Chapter 54: Dealing with the Song
Chapter 54: Dealing with the Song
***
Evening came, and so did my friends. Nauna si Lindsay, at ayun kasama nga si Kenneth. Nasa car wash daw kasi ang ride ni Kenneth. Nakaupo lang kami rito sa table sa backyard namin, may mga bisita kasi na nasa sala. After a while eh nagdinner na muna kami.
"Kath gusto mong cheese?" alok ni Jap.
"Ah, eh okay lang."
So nilagyan naman niya. Kaya ko naman eh. Kaso compulsive kaya hinayaan ko na.
"Do you like some crabs, Kathy? I'll prepare for you."
"Yun! Thanks." sabi ko. Buti naman at may nagprisinta. Ang hirap kayang tanggalin ng laman nun. Hoho.
"Anything else?" tanong ulit ni Kenneth. I shook my head to say no.
Napapasarap lahat kami sa pagkain nang napaubo ako.
"Juice oh Kath." abot sakin ni Jap.
"Ice tea?" Kenneth naman.
Yung totoo?! Sumasakit tyan ko sa inyo eh.
"No, thanks. Water nalang." tapos ininom ko yung water na para talaga sakin. Gusto ko sanang kunin yung iced tea kaso baka magtampo si KUYA Jap.
After naming kumain, dumating naman sina mommy sa table namin. Kami naman inasikaso. Sabi ko okay lang naman eh, kaya na namin. Napansin naman ni daddy na nandito pala si Kenneth.
"Oh Katherine, bakit nandito si Kenneth? Pakipot ka pa eh papapuntahin mo rin naman pala." tukso ni daddy.
Nakakahiya!
"Dad!" suway ko sa kanya.
"Oo nga! Pakipot yang si Kath. Pero kulang nalang isigaw sa mundo na gusto nyang papuntahin yang si Kenneth." sabi naman ni Kuya ba kararating palang sa place namin, kasama si ate Telle. So pinagtutulungan ako? Tawa naman nang tawa lang si Kenneth. Sana lang huwag nang dumating si Lyka. Masasapak ko iyun.
"Really? Why didn't you say so Kath?" natatawang sabi sakin ni Kenneth.
Sina Linds naman ay nakikiride lang. Si Yna rin nakisali sa pangaasar. Si Andrea nakikitawa rin naman. Si Jap? Ewan ko lang kung bakit ganun expression? Mukhang busog? Haha. Basta yun. Pinakilala ko naman sina Andrea dahil syempre first time nila rito.
"Ah, dad, mommy, kuya, sina Andrea at Jap nga pala. Classmate namin ni Kenneth sa Openheim."
"I see. So matatalino pala bisita namin ngayon ha?" Dad
Nakita kong napangiti na si Jap nun nginitian siya ni Dad at mom. Ganun din si Andrea.
At itong paepal kong si Kuya ay sumingit na naman. "Eh si Kenneth kelan mo ipapakilala?"
"Baliw ka ba kuya?! Eh kilala mo na eh."
"Hindi! Kelan mo ipapakilala bilang manliligaw mo?"
Natawa nalang ako kahit ayoko. Anu ba yun? Kinilig ako? Hala! Yaan na, minsan lang naman eh.
"Baliw ka!"
"As a matter of fact, Kath can I?" tanong ni Kenneth. Napatahimik tuloy kaming nasa table at sina Kuya. Mga nakatingin saakin, probably waiting for an answer.
"Ah, e-eh..." what should I say? Kasi baka joke lang ni Kenneth 'to? Tama! Joke nga lang! Di naman kasi siya umamin sakin eh, kaya di kapanipaniwala.
"Adik ka!" sabi ko nalang.
Tumayo naman bigla si Jap. At in-excuse ang sarili, magc-cr lang daw. Tinuro naman ni mommy kung saan. Si dad naman bumalik na sa iba pa nyang bisita. Sina kuya at ate Telle eh bumalik na rin sa barkada nila. Siguro pinakilala na si ate Telle kina mom at dad.
"Kath anung nangyayari sa buhay mo?" natatawang sabi ni Yna. Di ko naman nagets kaya nabatukan ko nalang.
"Eh Linds, hindi ba pupunta si Nathan?" tanong ko naman.
