Chapter 55: For a day, today

Chapter 55: For a day, today

***

Great.

Evening with him is the most beautiful present this twenty-fifth.

"You don't know me Katherine. But I want to be the first one to say how badly I want to tell you what's there behind my life."

He called me by my first name. This must be serious?

"You can tell me. Para naman hindi na rin ako curious. Tell me."

"It's not easy as it sounds. It's very... very something." parang nalito sya sa last word na sinabi nya.

"Wala namang madaling bagay eh. What is love?" tanong ko bigla.

"What?" siya naman itong curious.

"Just answer."

"I-I don't know. There's so much--"

"Well do you know about it?"

"Yes."

"That's it. Alam mo ang isang usual na bagay. Napakadaling intindihin to the point na mahirap naman itong bigyan ng meaning. See how it goes?"

"Okay. So what now?"

"Tell me who or even what you are. You said that it's hard, very hard. So I was kind of hoping that it would result to its opposed reaction. As easy one."

"It's not everything that gets to land in your theory, Kathy."

"Try me." I shot him a very curious and serious look.

He sighed. He finally sighed meaning he was defeated. But then again I was wrong. He patted my head and asked me to go back downstairs. I did forfeit.

***

Natapos ang evening na masaya naman. But I was a bit down dahil sa rooftop incident. Masaya na sana eh, kaso lang may dumagdag. And I don't even know what that is.

Hinatid ko sila sa labas at around quarter to twelve na. They have their rides kaya hindi ako nagalala. There's something wrong. I walk towards Kenneth. Pero hindi ko na siya pinansin pagkababa namin.

HE COULD TELL ME!

I was furious mentally. About two things. First, dahil bakit ba hindi nya masabi-sabi sa akin? Pakiramdam ko may mali eh! And second, bakit ba ako ganito magalit? Eh pwedi ko namang balewalain nalang. Ay ewan!

"Kath una na kami ha? Let's text nalang or chat." paalam naman ni Lindsay at Yna.

"Kami rin. Thanks for the night." Andrea. Tas sumakay na siya sa ride ni Kenneth. Buti nalang pala hindi dala ni Kenneth yung sasakyan nya, kundi baka magsagupaan na naman sila ni Jap kasi Porsche Carrera rin kasi kanya.

So now I'm left with these two.

"Sige na Jap. Hatid mo na si Andrea." then I hugged him. Napatingin naman ako kay Kenneth. He's in pained reaction.

When I broke the hug, ngiting ngiti naman si Jap. Siguro may mali lang sa mukha ko. I'm not seriously okay. Psh. Sumakay na si Jap and umalis na sila. Sina Lindsay ay nakasakay na rin pero hindi pa umaalis. Probably waiting for Kenneth.

Tumingin ako sa kanya. And mouthed, "Bye." tsaka ako tumalikod na. He grab a hold of my wrist kaya napabalik lang din ako.

"What now?!" naiirita kong tanong.

"I'm sorry." tsaka nya ako niyakap. But I didn't hug back. "Kathy, three words."

Siya naman ang kumalas at pumasok na bigla sa kotse ni Lindsay. Bago ako pumasok, inantay ko munang mawala sa paningin ko yung ride nila. Nang wala na, I'm still stunned.

Bakit ko nga ba niyakap si Jap? Kasi ba gusto kong magselos si Kenneth kahit parang malabo naman?

Pero there's still a part of me na ginugustong magselos si Kenneth.

I won't deny that. Pero malabo nga.

***

It's the twenty-sixth of December. Malamig pa rin kahit tanghali. Balik na sa work ang parents namin, ang agap nakakainis. Nandito lang nga ako sa kwarto eh, naglilinis. Sina Kuya Kev at Lyka rin yata. Sinabihan kasi kami ni mom na alisin na sa kwarto namin yung mga bagay na di na namin ginagamit, idodonate nalang daw sa orphanage malapit sa vicinity namin. So eto nga, naisipan na rin naming maglinis.

Nakita ko naman yung photo albums namin, bata pa kami ni kuya rito. And wala pa si Lyka. Nagpunta nga rin pala kaming Los Angeles noon, gawa ng grandmother namin sa father's side. We stayed there for I don't know how long. Bata pa ako to even remember that.

