Chapter 46: Finally

Chapter 46: Finally

***

"Wag kang magpanic. Di ka nyan kita." biglang sabi ni Linds. Bigla naman akong napatigil.

Oo nga naman. Two-way glass door pala ito. I heaved a sigh. Phew. Kamuntikan na.

"May paghinga nang malalim teh?" Yna

I sneered. "Baliw ka."

"Sus! Sundan mo na kaya?" Linds

"Ayaw ko."

"OA. Pakipot ka pa. Hahaha." Yna

"Kahit kelan ka talaga! Pero seriously, wag muna tayong papasok pabalik ha?" I pleaded.

"How come?" Yna

"Nuuuhks! Umi-English ang nenang." my turn to tease, and laugh.

"Yabang mo! Tara na nga Linds. Iwan na natin 'to!" Yna whined.

"Weeehhh? Joke lang eh. Pag siya! Pero rito muna tayo ha?" I grinned innocently.

"Sige." maikling sagot ni Linds. Siya lang naman kasi matinong kausap eh. Baliw kasi si Yna.

"Bleeeh." pang-asar ko kay Alyna.

"Che!"

At ayun, umidlip kaming tatlo.

"KAAAAAATH!"

"...ERIIIIINE!"


Napatayo naman agad kami bigla, pero inaantok pa rin.

"Heck was that?!" iritadong tanong ni Lindsay. Naku pu.

"Hinahanap ka ni Kenneth our loves!" sabi ni ate Myla, higher year samin, senior.

"Oo nga! Ang effort nya ha." sabi naman ni ate NorHoney.

"Ganun naman talaga si Kenneth eh. Bongga!" sabi ni Yna tsaka nakipag-high five kina ate. Grabe lang.

"Kelan mo naman ba balak puntahan iyung si Kenneth? Nandun yata siya ngayon sa cafeteria." Ate Myla

"Wala. Next time na." matabang kong sagot. Di ko kasi alam irreact ko aba. Nandyan na siya, oo. Walang pasabi. Umalis siya nang walang reason. Oh e ano pa't ako ang pupunta sa kanya?! Tss. Bakit ko ba nasasabi 'to! Anong karapatan ko nga pala! Kaines!

"Denial ka Kath. Kunin mo na baka mamaya may mang-agaw pa. Hahaha." ate NorHoney

"Naku. Iyo na po ate." sabay tawa ko.

"Wag po kayong maniniwala rito kay Kath. Pakipot nga lang talaga." Linds

"Thanks ha. Thanks a lot." I threw at Linds sarcastically.

"Welcome." natatawa naman niyang sagot.

"Ay naku. Bahala ka talaga Kath. Sayang si bebe Kenneth. Joke. So sige, una na muna kami at may klase pa." ate NorHoney

"Oo nga. Hinanap lang talaga namin ikaw kasi gawa ni Kenneth. Hihihi. So, see you around." ate Myla

"Ay. Salamat po. Sige, I'll see you later." then I flashed them a smile. Tapos nagwave naman yung dalawa kina ate.

Nung makalabas na sila, tinignan lang ako nitong dalawang babaeng kasama ko.

"Tingin kayo?"

"Wala naman." Linds

"May pasala-salamat epek ka pa ha. Uyyy!" syempre sino pa ba? Si Yna.

"Baliw!"

Bigla namang kumalam ang tyan ko nang malakas. Nung una wala silang reaction. Pero after thirteen seconds, "HAHAHAHAHAHAHA!"

"Epic ka Kath!" tawang tawang sabi ni Yna.

"Kasi naman eh. Kumain na nga tayo." natatawang si Lindsay.

"Yabang nyo! Bili nyo nalang ako, tapos balikan kayo rito. Deal?"

"Ay sya. Tara na nga Linds. Bigla akong nag-crave ng pizza." pagyayaya ni Yna.

Umalis na sila at syempre naiwan ako rito. Peace at last. Pero sheet lungs! Gutom na gutom na ako. Ang tagal naman nila. Wait, OA mats na. Alam kong kakalabas lang nila, kaso lang gutom na talaga ako.

Tumayo ako at sumandal sa may puno. Medyo nagkukulimlim pero di naman gano'ng masyado. Lumamig din ang hangin, pero masarap sa pakiramdam. Pumikit ulit ako pero napamulat ulit kasi may babaeng biglang dumating nang padabog dito.

