Chapter 35: Intramurals

Chapter 35: Intramurals

***

Maagap ang uwian namin ngayon, naiwan sa school ang mga varsity players para sa Inter-school Sports Competition. At dahil hindi naman kami kasali nila Linds at Yna, nagstay nalang ulit kami sa bahay namin.

"Ano na kayang ginagawa sa school noh?" Lindsay

"Malamang nagreready ang mga players for the sports fest." Yna

"Ahh. Balik kaya tayo? Gusto kong makita ang exercise routines nila." pilit ni Lindsay.

"Wag na." sabi ko naman. Wala naman kaming mapapala sa pagpunta eh.

"Oo nga. Ano namang gagawin natin doon? Magbboy hunting? Haha. I'm in!" Yna

"Ano ka ba Alyna! Hindi ah. S-sige w-wag na nga."

Binuksan nalang nila yung TV. At dahil wala ako sa mood ngayong magbasa, tumutok na rin ako.

"Lipat mo yung Channel Yna. Ang pangit naman ng movie eh!" reklamo ni Linds.

"Huhuhu." nagfake cry si Yna, pero in the end talo pa rin siya. "Oh iyo na remote!"

"Salamaaat." Linds replied sarcastically.

"Labas nalang tayo?" yaya ko. "Gala naman tayo. Wala namang magandang palabas pag hapon eh."

"Wait lang!" Yna

"Ohh my gossh!" Lindsay

Napaharap naman ako bigla sa TV. Nasa Myx na naman. Alam ko na naman kung sino ang inaabangan nitong dalawa eh.

"And yes, that is true. Jake Flynn's album will be out earlier than its original date of release. He'll be working on his music videos starting this weekend." announced nung VJ.

"Nakakaexcite yung music video! Sana maging leading lady naman niya tayo some time. Hihi." kinikilig na sabi ni Yna.

"I know right!" sagot ni Linds, tsaka naman sila nag-high five.

"Psh. Fan girls." I murmured. Siguradong mapagtutulungan ako ng dalawang yan pag nilakas ko. Pero mukhang narinig na nila eh. Hala!

"Selos ka lang." Yna

"At bakit naman?" tinaasan ko sila ng kilay.

"Kasi napapanood namin ang labiduds namin. Eh sayo bigla nalang nagdisappear eh."

"H-hoy! W-ala akong l-labidoods ha. Kapal."

"Sus. Bahala ka nga. Denial pa kasi eh." Lindsay.

"Another great news from Team JF was revealed by his manager." pagpapatuloy nung VJ. Tapos bigla naman nagflash ang interview with his manager.

"Since Jake's presence was a little bit low because of his previous health condition, he's now rehearsing for an Asia Mall Tour." sabi nung manager na hindi ko alam ang pangalan. Kasi nga diba FAN ako ni JF. Psh. As if.

"If he's rehearsing for his mall tour, then how about the music videos everyone's excited about?" tanong nung interviewer.

"We've got his schedule ahead of us."

"One more thing Manager Louie. Please do take the advantage and promote Jake Flynn's Album."

"Ah, right. About that. Have a copy of Jake Flynn's new album; How Do You Sleep. It's already out this weekend."

After nung interview, pinatay ko kaagad yung Tv. Buti naman at hindi na nagfreak out 'tong dalawa.

"Oooooohh MY GOSH!"

Okay, I'm wrong. Thanks alot JF for breaking my ear drums.

"Let's buy na this sabado, Linds!" Yna

"Sure! Pero meron na ba nun dito sa Pinas? Or baka sa L.A palang?"

"Hmm. Good point. Pero let's make tingin tingin pa rin ha?"

"Why so conyo Alynna? Nacaught ka ba sa interview? Haha." singit ko.

"Heaven yeah. So what now?"

"Sabi ko naman sa inyo eh, labas na tayo. Ang boring ng ambiance oh, nakakaantok."