"Kaaaaaath!" tawag ni kuya from the other room.

"Whaaat?!" I yelled back.

Hindi naman na siya sumagot kaya tinuloy ko nalang ang pagaayos ko. Marami na rin naman akong natanggal. Clothes, stuffy toys, footwear, and stuff. This will be a lot to them. Mabuti na rin, nang lumuwag naman at luminis ang kwarto ko. Nilabas ko na yung boxes isa-isa, then binaba. Hindi naman mabigat kaya ayos lang. Nakita ko naman na tapos na rin si Lyka, nakaupo na kasi sa sala at nanunuod.

"Lipat mo!" sabi ko sabay agaw sa kanya ng remote.

"Fine."

Hindi naman sya tumutol kasi may katext pala. Nangiti naman ako nang nakakaloko habang nakatingin sa kanya.

"Si Angelo noh?"

"O-oy hinde!" namula naman sya. Deny pa. Tinawanan ko nalang.

"Mapapunta nga si Angelo rito." sabi ko sa sarili ko habang naglilipat na ng Channel. Nilakasan ko talaga para marinig ni Lyka.

"Ateee!"

"At tsaka si Yna. Eto naman hindi pa ako tapos eh." tsaka ko siya tinawanan.

"Che." nagtext nalang ulit sya. Nag-cr din siya after a while, iniwan naman nya phone nya kasi ayaw nyang magaya tulad nung dati, nahulog sa toilet bowl at nasira. Haha.

"Ang boring naman."

Wala kasing magandang palabas na. Tsaka hindi naman ako nanunuod ng local tv series, at mamayang gabi pa ang international. Hinagis ko yung remote sa tabi ko, may natamaan ata. Pagkatingin ko phone ni Lyka. Oops. Sorry.

At dahil wala nga akong magawa, kinuha ko yung phone nya at nagbasa. Haha. And I was right, si Angelo nga katext nya. Tiningnan ko naman yung iba pang message, hindi naman nirereplyan ni Lyka. Snob na bata. And what did I read? This...

Gelo <3

Wala na akong ibang magawa kundi isipin ka nalang. Ang boring kasi eh, ikaw nalang nakakapagpa-aliw ng araw ko.

Lyka

Talaga? Haha. Bola ka, ang payat mo naman.

Gelo <3

Eh okay na 'to. At least hindi mahihirapan ang puso mo sa weight ko diba.

Lyka

Baliw ka. Tama lang. Kaya kang dalhin ng puso ko, basta ikaw.

Gelo <3

Wag kang ganyan. Kinikilig ako. :">

Natawa naman ako. Ang cute kasi ni Angelo. Sinasabi nya talaga na kinikilig siya. And that emoticon. Ang cute lang din naman kasi sa lalaki kung aaminin nila samin na kinikilig sila, hindi yung mga pakipot din. Pakipot na nga mga babae, dadagdag pa sila.

Hindi naman na rin ako nakapagbasa pa kasi dumating na si Lyka. So I just pretended to be watching and acted as innocent as I could. Pero di ko maiwasang di tignan ang mga expression ni Lyka kapag naririnig kong nagttext si Gelo. Ang cute kasi nila.

"Hey. Kayo na ba ni Angelo?" tanong ko bigla. Nagulat naman siya, at namula nang sobra. Natawa nalang ako.

"Ate naman eh! Hindi pa!"

"Pa?"

"A-ah, e-eh... Malay ko sayo ate!"

Dahil wala na naman akong magawa, binuksan ko nalang ulit ang TV, and to my surprise, Adjustment Bureau ang palabas sa HBO. Great enough to keep me entertained. Nakafocus lang ako sa panunuod hanggang sa bigla ko nalang natanong si Lyka.

"How would you feel if someone's controlling your faith?" tanong ko pero glued pa rin yung mata ko sa tv.

"Ang weird mo ate."

"Pero seryoso, I mean if you meet this guy then the bureau don't want you together, what would you do and how would you feel?"

"Eh paki ba nila? Eh salagay nameet na namin ang isa't isa eh. Parang may magagawa pa sila." sagot naman nya.

"Well that's exactly the thing. Paano kung may bureau talaga na kayang itigil ang oras para lang mailandas ka sa kabilang daan para hindi kayo magkakilala? Saya siguro nun." note the sarcasm.

