Chapter 33: Eventless
Chapter 33: Eventless
***
"Later today, the rankings of honor students will be posted at the bulletin board in the lobby. Please make sure to avoid any fracus later. That is all." announce nung nasa intercom.
"Sino kaya ang first ngayon?" Yna
"Malamang eto oh." at nginusuan ako ni Lindsay.
"Baka si Sharlyn na yan, mababa ako sa ano eh."
"Saan na naman? Ganyan ka rin last time, pero first pa rin. Sus! Pa-humble ka pa dyan." Yna
"Oo nga. Pero yaan na, baka naman may distraction si Kath kaya ganyan?" Lindsay
"Huy wala ha. I'm completely focused. At ano naman ang pagkakaabalahan ko, or distraction naman? Tch."
"Si ano..." Linds
"Si you-know-who." Yna
"Ahh! So Voldemort?—Aray ha. Ang effort mong manghampas, Alyna. Salamat na lang." I spat sarcastically.
"You're welcome." Yna
"Tama na nga yan. Si Kenneth kasi. Ke-neth. K-E-N—"
I cut Lindsay off, "I get it already!" Nakapang-iba ng mood. Tss. Tumahimik naman ang atmosphere.
"You miss him, right?"
And I unconsciously said, "Yes." My hand immediately flew right into my mouth.
"S'okay."
After that moment, wala na ulit akong gana sa klase or ano. Nung dismissal na, nag-part ways muna kaming tatlo nina Linds at Yna. Babawi sa grades ni Aly, at di ko naman alam kung saan pupunta si Linds. Baka sa bar na naman? Psh. I gotta stop her from that habit of hers.
Pumunta na ako sa may lobby. Nakita kong maraming tao kaya umalis muna ako. Sa library ako nagpalipas ng oras.
"KATHY!"
I turned around.
Wala namang tao. Everybody seemed so quiet and busy reading. So who would even dare to shout my name?
I remembered him.
I pulled out a book. Magbabasa muna ako habang nagaantay mawalan ng mga estudyante sa lobby. Makikita ko rin naman ang results eh, kaya what's the use of maneuvering inside wild students?
Cupid and Psyche. Interesting!
Greek Myth—
An envelope fell. Familar 'to ah. Ang tagal ko na din palang di nakakatanggap ng ganitong letter. Na-miss ko. Joke.
***
"He used all of his might,
But his heart already rode a flight."
***
As usual I didn't get it. But still, there's a part of me that tells I have to keep these letters. I smiled in confusion.
Five PM na, siguro naman wala ng studyante sa may lobby. Pagkarating ko may tao pa rin pero konti nalang na di katulad nung kanina. I heaved out a heavy sigh before peeking.
Here it goes,
LIST OF SECOND GRADING HONORS IN THIRD YEAR LEVEL
1. Villanueva, Katherine E.
2. Sandoval, Sharlyn Mae P.
3. Catalina, Bianca Mariella S.
4. Valera, Francescha Mae G.
And the list goes on.
Halos parehas lang din naman ng result noong first quarter eh. Wala nga lang si Kenneth.
Kenneth na naman?! Tss. Will you shut up brain?! It's not freaking funny anymore!
Nag-drop na ba talaga siya or what? Ang tagal na nyang hindi pumapasok ah. Nakalipas na ang first at second quarter wala pa rin siya. Sana naman tinapos na niya ang first grading para naman malaman talaga kung sino ang angat samin. Duwag yata siya eh? PSH.
Hindi ko nakasabay paguwi ngayon sila Lindsay. May kanya kanya na namang agenda. Kaya naman nagpasundo na lang ako kay kuya Kev.
"Si Lindsay?" panimula ni Kuya.
"May pupuntahan daw kaya hindi ako maihahatid."
"At pumayag ka naman? Ang tangerks mo rin eh. Sayang pa tuloy gas ng sasakyan ko!"
