Chapter 39: Chubby and Babes
Chapter 39: Chubby and Babes
Hindi ko na inantay si ma'am Ana at tumakbo na ako palabas, papuntang pool area ng Monteza High.
I need to talk to him.
"Excuse me!"
"Paraan po!"
"Makikiusod!"
Nakipagsiksikan na ako sa mga students dito kahit masakit pa ulo't katawan ko.
Good thing nakita ko si Yna sa may bleachers. Nakipagsagupaan na naman ako sa maraming estudyante na narito. Sht! Ang iingay pa! Tss.
"Uy. Bakit ang tagal mo?" tanong sakin ni Yna.
"Kinausap lang sandali ni ma'am Ana. Ano nang standing ng game?"
"Okay pa naman ang Sermounth. Ayan! Magsisimula na next."
And there. I saw him. He's serious. Nakaka-turn on. I'm into him, I admit. I think... I... I lov-
"Linds! Diba si Jap yun?" tinuro nya yung lalaking naka-swimming attire rin.
I looked at him. Still the usual him. Smiling and all that. But no, I'm over him. For three years, sino ba naman ang hindi makakapagmove-on nun sa sakit na naranasan.
I just smiled, "Yeah. It's him. Positive."
"Sus! Kilig ka naman! Hahaha."
I smacked her arm. "Oy hindi ah. Kay Na-" napatigil ako.
"...than ka na. Haha. Ayaw pa kasing i-admit eh. Pakipot effect ka pang lola ka."
"Hey, whatever."
I can't open the Chubby topic. Hindi nga kasi diba nila alam na swimmer ako nung elementary. So yeah. I sat quiet.
The game started. As usual panghuling nag-dive si Nathan. He's good. Really good.
"Now, Sermounth is leading. Will they continue to leave other schools behind? -- Woah and SERMOUNTH WON!" announced the man in the microphone.
"Woohh!" People cheered. Napatayo kami sa pagkakaoverwhelmed. I cheered also. Pero iba lumabas sa bibig ko.
"Go Chubbyyyyyyyyy!" I clapped as I shouted.
Shoot! Hala. He saw me. He glanced at me. Patay na. I just wanted to shout that since it's his trademark when we're still friends back then.
And he flashed me a weak smile.
Waaaahhh! My heart raced so fast!!!
I felt relieved.
"Ang galing ng labiduds mo Linds ha!" then she poked me.
"I know." then I smiled, still looking at Nathan's way.
"Uyyyy! Inaamin na. Hihi."
"There's nothing to deny about Yna. I'm sure now. Absolutely sure."
"Oh my gosh! Narealize mo rin Lola! Tagal non ha. Osya. I'll be waiting at your car. Alam ko namang kakausapin mo siya."
Then umalis na sya. I texted coach na kung pweding makausap ko muna si Nathan, pero wag sasabihing intention ko talaga. I asked na kung pweding iwan muna si Nathan sa may pool area kapag wala ng mga estudyante. At syempre pumayag si coach. Hindi ko na tinanung kung anong sinabi ni coach. Ang inisip ko na lang ngayon ay kung paano ko ba sasabihin kay Nathan ang nararamdaman ko.
Nagtago muna ako sa baba ng bleachers. Nakita kong hinatid si Nathan ng mga kaibigan nya rito sa pool area.
"Guys! Guys! Bakit nyo ba ako dinala rito?" nakasmile na tanong ni Nathan sa mga kaibigan nya.
"Tol, pare, dito ka na yata liligaya eh! Hahaha."
Nakatawa pa rin si Nathan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Mag-back out na kaya ako? Waaahh!
"Oh kaya baka naman dito ka na mentally mamatay. Hahaha. Biro lang dude."
"Seriously guys. Kung umuuwi na kaya tayo at nagcecelebrate eh." sagot ni Nathan. Natatawa pa rin sa mga sagot ng kaibigan.
"No tol. Dito ka lang. Dyan ka na magcelebrate. Hahaha!"