"Yeah right." she rolled her eyes. "But look at what they've done, they chose to fight for it diba. If meron nga talaga, why not do the same? Well if love in between is worth the fight."

Parang napa-nganga naman ako sa kanya. Not literally but, just woah.

"At kelan ka pa naging makata ha?" tinawanan ko naman siya. "Epekto ba yan ni Angelo o sadyang pinagana mo lang ang third-in-rank brain mo?"

"I'll choose the last one."

Dahil tapos na nga yung movie and it's lunch time, namomroblema kami ni kuya kung anong kakainin namin. Nakalimutan ni mom na magiwan ng microwavable. Wala naman kaming kasambahay para pagsilbihan kami, kami na nga lang nasa bahay kasi. Sabi naman ni kuya kumain nalang daw ulit kami sa labas. Pumayag naman kami so naligo na kami and got settled.

Nagtext naman bigla si Yna na punta raw kami sa kanila kasi birthday celebration ng dad nya. Sabi ko naman na lalabas na sana kami para kumain, plus walang magbabantay ng bahay.

Alyna

Then we'll be right there. Don't go yet. Dadalhan nalang namin kayo. Hihi. Sama ko si Angelo ha. Puro tanders ang nadito, sakit sa heaaad!

Natawa naman ako. Bigla namang pumasok si Lyka sa kwarto, sinabihan akong bilisan. Sabi ko naman na huwag munang umalis.

"Pupunta si Yna rito." sabi ko.

Para namang natauhan si Lyka. "Pinapunta mo ate?!"

"Si Yna lang ano ka ba." tsaka nalang ako ngumiti ng nakakaloko. Hindi ko muna sinabi na kasama si Gelo. Syempre para magulat. I'm a mean sister, y'know. Hohoho.

"Buti pala. Eh nagugutom na talaga ako. Ikaw ba naman maghalungkat ng mga gamit sa kasulok-sulukan ng gamit mo eh!"

"May dala na sila-- si Yna pala. May celebration kasi sa kanila, eh out of place siya kaya rito muna raw sila--YA." nadudulas ako. Tch. Pero she doesn't seem to notice so it's good.

Lumabas na kami ng kwarto, sinabihan na rin namin si Kuya na ganun nga. Buti naman daw. Sabi ko nakatipid na naman sya, may pang-date na naman. Sagot nya eh, "Parang ganun na nga." sabay tawa.

Di naman nagtagal eh dumating na rin sila. Ako ang sumalubong kasi syempre baka masira plano. Kaibigan ng dad pala ni Yna ang naghatid sa kanila, syempre busy kasi page-entertain parents nya sa guest.

"Yna, Angelo." bati ko naman.

"Nagugutom na ako." sabi ni Yna sabay himas sa tyan nya.

"Tara na kase."

"Si Lyka?" tanong naman ni Angelo. Napatigil kami ni Yna sabay tingin sa kanya nang nakakaloko. "What?"

"Wala lang naman." sabi nalang namin. Pumasok na rin kami.

"Ate bakit ang tagal ny--" natigilan naman si Lyka nung makita si Gelo.

"Oh anung problema Lyka?" tanong ko nang ngiting-ngiti.

"W-wala. D-di na pala ako gutom, sige kayo nalang." tumayo siya at lumakad papuntang hagdan, then napatakbo na rin sya.

"Problema nun?" tanong ni kuya Kev.

"Wala. Tara na, let's eat lunch. She'll be down later."

Kumain na nga kami, pero sa sala ngayon para may pinapanuod. Tawa lang kami nang tawa sa palabas, hindi ko alam kung ano 'to, pero they're kind of prankster. Nang matapos kami, si kuya Kev ang pinaghugas ko ng dishes. Nung una ayaw pa, pero nung inasar namin na paano siya magiging husband ni ate Telle kung hindi siya marunong ng gawain. Ayun, pumayag. Haha.

"Di ka yata makali?" tanong ni Yna sa kapatid.

"H-ha? Wala lang."

"Sus! Si Lyka ba?" tanong ko naman.

He sighed. "Uhm, yeah. Kasi hindi pa siya kumakain oh. It's quarter to two na."

