANDREA'S PERSPECTIVE
Okay! So na-misunderstood ni tol yung nasabi ko kanina.
Ang gusto ko sanang iparating eh hindi ako makapag-maldita kasi naiilang ako. Paano ba naman nga kasi sabihin ba namang MY GIRLFRIEND eh! Tapos hawak niya pa wrist ko! Oo wrist lang yun, pero masama bang kiligin? Hihi. :">
AYNAKO! stop. Mahirap na. Assumera na naman ako.
Eto na nga, nakapili na ako nang maayos na sweatpants pampalit at sinabi ko naman sa saleslady na isusuot ko na. Saleslady na. Syempre alangan namang hanggang dito sa fitting room eh lalaki pa rin ang mag-assist! Heller Hellen Keller!? No way!
"Hoy!" tawag ko sa kanya. Edi napatingin naman siya. Para bang gulat?
"B-bakit ganyan pa rin ang pantaas mo?! Bitin! Magpalit ka pa!" utos na naman niya.
"Utang na loob naman tol! Ang init init ha. To think na may audition pa mamaya." napatingin naman ako sa phone ko. "And that 'mamaya' is specifically ten minutes after!"
"Ang arte mo. Magpalit ka na kasi!"
"Ano ka ba. Anong ipapasuot mo sakin, Jersey? Tch. Naman Jap!"
"Pwedi rin." napaisip naman siya. "Lika na nga!" hinigit na naman niya ako.
"Teka! Yung bayad kaya sa sweatpants! Mamaya maisipan pang magnanakaw ako!"
"Hindi lang ikaw, tayo." nanahimik naman ako sa sinabi niya. "Plus, I already paid for it."
***
Balik practice na nga kami ulit. At may mga nagtataka naman sa suot kong pantaas. Why?
Shet naman kasi! Pinasuot nga sakin yung sports fest t-shirt niya nung HS na pagkalaki-laki. Nakooo! Bawas point ito sa judges, I think.
"Ano't naisipan mong magpalit? Conservative na ang peg?" natatawang tanong ni Julie.
"Hindi ah. Pano kasi yung si Jap, shet lang eh! Sabi masyado raw maiksi yung short ko kanina, tapos bitin daw yung pantaas. Eh anong magagawa ko? Yun ang etiquette!" reklamo ko habang ginagawa pa rin yung routine.
"Ang sweet naman ng boyfriend mo." sagot ni Julie. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko namula ako, pero syempre hindi ko ipapahalata.
"Ano ka ba! Bestfriend ko lang yun."
"Sabi ko nga." sabay ngiti niya nang nakakaloko.
"What?"
"Walaaa."
/KATHERINE'S PERSPECTIVE
Gym. Screening for school newspaper staffer. Straight news.
Wala namang unusual na nangyari. Well as for me. Cheering audition at basketball try-outs lang naman yung nandito kaya pwedi na. Plus, matatanong ko naman si Andrea dun eh. Isama na rin si Jap as source.
Magisa ako ngayon dito sa bleachers, nakaupo't nagsusulat. Ang ingay nga eh. Yung spirit ba, parang ang taas na kahit wala namang upcoming game oh ano. Bahala sila dyan, magingay lang sila basta ako magsusulat. Di ko na alam kung paano ako nakakapag-compose ng news sa ganitong ambiance. Milagro!
Wait.
Si Kenneth kaya? Ay! SCRATCH! Bahala na pala siya. Baka nagssearch na yun sa google map kung nasaan yung babaeng may kaparehas niya ng turtle stuff toy. And I'm not even bitter, who am I to act like one? Psh. Friend lang niya ako. Kaibigan.
Sabi samin kapag may lengthy news na kami eh pwedi na naming isubmit sa office. At hindi nga ako nagkamali na hindi lang ako ang interesado sa straight news. Kaya naman may kakumpetensya ako, pero wala na akong pakielam. Kung hindi makuha edi hindi, end of story.
Nito namang lunch eh sa suite na ako kumain. Umidlip nga muna ako bago lumabas ulit eh. Para may energy naman. Nagpunta na rin ako sa office para isubmit yung nagawa ko, confident naman ako sa nagawa ko kaya kahit hindi pasa eh okay lang. Tsaka who am I kidding? Openheim to! Openheim! Matatalino ang mga human dito kaya ano namang laban ko diba?
Ang boring lang ng buhay ko dito. Pero masaya na rin naman at may nagaaproach na talaga sakin. Talagang talaga. Kaso lang ako itong may problema. Verified. May nameet ako kanina na group of girls, and fortunately mababait naman sila. Yun tipong di ka makakakita ng kaplastikan and such. Pero dahil nga wala ako sa mundong earth ngayon, di ko sila masyadong nakausap. But I said I would meet them another time. When I already unwind myself.