"Sure. Let's go to school." Linds

"Ay! Ang bonga mo teh! Kelan mo pa naman nagustuhang magtambay sa school?" Yna

"Oo nga. Siguro sisilay ka lang kay Nathan noh? Haha." pangasar ko.

"Hindi na kase! Sisilay ako sa ibang boys! You know me." then she smirked.

"Ay ayan ka na naman eh. Bahala ka nga. Tara na."

Bumalik na nga kami sa school. Ako? Di ko naman alam ang gagawin dito sa bahay kaya sumama na lang din ako. Wala naman akong makakausap eh. Si Lyka, may rehearsal ng Ballet. Si kuya naman ay kasali sa Basketball Varsity. Si dad and mom as usual nasa work. What's left for me? Psh. Siguro magsstay nalang ako sa garden ng school. Tahimik pa. Tama!

/LINDSAY'S PERSPECTIVE

Gusto ko talagang bumalik ng school para makita ang mga ginagawa ng players. Di lang naman din yun ang gusto ko eh. Pero basta, bahala na. Sana makapasok.

"Hihiwalay muna ako ha. Library lang." paalam ni Kath.

"Ingat."

"Oh ikaw Yna, baka may pupuntahan ka?" Sana meron!

"Wala naman. Bakit? Sama na lang tayo."

Gad. Hindi kasi pwedi. Nakakahiya naman kasi kung sasabihin ko eh. Think of a way, Lindsay!

"Wala ka bang naiwan sa locker or sa room? Sige na kunin mo na, tapos text mo nalang ako pag okay na."

"Ano bang meron kasi?" tiningnan niya ako nang matagal. "Ahh! Oo nga pala. Ang Geom book ko lagi ko na lang nakakalimutan. Yun lang pala gusto mong sabihin eh. Sana sinabi mo pa kanina. Thanks Linds! I'll text you."

Success!

Nung di ko na tanaw si Yna, dumiretso na ako sa pool ng school kung saan nagttrain ang swimmers. Pagkapasok ko, marami ding studyanteng nanunuod ng practice. Support daw. Sus. Gusto lang nilang maka-silay.

Sa gilid na lang ako pumwesto, malapit sa office ng coach nila. Wala naman kasing masyadong students sa part na 'to.

"Ha?! Where is he? Sabihin mo naman pakibilisan at sobrang late na siya sa training!"

Sino yun? Yung coach kaya? Siguro.

"Kulang na nga ng magagaling na swimmers ang school natin tapus ganyan pa ang inaasta niya?! And I can't just terminate him from the team. He's a great loss! And the fact na we ONLY have thirteen players in training right now! AT KAPAG—"

Sumisigaw na yung coach. He's really mad. At ayokong mapaginitan, may plano pa naman ako. Lumayo na ako sa place na yun at nakipagsiksikan na sa mga estudyanteng malapit sa gutter ng pool.

At heaven ang nakita ko.

Ang gagaling nga naman ng players. Pero kulang sila. Iba kasing sports fest ang magaganap this year. Sa bawat school na lalaban, may ipapadala doon na representatives from each school. Since five schools ang maglalaban, we need fifteen swimmers. Three students ang ipapadala sa bawat school. Since maghhost din naman ang school namin, maiiwan dito ang tatlong magagaling na swimmers.

"HALAAA!"

"OH MY GOSH!"

Nadulas yung isang swimmer. Tss! Ang galing galing pa naman pero medyo clumsy pala. Tsk. Sayang ang galing. Ano ba yan!

Maya maya lumabas na yung coach nila. Medyo umayos na rin ang mood niya based from his reaction.

"Just wow. Marami pala ang nagssupport sa swimmers natin." sabi nung coach sa assistant niya.

"Oo nga ser. O di kaya naman may gusto pang magtry makapasok sa team?"

Kinabahan na nabuhayan ako bigla.

"Now that you have mentioned it. I think I have a plan." ngumiti naman yung coach. "Kunin mo yung megaphone, dali." utos niya.