"WAAAHHH! Naiinis akoooooo!" sigaw nung babae. Nang makakuha ako ng view, nakita ko si Jessah pala, ang anak ng may-ari ng school.

Gusto ko sanang lapitan kaso lang baka pati ako ay kagalitan nun eh, kaya papalipasin ko na lang muna siguro yung mood nya.

"Ang... Bakit ba... Wait! Paano ba kasi mag-emote?! Diba kapag broken-hearted ang mga tao nagiging korni o ano man?! Potek! Bakit ba hindi ako marunong eh! Nakakainis!" iritado nyang sigaw.

Kakaiba rin 'to eh. Gustong mag-emote. Haha. Ano naman kayang problema nito sa buhay? Broken-hearted? Nasisira ba ang puso? Edi sana pala dead-oh na siya sa lagay na yan. Haha. De, joke lang. Nababalitaan din naman sa school na spoiled siya, minsan hindi na pumapasok, tapos medyo masungit din. Magandang babae, second year pa lang pero marami na raw yang naging boyfriend. Well sabi lang naman nila. Bahala sila kung ano mang ichismis nila. Basta wala akong pakielam.

"Nyemas naman kasing mga lalaki eh! Nauso pa! Oh wait?! Ako ba may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito? Feeling ko. Pero..." nakita ko siyang napapaisip. "Eh basta! Feel kong mag-emote ngayon! Kaso di nga ako marunong eh!!! Kainesss!"


Ang ingay na niya. Mapatigil na nga. I just hope na wag nya akong sungitan.

"Alam mo Jessah, wala kang mapapala sa pageemote na yan. Kasi alam mo kung ano yan sa'kin?"

"What?!" medyo masungit yung tono, pero medyo friendly din nang konti. Yung parang mas mild 'to kesa sa tone kapag nakikipagusap siya sa iba. Siguro nadala lang siya ng emosyon.

"Ew."

"Eww?" nagtataka niyang tanong.

"Yes, eww. Kadiri eh. Wag kang maging emotional kung di mo feel. Papangit ang approach." natawa ako at what a relief kasi naggiggle siya nang konti.

"Fine. I won't force."

"That's good. Just shut up."

"Okay." she sighed.

Matapos ang ilang minuto ay nagsalita na rin sya. "Alam mo parehas lang tayo eh. I find those emo rudes and like ew. Haha. Pero ewan ko kung anong naisipan ko't gusto kong maramdaman yung nararamdaman nila."

"Eh bakit nga ba nagkakaganyan ka?"

"I honestly do not know. All I know is I can't love, really."

"Sus. Lahat ng tao kaya. Hindi man sa tao, pwedi rin sa bagay na sobrang importante sayo o yung bagay na lagi mong ginagawa."

"Eeeh. It's far different. I mean, this in love feeling you feel towards another. It's painful yet magical."

"You're somewhat corny. Haha."

"Ugh. Kaysa naman ho sa emo. Hahaha."

Unti-unti na niyang nakakalimutan problema nya oh.

"So tell me, what's the story behind all this?" tanong ko.

"Why should I? Are you gonna publish it or something?"

"You kind of reminded me of someone with your first line. So if you don't want to get kicked up, spit."

"Haha. Fine. It all started when... Uhm. That's not a good introduction. Let me think first." natawa lang siya sa sarili niya.

"Ganito kasi yun." nagsigh muna siya. "I was like a girl that had several fling relationships with guys. I don't exactly know the feeling to be felt when in love so I never consider them as my ex-boyfriends. Friendzoneds, perhaps?" tumingin siya sa itaas.

"I met this guy. He's just like the others. Plain simple, a bit boring and he wants a serious relationship. I actually don't want to get involved with that kind of thing. Not my intention at the moment. I was planning to stop this whole madness but I was forced to love this guy. Maybe because of my pride and ego."

"Marami talagang nagagawa ang pride." sabi ko.

"Tell me about it. And you see, my parents thought I was happy doing this so they didn't mind it. I couldn't explain how annoyed I am with them. Sure they're busy but sh!t, I want a mom and dad. But enough about them."

"So who forced you to love this guy anyway?" curious ako eh.

"His brother."

"Oh gee. Life intruder."