"Nako! If I know Kath hindi yun sinabihan ni Linds." Yna
"Baliw ka! Papuntahin mo." sabi ko.
"Eh. Ayoko!" Lindsay
"Bakit na naman?"
"Di mo pa nga pala alam. Hay nako Kath. May LQ sila." Yna
"LQ? Bakit?"
"Oh shut up Yna!" Linds
"Ano nga yun? Ang daya nyo. Nawala lang ako di nyo na ako sinasabihan." sabi ko. Napansin ko naman na nagtatawanan ni Kenneth at Andrea sa harap lang namin. Hayaan na, may iba rin naman kaming topic na tatlo! Tsk. Kainis na Kenneth yan! Babaero.
W-wait! Ano ba 'tong sinasabi ko? Back to our topic na.
Nakita pala ni Lindsay si Nathan na may kasamang iba sa school. Syempre nasa ligawan-stage na sila kaya dapat magpa-impress nang todo si Nathan. Eh nung nakita raw ni Nathan si Lindsay eh imbes na ngitian eh inakbayan pa yung girl at tsaka iniwan si Linds. Aba naman yang si Nathan!
Tumayo ako sa table at tsaka lumayo. Tinawagan ko si Nathan. Aba! Hindi pweding ginaganun ganun nalang lagi si Lindsay ha!
"HOY!" ang nasabi ko nalang bigla pagkasagot nya ng phone.
"Easy Kath. Calm down. Bakit ka ba napatawag?"
"Calm down your face! Anong ginawa mo kay Lindsay ha?! Bakit may iba ka na agad?!"
"A-anong i-iba? W-wala ha!"
"Sus! Kung gusto mong mabuhay pa in this polluted world pumunta ka rito samin. Like, NOW!" sabay pindot ng end call. Nakakapang-iba ng mood.
Bumalik na ako sa table. Nakakahiya nga eh kasi may nakakita sakin na kabarkada yata ni kuya na sumisigaw sa phone. Pero hayaan na, di naman ako kilala. Haha. Yun nga, pagkabalik ko suspiciously'ng nakatingin sakin si Linds. Alam na. Sinabi ko naman din yung totoo, na pupunta si Jap. Balak pa nga nyang umuwi eh, kaso lang pinigilan namin syempre.
Para maiba naman yung mood, lumipat kami sa mini-house dito rin sa backyard. Para naman kami kami nalang ang magkakaharap. Bumalik naman na rin si Jap kaya kumpleto kaming six na nandito na ngayon.
"What now guys?"
"Let's play a game!" suggest ni Yna.
"Game? Ayoko. How about a movie?" Linds
"Oo nga. Pero ano?" Andrea
"A walk to remember!"
"Easy A!"
"500 Days of Summer!"
"Ano ba naman yan guys. Let's try, uhmm." napaisip ako. "Something with the theme. Aha! The Grinch!" sabi ko.
"Seriously Kath? Eh pambata naman yata yan eh." Yna
"Baka sapak? Favorite ko 'to. Dali naaa!"
"Yeah. The Grinch it is!" pagsang-ayon ni Kenneth.
"Oo nga, The Grinch." Jap
"Oy Jap! Kelan ka pa nagkainteres sa mga ganyan? Diba ayaw mo ng ganyang genre?" Andrea
"H-hindi! Gusto ko na."
"At kelan pa?" tinaasan siya ng kilay ni Andrea.
"B-basta!"
Ang cute nila. Hihi. And eto nga, the grinch nalang ang pinanuod namin. Nagmukha pa kaming bata. Okay lang, wala namang masama eh. Bata pa nga naman talaga kami.
"Nakakatakot naman pala itsura ni Grinch." biglang sabi ni Jap.
"Psh." cute kaya!
"Well I think he's cute, especially his baby face." Kenneth
"I know right." tsaka kami nag-high five.
"I-I m-mean! Strangely cute. Right Kath?" pahabol pa ni Jap.
Tumawa nalang ako. Nasa kalagitnaan na kami ng movie nang biglang dumating si Nathan. Pinalabas naman namin agad si Linds para makapagusap silang dalawa. Nung una eh pumapalag pa si Linds pero she gave up din naman, kaya ngayon nasa may poolside sila.