Pagkabalik nung assistant ay pinatigil muna sandali nung coach ang mga nasa pool.

"Time out players. I have an announcement to students here."

"Since nakikita nyo naman na thirteen players lang ang nagttrain ngayon, at yung pinakamagaling na swimmer..."

"Kyaaah!" Sigaw naman agad agad nung mga babae. Gosh. Desperates.

"Ay wala pa. Lalong lalo na ang isang player ay nasprain niya ang ankle niya, kinakailangan ko ng mga marurunong lumangoy dito. Students, we need your help. If anyone's interested just go back here after practice. That is all."

Pagkatapos magsalita nung coach, nagsimula na ang bulungan ng mga tao. Nag-resume na rin ang practice.

Bahala sila. Basta ako?

I'll do the try-out. Isa na lang naman ang natitirang slot, kaya kailangan kong pagbutihin. Makukuha ko yun. Psh. Kelan ba ako natalo sa mga ganyan? I'm a champion six times in a row. Kaya nga siguro naging fit ang body structure ko eh. Makukuha ko yun. I know. I'm not just a player but I'm a sporty playgirl.

***

Balak ko sanang umuwi para magtrain nang konti, pero naalala ko sila Kath at Yna. Tiningnan ko ang phone ko, wala namang text. Hahanapin ko na lang sila imbes na magtrain. Besides, I don't need to freaking practice. I'm going to get that slot.

Sabi ni Kath nasa library daw siya, si Yna naman kinukuha ang Geom book pero I doubt na nasa lockers area pa yun. Pero tiningnan ko pa rin si Yna dun. And I'm surprised, nandoon si Yna nakaupo sa tapat ng locker niya at may binabasa sa phone.

"Huy ano yan?"

"GAAAH!" nagulat siya. "Ano ka ba naman eh. Ginulat mo ako."

"May tinatago ka ba?"

"W-wala h-ha! Baka ikaw dyan. Ang weird mo kanina pa."

"H-ha?" sht! Ako naman ang dinali. "Baka ikaw!"

"Tara na nga. Asan si Kath?" di ko siya sinagot. Instead, bigla ko nalang hinablot ang phone nya. "Hala! Akin na yan! Lindsay!"

Binelatan ko siya. "No. Di ko ibabalik hangga't di mo sinasabi kung anong meron."

"Ehh wala nga kasi. Akin na!" pilit nyang hinahablot yung phone.

"Nooo."

"Fine. I'll tell." Tiningnan ko lang siya, queueing her to continue. "May free wifi kasi kaya ayun, natuwa ako. YUN LANG! Now akin na!"

"Weh? Meron pa eh."

"Kung meron pa, ano naman yon? Tigilan mo nga ako Linds! Bilis na kasiii!"

Tumakbo muna ako palayo nang konti at tinignan na ang phone nya. Kaya pala ha.

Max Torres.

Nakaview yung profile nya. Ay kaya naman pala ngingiti-ngiti ang babae. Gwapo naman sya, pero wala pa rin sa'kin to.

"Max Torres pala ha! Yiiiee si Alyna, dalaga na."

"Oo na, magkarhyme na nga yang sinabi mo. Kaya akin na phone ko!"

I smirked. "Ang sabihin mo, oo na dalaga na talaga ako." tsaka ko siya tinawanan. Binalik ko na rin sa kanya phone niya, baka gantihan ako eh.

"Bahala ka na nga dyan. Hanapin na natin si Kath."

Nung natiempuhan namin si Kath sa library nagyaya naman siyang umuwi. Finally. Si Yna rin uuwi na daw, may kailangan daw isearch. Sinabi ko kay Kath yung nakita ko sa phone ni Yna, kaya naman ginalit namin na baka ang issearch ni Yna ay mapunta sa pagsstalk dun sa Max. Gantihan lang dre.

Umuwi naman din ako sandali, medyo maagap pa naman para bumalik sa school.

Nagiiba na naman ang aura ko kapag bumabalik sa pamamahay na ito. Hindi ako mabait na anak. Pero sinisigurado kong mapagmahal ako na kaibigan.