"Don't push it in I already know that. He's insane! He saw me crying right here in this place. He thought I was crying because I got the taste of my own medicine. But it's a different problem. I got angry and placed myself up the limit. He said I could not love when I was satisfied that time that I could. But now? Here I am realizing that I can't."

"You can."

"Oh really?! That's a lie. I can't. Maybe this is the last time I'll be here. If I get to feel this so-called wonderful thing called love, I'll be back."

"But I doubt it." mahina nyang sabi.

"Just trust Jessah. You'll find him soon. But for the meantime, I have to eat lunch."

"Oh yeah. And by the way, hinahanap ka nga pala ni Kenneth. You should find him also."

"Also?" tanong ko naman.

"Duh. You're deeply numb and dumb. Sabi mo sakin mahahanap ko rin ang para sakin. Bakit ikaw nahanap mo na di mo naman pinapansin. Think Kath! Go. Shoo. Go away. Hahaha."

I just rolled my eyes. "Bye. Enjoy your last day here. Because you'll never know, you might not even come back." I joked.

"Oh shut up! Get out."

Nagtawanan lang kami sandali tapos pumasok na rin ako. And dang! Nakalimutan kong nagtatago nga pala ako. Tss. Ayoko pa talagang magpakita. Maybe tomorrow when I completely composed myself.


Naglalakad ako papuntang homeroom namin nang pinagtitinginan. What's up with them? Sure binabati naman ako ng iba kapag dumadaan pero ba't iba ngayon? What the fat is wrong with them? Gaaah! I looked at them in return para mailang din sila. Some looked away, yung iba naman ay matatag pa rin. Nakakainis! Nakakailang kasi.

"Hey miss Katherine!"

"Uhm, hi." patuloy pa rin ako sa paglakad.

"Ako nga pala si Paula." nakangiti nyang sabi, so ngumiti na rin ako.

"Nakita mo na si Kenneth? Kanina ka pa hinahanap nun ah." sabi niya.

"No. And please wag ka pong maingay."

"Bakit?"

"I'm in hiding." nag-shh sign ako sa kanya.

"Bakit ulit? Halos kanina pa nagtatanong yun ah."

"Eh basta po."

"Oh sige. Ikaw bahala." ngumiti naman siya.

"Salamat nalang Paula." ngitian ko rin siya syempre.

Pagkatapos ay dumiretso na ako agad sa homeroom. Siguro naman wala si Kenneth dun at sabi ay nasa cafeteria raw.

Nung dumating ako sa room, nandun yung prof. namin sa Socstud. Akala ko nga late ako eh, pero wala naman palang pinapagawa kaya ayos lang. Mga nagkkwentuhan lang naman sila tapos yung iba nakikipagtawanan kay sir. A good luck.


Tinext ko na rin sila Lindsay kung nasaan na at bakit ang tagal nila. Sabi naman eh kasi marami raw studyante ngayon. Weird. Nung hindi na ako makapaghintay, lumabas na muna akong room at dumiretso sa locker area ko.

"Kath, may notes ka ba sa Physics nyo?"

Nung pagkasara ko ng locker ko, nakita ko si ate Aishiquh. Fourth year din.

"Meron. Kaso lang po naiwan ko po eh. Book na lang po, okay lang?"

"Sige."

So yung libro ko na nga lang muna sa Physics ang binigay ko. Tiningnan tingnan muna nya yung libro bago sinabing okay na at kung pwedi raw ay hiramin nya muna. Sabi ko naman syempre, di naman kasi kami nagklase kanina eh.

"Balik ko nalang sayo kapag okay na. Baka sa Thursday. Kay Kenneth ko nalang kaya ibigay? Tutal may gagawin naman kami sa org. namin eh."

"NO!" napalakas yata sigaw ko. Hala. "Ahm. Ibig ko pong sabihin eh sa'kin mo nalang po ibigay. Hehe." tsaka ako ngumiti.

"Ha? Eh diba bumalik na naman si Kenneth? Pero sige, try kong sayo ibigay."

"Salamat ate Aishiquh." then I smiled again.

"Sure. Sige, una na ako. You know, busy stuff. Graduating eh."

I waved her good bye. Magisa na naman ako. Ang tagal kasi talaga nung dalawa, di ko naman masundan. Kainis talaga! Kung may kakausap naman sa'kin it's either walang sense o tungkol kay Kenneth ang sasabihin. Tsk.