"Ang drama ng buhay nila noh?" Yna
"Sus! Eh ba't ikaw wala pa?"
"H-ha? Eh s-salagay eh!" bigla namang namula si Yna.
"Lande oh." tsaka ko nalang siya tinawanan.
Di namin namalayang tatlo nina Andrea na nagkakasagutan na pala yung dalawa. And by dalawa, sino pa ba?
"Oy anung meron ha?" tanong sa kanila ni Andrea.
"Wala!" Jap
"So what are you trying to say?!" sabi naman ni Kenneth kay Jap.
"Alam mo na eh! Pare hindi nakakatuwa!" Jap
"Anu ba!" sigaw naman ni Andrea. Natameme lang kami ni Yna. Pero nung lumalala na, di ko na nakayanan.
"Both of you, stop it!" sinigaw ko na. "You're going to fight, huh?! Then please don't do it here. You'll ruin the place for pete's sake!"
"You know what, Kathy is right." malumanay na sabi ni Kenneth. Hay buti naman.
"Yeah. Kenneth and I will be out." Jap. Sabay labas naman nung dalawa.
"Shet lang. Akala ko nakunsensya ko sila." Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Sundan nyo kaya?" suggestion ni Yna.
"Don't. Let them have a little talk." seryoso na si Andrea. Gahd! Anu bang nangyayari. It's Christmas and look at this! Tch.
/JAP'S PERSPECTIVE
Sht lang talaga! Di ko na kayang magtimpi sa epal na 'to! Nakakaiyamot!
Lumabas kami ng mismong bahay nina Kath pansamantagal. Ayokong makita nya akong nagiiba ang aura. Mahirap na.
"What do you want?!" sabi niya agad.
"Oy epal ka. Kala mo naman kung sino!"
"Would you just spit it out straight?"
At dumura talaga ako, literally. "There."
"Oh come on!!! Can't you go serious for a while?!"
"If there's one thing I'm serious about, it's winning Katherine." sabi ko sa kanya. This time seryosong seryoso na ako.
"If she'll approve of that."
"Oh she will! You cheater!"
"What?! What made me a cheater huh?!" tanong nya.
Eh epal pala talaga siya eh!
"You crossed the line!" I half-yelled.
"What line? As far as I can remember, I'm not devouring the sense of our deal!"
"You think so?" tumawa ako nang mapait. "You already did."
"Look, I didn't do anything!"
"Eh yung kanina anu yun ha? Feeling close ka pa sa family ni Kath! Wala namang binatbat." I muttered the last phrase.
"What? Ohh." napaisip naman siya. "Kuya Kevin, huh? Yeah. We're bros." cool nyang sabi.
"Bros pala ha. Kapal." bulong ko sa sarili ko. "And that's it. Alam mo na eh, talo ka na! Wala ka nang karapatan!"
"Hey! As far as I can remember, one will be worthy of Kathy's attention if she'll say to one of us that she's enjoying our company. That's it! What made you say I crossed the line?!"
Edi siya na tama! Nakakainis! Kahit na ba! Tanungin ba naman si Kath kung pweding manligaw sa harapan ng parents nya, at sa harapan KO rin. That's a crap!
"Baguhin natin." sabi ko. May tone of tyranny. Paki ko, eh sa mas makabubuti kung babaguhin namin eh.
"Hit me."
"What's the most frequent but significant phrase a person may convey towards his love one?" I asked.
"Easy." sabi niya. Epal! Yabang. "I love you." he continued.
Yuck! Feeling ko ako ang sinabihan nitong epal na 'to eh. So gay!
"Exactly. Siguro naman may insight ka na sa bagong deal?"
"I'll make her mine first."
"Hindi yan mangyayari kung ako ang una nyang masasabihan ng three words."
"News flash bro. She wouldn't say those words if I already won her."
Nakakainis! Ako na talo. Pero hindi kay Kath. Neknek nitong English-erong 'to!
"Epal ka." sabi ko nalang.
"But seriously. Whoever gets to receive those words first has mainly the right to court her."
"Yeah. Yeah. Alam ko. Matalino ako eh. Tch. Bahala ka na nga dyan."