Tumawa naman nang malakas si Yna, at ginulo yung buhok ni Gelo. "Ikaw talaga Angelito! Ang landi mo na!"

Natawa rin ako. Baliw din 'tong si Yna eh. "Puntahan mo sa kwarto nya bilis, dalhan mo ng lunch." sabi ko.

Siya naman itong biglang tumayo at umakyat, dala yung pagkain. Nakita naman namin na nakatigil lang siya sa harapan ng pinto ni Lyka. Hindi makapasok, nahihiya yata. So ako naman itong sumigaw kay Lyka.

"Lykaaa!!! Open the door! Nandito na sina Mom!"

Sobrang nagpanic naman si Angelo. Bababa pa sana siya kaso lang nagbukas na agad yung pinto.

"Food?" he offered.

Hindi makapaniwala si Lyka. Pero kinuha naman na niya yung tray. Muntik na ngang mahulog eh, buti nalang naalalayan agad sya ni Gelo. Nakita naman namin na nakahawak pala yung kamay ni Gelo kung nasaan yung kamay ni Lyka.

"Uy kinikilig akooo!" sabi bigla ni Yna. With kilig gestures syempre.

"Yeah." sagot ko naman nang nakangiti habang nakatingin pa rin sa kanila. Nakakakilig nga itong dalawang tuta na ito.

Bigla kaming nagkatinginan ni Yna, sabay kanta ng...

So if THEY fall in love, and maybe THEY'LL sing this song as one.

Natawa nalang kami. Haha. Tapos pumasok na sila. Eh bahala sila run, wala naman yung gagawing kung ano eh. Pero mas natawa naman kami kay kuya.

"Anong meron?"

"Di mo talaga nagets?"

"Nope."

"Well, manhid ka."

Nung wala na rin kaming magawa, kinuha ko nalang laptop ko at binaba sa sala. Ang gamit naman ni Yna ay yung kay Kuya. Nanunuod lang naman kasi.

Nag-IM naman si Andrea sakin.

Andrea: Kath, sa 28 na yung outing. Sama kayo nina Linds at Yna. Pleaaase?

Me: We'll try. :)

Sinabi ko naman din kina Yna yun nga. Pumayag naman daw. Naipm na rin pala ni Andrea si Lindsay, sabi raw eh kung kasama kami then she'll go.

Andrea: Great! Meet-up nalang sa park at around eight am.

Me: We'll go na pala. Sure na. Sige. Saan ba pupunta?

Andrea: Splash Mountain daw. Sa LB.

Me: So it's a hotspring. Likey. Sige.

Andrea: Hihi. Well I have to go. We'll get ready na. ;)

Nagpaalam na rin ako. Ang agap naman nilang magayos, it's just twenty-six today. Pero siguro may iba pa silang gagawin or something.

"Sama mo kaya si Kenneth, Kath." suggest ni Yna.

"Bakit ako? Nanay ang peg? Baliw."

"Ito naman! Dali na. Para masaya ka na."

"Che!" pero natawa talaga ako.

Conceited Monkey

Calling...

Decline | Accept

Oh? Bakit tumatawag 'to? Sinagot ko na rin naman. Pero hindi pa rin ako moved on sa kagabi. Okay na sana talaga eh. Kaso lang pabitin sya.

"Hey." sabi ko. "Bakit?"

"Nothing. I just want to hear your voice."

Ewan ko. Pero nangiti ako eh! Kinikilig ba ako? Psh.

"Kinikilig ang babae. Wuuh!" singit ni Yna. Tiningnan ko lang sya nang masama then ayun nanahimik.

"Can we go out?" sabi na naman nya, tanong pala.

"Ngayon?"

"Yeah."

"Ah, eh. Kasi nandito samin si Yna eh."

"Ohh. It's too bad. Oka--"

Bigla namang inagaw sakin ni Yna yung phone ko.

"Kenneth? Ohh. Ah! Actually papauwi ba rin kami. Sige. Sunduin mo nalang daw siya. Okay, sige babye!"

Nanlaki nalang mata ko sa ginawa ni Yna. Hanggang sa napalo ko siya sa braso nya.

"Baliw ka ba?!"

"Gusto mo naman." sabay tawa nya.

"Che! So uuwi na talaga kayo?"

