Chapter 48: And she fell

 Chapter 48: And she fell

***


It's a good thing na walang klase ngayon. Ewan ko. Ang saya ko lang talaga ngayon. It's Tuesday and no classes! Yay. Pero pupunta ata kaming school? Sabi lang ng class president.

So nagready na nga ako at dumiretso na rin sa school. Of course with Lindsay and Yna. Nabanggit din naman nila kung anong ginawa nila last night para naman hindi ako clueless. Nagparty nga si Yna with her org. mates, at magkasama nga si Linds and Nathan. Okay naman sakin yun. At least... Haha.

"E ikaw Kath, kamusta naman ang slow dance nyo ni Kenneth?" sabay tawa nung dalwa.

"H-ha? Nakita nyo yun? Wala yun!" nahihiya kasi ako. Shemay!

"Naman! Ang daming nagpicture sa inyo ah. Bongga ka." Alyna

"W-weh? G-gusto mo sapak Yna?!" pagtataray ko na medyo nahihiya.

"Syempre ayoko. Kaya hindi makahanap ng kamahalan eh. Hahaha!"

Lanja itong si Yna puro kung ano ano lumalabas sa bibig.

"Kamahalan ka dyan! Arte oh."


***

Pagkarating naming school, nakita ko agad sa parking lot ang silver porsche Carrera ni Kenneth. I know it's his.

Nag reason out ako kina Linds para makababa agad ako. Sabi ko naman ay naiihi na talaga ako nang sobra kahit wala sa itsura ko. Haha. Di naman kasi ako pang-theatre eh.

"Hi."

"Ay palakang tumahol!" leshe. Nagulat pa ako.

"Haha. As long as I can remember, frogs don't bark."

"Ehh! Kasi ikaw." napatakip nalang ako ng mukha.

"What?" tumawa na naman sya. Grabe! I'm mesmerized. Lels.

"Don't hide." Hinawakan naman nay yung kamay ko tapos inalis ito at tiningnan ako sa mata. "Now that's a perfect view."

I looked away quickly. Syempre nakakahiya! Para syang nagbibigay ng motibo ah. Teka lang! Wag kang gumanyan Kenneth. Baka magsimula akong umasa tapos hindi naman pala AKO ang gusto mo.

"I-I have to go to the c.r. Excuse me." pagdadahilan ko. Ang kanina kong alibi ay totoo na ngayon.

Naglakad ako nang mabilis nung una pero napatakbo rin naman ako. Totoong nag-cr nga ako. Wala namang tao kaya ayun nakapag-emote ako. Joke lang. Naghilamos na rin ako. Ewan, para siguro mahimasmasan ang kabaliwan ko.

"Haaay! Kenneth! Bakit ba kita kasi naging crush. Yeah, I mean it. Kaso di ko maiconfess sayo. Mahirap yata yun! Bahala na nga. I'll just savor the moments then I'll stay away."

Yun! Tama. Kasi naman, papasayahin ko muna sarili ko bago ako bumalik sa rati kong gawain. Minsan lang naman kasi eh. Lumabas ako tapos nakita ko na naman sya, nagaabang. Pero nahihiya na talaga ako! Nakakainis lang.

"What took you so long, and who are you talking with?"

Sarili ko! Waaah. Narinig nya. Tsk.

"No one. Hehehe." defensive laugh.

"Oh. Let's go?"

Tumango lang ako. Nagulat naman ako nung bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Parang nung first day lang ah. Déjà vu.

"Chansing, is that what you're doing to me?" pang-asar ko sa kanya. Haha.

Natawa naman sya. "You remembered."

Umiwas na lang ako ng tingin. Kasiii.


***

Natapos ang All Saints' Day nang... Maayos? Ay ewan. Kasi naman ho, kasama ko na naman si Kenneth sa Vigan nun. Ewan ko ba. E kasi naman eh, napilit sya ng lolo ko. Nakakwentuhan pala niya kasi nung nagpunta kami rati. Ang bongga yata ng lolo ko, nag-English kaya yun? Hahaha.


At ngayong paparating na ang December, malapit nang magsimula ang mga periodical exams para sa third quarter. Todo review naman ako. At syempre Sina Yna at Lindsay at petiks lang, pero syempre naghahapit din naman. Ako, at si Kenneth? Grabe lang. Naalala pa rin pala nya yung dare o hamon nya. Pero syempre dapat mataasan ko sya. Wala pang nakakatalo sakin kaya good luck, mokong.

At nandito naman kami ngayon sa college library ulit. Parang napapadalas ata ang 'History repeats itself' ah? Good naman. Haha. Kung dati may mga babaeng nasa harapan namin, ngayon ako lang ang tao sa paligid nya. Haha. Eh kasi nasa sulok na kami.


"Technological evolution has four phases which it..." mahina nyang basa. Tapos bigla nalang nyang hinawakan kamay ko habang patuloy lang sya sa pagbasa.