Tsaka ko na siya iniwan. Alam ko namang sumunod din siya pabalik dito sa mini-house eh, kaya wala na akong pakielam. Alangan namang alalayan ko pa siya o ano. Baka mai-inlove pa sakin. Ang gay naman nun!
I'll start.
/NATHAN'S PERSPECTIVE
Yung totoo?
Wala akong ginagawang masama. Nakakatakot si Kath. Grabe! Bakit naman nya iisipin na may iba na ako? Ipagpalit si Lindsay? Hala! Hindi naman pweding mangyari yun.
Mahal ko eh. Sobra.
Nandito kami ngayon kina Kath. Nakaupo sa gutter ng pool at nakalublob yung paa namin. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Ayoko, kasi baka mamaya nagkamali pa ako ng masabi. Edi malilintikan na ako? Ayoko naman nun!
"Look,"
"Lindsay."
Sabay naming sabi. Natahimik na naman kami. Hindi ko na talaga alam ang sasabihin. Pero bahala na, basta magkaayos kami.
"Babes." tawag ko.
"Ew. Don't babes me Mr. Verdida. I'll kill you!"
Grabe! May mas tatalo pa nga pala kay Kath. Mas nakakatakot naman 'to.
I tried hugging her while saying, "Uyy babes." pero inaalis lang nya.
"Wag na wag mo akong hahawakan! Kundi lulunurin kita. Tandaan mo kaharap lang natin ang pool!"
Sus. Nakalimutan yatang swimmer ako. Haha. Ang cute talaga ni babes.
"Oh? Anung nginingiti-ngiti mo dyan?" masungit nya pa ring tanong.
"Ang ganda mo kasi." tsaka ko siya tinitigan. Nakita ko namang namula siya kaya umiwas sya ng tingin.
"W-wag mo nga akong pinaglololoko."
"Kelan ba ako naging loko-loko pag dating sayo?"
"Approximately two days ago!"
"What? You tell me, ano bang ginawa ko ha?"
"Just nothing mr. Verdida. I JUST saw you with another girl. And you know what made things worse? When you caught sight of me, you clung your arms around your NEW girl and totally snubbed me. Now what's with that? Aren't you being fair enough?! If you're letting this court thing go, say so! Because honestly, I'm in hope!"
Other girls would tear up in times like this, but she didn't. She's tough as ever, but I can sense pain in her.
"What?"
"That's a crap, Carlo! Ang dami ng sinabi ko and you'll ask what?!" she said grimly. "I'm out of here." papatayo na sya kaya lang hinigit ko sya. Di ko 'to ineexpect, more like sinasadya, pero we both fell into the water.
"LOOK WHAT YOU'VE DONE!" naiinis nyang sabi.
"Would you just let me explain!" I yelled. Hindi ko na nakayanan eh.
Natigilan naman siya. And I guess this is now my cue. Nandito lang kami sa gitna ng pool. It's a good thing na may loud music before pa kami nahulog, kundi we'll be the center attraction tonight. But hopefully we did not end up with that.
"The day you saw me with another girl..."
"Your new girl, correction. You're welcome." she interrupted bitterly.
"Shut up." mahina kong sabi. "That wasn't my new girl okay? That was my cousin."
"So may magpinsan na palang sweet sa isa't isa? Fine. I'll buy that."
"It's not what you think." I defended.
*Flashback*
Naglalakad ako noon nang makita ko si Sofia, my younger cousin. Dahil matagal na rin kaming di nakakapagusap eh nilapitan ko siya. We only see in family gatherings which is rare for us nowadays. Agenda's a hindrance.
"Hey! Sofia!" tawag ko sa kanya until I can catch up with her. "Oh, mag-isa ka ata?"
"Oo nga. Kita mo naman wala akong kasama diba?" tsaka sya tumawa.
"Baliw ka. So how's life?"
Nagkatanungan lang kami about our usual things, ganito ganyan. Tapos hanggang napunta na sa mga manliligaw nya o ano. She's tough as well. Kind of reminded me of Lindsay. Kaya naman naikwento ko siya kay Sofia. From the start of the mall incident, yung tinulungan ko siya sa damit na hawak nya, sa naganap na inter-school intramurals, hanggang sa napakahirap na ligawan portion ngayon.
"Napaka-hard to get naman pala nyan. Tch. Eh kung humanap ka nalang kaya ng iba?"