"Dito muna kayo. Boring ang bahay pag kami lang ni Lyka." sabi naman ni kuya Kev kay Yna.

"Sure. At mukhang enjoy pa sa kilig moments yung dalawa sa taas. Kaya Kath magready ka na!" Yna

"Sus!"

No choice naman ako kundi magayos. Nag-tshirt and jeans lang naman din ako, nothing special. Then maya maya ay may nag-doorbell na. I'm guessing it's Kenneth kaya bumaba na ako. And I'm right.

"Porsche mo?" wala kasi siyang dala eh.

"I left it. It's entertaining to walk, really. Do it with me?" sabay kuha nya sa kamay ko.

Pero bago kami lumabas nagpaalam naman siya kay kuya.

"Don't worry bro. I'll get her home just they way she got out. I'll take care of her forever." sabi nya kay kuya tapos nagwink saakin. Ano baaa!

"Alam ko yun bro! Kaya ako boto sayo eh."

Natawa nalang siya. Buti nalang nag-cr si Yna kundi mangaasar din yun. Lumabas na rin naman kami. Naglalakad lang sa village. Ang tahimik lang. Grabe.

"Can you be mine just for today?" bigla nyang sabi.

"Ano?"

"Ah-kin kah." cute nyang pagkakasabi gawa ng accent nya.

"What?" natatawang kinikilig kong tanong na naman. Eh kaseee!

"Hey. Don't laugh. I'm learning for you, okay?"

Natawa na talaga ako. Para naman hindi magmukhang kinilig talaga ako nang obvious.

"Baliw ka."

Hinawakan nya kamay ko. Hindi lang basta hawak. Holding hands na talaga, as in, sagad!

"Uhh. Kenneth?" awkward kong tanong.

"Please? Just for today?"

"Kung hindi ka lang ba talaga cute eh." pumayag na rin ako sa huli. Mapilit eh! At tsaka... Okay aaminin ko na! Gusto ko rin naman. Ssh.

"So, we're like Bah-gay?"

Natawa na naman ako. "Wag ka na ngang magtagalog. Ang cute mo lang eh."

"I... Then I'll speak more of that often."

"Baliw."

"Sayo." ngiting ngiti nyang sabi.

"Wag ka ngang ngumiti!" I said, looking away.

"Why? Am I that horrible?"

"Hindi naman." Ang gwapo mo kaseee!

"Oh. Wait. Before we go out, I just want to visit the kids."

"Kids? May anak ka na? Oh gahd!" I joked.

"If I would be having kids, it would be our kids."

Waaait! Nabingi yata ako run! Waah.

"Che!" wala akong maireact eh.

"But seriously. I'll just visit the orphanage in the village. I gave them some of my old stuff just this morning and I promised them to be back. I want them to meet you."

"Really? You donated? We will, too. Kaso lang sina mom ata magdadala."

"Ohh. So let's go?"

I nodded. Magkahawak pa rin kami. Grabe! Di ko na alam nararamdaman ko! I can't breathe. Gaah.

Nang makarating kami, ang dami agad na bata ang sumalubong kay Kenneth. Mga yumakap, pero hindi pa rin nya binibitawan kamay ko.

"Hey kids. I would like you to meet--"

"Ate Kathyyy!" sabay lapit din nila sakin.

"Right." sabi nalang ni Kenneth. Tinawanan ko naman. Inunahan kasi nung mga bata.

Pumasok naman na kami sa loob, sa visitors lounge. Nakasunod na rin naman yung mga bata. Mahilig pala si Kenneth sa bata? Gahd! Turn on!

"Paano nila ako nakilala?" bulong ko sa kanya.

"Ask them."

"Okay." tumingin naman ako sa mga bata. "So, kilala nyo ako?"

"Opo!" sagot naman nila.

"Paano?"

"Kuya Kenneth pooo." sabay sabay naman nilang sagot.

"At ano namang sabi nya?"

"Sa..sabi po ni Kuya ikaw daw po ang Marry her."

"Ha?" di ko yata nagets yun.

"Opo! Opo!" masiglang sagot din naman nung isa pang bata. "Sabi nya po two kids daw!"

"Not!" biglang sigaw ni Kenneth. "Not that." napayuko nalang siya. Gwapo, nakakainlove! Gaah.

