Chapter 31: Vague
Chapter 31: Vague
***
Hindi ako nakausap. Narinig kong lumabas na siya ng room at biglang nagbukas ang ilaw. Ang sakit sa mata. Tss. Pero teka lang, yung wallet nasaan? Tss. Nahihilo ang mata ko. Oo, mata ko yung nahihilo hindi ako. Chot.
"Asan na ba yung wallet na yun?" tanong ko sa hangin habang inaaninag yung paligid.
Bahala na nga, makalabas na. Wala nanamang saysay siguro kung mahanap ko yun at baka yung may-ari naman ang wala. Ayos noh, tagutaguan ang approach eh.
Pagkalabas ko, medyo nasisilaw pa rin ako. Pero teka, si miss nawawala-yung-wallet ko yun ah?
Kinusot ko mata ko, pero wala eh, silaw pa rin ako. May nakita akong lalaking lumapit kay miss nawawala-yung-wallet ko. Shemay! Ang haba naman ng code name ko kay babae. Hmm. Wallet girl nalang. Haha. At wait?
May inabot na wallet yung lalaki. Di kaya siya si Knight? Andami ko namang taong nakausap ngayon na hindi ko kakilala. Una, si Wallet Girl. Pangalawa, si panget one. Pangatlo, si panget two. Pang-apat, si knight in shining armor daw. Unknown, unknowns. Tssk. Nae-elyen ako eh.
Pero on to reality muna...
"Waaaaaaaait!" sigaw ko habang papalapit sa kanila. Huminga muna akong malalim, at yung mata ko wala pa ring pinagbago. "Siya yata yung kumuha ng wallet." Tinuro ko si Knight. Hahaha! Pahamak eh.
"It's okay, Miss. Kasama ko siya." sabi ni wallet girl.
"Miss," tawag ni knight. "Anong ako yung kumuha? Ay, oo nga, ako nga yung kumuha sa mga magngunguha."
"Ang gulo nyo, makaalis na nga." bulong ko sa sarili ko habang tumalikod na at lumakad papalayo. Ang sakit ng ulo ko ah. Tss.
"Wait Miss!" tawag sakin ni wallet girl. Lumingon naman ako. Nakita kong nagpaalam muna yata yung kasama niyang lalaki.
"I'm Andrea, by the way." she stretched her hands for a shake. I shook it.
"I'm Kath." matipid kong sagot.
"Nice to finally meet you in person." she smiled, ang ganda niya.
"Ha?"
"I added you on facebook, remember?"
Wait, processing pa.
Facebook, facebook. Hmmm? AHA! Oo nga.
"Oh. Naaalala ko na. Pero bakit nung tinanong kita kung nagkakilala na tayo, sabi mo hindi."
"Eh hindi pa naman talaga diba. See, we just met."
DOH! Basag yata ako. Tss. But I'm not irritated or something, she's amazing eh. Nakakawonderstuck yung ganda niya.
"On second thought, you're right." I chuckled. "Pero I don't know you that much, bakit mo nga pala ako nai-add? Well, that's if you don't mind me asking."
"Oh, because of a friend." she smiled again. "Well, I gotta go. See you soon. Bye." then she skipped away.
Because of a friend? Ay ano raw? Bahala na. I've had enough mistery for today.
Tinext ko na sila Yna at Lindsay kung anong nangyari sa akin, at ayun nag-meet muna kami sa Pizza Hut. I crave for pizzas. Ayun, I told them the rest of the story at grabe naman silang makareact. Most especially sa part na 'Secret admirer from past'. But I ignored them instead. Then after eating, ayun nanuod na kami ng Abduction. Todo tili naman silang dalawa kapag may scene na si Nathan. Si Lindsay ang super fan ni Taylor, minsan nga inasar ko na paano kapag parehas may show si Taylor at si Jake Flynn na sabay, sino ang pupuntahan niya. Akala ko si Taylor na, pero si Jake Flynn pa rin, grabe lang ha. The story is awesome, pero mukhang si Taylor lang ang dahilan kung bakit pinanuod nila to ah. Tss. Like yung dati, may isang movie na guest star si Jake Flynn, yun lang din ang reason kung bakit nila pinanuod. And to think na less then five minutes lang yung cameo niya dun.