***
Monday. Okay naman. Mamaya na rin yung announcements ng mga pasado sa bawat screening, vetting, auditions and what ever you may call the process.
Ang dry talaga. As in! Sa suite eh tahimik lang talaga ako. Yun bang kapag kakain eh kailangan nasa terrace pa, para magisa. Kapag naman manunuod ng tv, kailangang wala akong kasama. At kapag nagbabasa habang nakahiga, dapat wala siya sa view. Ang tindi!
Kinakausap ko pa rin naman siya. One sentence per day. Okay naman na siguro yun diba? At least kinakausap. Namimiss ko na siya. Pero to think na my issue ngang magulo, eh pinipilit ko nalang na isiping in a way ay tama rin 'to.
"Kathy."
Nagulat ako sa tawag niya. "O-oh?" I asked without looking at him. Magisa ako ngayon dito sa homeroom, may tinatapos lang na extra-work. Tsaka pwedi rin namang tumambay dito as long na rito ang assigned room.
"I think the professor from the Printing office wants to see you."
"Ahh. Pupunta na ako. Salamat." di pa rin ako tumitingin sa kanya.
For the second time, nagulat na naman ako sa kanya. Pinatungan niya kamay ko sabay hinawakan. Tatanggalin ko sana dapat eh kaso lang ang bigat ng kamay niya.
"Ano ba Kenneth." awkward kong sabi. Still not looking.
"Kathy, is there a problem?" malungkot yung tono niya.
"Ha? Nako. Wala ha. Ikaw naman!" I tried sounding normal, I just hope it's working.
"Truth, Kathy, truth."
Okay so it's not working.
"Please? I'm having a real hard time. I can't even solve every equation that concerns you staying away from me."
"Kenneth. Wala namang problema eh." at least siguro sa side niya wala.
"Then why do you have to be so distant?"
"I need space." nasabi ko nalang bigla.
"Was there something I have done? Tell me." nagmakaawa siya. Kaso lang di ko na kaya talaga. Hingit ko nang biglaan kamay ko. Good thing na nakakawala naman.
"Wala. Sige, una na ako." tumayo ako't naglakad palabas.
Nung nasa may gigantic entrance na ako ng homeroom namin, narinig ko naman siyang umusap.
"I miss you Kathy. And it hurts."
I felt something unseen throbbed my chest. Somewhere within wants to glide back and engulf him in a hug. But why can't I? Maybe because of the limitations, and assumptions that would lead to more pain.
I was about to process the state for the second time around but someone caught my attention.
"Exclusive ka right?" sabi sakin ng familiar na mukha. I examined her. Ohhh, I see. Classmate ko siya but I barely know her. See the spaces?
"Yes, why?"
"We have exam tomorrow in Music."
"What?" gulat kong tanong pero in a mild tone naman. "What covers it?"
"Prepare a song lang daw then be sure to project the notes clearly, emotions has to be felt, and performance will be seen by the class. Probably just that."
"Just?" paguulit ko. "I need some ants." natawa naman siya sa sinabi ko.
"You don't need that. Una na me ha. And oh by the way, I'm Jaina."
"Kath."
"I know." she laughed lightly. "Kaya lang naman kita tinanong kanina kung exclusive ka para hindi mo isiping creepy ako."
"Sus. Di ako ganun ah."
"Ohh. Sige I'll talk to you later. I have some practicing to do."
"Good luck."
"Same goes."
Nakapunta na rin naman ako sa printing office, may inutos lang naman yung prof. dun. So here I am under the stairs of somewhere in the exclusive hallway. Dito lang natripang magingay. Ayokong may makarinig pa sa ear-cracking voice ko. Baka humingi pa ng pang-gamot sakin kung sino mang mabibiktima. So at least dito kokonti lang dumadaan.
Eh ano na nga ba talagang kakantahin ko? iPod to the rescue! Nah. Wala pa rin pala. Bakit ganun? Parang lahat ng kanta eh walang appeal sakin? Oh dahil lang sa mood ko?
Naitext ko naman si Andrea about my dilemma. Alam na rin naman pala nya yung tungkol dito. Siya na rin daw mismo eh namomoblema. Kaya advice na lang ang naibigay niya sakin.