Magkatapat kami. Nagulat naman ako. Hindi ako umiimik, sya naman eh nagbabasa pa rin kahit nagtaka na ako sa ginawa nya.

"Just read." he said. No, more like commanded. "Could I?" tinukoy nya yung kamay naming magkadikit. Parang nakapatong lang yung left hand nya sa kaliwang kamay ko rin. Pero nakahawak yung kanya, and mine stayed the way it was before.

HALAAA! >///<

Babalik naman ako sa tinanung nya. Di naman ako sumagot, pero napa-tango ako. Sheeeet!

"Great. I can now concentrate with ease." tsaka naman sya ngumiti. Gravy!


"Woi anu yan?!!!"

Natanggal naman yung magkadikit naming kamay. Sina Yna at Linds pala. Halaaa! Hinawakan na naman kasi ni Kenneth kamay ko.

"W-wala. Hehehehe." halata na naman ang defensive laugh ko. Tsssk!

"So pag magrereview kailangan pa talagang magkahawak-kamay?" Yna

"O-oy h-hindi aaahh!"

"E ano yan? Holding finger?" Linds

"Eeeh! Yabang mo Linds. Pero seriously it's not what you think guys." tiningnan ko naman si Kenneth, asking him for a back-up.

At ang baliw! Tinaas pa nya yung kamay naming magkahawak. Ay mali! Yung kamay nyang nakahawak sa kamay ko. At ayun, nagconclude na naman yung dalawang echusera hanggang sa hindi na kami nakatapos.



***


A week after, natapos na rin kami sa exams for third grading. Ang bilis nga eh. Tinanong naman namin kung bakit, sabi raw may mahalang mangyayari daw na may kinalaman ang inter-schools na naglaban daw nun nung Intramurals. Wala naman kaming magagawa eh.

Napapadalas na rin ang bonding namin ni Kenneth. Wala nang masyadong asaran like before. Napalitan ng ilangan. Oh ako lang? Ay ewan!

"Kathy, want to go grab some ice cream?" alok nya.

"Saan naman this time?"

Sus, tatanong pa ako, eh kahit saan namang ice cream parlor ay okay basta ikaw ang kasama. Hahahaha! Nagiging mais ako sa kanya eh. Pero syempre di ko pinapahalata.

"Crazy Crepes. Sounds great?"

Tapos ayun. Naglakad nalang kami palabas ng campus. Magc-commute nalang muna kami since nakakaexite yung ganon. Habang naglalakad kami, nakita na naman namin yung mga first years na lalaki. Mga bata pa, cute. Hahaha. Pero ang kukult. Kinukulit ako.

"Uy uy! Ate Kath!" tawag ni Riley. "Kelan mo ba ako sasagutin po kasi?"

Natawa na lang ako. Di naman yan manliligaw eh, talagang makulit lang. At halata naman kasi may 'PO' pa syang nalalaman. Pero kasing age ko lang din yan, mukhang bata lang talaga.

Bigla na namang humawak sa kamay ko si Kenneth. Halaaa namaaan, man! Haha. :))

"Oh bakit?" bulong ko sa kanya.

"I'm jealous."

Nagulat naman ako sa sinabi nya, pakiramdam ko namula ako. Pero di ako maga-assume. Malay ko pala ang gusto lang nyang sabihin ay nagseselos sya kasi baka may iba na akong nakausap na lalaki. Haha. I rarely talk to other boys. Mahirap na, baka bastos.

"Uyyy. Selos sya oh." pang-asar ko sa kanya. Pero syempre joke lang yan. Double meaning. :)) Napalakas naman yung pang-asar ko kaya nagreact naman yung mga bata. Bata talaga tawag ko. Haha.

"Waaah! Bakit ate Kath, kayo na po ba ni Kuya Kenneth?!" Si Franco naman.

"Hindi naman po yun totoo diba?" si Sean yata? Hehe. Di ko sila kabisado. Pero basta lima sila.


Umakbay naman ngayon sakin si Kenneth. Sasagot na sana ako sa mga bata pero inunahan ako nitong mokong na 'to. "We're together, yes! Wanna bet?!" parang galit na batang sabi ni Kenneth. Waaa! Bakit ba ang cute nya at the same time gwapooo?!

"Pwedi hati tayo kuya?" sabay grin nang nakakaloko ni Riley.

Nilayo nya ako tapos nilagay sa likuran nya. Sumilip ako sa may balikat nya. Ang hirap! Tangkad eh.

"No. I'm selfish."

Hahahaha. Natatawa lang ako rito.


O kinikilig?

Ay ewan! Basta in between.


Pagkatapos nilang magusap usap, hinigit ko na rin si Kenneth. Mahirap na.

Nakaupo na kami't lahat at kumakain, parang may patampo effect pa rin sya. :"> Ano ba kasi Kenneth! Wag kang ganyan, baka ma-fall ako nang sagad at mag-assume and umasa.