After nung movie nagshopping naman yung dalawa. Ako naman, ayaw ko ng mga ganitong bagay. Bahala na si mom na bumili sakin ng mga susuotin. Hassle eh.
Habang tumitingin sila ng mga damit, nandito ako nakaupo sa upuan. Naga-iPod. Naalala ko tuloy si Panget two. Haha.
"AAHHH! Die you piggies, dieeee!" I murmured. Nakakainis eh. Sarap ibato nitong iPod gawa ng mga piggies.
"Wow Kath. Talagang with feelings pa talaga yang paglalaro mo ha." someone uttered.
"Syempre nam—" tumingala ako. Si Weird Guy. "Oy, ikaw pala yan... uh... basta ikaw pala yan." tumawa siya. Eh malay ko ba sa pangalan niya, di naman niya sinasabi eh.
"Nathan."
Pfft. Hahaha. Nathan daw. Parang kapapanuod palang namin kay Nathan ah, tapus nadito na agad siya. Chot. Haha.
I looked at him from head to toe. "Yeah, not much of a Jacob, y'know. Haha."
"Haha. Grabe ka naman. At least may biceps naman ako oh." he bragged.
"Biceps ka dyan. Baka bicycle. Joke."
"Sus. Hehe. Maiba naman tayo. Bakit ka nga pala nandito?"
"Wala, trip lang. Nandito ako para maglaro ng angry birds."
"Grabe naman y—"
"Kath, tingnan mo. Bagay kaya sa'kin iton—" napatigil si Lindsay nang makatingin na siya sa akin. "Ay, may kausap ka pala. H-hehehe. Don't mind me." Umatras siya at nasanggi niya yung isang clothes rack, ang dami pa naman niyang bitbit na damit. She's clumsy, and I think I know why.
"Okay ka lang Linds?" tanong ko sa kanya.
"O-oo, okay lang ako. H-hehehe. S-sige, ba-babalik na ako doon." she's stummering. I smirked.
"Nathan, pwedi bang pakitulungan naman si Lindsay oh. She's my friend by the way."
"I know." he smiled at Lindsay, na namula naman. Sabi ko na eh! "Sige, tulungan na kita dyan."
/LINDSAY'S PERSPECTIVE
I'm not serious when it comes to boys.
Yet, I am not a play girl.
Well, honestly I am. But not that much.
I thought I saw someone who broke my past a while ago. But I chose not to mind it. I am not innocent. I drink, but I don't smoke. I flirt, yet they can't touch. I dress seductive at bar nights, but looking fierce at the same time.
My parents are always been in love with our company that I am thinking they prioritize the business more than their own daughter. That's another reason why I became this kind of disgusting teenager.
Despite of me being like this, I value my friends more than anything. I love them more than I love my parents. And I am heck serious about all of these.
Seryoso ako nang sobra. Simula pa lang ng first day of school lagi na akong nasa bar. Nag-cutting na agad kami ni Yna noon after we met Kenneth and Kath along our way. Iba naman si Kath kaya hindi ko na siya pinilit pang magpupunta sa mga ganitong klase ng lugar. I love her and Yna SO much.
"Hi boys." I threw them a cocky smile.
Feeling ko hinuhubaran na nila ako sa mga tingin pa lang nila eh. Oh well, this is my image. I don't care. The daughter of major business partners is a playgirl and somewhat a delinquent. What can I say, they did not raise their own child well. And I hate them for that.
"Hey babe." someone hugged me from behind. I can feel the intensity of the alcohol in his mouth. Yuck!
I am not buying his games, I won't lose. I will play with this b*stard.
"Oh, hi there sweetie." I hung both of my arms on his shoulder. He seemed a bit shocked, but had let it passed quickly.
"Wanna have some fun?" I know this smile. It's giving me goosebumps, really. Eww!
"Oh no." I shook my head. "You're drunk, honey. And you know I don't play with people's subconcious. Come back next time." tinanggal ko yung kamay ko, at ang kamay niya rin. Umalis na ako sa paningin niya at baka kung ano pang mangyari.
These people are disgusting! Could someone remind me why am I even here again? Tss.
When it comes to studies my grades are fine. Just average, I must say. Hindi naman ako yung pabaya, kahit naman hate ko ang kumpanya namin dapat ko pa rin yung ihandle someday. Sayang din ang makukuha ko dun.