Tinulak nila nang mahina si Nathan medyo papasok pa nang konti sa pool area. At bigla na nilang sinara ang gate at nilock.
"Paalam dude! Wag kang pakamatay ha. Hahahaha!" tawanan ang mga kaibigan nya na umalis na rin.
Nakangiti pa rin si Nathan. Bakit ganun, parang ang easy-easy lang nya. Napaka-optimistic. Buti pa sya.
Pero hala! Gusto ko na talagang mag-back out. Siguro next time na lang kapag hindi masakit ang ulo ko. Tama! Next time na nga lang.
There's no other way out? No. Ayun! Sa emergency exit. Hah! Yesss! I'm safe today.
Yumuko ako at lumakad papalapit sa exit. Halos hindi na nga ako humihinga para lang hindi makagawa ng ingay. Ayan na! Malapit na ako!
Yess-!
"Lindsay?"
Napatigil ako at napaharap sa kanya, "Hehehehe." nagsmile ako ng pilit. Kinakabahan eh. "Ah-- eh. Hehe. Aalis nako. Bye!" naglakad na ako nang mabilis. Hindi ako tumakbo dahil sa bukod na madulas ang sahig, ay baka mahalata nyang tinatakasan ko sya.
"Wait lang!"
Hindi ko alam pero sa isang salita nya lang na yon, automatically I stopped.
"So naalala mo na pala?" napatawa siya nang sobrang hina. Malayo pa rin sya sa kinatatayuan ko.
Si Chubby.
"Yeah." matipid ko na namang sagot. Hindi ako handa sa speech na 'to. Waaahh.
"So naniniwala ka na?" tanong nya.
"Na ano?" pakipot muna. Tiningnan ko siya, nakangiting malapad at natatawa nang konti. Bakit ba kasi ang gwapo nya?
"Na mahal kita."
"H-ha? A-ano u-ulit yon?" nauutal kong tanong. First time nyang sinabi yan!!!
"Gusto mo talagang pinaulit-ulit ha?" natawa na naman siya.
This time lumapit na sya sakin.
"So now you believe me? Believe that I really love you." nakasmile nyang sabi.
Hindi yun cocky smile, kundi nakakainlove na smile. Sht! Naiinlove ako lalo eh.
"P-pero, h-hindi ka ba g-galit s-sakin?" nauutal na naman ako. Pano pala kapag masasakit na salita ang sabihin nya? Okay lang naman, I think I deserve those. Pero baka lang talaga di ko kayanin.
"No." lumakad na sya papalapit sakin habang naguusap.
"H-ha?" I can't believe it.
"I said I'm not mad or anything." seryoso na siya.
"B-bakit?"
"Kasi nga mahal kita. At hindi ko kayang magalit sa taong mahal ko."
Gah! Butterflies in my stomach, please do leave me alone!
Hindi ako nakasagot. Napatungo ako. Nag-guilty pa ako. Bakit hindi man lang nya nagawang magalit sakin kapalit ng mga ginawa at pinagsasabi ko sa kanya?
"Mahal nga kasi kita eh." paguulit nya. Lumapit pa siya lalo at hinawakan ang chin ko, inangat para itingin sa kanya. "Mahal kita, okay? Mahal pa rin kita kahit hindi mo ako mahal dati. Mahal pa rin kita kahit ganun mo ako pakitunguhan dati. Mahal pa rin kita kahit may masasakit na salita kang nasabi. Mahal pa rin kita kahit pagbaligtarin mo man ang mundo. Mahal pa rin kita kahit," napatigil siya at natawa ng konti. "kahit naka-hospital dress ka pa."
Napatingin ako sa suot ko. Oo nga. Hala! Nakakahiya. Kaya pala ganun nalang ako pagtinginan ng tao kanina. Okay lang, at least nandito na ako. Pakiramdam ko sasaya na talaga ako.
"Seryoso ka ba Chubby?"
"Haha. Naalala mo na nga. Seryoso ako. Seryosong Chubby na 'to. Ang Chubby na nagligtas sayo rati ay tulad pa rin ng Chubby na nagligtas na naman sayo two times ngayon."