"I'll take that as a joke."
Napatingin naman siya sa likuran ko. Sabi na akbayan ko raw sya kasi nakita nya yung manliligaw na nerd nya. Natawa ako nung una, pero syempre nakisakay naman ako sa trip nya. Napalingon ako sa likod, wala namang tao.
"Oh, wala na yung nerd mong manliligaw."
"Thanks kuya Carlo. Una na ko ha. See you soon."
"Yeah. Likewise."
*End of flashback*
I narrated that all to Lindsay, not one word was missed. Wala naman kasing dapat itago diba? Pati ba't ako magtatago? Eh loyal yata ako sa kanya.
Nakatungo lang siya. Lumapit ako at tsaka sinandal ko yung ulo nya sa chest ko. "Nilalamig ka na? Let's get out."
"Nakakainis ka." she's punching my back. So parang nakayapos siya sakin, only para lang pala suntukin likod ko. "Akala ko sumuko ka na at pinagpalit ako sa iba!" and this time nakayapos nalang sya sakin.
"Gagawin ko ba naman yun? Eh mahal kita eh." I said, hugging her tight.
"Oo."
"Baliw ka." I laughed lightly. "Di ko gagawin yun. Even if you won't answer me yes, I won't go looking for other girl."
"T-talaga? Edi hindi na pala kita sasagutin."
"Oy. Wag naman ganyan. Syempre gusto kong sagutin mo ako noh. Pero hindi kita pipilitin. Gusto ko ikaw mismo magsabi sakin ng oo mo."
"Yes."
"Oo, ang yes mo. Kaya tara na. Baka magkasakit ka pa."
Pagkarating namin sa may labas ng pintuan ng mini-house, may narealize ako.
"Wait. Did you just...?"
Nakita kong nagpipigil siya ng tawa. "What Nathan?"
"You... You..." hindi ako makapaniwala.
"You finally noticed."
"YESSS!!!" napasigaw ako. Enough to notice by everyone. Wala akong pakielam. Masaya ako eh.
"Thank you Lindsay. I promise I won't ever hurt you."
Then I hugged her.
/KATHERINE'S PERSPECTIVE
Nagexchange na rin kami ng presents. Syempre binigay ko yung para sa kanila. Nakakahiya nga eh, wala manlang akong naibigay kay Jap at Andrea. Di ko naman kasi alam na pupunta sila. Maybe sa New Year na. Natanggap ko naman from Yna ay cute na iPhone cover, and satchel naman kay Linds. Di ko muna nagalaw yung galing kina Andrea kasi napansin kong wala yata si Kenneth dito?
"Nasan si Kenneth?" tanong ko.
"Uy hinahanap." pang-asar ni Yna.
"Baliw. Di nga, nasaan?"
"Baka umuwi na? Hinahanap siguro ng mommy nya." sabi ni Jap sabay tawa. Natawa nalang din ako.
"Ano kayang ibibigay sayo nun?" Andrea
"Must be very special, huh?" Linds
"Aba. Malay ko. Baka wala." nagpilit ako ng tawa. "Hanapin ko lang ha. Wait."
Tsaka na ako lumabas. Nakita ko naman siya na nakaupo lang sa wooden bench na malapit sa garden. Malungkot ba siya? Bakit ganun?
"Hey." bati ko sa kanya. Umupo rin ako sa tabi nya. "May problema ka?"
"I-It's nothing." he smiled weakly.
"Sus. Si Kenneth Verge, ang masayahing lalaki, may problema kaya ngayon?" kunwari kong tanong sa hangin. Natawa naman siya.
"Silly." ginulo naman nya buhok ko. Wait! Tumalon yata puso ko. Halaaa.
"Che." medyo lumayo ako. Kasi naman, feeling ko namula ako. Tss.
"Here. Sorry I didn't have time for getting a better one." inabot nya sakin yung paper bag sabay nagtakip ng mukha. Grabe. Ba't ang cute nya pa rin? Waah.
Binuksan ko naman. Pagkatingin ko ito ay isang stuff toy na...
"Monkey?" I asked, very oblivious.
"Hey. It's the thought that counts." nakatakip pa rin sya ng mukha.