Hindi naman naging thrilling ang school life ko. Hindi pa, at least.
Pero nagbago yun nung nakita ko si Nathan sa back garden na naglilinis. Ewan ko kung bakit naglilinis yun eh, masipag lang ba talaga o may sira na ang ulo niya? May kaya naman sila, so bakit siya magp-part time job diba. Well I don't care, as long as nakikita ko siya ayos na ako.
Yes, I like him. Pero hindi ako aamin sa kanya. AS IF! Matalo nanaman ako sa larong pag-ibig na 'to. I can wrap boys around my fingers in just a snap, so why bother.
Kinakalimutan ko na rin nga siya eh, ang pangit lang kasing isipin na ang isang play girl na 'to ay nagiging stalker na. Ang pangit naman sa name ko diba. Tss. Pero eto eh, ang pangit naman! Nakita ko pa yata siya sa mall. Whatever, I might as well continue doing shopping.
Nawala si Kath. Kinabahan kami ng sobra ni Yna. Hinanap namin siya kung saan saan hanggang sa nag-give up na kami at humingi ng tulong sa guards. Pero wala ring kwenta, hindi rin nila nasolusyonan. Ayos naman si Kath, walang nangyaring masama sa kanya, para ngang wala lang nangari eh. Kaya yun, kumain na kami at tumuloy na sa panunuod ng Abduction.
Okay, I'll be fan girling muna. Hihihihi. TAYLOR LAUTNER. :""">
Ngayon ko lang narealize, Nathan din pala ang name ng role ni Taylor dito. Coincidence much. But what the hell, I don't care.
After naming manuod, nagshopping naman kami ni Yna. Ayaw ni Kath kaya ayun, panay ang laro ng nakakainis na Angry Birds. Stay put, Katherine ha. Kidding.
"Kath, tingnan mo. Bagay kaya sa'kin iton—" Napatigil ako sa pagtatanong kay Kath. "Ay, may kausap ka pala. H-hehehe. Don't mind me."
Kausap niya si Nathan. Napaatras tuloy ako at nabuwal ko yung isang rack of clothes. Nakakahiya. Why did I feel suddenly like this? Asar!
"Okay ka lang Linds?" tanong ni Kath.
"O-oo, okay lang ako. H-hehehe. S-sige, ba-babalik na ako doon." Why am I stummering? Fk. I hate this!
"Nathan, pwedi bang pakitulungan naman si Lindsay oh. She's my friend by the way." Gaahh. Gumaganti yata si Kath ah. Whatever nga naman. If I'm not weak, then I'll not decline this GAME. This should be fun, boy.
"I know." ngumiti siya sa akin. "Sige, tulungan na kita dyan."
GAAHH! I can feel pressure in my face. I gotta admit, naaapektuhan ako sa kanya. Pero ayoko, feeling ko kasi may gusto rin siya kay Kath eh. Kaya wag na lang, baka kasi maulit pa yung incident nung elementary.
"No, thank you. I can handle this." there, I said that straight.
"I insist." nahawakan niya yung kamay ko, then I felt electricity. Psh. Old school. Hindi ako in love! Kaines.
"Fine." I rolled my eyes. I got to play insanely.
Tinulungan niya nga ako, kahit saan ako magpunta sinusundan niya ako. Naiilang ako, pero di ko pinapakita. I won't look as if I'm easy. I'm cynical already, and there's no changing back.
Around seven umuwi na sila, but I didn't.
What did I do?
I got straight to the bar. I don't care about anything. If I wanted this, no one can force me out.
Hindi naman sumama si Kath, as usual. Si Yna rin umuwi na muna, may gagawin daw sa acads. Psh. They're so innocent, that's why I love them. Mabuti nang ako nalang itong ganito, kesa naman sa pare-parehas kaming tatlo. I am lucky with them, di naman kasi sila nahahawa sa akin at never pa akong nasabihang bad influence ng parents nila, despite nang pagiging ganito ng attitude ko.
"Tequila Sunrise, please."
Ok na yan. I'm not in the mood.
"Coming right up, my lady." response naman nung bartender. He's a flirt. Yck!
"Yeah, I'm not easy."
"I'm not what you think, ma'am." he suddenly became formal. Tama lang.