Hala. "Thanks for all of those. Salamat talaga. Ikaw na yata ang Batman ko eh."
"No. I'm your man." ngumiti na naman sya nang nakakasilaw.
"Eh. Pero seriously di ka talaga galit? Hindi mo man lang ako sasabihan ng masasakit na salita?"
"Hindi. Ayokong saktan ang buhay ko. Pero may isa akong iuutos sayo. Kapalit ng lahat."
"Hala. Pweding magpaalam muna kina Kath at sa parents ko? Ayoko pang mawala. Waaah."
"Haha. Silly." ginulo nya ang buhok ko. "Hindi kita papatayin. Sa pagmamahal pwedi na. Pero hindi basta kita gaganunin."
"Eh ano pala?" cool kong pagkakasabi, pero sa totoo lang gusto ko nang sumigaw sa kilig dito.
"You'll be my girl."
"H-ha?"
"And I'll be your boyfriend."
"H-ha?" nababaliw na yata ako. Paulit ulit eh. "W-walang ligawan portion?" seryoso kong tanong.
Natawa na naman sya. "Ligaw? Sige ba, nagsuggest ka eh."
"H-ha? Oy hindi yun suggestion. Ang yabang mo!"
"Hindeee. Sabi mo eh. Haha."
"Yabang mo! Tss." nagwalk out ako, nakakahiya kasi. Hindi naman ako nagsuggest eh. Parang nagtanong lang eh.
Pero kinilig ako. Shet.
"Uy, wait lang."
Hinabol niya ako at niyakap mula sa likod. Aray. Static.
"Seryoso na. Nanliligaw talaga ako. Wag mo lang akong pahihirapan ha." tumawa na naman siya nang mahina.
"Tss."
"I'm guessing that's a yes." ngumiti na nanaman siya nang malapad.
"Whatever." umisnob ako, pero nangingiti ako eh. Di ko mapigilan.
"I love you too. Haha."
"Heh. Balik na ako sa hospital. Kaawa na siguro run si Kath."
"Ahh. Si Kath. Ang bridge."
"Anong bridge ka dyan?"
"Nagpapatulong kaya ako sa kanya rati. Halos ginugulo ko na nga ang pagrereview nya makatanong lang ako tungkol sayo."
Kaya naman pala. "Heh. Baliw ka."
"Tagal na akong baliw sayo. Kaso nga lang mataba pa ako rati kaya di ako maka-Da moves sayo. Haha."
"Haha. Cute ka naman nun eh."
"Uy sinabihan akong cute."
Feeling ko namula ako. Tss. "Kahit na ba. Dati yun. Dati."
"Ah. Kasi gwapo na nga pala ako ngayon. Haha."
"Conceited."
Tuloy lang kulitan namin habang naglalakad palabas ng pool area. Sa emergency exit na nga kami lumabas. Nakasalubong pa nga namin yung nag-lock eh. Nakakatawa lang.
"O-oy tol. Anong milagro at nakalabas kayo dun ha?" tanong nung isa niyang kaibigan.
"Nag-magic ako, bakit ba." sagot ni Nathan. Natawa na lang kami.
"So pare, kayo na ba?" tanong na naman nila.
Lumapit lalo sakin si Nathan at umakbay. "Oo. Kami na. Diba babes."
"H-ha? Upakan kita dyan eh!" pilit kong tinanggal yung kamay niya sa balikat ko pero ang bigat eh.
"Hayaan nyo na guys. Pakipot si babes."
"Yuuuun!" sabay sabay nilang hiyawan.
"Pano ba yan pare, manlilibre ka na ba sa club? Haha."
"Hinde. Pati ayoko nang mag-club. Kay babes lang ako magdamag."
Hiyawan na naman sila. "Iba na talaga pag inlababo noh? Hahaha."
"Yeah." sagot ni babes. Ay ni Nathan pala. Psh. Kahawa eh! "Sige guys kay babes na girlfriend ko na muna ako sasabay ha."