"Uy Kenneth!" tawag ko. Di nya pa rin kasi ginagalaw yung ice cream nya.

"I'm not answering."

I chuckled. Hahaha. Hindi pala ha. "Ay baliw."

"Sayo."

Hahaha—"Weeeeh?"

"Psh. Forget it. You have lots of boys out there. Go swim on them. Tch!" tapos tsaka sya lumingon sa ibang direction. Hahaha. Eh kasi! Ang cute nya talaga. Grabe lang po!

"Aba! Ay sya. Kukuhain lang ako ng bathing suit. Teka lang talaga." kunwari naman kukuha talaga ako.

"H-hey! Where do you think you're going?" sigaw nya.

"Duh. I'm getting IT." tsaka ko nai-wiggle yung eye brows ko. :))

"Pssssh! Get back here!"


Tumakbo naman na ako.Mouhahaha!

Pumunta ako sa parking area. Wala lang. Pang-galit. :)) Nakaharap lang ako sa bintana, nagaayos. Haha. Tapos...


May yumakap mula sa likod ko. Tiningnan ko yung salamin, at expected sya nga. Syempre kung iba 'to edi naupakan ko na.

Para naman akong nakuryente. >///<

"H-hoy! A-ano yan ha! C-cha-chansing ka boy!"

"Pssh." mahilig sya sa ganyan ngayon ah. Hahaha. Cute. "Kathy." yung ulo nya ay pinatong nya sa balikat ko habang nakayakap.

Kung hindi ko lang 'to crush eh, nasapak ko na to! Chansing! Nakikiliti tuloy ako. Tsk. >///<

"O-oh?!" kunwari masungit.

"Psh. Nevermind." kumalas sya tapos sya naman itong lumakad palayo. Syempre hinabol ko naman. Nagtampo na yata nang sobra.

"Kenneth naman eh!" hinawakan ko yung braso nya para mapatigil sya. Tumingin sya sakin, expressionless.

"Nagseselos ka ba talaga? Joke lang yata nila yun."

"So you're not sure, huh?"

"Yes, but... Ah ewan! Wag mo nang intindihin yun. Mga bata eh."

"They're already grown up first years!"

"Woah. Easy ka lang. Basta hindi yun. Talagang mga friendly lang. At isa pa," napatigil muna ako saglit. "Tayo ba?"

Feeling ko namula ako sa sarili kong tanong. Eh kasi! Hindi naman kami diba. Bakit parang KAMI sa inaasta namin? Gaaaah! Nag-grin sya bigla tapos tinanggal nya yung kamay ko sa braso nya at hinawakan. Yung sya pa mismo nagayos ng kamay ko para magkahawak na kami totally. Oh my gash!

"You want?" tsaka siya tumawa nang malakas. Probably because he saw me shocked with eyes so wide.

"Heh. Baliw!"

Tapos ginulo nya yung buhok ko. Magkahawak kamay na naman kaming bumalik sa ice cream parlor at inubos na yun. And! Hindi pa rin nya talaga binibitawan kamay ko. Grabe naman kaseee!

Bumalik kami sa school nang ganito pa rin. Sabi ko nga kay Kenneth na bitiwan na kamay ko, e ayaw. Wala. Ang dami kasing nagtatanong ah. Psh. Nakakahiya. Atensyon kasi. Tsktsk.


Nagklase na rin kami. Lumapit na ng pwesto sakin si Kenneth. Ewan ko kung anong problema nito. Pero ayoko talagang mag-assume!

"Bakit ka ba kasi lumapit sakin? Mangongopya ka ba?" pang-asar ko sa kanya.

"Heeey! Of course not! I'm Kenneth for your information."

"So?"

"You're so masungit." Haha. Ang cute nun pagkakasabi nya ng masungit.

"Haha. Ang cute mo eh."

"Really?" naggrin na naman sya.

"De, joke lang."

Hahahaha.

After class, principal gathered us to the auditorium. May ia-announce raw na sobrang importante. Edi ayun pumunta naman kami. Sya itong boss eh. Like a boss. Haha.

Tapos eto na. Magkalapit na naman kami. Si Kenneth sa right side ko, tapos sa left naman sina Yna at Lindsay. Nakakahalata na raw sila. Sabi ko naman ay wala namang meron na dapat nilang mahalata o malaman. Basta sabihin nalang daw nila after the announcement.


May nangungulit sa katabi ni Kenneth. Naiilang ako! Ang ingay kasi nung babae. YUN LANG. Psh.

"Ssshh!" saway ko sa kanila.

"I'm sorry, Denise. My girlfriend's jealous." sabay akbay nya sakin. Halaaa. Kinilig ako shet. Psh.


Pero Kenneth ano ba talaga?


May nararamdaman ka ba o,




Pa-fall ka lang din?


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top