"Good."
Then ininom ko na, pampalipas oras. Ayoko sa bahay, wala naman akong kasama kundi ang mga kasambahay lang namin. Nahilo yata ako. Tss. Ano naman.
"Hi, babe." someone greeted in a flirty way. As usual.
"Fck off!" tinulak ko kung sino man siya. Nahihilo ako so I can't see things clearly. Di naman ako lasing, hilo lang talaga at pagod na pati.
"Hard to get, huh." hinawakan niya ako sa waist, nearly hugging me. Tinulak ko sya.
"Hey b*stard! Ang baho mo, please! Lumayo ka!" masusuka ata ako. Sana masukahan ko tong unggoy na to.
"Oh, c'mon babe. One night wouldn't hurt right?"
I was about to answer, but someone interrupted.
"But she's mine forever. That inludes day and night, so do what she said. Back off piggy!"
Sino yun?
I blinked thrice, not twice.
Is it Nathan?
"Ano ba pare! Ako ang nauna sa kanya, kaya humanap ka na lang ng iba!" tinulak nung lalaki si Nathan. Basta alam ko si Nathan yun.
"Stop kidding yourself. She's mine before she even discovered this place." tumawa siya nang mapait.
Akala ko magaaway na sila. Thank God at hindi naman. Tinulak lang ulit nung lalaki si Nathan nang malakas, at tsaka umalis na sa harapan namin. Lumakad naman ako palabas ng bar. Nine PM pa lang pala. Yes, PALA. Pero gusto ko nang matulog.
Wala na masyadong dumadaan na mga sasakyan dito. Pero sinubukan ko pa ring tumawag ng taxi, pero ayaw nila akong pansinin. Ayaw pala ha. Tss.
Tinaas ko yung palda ko ng konti. Let's see kung tatantanan nila ang charms ko!
"Taxi!"
Oh gahd! No!!!
Hindi tumitigil yung taxi na para bang hindi makitang may tao sa gitna ng daan. Tatakbo na ako kaso I broke my heel, ang sakit! Sht! Bakit ang malas ko ngayon?! I guess this is the end of my nonsense life. I still don't care. I didn't from the start, and I won't until the end.
Here's the end. But,
Someone hugged me from behind, and the next thing I knew is that I was on top of someone laying at the side of the road.
"Nathan?"
Tumayo na ako, ako ang una syempre ako ang nasa itaas niya eh.
*BLEURGGHH*
I accidentally puked at him. GAAHH.
"I'm sorry, I'm sorry." I tried to clean his jacket, pero nagsalita siya agad.
"Ano ka ba naman ha? Gusto mo na bang mamatay?" out of the blue niyang tanong.
"Kung pwede lang sana, dati pa."
"ANO?!"
"Ang OA mo namang mag-react."
"Sensya naman, nadala lang. Eh ano ba kasing pumasok sa isipan mo at nagmodel ka sa gitna ng kalsada?"
Natawa ako. "Baliw ka."
"Oo, sayo."
"H-ha? A-ano?"
I saw him turned red. "Wala. Tara upo muna tayo dun sa bench."
Pagkaupo namin ay wala lang, dead air.
"Bakit ka nandito?" he asked, finally breaking the silence.
"Gusto ko lang." matipid kong sagot.
"May sasakyan ka naman diba? Bakit kailangan mo pang tumawag ng taxi?"
"Adik ka ba? Nahihilo ako."
"Eh diba sabi mo gusto mo nang mamatay?" straight-forward niyang tanong.
Okay, bakit nga ba? Siguro I found some reason, unconsciously, for me to stay and make my life worth living. Pero hindi ko sa kanya sasabihin, di kami close.
"Wala kang pakielam." is what I said instead.
"I do."
H-ha?
Silence again. Nilalamig na ako.
I caress my arms. Sana naman makaramdam siyang nilalamig ako.
Tinanggal niya yung jacket niya. Yun! Nakaramdam rin pal—
At tsaka niya nilapag sa sahig. Baliw ba siya?! Ako yung nilalamig, hindi yung sahig. tss. Coo coo brain!
"Lika na!" sabay hila niya sakin.
"H-ha? Saan?"
Tumigil muna kami at tsaka niya ako...
Niyakap.
"Are you warm enough?"
Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top