"Ang agap nyo naman po señorita." Bati sakin ng isa naming kasambahay.

"Yeah right. Please prepare me some snacks. Pakilagay na lang sa table malapit sa pool."

At dahil hindi nga ako mabait, wala rin akong galang sumagot sa mga matandang katulong namin. Lalo naman sa echuserang menor de edad na isa pa naming katulong. Mas matanda naman siya sakin pero she's still a teen.

Nagpalit muna ako ng damit pang-swim. Sayang naman ang outfit ko. Then I headed straight at the backyard. Nakita kong nandun si Denise, ang echusera kong katulong. Nagdidilig.

"Ano ba yan. Ang ganda ganda ng panahon, pero may nagpapapangit ng ambiance DITO." pagpaparinig ko habang tinatanggal ang ipit ko gracefully.

"Excuse me!" Halatang pikon.

"Nubeyen, PIKON?" I spat.

"Baka ikaw?!"

"See? You're over reacting." I snobbed her. "Pwedi bang lumayas ka muna dito? I want to swim PEACEFULLY." then I smiled bitterly.

"Sorry po ma'am! Aalis na po ang magandang si ako!" sarcastic nyang pagkakasabi.

Alone at last. I dived in. I don't want to sound mahangin pero alam kong wala pa rin akong kupas sa paglangoy. Hah!

"Feeling sexy." narinig kong sabi ng kung sino.

Alam ko na naman agad kung sino eh. "At least ako may kayang iexpose. Kaya yung mga palaka diyan magtigil nalang!" sigaw ko. Umalis na ulit sya. Psh. Annoying frog!

Kumain ako sandali habang nagpapahinga. Pagkatapos ay bumalik na akong school. Simple lang ang attire ko, syempre sa tubig din naman ang bagsak ko eh.

***

"Ready?"

Nakapwesto na lahat ng magttry. Simple lang naman ang pinapagawa, we'll race and then whoever wins will be the one to join the team. Plus, baka makasali rin sa varsity.

"One, two, three. Go!"

Hindi ako kaagad nagdive, instead nagbilang pa ulit ako ng three seconds. I'll prove them my skills. Then that's it. They're also fast, but nothing compared to moi. Hah!

"That's great students. Mabibilis kayong lahat. Napahanga naman ako ni..."

Syempre ako yan!

"Ann. Dahil maganda ang gestures ng paglangoy nya." pagpapatuloy ni coach. What?! Ann?! Si Ann pa talaga? Ano ba!

"Pero mas napahanga naman ako ni Ms. Lindsay sa mabilis nyang paglangoy."

See? I've got the skills.

"Mahirap namang pumili sa inyong lahat pero we must choose only one."

"Ms. Lindsay," lumapit sakin si coach. He offered his hands and, "Congratulations. You're in!"

I didn't freak out that much. I already knew that this was coming.

"Thanks coach. You won't regret a thing."

I smiled.

Papauwi na sana kaming mga natira rito pero sabi ni coach ay maiwan muna ako at ittrain niya daw ako at ang isa pang swimmer.

"Sino po ba?"

"Si—"

"Sorry coach! Sumakit lang ang ulo ko."

Oh gahd!

"Lindsay?"

"Nathan?!"

"What are you doing here?!" tanong ko na medyo gulat.

He can't possibly be the one we're waiting for!

"Kasali ako sa team. Ikaw anong ginagawa mo rito? Susuportahan mo ba ako?" then he wiggled his eyebrows.

"Hell no! In your dreams."

"Then let me sleep in your lap and never wake me up."

I felt uneasy. Pero buti nalang ay tinawag na kami ni coach.

Buong araw kami magkasama, sa isang place, isang pool. Grabe! Ang malas ko nga naman!

"That's it for today. You two are really good. Pagsasamahin ko kayong dalawa sa pairings, tsaka ko nalang din sasabihin ang isa pa nyong kasama. Gabi na rin kaya magingat kayo pag uwi."