"Ang kuripot mo kahit kelan, alam mo yun?!" tsaka ko siya tinaasan ng kilay.
"Hindi. Nga pala, asan si Kenneth? Tagal ko nang hindi nakikita ah."
"Google map ako? Tanung mo kay answers dot com, baka may mapala ka." Kairita eh!
"Why so irk? Break na ba kayo?" he asked out of the blue.
Nagulat naman ako. "Ha?! Hindeeeeee!"
"Ah. So hindi pa kayo break. Yun naman pala e—"
"Hala! Hindi naman yun ang ibigsabihin ko eh! Tss."
"Ayaw pa, ayaw pa. Gusto naman!" he smirked.
"Heh! Bahala ka nga sa buhay mo. Bilisan mo nalang at marami pa akong gagawing school works."
"Congrats sis! I'm proud of you." He smiled.
I guess he already knew. "I know you are."
"Ang hangin mo naman. Di ba pweding magpa-humble ka muna?"
"Nah. Doesn't suite me." tsaka ko siya tinawanan. "Libre mo naman ako kuya."
"Next time nalang, may pinagiipunan pa ako."
"At ano na naman yon? Lagi na lang may pinagiipunan tapus wala naman pala talaga. Kaines!"
"Si Telle nga kasi."
"Uyyyy! Lumelevel-up ka na ah. Liligawan mo na?"
"Hinde, pakakasalan ko. Tss. Tatanung pa eh."
"Masama? Psh. Sige na kasi, libre mo na akooo!"
"A-yo-ko! Sino bang may mas malaking allowance sa'tin?"
Tinaasan ko uliy siya ng kilay. "Eh sino bang may kotse sa'tin ha? Knowing na tumataas na ang presyo ng gasolina!"
"Whatever."
Hanggang sa huli ay hindi ko pa rin napilit si Kuya na ilibre ako. Ang damot! Bahala siya! Pagkapasok ko ng bahay, nakapang-alis sila mom at dad. Tinanung ko kung saan pupunta tapus ang sabi naman nila ay may Induction daw na kailangang puntahan ni dad, eh isasama raw si mom. Si Lyka raw ay tulog na, galing kasi sa sleepover kagabi. Kaya naman kami na lang ni Kuya ang maiiwan dito, technically.
"Walang prepared dinner, Kevin. Pero ikaw na bahala kay Katkat ha? Si Lyka pag nagising bilhan mo nalang ng takeout sa labas o ano. Basta, I trust you Kev."
"Don't mom." I kid. And Kuya Kev glared at me.
Umalis na nga sila. Pumasok muna akong kwarto, si Kuya naman kasi bahala sa dinner eh. Bahala siyang mamroblema, ang kuripot niya kasi!
NagOnline muna ako for Research purposes. Then tsaka ko na naicheck ang social net accounts ko.
- - -
Top Story;
Sermount University Offical Page- The list of honors in each level are as follows:
FIRST YEAR HONORS
(...)
SECOND YEAR HONORS
(...)
THIRD YEAR HONORS
(...)
and
FOURTH YEAR HONORS
(...)
Congrats Students!
- - -
3103 Likes 426 Comments
Posted kaagad eh? Ayos ah. Pero anu ba yan, nakakahiya naman at nakapost din ang name ko. Psh.
Maya maya ay may nagPM.
Andrea Louisse Hernandez (2): Hi Katherine!
Congrats nga pala! :)
Oh, it's her. Yung-nawawala-ang wallet-ko girl. Haha.
Me: Oh ikaw pala yan. Hehe. Salamat! =)
Andrea Louisse Hernandez: Di naman tayo close pero let's celebrate? ^___^
Me: Ha? Wag na. Nakakahiya naman.
Andrea Louisse Hernandez (3): Nahihiya rin naman ako eh. Haha. Pero I really want to be close with you.
So ano? =) Max's at seven-thirty?
Please?
Nahihiya talaga ako, pero she's compulsive. Maybe she's another friend in disguise. I'll take it.