Maya maya nagtext si Yna sakin na baka hindi na raw sila makabalik kasi siksikan daw doon. Ang OA lang eh. Pati tuloy ang tyan ko umo-OA na. Gutom na akooo!

"You want?"

Then I looked up. Wait! Ano ba 'tong nakikita ko!

"Nagha-hallucinate yata ako. Baka naman nagugutom lang ako o nagugutom lang talaga?" tanong ko sa sarili ko. Natawa naman yung lalaking nagoffer ng sandwich.

"Hindi Kath."

"Pero kasi...


Jap?"


Si Jap nga ba 'to? Nasa school namin? Shemay! Inaantok pa yata ako.

"Yes, Katherine." natawa na naman siya, pero mahina lang. "Kamusta na?"

I'm still in shock.

"Hi Kath. Yuhoo!" kinaway niya yung kamay niya sa mukha ko.

"Oh, Jake!"

"Hahaha. Akala ko sasabihin mo nanaman yung full name ko eh. Pero okay na rin ang Jake. Kung ikaw lang din ba ang magsasabi eh."

"Baliw ka. So bakit ka nga ba nandito?"

"Inutusan kasi ako ng pulisya. May kukunin lang ako at ikukulong. And fortunately, kausap ko na siya kaya di na ako mahihirapan." tumingin siya sakin ng nakakaloko.

"H-ha? S-sino ba?" nauutal kong tanong tapos tsaka ko tinuro sarili ko. Nag-nod naman siya. Bakit akooo? The eff.

"Ikaw nga. Ikulong na raw kita sa puso ko." tapos tumawa nanaman siya.

Nabatukan ko nga. "Kahit kelan ka talaga!" pero natawa na rin naman ako. Yun nga lang, di ko binibigyan ng malisya yung sinabi nya.

"Kuyaaaa! Why are you so tagal." may cute na batang tumawag kay Jap. Di naman bata, siguro mga third-grade elementary 'to.

"Oh. Sorry." tapos tumingin naman sakin si Jap. "Kath, this is Andeng, sister of my bestfriend. And Andeng, this is ate Kath."

"Hello." nahihiya kong sabi.

"Okay." parang nangisnob siya? Halaaa. Tas mayamaya nanlaki mata niya sakin. "I think I know you! My ate knows you!"

"Talaga? Sino ba ate mo?"

"Si ate-"

"That's enough Andeng. Let's go na." awat ni Jap kay Andeng tas tumingin na ulit sya sakin. "Let's talk next grading, okay? I'm sure I'll meet you there."

"Ha?" Di ko pa nga kasi gets.

"Punta lang kami sa school pres. Then we'll leave na rin. Bye Kath. Eat this ha." binigay nya sakin yung sandwich at tuluyan nang umalis.

Kinain ko na rin. Syempre I won't let myself starve to death. Di ko na alam kung saan ako pupunta. Bahala na talaga, makadiretso na sa cafeteria. Magtatago na lang ako nang sobra.

***

"Kath!" sigaw ni Lindsay. Buti naman. Marami ngang tao ngayon dito, palibhasa walang mga klase. Nilapitan ko yung dalawa na nasa usual place namin dito.

Hinablot ko yung pizza'ng isusubo palang ni Yna. "HEY!"

"What?" pang-inis kong tanong habang ngumunguya.

"Ew. Stop it! Anyway, nakita mo na siya?"

"OH PLEASE! Lahat nalang ba ng tao rito siya ang tinutukoy?!" napatayo ako at nagtinginan naman sakin ang mga tao.

Matatauhan na kaya sila? Owyes! Wahoo!

"Uy si Kath!"

"Nakausap na kaya siya ni Kenneth mah labs?"

"Ang ganda ni Kath. Pengeng piso! Wuuuh!"

Konek koya? Haha. Pero wait!


BWISEEEEET! Akala ko magkakaron ng epek yung ginawa ko. Tss! Umupo nalang ako at kumain na parang di nakakain ng ilang linggo.

"Kath, g-gusto mo w-water?" Pagaalok ni Yna na natatakot kunwari.

Kainis ah! "Yna, g-gusto m-mo p-po ba ng SAPAK?!"

"Ito naman di mabiro. Hahaha!"

"Well I'm not in the mood." sabay kagat na naman. Gutom as hell eh.