Pumasok na si coach sa office nya.

"Anong pagsasamahin?! No way!" reklamo ko.

"Trust me, pag si coach ang nagsabi wala ka nang magagawa."

"Pano kung meron?"

"Wala."

"Meron."

"Wala."

Nakakainis to ah. Wala nang wala. Tss! "Meron nga eh!"

"Meron." Siya

"Wala." Ako

Sht! Anong wala ang nasabi ko?! Gaah! Nakakainis to! Naisahan ako!

"Hahaha. Kaw na rin nagsabi, wala." I glared at him. Hindi naman nya pinansin. "Tara na?"

"Tara mo your life! May sarili akong ride."

"Oh edi tara na nga." Lumapit siya sakin. "You are my life kasi."

Kung ibang lalaki 'to, kanina ko pa siguro to nasagot sa banat nya eh. Pero bakit ba naiiba siya pagdating sakin? Oh sht. Hindi pwedi yun! Tinalikuran ko na lang siya at nagwalk out na. Hindi ko na siya pinansin sa kung ano mang mga pinagsasabi pa nya. Ang feeler nya ha. Naramdaman kong sumusunod pa rin siya kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad, with poise pa rin naman.

Pagkasakay ko ng kotse akala ko wala na sya. Pero ayun, nakasunod pa rin. Dahil wala namang taong nagmamalasakit sakin sa bahay, nag-stroll muna ako somewhere para mailigaw yung sasakyan na sumusunod sakin. Ay kanino pa nga ba? Kay Nathan. Nung nakakuha na ako ng tiempo, nakatakas na ako sa paningin niya at dumiretso uwi na.

Ang mga sumunod na araw ay paulit ulit lang. Major subjects na lang muna ang kinaklase namin ngayong nagaganap ang Intramurals. Then after lunch ay pwedi nang umuwi ang mga hindi players, then yung iba ay diretso na sa designated teams nila. Syempre ako sa swimming team. Lagi namang seven-thirty uwi namin kaya naman paguwi sa bahay ay sobrang pagod ako. Minsan nga hindi ko na nakakain ang dinner ko sa pagod. Okay lang naman dahil nasisigurado kong worth it lahat ng ito.

Nung last day na ng training ay sobrang hassle na to. Or more like torture. Katatapos lang at nine PM na. Hindi pa rin kami mga nagddinner. Kaya naman ang iba ay biglaan na ang paguwi. Bukas naman ay Saturday eh kaya walang pasok. Sa Monday na ang official start ng sports fest.

"Lindsay uuwi ka na ba?" tanong ni Sheila na ka-team mate ko. Mabait yan magaling pa. Nakaclose ko na rin siya nang konti dahil nga rito sa practice.

"Ah oo eh. Pagod." sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko sa bag.

"Sama ka na kaya sa'min, magddinner lang."

"Wag na, okay lang. Sa bahay na. Ingat na lang kayo." tsaka naman ako ngumiti. Wala na kasi talaga akong energy. Di ko na nga yata kayang magdrive. Sht!

Magisa na lang yata ako rito. Si coach at yung assistant nya ay nasa office na. Maliwanag pa rin naman dito, wala na nga lang tao, ako na lang. Binilisan ko na ang pagaayos ng gamit ko bago pa ako tuluyang antukin.

Pagkatayo ko medyo nahilo ako. Hindi ako naglunch kasi maraming tao sa cafeteria kanina, wala nga naman kasing mga klase. Eh kung umuwi naman ako kanina edi na late naman ako sa training. Kaya bumili na lang ako ng water then that's it. Kaya siguro ako nahihilo. O sa sobrang pagod 'to? Bahala na basta ako ay uuwi at matutulog.

***

This is extremely weird!

Ano ba?! Nasa bahay na ba ako o talagang may nagpalit ng mata ko? O bulag na ba ako o ano?!

Sht!

Where am I?!


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top