"Well you see," may isang matured na batang lalaki na sumagot. "kuya Kenneth said that--"

"Alright! Let's play ball!" singit ni Kenneth sabay takbo nila sa labas. Tsk. Pabitin talaga oh.

Sumunod nalang kami sa labas. Mga batang lalaki syempre ang nakipag-laro ng basketball kay Kenneth. Hindi naman yung tunay na game, pero syempre yung pinapapanalo nya yung mga bata. Minsan tinuturuan din naman nya.

"Get a great grip of the ball, like that." tapos inayos naman ni Kenneth yung kamay nung bata. "See that basket up there? You have to shoot this thing into it."

Nung naitry magshoot nung bata, hindi pumasok.

"Ang hirap namaaan!"

He ruffled the little boy's hair. "You'll get used to it." sabay flash ng encouraging smile nya.

Nung medyo naghapon na, may lumabas naman na matanda galing sa loob, sabi raw eh snack time na. Nagpasukan naman sila agad, naiwan lang kami ni Kenneth. Sabi namin eh susunod na rin kami. Ewan, sabi ni Kenneth dito lang muna raw kami.

"Tara na kaya sa loob? Mukhang pagod ka na ah." sabi ko. Umupo naman siya sa lapit ko.

"Nah. Let's stay." sabay paypay nya sa sarili gamit kamay nya. Nakita ko naman yung likod nya na sobrang pawis. Pero ba't ganun, ang bango pa rin nya! Grabe.

Tumayo ako at sinabi sa kanya na hihiram lang ako ng towel sa loob kasi grabe na yung pawis nya. Ayaw pa nga nya nung una, pero nung tinakot ko na pwedi siyang magka-tuberculosis eh pumayag na rin. Mahangin din naman kasi rito sa labas. Binigyan naman ako ni Lola Rena ng towel at powder. Then bumalik na rin ako sa labas, tanong pa eh bakit di pa raw kami pumapasok, sabi ko aayusin ko lang muna si Kenneth bago kami pumasok. At saka tuluyan na akong lumabas.

"Talikod ka dali!" utos ko sa kanya.

"What? Why?"

"Basta."

Sinunod naman nya ako. Good boy. Haha. And grabe lang, ang bango nga ng pawis nya. Ba't ganun? Naiinlove ako tuloy! Tch.

Nilagyan ko muna yung likod nya ng powder. Nanay o girlfriend? HAHA. Kidding. Tapos tsaka naman yung towel sa likod nya. Medyo nawala na rin naman yung pawis nya kasi mahangin nga rito sa labas.

"Oh tara na sa l--"

Bigla naman siyang humiga sa lap ko at pumikit.

"I'll nap first."

"Huy kase. Edi sa loob ka umidlip."

"Nah." tapos hinawakan na naman nya kamay ko. Like as in holding hands na naman. Grabeee!

"Bakit ba ayaw mo pa kasing pumasok eh? Tch." kunwari naiinis na ako, pero kinikilig talaga nang konti. Ssh.

"Because," nagmulat sya. "Gus-to kih-tang mah-solo." he said cutely in his accent. Winked and closed his eyes once more.

"Kay." maikli kong sagot. Eh kasi namaaan!

No choice ako. Tinitigan ko lang mukha nya, nakapikit naman siya eh kaya di na nya ako makikita. Naalala ko tuloy yung time na naging welcoming-committee-like ako nung first day nya sa Sermount, yung nakatulog din sya sa garden ng school. Parang kailan lang inis na inis ako sa kanya, ngayon crush ko na. What an irony!

"I'm leaving." sabi nya habang nakapikit.

"Leaving?"

"For Los Angeles."

"Kailan?"

"Tomorrow."

"Bukas?!"

Napalakas yung sabi ko kaya nagmulat siya pero hindi naman mukhang gulat. Tumayo siya, hawak pa rin naman kamay ko. Bakit ba ayaw nya kasing bitawan eh. Tsh.

"For vacation."

Ang tipid naman nyang magsalita. Nakakainis.

"So you'll be back? Babalik ka pa rin diba?" tanong ko. Hopeful.

Humarap siya sakin. Tapos pinitik yung tip ng nose ko, di naman malakas-cute way kumbaga.