"Eh Katherine naman kasi. Kung kinakausap mo na lang ba kasi si Kenneth edi natatapos na." sabi ni Lindsay. Hala. Di ko 'to masisigawan, nakakatakot beybeh.

"Bakit ako ang kakausap? I don't need something from him. He should approach me first."

"Eh pano ka naman kasi makakausap eh di ka naman nagpapakita."

"I-I'm not h-hiding, excuse me." sabay friendly roll-eyes. Mahirap na, baka mahalata.

"Liar."

"Okay payn! Di na ho magtatago."

"Pupunta ka ba mamaya, Kath?" tanong ni Yna.

"Saan naman?"

"Awards Night later here and Victory Ball na rin."

"Ohh. No." Ayoko. Nakakatamad kaya.

"Bakit?"

"Paki mo."

"Huhuhu." she faked a cry. "Parang nagtatanung lang eh."

"Tsk. E wala lang. Tinatamad."

"Yun lang?" Yna

"Duh. E ikaw Linds, pupunta ka?"

"Duuuh! Malamang pupunta sya. Swimmer na nga diba. Tsssk." Yna

"Ha, Linds?"

"Yabang mo Kaaaaath!" Yna

"Si Linds kasi tinatanong ko. Hahaha."

"Kdie." Yna. -3-

"Yep. I'll go. Sama ka na kasi. Kahit silip lang?" Lindsay

"Osige na nga. Itatry ko."

"WAAAH! Bakit pag si Lindsay yung nagyaya, pumapayag ka?" T.T Yna

"Woy hindi ka kaya nagyaya! Tinanong mo lang kaya kung pupunta ako."

"Okay. Easy ka lang teh."

At ayun nga napapayag nila akong pumunta. Wala talaga akong balak. As in. Kaso lang nung naalala kong varsity nga pala si Linds eh napaisip ako. So yun, wala naman akong ginawa na after lunch. Naisipan namin na umuwi na kasi nirequire lahat ng boys na tumulong pagaayos sa open ground for tonight. That means wala na talagang magkklase. And whatever happened to my hiding scheme, it just went ease hanggang sa makapasok na ako ng kwarto.

Nagpalit na rin ako ng simpleng damit. Skinny lang, kahit anong top at vans. Tapos diretso na kina Linds. Doon muna kami habang nagaantay para maggabi. Usual stuffs lang naman ang inatupag namin. Si Lindsay simple lang din kahit alam namin na may award sya or something.

So we ate dinner na rin before going out. Pagdating naming school marami na rin ang fully ready na. Excited sila eh. Haha. Si Yna ang sanhi kung bakit kami napaghulihan. Sabi raw para naman may silbi yung Fashionably Late spiel. Nakakainis na nakakatawa kaya pinabayaan nalang namin. At eto late nga kami. Sinalubong naman agad ni Nathan si Lindsay.

"Hi babes." akmang kikiss si Nathan sa cheeks ni Linds pero nabatukan agad 'to.

"Babes ka dyan. Baliw."

"Sige na naman oh. Isa lang please?" tsaka naman ngumiti nang malapad. "Ibabalik ko rin naman eh."

"Heh. Later."

"Talaga? Wuuuh! Dalawa na dapat yun." Nathan

Kahit kelan talaga ang kulit nitong dalawa.

"Oh, Yna. Kath!" tsaka palang nya kami napansin.

"Yow yow!" Yna

"Oy." Ganda ng bati ko noh.

"Para ka namang patay na bata Kath." Nathan

"I know. Don't rub it in."

Natawa nalang kami. May humigit naman kay Yna, nagulat nga kami eh. Sabi kailangan daw ang tulong nya. Edi kami nalang tatlo. Feeling ko naman sabit lang ako. So parehas nga silang varsity, pero kung tatanggalin yun, they're still a couple. So sabit nga lang ako, two times pa. Ang galing shet.

Mayamaya may nagsalita na rin sa makeshift stage. "All players and varsities, please proceed to your corresponding seats. The awarding will begin at any moment. Thank you."


Pano naman ako? YNAAAA!!!

"Kath gusto mo sumama ka nalang samin?" Nathan

May sarili kasing seats sila, eh kaming students kahit saan na. Kahit humiga ka pa sa daan, ayos lang eh. Kaso walaaaa. Where am I supposed to go?

"Oo nga Kath." Lindsay

"Hindeee. Wag na. Hehe. Di naman ako kasali eh."