Siniko ko sya. "Hindi pa nga kita boyfriend!"
"Uy may sinabing 'Pa'. Haha. Hayaan mo na, dun din naman yun hahantong."
"Che!"
Umuna na nga ang swimming team at mga kaibigan ni Nathan pauwi. Sabi ko kasi kailangan ko pang balikan si ma'am Ana dahil may ibibigay pa. Sabi ko nga sa kanya umuna na paguwi kasi baka hindi nya ako maantay. Ang sagot ba naman,
"Ilan taon nga akong nagantay para pumayat at mapansin mo ako eh. Eto pa kayang may ibibigay lang sayo si coach? Magisip babes. Mahal pa naman kita. Haha."
Nabatukan ko nga.
Sumama na sa loob ng office ni coach Ana si Nathan. Magkakilala din naman sila eh.
"Mam pasensya po bigla akong nawala kanina."
"Ah yun ba. Okay lang. Eto na nga pala yung-Nathan?" nagulat si mam nung makita nya si Nathan sa tabi ko.
"Yes coach." nagsalute pa sya. Ang adik lang eh.
"Woah. Kayo na ba?" tanong ni mam.
Hala. Eto na naman po. Inakbayan na naman ako at sinabing kami na nga. Siniko ko na naman kasi hindi na ako makaimik at makasingit sa pinaguusapan nila. Tss.
"Wow lang talaga. Si Lindsay magaling lumangoy. Ikaw Nathan magaling din. Match made in heaven."
Ang lapad ulit ng ngiti ng isang 'to. Nakakainlove lang.
"Oo nga po coach eh." sagot ulit ni Nathan. "Baka nga po pati anak namin magaling din lumangoy eh."
Hinataw ko nga yung braso. "Baliw!"
Natawa lang naman si coach. Nagkwentuhan at kulitan lang kami sa office ni mam. Maya maya nang maalala ko na naman si Kath eh nagpaalam na kami. Ano na kayang itsura dun ni Kath? Hahaha.
Nung nakalabas kami,
"Ano ba? Hindi mo pa nga ako girlfriend! Tss." I crossed my arms.
"Eh ano? Asawa na agad? Haha."
"Heh. May pa-anak anak ka pang nalalaman dyan." feeling ko namula na naman ako.
"E tama naman diba? Parehas tayong swimmer, edi ganun na rin ang anak natin." ngumiti na naman nang nakakaloko.
"Che! Tumigil ka na nga."
"Sabihan mo muna akong 'I love You babes. Mwaah' yung with feelings ha?" ang cute nang pagkakasabi nya. Hahaha.
Pero di ko gagawin. -.-
"Bahala ka babes. Pagkakalat ko sa school na kasal na tayo." nagsmirk pa ang loko.
"Tss. Sige na. I Love You b-babes. Mwa." expressionless kong sabi.
"Eh. Gusto ko with feelings."
"I love you b-babes. Mwa. With feelings." pero expressionless pa rin mukha ko at parang pampatay na bata ang tono. Haha.
"Sus. Gusto mo lang talagang ipagkalat ko na kasal na tayo eh." tinaas-baba nya ang kilay nya habang nakangiti sakin nang nakakaloko.
"Kapal."
Tinawanan nya ulit ako habang papunta kami sa parking. Tumigil ako at napatigil din sya.
"Nathan." tiningnan ko sya nang seryoso. "I love you." tsaka ko siya naikiss sa cheeks. Namula sya, ang cute plus yung shocked face pa nya. Haha. Then after that...
RUUUUUN! Tinakbuhan ko. Haha. Pero narinig ko syang sumigaw ng,
"Oy babes! Bawal yun! Gagantihan kita! Gagantihan kita ng halik! Huy pakiss!" sigaw nya habang tumatakbo palapit sakin.
Dahil sa nangyaring ito, feeling ko lumambot na nang tuluyan ang puso ko. Salamat Nathan.
Salamat Chubby ko.
Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top