"For you, yes I will."

"Sus!" binatukan ko nga, pero yung pajoke lang. Nangingiti ako! Eeeh.

Seryoso naman siyang tumingin sa akin. Kinabahan ako, ang gwapo kasi. Hehe. Walang connect, I know.

"Will you wait for me?"

"Chocolates?"

Natawa naman siya. "Of course. You like other sweets?"

"Yeah."

"Then I'd give myself to you. Is that alright?" he said with chuckles.

"I'll eat you, you know that." I glared at him playfully.

"Moooonster!" cute nyang sigaw sabay takbo, pero nandito pa rin naman kami sa mini-court. Naghahabulan.

"Psssh! Monkey!"

Napatigil ako kasi napatigil siya. Uh-oh! This time ako naman yung hinahabol nya. Unfortunately ang bilis bilis nyang tumakbo kaya nahuli niya ako. He's like hugging me from behind, while his chin rested on my left shoulder.

"Who you calling a monkey, huh?"

"U-uhhh. N-no one. H-hehehe."

"You still haven't figured it out?" tanong nya. Hindi pa rin kami nagbabagi ng pwesto. Grabe naaa!

"Alin? Ano?"

"My gift."

"Ha?"

"The monkey."

Natawa naman ako ng malakas. Siya naman itong kinagat ako bigla sa pisngi. "HEY!" pero hindi pa rin sya kumakalas.

"The reason why I gave you a monkey is because it's what you've called me when I wanted to be the Valedictorian, too. I found you cute that time so I'd rather be a monkey to see your priceless cute expression."

"Psshh." I'm suppressing my smile.

"And because I want you to remember me always."

"By a monkey?" lumingon ako sa kanya at sinabi yan nang mabagal. But I think t'was a wrong move! Ang lapit ng mukha namin.

"Yeah. Kiss?"

"Shut up!" ako na tuloy yung kumalas. Ang baliw kase! Feeling ko namumula ako. Pero sya naman itong tawa nang tawa.

"I'm kidding."

"Che!"

Lumabas si Lola Rena, pinapapasok na kami kasi medyo kumukulimlim na. Eh napakakulit naman talaga nitong si Kenneth. Patago pang umiiling, tapos sinasabing don't. Pero nung tumingin naman kay Lola Rena, ngiting ngiti. Natawa nalang ako. Pumasok naman na rin si Lola, sabi ko nalang ulit ay papasok na rin kami. Paulit-ulit lang eh.

"Ang kulit mo sobra!"

"So am I cute?"

"Sabi ko makulit."

"What is that again? Mah-cute-leet?" pa-inosente nyang tanong, nakangiti rin naman.

"No."

"Oh come on. Just a little bit?"

"Yeah."

"Yes?"

"No." pangkulit ko. Haha.

Naiopen ko naman sa kanya mga plano ko this sembreak, naitanong kasi nya. Eh wala pa naman akong ganung plano kaya ang sinabi ko nalang muna ay yung sa swimming namin nila Andrea. Bigla namang nagiba expression nya.

"Who's with you?"

"Friends."

"Is that Jap coming?" tahimik nyang tanong. Pero may iba sa tono eh.

"Yeah. I think."

"Don't go."

"Ha? Bakit naman?" tanong ko naman. "Para kang proxy ni daddy ngayon ah." tumawa naman ako.

"No. Seriously." he sighed. "Sure you want to go?"

"I-I already said yes to Andrea. Ang rude naman yata kung aatras pa kami."

"Okay."

Pagkasabi nya nun, biglang bumuhos nalang yung ulan. Hinihigit ko naman siya papasok sa loob, kaya lang hindi ko kaya kasi ang laki nyang tao kaya malamang mabigat. Paano kaya 'to nagkasya sa puso ko? Haha. Kidding!

"Huy kasi. Baka magkasakit tayo."

"Hope so." mahina nyang sabi pero narinig ko. Malakas yata pandinig ko.

"Baliw ka. Ikaw, baka magkasakit ka. Kanina pawis na pawis ka, then natuyo. Tapos ngayon nagpapaulan pa tayo. Tara na!"

"Sure."

"Yun." naglakad na ako palayo. Pero nandun pa rin sya. Binalikan ko naman ng tingin.