Natawa ako nang malakas. Nakita kong napatingin sakin si Kuya nang nakakaloko, kaya napatigil naman ako.
"It's actually cute." sabi ko.
Napatunghay na siya at ngumiti. "Really?"
"Oo naman. Cute like you." tsaka ko kinurot yung pisngi nya. Namula naman. Haha.
"Pagibig na kayaaa? Pareho ang nadarama, IYAN ba ang simulaaa?" biglang kanta ng mga kabarkada ni kuya, syempre sa pangunguna nung baliw na yun.
Ako naman ang napatungo. "Eehh. Kenneth umuna ka na nga sa loob."
He chuckled. Hinawakan nya ang magkabila kong balikat at tinayo ang posture ko, kaya nung nakatayo na, para tuloy siyang nakaakbay sakin.
"Uyyy! Sasagutin na yan!" sigaw ni kuya.
"Cheee! Manahimik ka Kevin!" sigaw ko naman. Medyo malayo kasi, pero tanaw pala. Joke lang yung sigaw ko, alam naman nya eh.
Ilang minuto rin kaming tahimik. Or rather, ako. Nakakahiya kasi at nakakailang. Pero sya rin naman yung naunang magsalita.
"You know, I like... Uhm. I like you--"
"Like what?" pagulit ko naman.
"I-I mean, I like your brother a lot."
I pretended to be a little shocked. "Dude, don't tell me you're gay." straight forward kong sabi, joke lang naman din kasi.
"I'm not!"
Natawa nalang ako. Pero nagseryoso rin naman agad. Ibibigay ko ba yung naipractice ko sa kanya? Oo, I practiced it. Iba na rin naman kasi pag pinaghirapan mo ang present, mas memorable.
"Punta tayong rooftop. Tara?" sabi ko. Tumayo ako at hinigit na yung kamay nya. Narinig ko namang nagsigawan na naman yung mga kabarkada ni kuya. Pero imbes na mainis ako o ano, nangiti nalang ako.
Pinauna ko naman siya sa rooftop. Tinuro ko yung way sa kanya tapos dumiretso muna ako sa kwarto ko at kinuha yung gitara. Marunong naman akong tumugtog, hindi nga lang pang-professional. I can't do barre chords, pero syempre pag pinagtyagaan eh makakaya.
Nang nakataas na ako nakita ko sya na nakatingin lang sa taas habang nakahawak sa railing. Umupo ako sa upuan nang tahimik. Then I started strumming...
♪ Friday night beneath the stars in a field behind your yard, you and I are painting pictures in the sky ♪
Napatingin naman na siya saakin. Pero nakatayo pa rin sya dun, para bang nagulat sakin.
♪ And sometimes we don't say a thing, just listen to the crickets sing. Everything I need is right here by my sight ♪
I changed the lyrics to sight, it really should be side. Pero wala naman kasi sya sa tabi ko eh, kaya pinaltan ko.
♪ And I know everything about you. I don't wanna live without you ♪
Tinigil ko ang pagstrum then I pointed at him and winked. Parehas nalang kaming natawa. Then I continued.
♪ I'm only up when you're not down. Don't wanna fly if you're still on the ground. It's like no matter what I do ♪
Nakikita ko sa peripheral view ko na nakangiti siya. Nakatingin lang naman kasi ako minsan sa taas, o kaya naman sa strings para hindi ako magkamali sa chords.
♪ Well, you drive me crazy half the time. The other half I'm only trying to let you know that what I feel is true. And I'm only me when I'm with you ♪
After that I skipped to the bridge already para mabilis. Ang hirap na rin namang kumanta kung yung gwapo mong crush ang kaharap eh. Gaaah!
♪ When I'm with anybody else, it's so hard to be myself. And only you can tell ♪
♪ That I'm only up when you're not down. Don't wanna fly if you're still on the ground. It's like no matter what I do. Well, you drive me crazy half the time. The other half I'm only trying to let you know that what I feel is true ♪
Yes, it's true. The fact na crush ko sya, pero I'm still ME kapag kaharap ko sya. And that is a great thing.
♪ And I'm only me. Who I wanna be. Well, I'm only me when I'm, ♪
"...with you."
Lumapit sya sakin and he whispered, "Merry Christmas, Kathy."
And he kissed me!
On my right cheek.
Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top