Andrea
You know what? It's just you. Music is everyone's best friend, not unless you're some kind of Narnian. But what the heaven, they still have some music, if not, then wonderful noise. See? I'm ranting na. But what I'm really trying to say is that pick the song with the lyrics similar to what you're feeling. It will totally help a lot in that emotional percentage. And if you're feeling every piece of words, every note becomes savory to the ears. That's that. You got me? Okay. I still have mine to be bothered about. Pag-igihan mo na lang. Kaya mo yan!
Nagpasalamat na lang ako kay Andrea. Pero teka, ano bang nararamdaman ko ngayon? Undefined eh. Basta alam ko... alam ko in love na ako.
My gahd! I didn't say that, did I? Hay. At least nai-express ko na. In love pero may kulang. Ba't ganun? Ang hirap naman nito. Eeh! First time eh.
Sinuot ko na lang yung earphones ko at pumikit. Then I started singing, pero mahina lang. I think? I wouldn't know, may nakapasak nga kasing earphones diba. And here I am, feeling the song. Yan ang sabi ni Andrea eh. And I think it might work.
After nung kanta, nagmulat na rin ako. And I was astounded to see two people gaping in front of me. Hala! Tumayo na ako at inayos gamit ko. This is not a safe zone anymore! Sabi na nga ba't dapat sa suite na lang ako nagganto eh. Eh kaso lang ang layo pa.
"What's your name, girl?" tanong sakin nung babae.
"M-me?" turo ko pa sa sarili ko.
"Yeah, you. Silly." sagot nung babae. Ano ba 'to? Sarcastic ang approach o what? Nagsalita naman yung lalaking kasama niya.
"Wag mong pansinin 'to. Talagang ganyan lang yan." kalmadong sabi nung lalaki.
"Of course. Mabait naman me. So walang dapat i-worry you."
Ay. Conyo pala itong babaeng to. Mukhang manonosebleed ako ah. Kasakit sa ulo eh. Pero ngumiti na lang ako.
"Katherine. Kath na lang."
"Ohh. Ang nice naman your name."
Ngumiti na lang ulit ako. "Sige po. Una na ako."
"Wait lang naman girl!" tawag sakin ulit nung babae. So ako naman ay lumingon pero di makausap. "I'm Sofia, by the way." she extended her hands for a shake. Nakipagkamay naman ako, syempre. "And this is Erick. The drummer boy."
Ngumiti lang siya nang matipid. Pansin ko rin na tahimik siya. Oh baka naman dahil first meeting lang. Malamang! Di ko pa nga sila kilala, name pa lang.
"And oh, miss Kath. We want you to make sali in our group!" excited na sabi niya.
"Ha? Anong group?"
"Wait and see!" she jumped in joy. At hinatak na nila ako. Actually ni Sofia lang pala. Nahuhuli yung si Erick.
Napa-oo na ba nila ako? Hala! Ni hindi ko nga alam kung anong group o club o kung ano mang something yun eh. Di naman na ako makausap dahil eto nga hatak-hatak na ako ni conyo girl. Lakad lang kami nang lakad hanggang sa makapasok na kami ng isang building. Busy people ang peg ng mga tao rito ah? Panay ang takbo to and fro. Nakooo! Ayoko ng busy jobs! Ang busy na nga nang buhay ko tapos papasok pa ako sa kung saan? Psh.
"Sofia," tawag ko sa kanya habang higit pa rin niya ako. "Saan ba tayo pupunta? At anong group ba yun?"
Hindi siya sumagot. Tumingin naman ako kay Erick. Parang bang sinasabi niya sa tingin niya eh, "Hayaan mo na lang yan. Baliw yan eh." natawa naman ako't nahawa siya. Eto na nga sumakay kami sa elevator. Nakailang floor din kami bago makalabas. Hala ha.
Konting lakad pa ang ginawa namin hanggang sa binuksan ni Erick ang isang two-way door. Ayos ah.
At eto ang sumalubong sa mga mata ko; isang malaking kwarto with lots of music instruments. Why didn't I think of this! I knew it!
Ang laki talaga. As in! Yung walls ay hindi talaga typical walls dahil it's glasses. Yung tipong makikita mo yung buong view ng Openheim. But as I've said very earlier na hindi naman makikita lahat-lahat dahil nga sa kalakihan ng Openheim. Pero seriously, it's awesome! Parang nakaka-overwhelm sa feeling yung ambiance ng room. Yun bang gusto mo na nang mapakanta at mapa-rock and roll. Tama nga ang practice room nila.
"Kath. Welcome to the school's band!" masayang sabi ni Sofia. Si Erick naman eh pumunta na sa ibang students na nasa room.
But what I'm surprised mostly about is that...
Kenneth is here.
Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top