"For one thing, I'd go." nilapitan ko na naman ulit. Juice ko. Para akong may kasamang bata.

"Ano?"

"Carry me inside." pabata nyang sabi.

"Baliw ka. Bahala ka dyan." tumalikod na ako. But what did he do? Ayun tumakbo palapit sakin tapos ako ang binuhat. "Put me down!"

"No."

"Pssh." walang magagawa eh. Makulit 'tong taong ito.

Kinulit lang ulit kami ng mga bata pagpasok. Kesyo raw ba together kami, kinasal daw ba kasi ba't ganun ang pagkakabuhat sakin ni Kenneth. Deny naman ako. Aba. Huwag i-corrupt ang isip ng mga bata. Adik yata itong si Kenneth. Tapos ayun, umuwi na rin kami sa amin. Di na kami nagtagal dun kasi nga basa na kami. Sabi naman nila na balik daw ulit kami. Sana lang.

Hinatid naman nya ako sa bahay. Pinapasok ko rin. Nandun pa rin naman si kuya Kev. Umalis na rin daw sina Yna at Gelo kasi hinanap na daw. Si Lyka naman ay nandito na ulit sa baba. Tapos ayun nga, sabi ko kay kuya na pahiramin muna ulit ng damit so Kenneth. Ayaw naman niya pero mas mapilit pa pala itong si kuya, kaya walang nagawa si Kenneth.

"Kuyaaa! Hatid mo si Kenneth dali!" sigaw ko.

"You're insane Kathy. I can go home by myself, you know."

"Eh gabi na oh."

"I'm a guy."

"And I'm concern." sabi ko. Tapos sinigawan ulit si kuya na nasa CR. "Kuya Keeeev! Dalian mo naaa!"

"Silly." sabay tawa nya ng mahina.

Labas naman agad ni kuya. Sabi pa eh, may sunog daw ba. Bakit daw ako nagpapanic o sumisigaw. Mga ganun. Nabatukan ko nga. Tapos ayun sabi ko ihatid si Kenneth. Pumayag naman, syempre. 'Bro' nya naman daw si Kenneth eh. Sus! Kayo na.

Lumabas naman na sila. Syempre sumunod ako. Pumasok na si kuya sa sasakyan, pero si Kenneth hindi pa.

"Kathy."

"H-huh? Did you say something?" painosente kong tanong. Eh kasi naman, ano bang meron kapag mga magpapaalam na diba? Like in movies, they hug, they say sweet words, and they ki-- NO!

"I'll go. Good night." then ayun nga, he hugged me. Tapos sumakay na sa car ni kuya.

Yun lang?

Hehehehe. Joke. Okay lang.

Pumasok na ako. Syempre. Ano pa bang gagawin ko sa labas. Umakyat agad ako sa kwarto. Busog na ako. Hihi. Okay, ngayon lang naman eh. Kumpletong kumpleto araw ko, sobra. Humiga ako sa kama. I still can't believe!

"Kaaaaaathy!" may sumigaw. Halata namang siya kasi siya lang naman ang tumatawag sakin nun. Sumilip agad ako sa terrace. Sa front house kasi, yung terrace na tanaw eh sa kwarto ko. Kaya eto lumabas ako. Nakita ko naman yung sasakyan ni kuya na nakatigil sa di kalayuan dito.

"Will you come down for a sec?" sigaw nya.

"Wait up."

Napaisip ako. Bakit naman kaya? May nakalimutan ba siya? Wala naman yata syang dala kanina eh. Tsaka kung meron man edi sana naitext nalang nya ako. Sus. Only one way to find out.

Nakalabas na nga ako.

"So?" sabi ko.

"I... Uhm." huminga syang malalim. "Don't forget this date, okay?"

"Why not?" nakangiti kong tanong.

Instead of answering first, he pecked the tip of my nose!!! Gaaaahd.

"Don't forget that you were my girlfriend for a day, today."

Ngiting-ngiti siyang tumakbo papuntang sasakyan. Hahabulin ko sana kaso lang pinatako na agad ni kuya. Pssh.

Girlfriend?

:"">

For today nga lang. Hindi ko yun alam ah? Oh well, papel. Best day...

EVER. :)


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top