"At least you're known as Valedict of all time. Okay na yan." Lindsay

"Naflattered naman ako run. Haha. Pero wag na talaga. I'll meet Yna nalang somewhere."

Pagkatapos ng pilitan moments ay naggive up na rin sila. Ayoko talaga. Malay ko, baka antukin lang ako run edi nakakahiya diba. At least kung di nakaupo pwedi pa akong maggala kung saan.

Ayun nagsimula na nga ang awarding. Di ko na sasabihin at di ko naman mga kilala yung mga yun. Nandito rin pala ang taga ibang school. So free talaga ang school namin sa audiences. Aba! Mahiya naman sila at bigatin na school ang naglaban. Ang daming tao. Both students and parents, I think, have gone wild. Hindi naman na ako umupo kasi di naman ako magtatagal. Aantayin ko lang na tawagin si Lindsay pati na rin si Nathan.

Nasa Volleyball palang naman eh, kaya tumayo muna ako at pumasok ng school. Hahanapin ko muna si Yna at baka kung napano na yun.

"Kath!"

Paglingon ko, si Yna. Mabuti naman.

"Saan ka ba kasi nanggaling?" tanong ko.

"Sa backstage nga. Kinailangan nila ang aking expertise. Mouhahaha." proud nyang sabi.

"Ay teh, meron ka?"

"Yabang!"


Ayun inantay na nga namin. Di ko talaga kilala yung iba. Feeling ko pati mga suplada at suplado mga estudyante sa ibang school. Wala lang, nasa mukha kasi nila. Haha. Makalipas ilang oras ay eto na ang inaantay namin. Matagal kasi pinagsasalita pa yung MVPs eh. Yung iba nga parang kinwento na ang talambuhay eh. Submit mo nalang sa MMK dre.


Si Nathan ang MVP sa swimming. Si Lindsay naman may laban din kaso lang nagkasakit sya diba kaya ayun. Pero okay lang naman siguro sa kanya, si Nathan naman yun eh.

Sinabitan si Nathan ng medal at binigyan ng trophy. Ayan, magsspeech na si Nathan.

"Hi. Good evening. Nathan Carlo Verdida po." nagsalita siya na parang di sya kinakabahan. Oh well, papel. Baka naman di talaga siya kinakabahan.

"I really did not expect to get this award. At first, I thought I will be just a somebody tonight. But when people started to congratulate me this morning even before this night, I got excitedly nervous. Sure I was a trained swimmer since I was a kid, pero di ko naman naisip na makukuha ko 'to ngayon." tinukoy nya yung medal and trophy. "Whenever I'm in a competition, I am eager to win. That's what I always think before diving into the water, to get out as the winner. Nitong naging laban ko na 'to, hindi ko yan naisip. Broken hearted eh." umakto naman syang parang nasaktan, at marami namang natawa.

"Syempre, sino ba namang di maaapektuhan ng pagibig diba. Sabi ko sa sarili ko, even if I win, will I be happy? These material gold things will be just things because it's the feeling of happiness that gives great value to it. Eh pano ba yun hindi ako masaya nun. That's the reason. Pero I still won. Inborn kaya?" may mga natawa na naman. Speech lang yata ni Nathan ang nakakatuwang pakinggan eh. "After the game, I was happy. Forced, to be honest. I got my family and friends to support so what's there to be gloomy about. Nung kinulong ako ng mga kaibigan ko sa pool area, dun na natapos lahat. I got my true happiness."

"Lindsay Gonzales. An amazon, a snob lady, and hard to please. Sure she may be that but she's also the only one that completes my heart." may napa-aww. May kinilig at may nakatitig lang. Teh baka matunaw. "She's a great swimmer, too. Kaya siguro kung hahabulin ko sya by water, mahihirapan siguro ako. Haha. But even so, I would cross seven seas without anything but myself just to catch her. She's my inspiration, my warmth when I'm cold from practice and my air when underwater." marami ang natouch kaya't ang iba ay nagpalakpakan.

Tumingin naman sa direksyon namin si Lindsay nang namumula. Haha. Proud yata sa manliligaw eh.

"KINIKILIG AKO! SHEEET!" :">

"Wag ka ngang maingay Alyna."

"Che! Bitter!"