Me: Sure. My treat. =)
Andrea Louisse Hernandez (2):Nako! No. Ako nalang. Haha. So I'll see you in a. Few minutes.
Bye! I'm out.
Me: Bye. See you rin.
Andrea Louisse Hernandez: Ingat ha. May nagaalala pa naman sayo. Hahahaha. Sige na.
And with that she went online. Nag-reply pa rin naman ako ng ingat or something, baka kasi isipin nya ay wala akong paki-chu chu.
May kumakatok... Ay hindi na pala dahil bigla nalang pumasok si kuya. Bastos eh!
"Learn some manners Kevin!"
"Tsk. And use yours!"
"At least you admit I have. But you? Go to school! Tss."
"Magbihis ka." Bigla nalang niyang sinabi.
"Bakit?"
"Sa labas tayo kakain. We'll take out for Lyka nalang just in case." I stared at him for almost ten seconds. "Wag kang mag-alala, ako magbabayad. Alam ko namang mas kuripot ka sakin."
"Kapal talaga! Sige na. Labas na! I'll gussy up."
Habang nagaayos ako, bigla nalang pumasok sa isip ko si Andrea. How could I forget about her easily. Naku! Pano na to kay kuya?
Wala na rin akong nagawa, pero sinabi ko kay kuya na sa Max's nalang kami kumain. Pumayag naman kaagad kaya wala na akong ibang prinoblema. Ang kaso nga lang si Kuya? Bahala na nga ulit.
Pagkarating namin konti lang ang tao, buti naman. Umupo na kami ni Kuya at nilapitan ng waiter. Siya na yung nag-order, kahit naman ako sa'kin eh. Pero ang totoo ay hinahanap ko lang talaga si Andrea. Baka kasi isipin niyang I ditched her or something.
Nakakain na kami't lahat ni Kuya pero di ko pa rin nakikita si Andrea. I don't have her number, so how? Tss.
"Kuya may pupuntahan lang ako ha. Mauna ka na sa bahay."
"At saan ka naman pupunta ha?"
"Sa Bookstore lang. So don't worry."
"Baka ma-kidnap ka! Wag na."
"Nyeh! Ang OA mo na." sabi ko nang nakapoker face. Over naman kasi.
"Basta wag na."
Ano ba 'to! Pano na kami magkikita ni Andrea? Eh ang epal naman kasi ni Kevin! Iyamot! Nawawala tuloy ang galang ko. Bahala siya! Magmumukmok ako hanggang mamaya! Kainesss!
My phone vibrated.
Unknown Number
Hi Katherine! Where are you? Nasa Max's ka pa ba? Bago pa lang kami aalis. Maraming interference ah. Pero I'll be there. K?
"Samahan mo ako." hindi ko sinagot si Kuya. Bahala na talaga siya! Nakakainis kasi.
"Dyan lang sa thrift mart. Tara?" tuloy ni Kuya. Wala pa rin naman akong imik. "Hay nako Kath. Ang kulit mong nilalang. Tssk. Sige na, pumunta ka na nga sa dapat mong puntahan. Mauuna na ako, may bibilin."
"YES!" tsaka lang ako nagreact.
"Ano ba, magkikita ba kayo ni Kenneth at ganyan ka makareact?"
Nabatukan ko tuloy. "Haha. Baliw hindi. Friend."
"Friend?"
"Oo. Amigo. Dito lang naman eh kaya di na ako aalis dito."
"Sige na. Una na ako. Make sure na si Kenneth maghahatid sayo ha?! Or else." he glared at me. I was slightly taken aback. Pero paano naman ako magpapahatid kay kenneth eh wala nga siya sa mundong ibabaw? Psh.
Pero,
"Opo! Sige."
Naku patay! Bahala na sa mangyayari. Basta I'll meet Andrea. Umalis na si Kuya kaya magisa na lang ako rito. Habang tumatakbo ang oras, parang...
Kinakabahan ako.
Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top