Di ako bitter. Kinikilig nga ako sa kanila eh. Hihi. Sasaya rin ako. Pero ewan ko nga lang kung kelan at kung sino ang magpapasaya.

"So, Lindsay. Sasagutin mo na ba ako?" tanong ni Nathan sa mic habang nasa stage pa. Hala. Haha.

"GO LINDSAAAAY!" pagccheer ng mga tao.

"Aba. Tinalo pa tayong kaibigan ni Linds ha. Tsk. Wait lang. Wait lang talaga!"

"SAGUTIN MO NA LINDS, BESTFRIEND, SISSY NAMIN NI KATH. AT HUWAG NA HUWAG KANG PAPAYAG NA MAAGAW PA SI NA-"


Hinila ko paupo si Yna at tsaka tinakpan ang bibig. "Baliw ka ba! Psh."

"Syempre. Proud noh. Eh nakakakilig kasi eh. Hihihi."


Hindi naman makaimik si Lindsay. Halata naman eh, kaya nagsalita nalang ulit si Nathan.

"Uy joke lang. As long as you're mine, I'm good. Because forever I will be yours. Kaya boys ha, wag na wag nyong popormahan ang mahal ko. Kundi! Haha. Peace mga dre."

"So salamat po sa gabing ito. To all other swimmers, you are also the best. Just believe in yourself. And one day, kayo na pala ang nagsspeech dito sa stage nang hindi nyo namamalayan. Believe."

Malakas na palakpakan ang tumapos ng speech ni Nathan. Nakipagkamay ulit yung mga school presidents at high officers ng bawat school bago bumaba si Nathan.


Pagkatapos nun ay di ko na alam ang nangyari kina Linds at Nathan. Niyaya kasi ni Nathan si Linds kung saan, kaya yun. Wala na naman kaming aabangan pa ni Yna kaya pumasok muna kaming school. Marami pa ring studyante, mga nakatambay sa sari-sariling rooms kaya hindi nakakatakot dito. Nagpart ways muna kami ni Yna kasi may tumawag na naman sa kanya.


Papaliko na sana ako nang may marinig akong naguusap. Familiar yung boses kaya napatigil agad ako.

"So are you free to tutor me this weekend?" tanong ng isang babae. Di ko pa rin tinitingnan.

"I'm not really sure." sagot ni-ay nung lalaki pala.

"Aww. Please, please! Try!"

"Fine. We'll see, Annika."

"Okay. But teach me first the last topic."


And confirmed! Si Kenneth nga na may kausap na babaeng di ko kilala. Ang ganda nung babae. Nakakapagselos eh! Gaaaah! First time kong nasabi yun! Nakakaines!

"Selos ka noh."

Muntik na akong mapatalon dun ah. Pagkatalikod ko, may babae ulit. Si ate Kassy Aya lang pala. Vice President ng Seniors' Org.

"Hindi po ate." nagsmile na lang ako.

"Eh bakit nakaganyan kamay mo?"

Tiningnan ko. Naka-kuyom na pala. Sensya naman. Malay ko ba. "Malamig po kasi eh. Hehehe."

"Sus. I hate liars Kath." Uh-oh. Nakakatakot din si ate eh. Halaaa.

"Fine. Nagseselos na nga po ako. Wag ka pong maingay ha."

"Naman. Bakit kasi di mo pa lapitan?"

"Wag na po muna. May kausap pa eh." paga-alibi ko.

"Kaibigan ko si Annika, gusto mo tawagin ko na sya?"

"Ay hindi na po. Oka-"

"Annika!" tinawag na nya. Kaya naman agad akong nagtago. Ayun, di ko na alam ang pinagusapan nila. Ang nakita ko nalang ay lumakad na sila palayo.


I'm doomed! Ako rin nga makaalis na rito, bago pa mahuli ang lahat. Nagtip-toe ako. Syempre kailangan hindi maingay. Nakaka-tense eh.

"Is someone there?" tanong niya.

Lakad Lang. Shet wala akong mapagtataguan. Puro lockers nandito at malayo pa ang unang room na pweding pasukan. Halaaaa.

"Kathy!!!!"

Fine. Tumigil na ako sa paglalakad. Tutal namiss ko naman siya eh. Humarap na ako. Mas gumwapo siya. Ewan ko pero mas nagkaron sya ng appeal sakin ngayon.

I sighed first.

"Hi Kenneth."


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top