Chapter 3: Conceited Monkey

 

Chapter 3: Conceited Monkey

Instead of having to respond, I just stood there.

"I get it, you want me to open the door for you. Alright!" lumabas si Kenneth sa kanyang Silver Porsche Carrera GT. Okay, edi siya na ang may ganyang sasakyan at my student's license. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya. But take note, sa likod! The back part, not shotgun! Maiirita ba ako o matutuwa na lang dahil may maghahatid na sakin sa bahay? Fine. If he wants it this way, then so be it. Siya naman ang magmumukhang driver eh, and I'll consider this na bayad sa pagto-tour ko sa kanya this morning. Nakaswerte siya ha! Tch. At bago niya isara yung pintuan, inilapit niya muna yung mukha niya sa may tainga ko at bumulong, "And now we're even."

Parang naging bato ang internal organs ko. Bakit kailangan pang bumulong? Nakakabwisit 'to ah! To end my agony, sumakay na lang ako at itinuro ko na yung daan pauwi sa amin. Ang bilis niyang magpatakbo, muntik na tuloy kaming magkaligaw-ligaw. Di kasi bagalan nang hindi magkamali sa pagliko eh.

"Right!—No, left!"

"Make up your mind, missy."

"Turn left then right again, then another right, left and then lastly left. That's it!"

"Huh?"

Napatigil siya pagda-drive nang makita niyang may tumatawag sa kanya, na-shock yata. He turned to look at me and then spoke, "Get out and walk." Seryoso yata siya, mukhang galit pero hindi halata sa mukha at boses niya. Kaya naman nagmatigas ako.

"No! You offered me a ride home, and then you're taking it back? You simply can't afford the rules of keeping promises." There. Mukha namang gumana ang pagmamatigas ko dahil tumalikod na siya sa akin. Mukhang kumalma na rin siya at sinagot yung tawag.

"Hey!—WHAT?!"

Nagulat ako, bigla ba namang sumigaw eh. Well, ako naman itong si eavesdropper at medyo lumapit nang konti para makakuha ng inside-scoop. Mehehehe.

"Don't do it!—NO BUTS! I swear if that happens, I won't really come back, do you understand? - I ASKED, DO YOU UNDERSTAND?!" nag mala-devil na talaga ang tono niya, pero mahina pa rin yung boses. Yung para bang sinusubukan niyang magalit pero may kontrol pa rin sa lakas ng boses, kasi parang wala rin naman sa nature o mukha niya ang magalit eh. Just saying, observation lang naman.

Lumingon siya sakin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Gee! Baka ako naman ang sigawan nito, kaya inilihis ko kaagad ang tingin ko sa paligid at nagkunwaring walang pakielam sa scene three seconds ago. Ngunit pagkatingin ko ulit sa kanya, I was suprised to see him wearing a weak smile.

"I'm sorry if you get to hear that."

Woah? Nag-sorry. Sabi na eh, hindi sya siguro sanay magalit nang ganun. Don't get me wrong, nagiging observative lang talaga.

"It's okay. I was actually surprised to see an angelic face like that trying to be angry when it's not really a part of its the nature, so it didn't mind me." Napasinghap ako. Did I blurt that out?! Kaya naman napatingin na naman ako sa labas. Hindi ko naman talaga intensyong sabihin yun eh. Naku, tatangkad na siguro nang sobra ang kanyang ego, for sure yan. Psh.

He chuckled. Grabe ha! Pati ba naman ang pagtawa niya ay mala-anghel din? Hoy, Kenneth, anghel ka nga ba? Hindi, joke lang. Don't kid yourself, Kath.

"I... uhh. I'm just going to walk home." Nagprisinta na ako, ang awkward na rin kasi ng ambiance.

"No, let me take you home, I insist."

"It's okay, my house is just a few blocks away from here. Thanks again." Sinabi ko na lang para makatakas na at makahinga nang maayos, pero ang totoo medyo malayo pa talaga at marami pang lilikuan.

Bago pa siya makasagot, lumabas na ako ng sasakyan. Mage-eight na pala ng gabi nang makarating ako sa bahay. Lagot na ako. I took all of my remaining courage to bring myself to the dining room. Hapunan na, at alam ko namang I have to face the consequences sooner or later. Pero I chose the sooner time, at isa pa gutom na rin ako.

Pagpasok ko ng dining room, parang wala lang. Nagtatawanan lang sila. Si Lyka, ang first year kong kapatid, ay nagblu-blush. Siguro binu-bully na naman ni Kuya Kevin. Eh ito namang sila mom at dad panay tawa lang.

Uhm, hello?! I'm already here. Hindi niyo pa ba ako pagagalitan? Naiinip na ako, bilis na! Nang mawala na itong kaba ko.

At last, tiningnan na nila ako. Hindi pa rin nawawala yung ngiti sa mukha nila. Ang gaan talaga sa pakiramdam na makita silang ganitong kasaya.

"Isa pa yan oh, mukhang nakahanap ng ka-date kaya late nang umuwi." biro sa akin ni Kuya Kevin. Tawa naman silang apat.

"Mukhang meron na nga, third year na oh." Pag sang-ayon naman ni mom.

I glared at them. Pero hindi pa rin sila tumitigil. Ano ba, pagalitan niyo na ako. Swear, hindi ako magagalit. Wow! Ang lakas ng fighting spirit ko at ako pa ang may ganang magalit if ever.

Umupo na ako kalapit ni Lyka. Hindi ko na napigilan, tinanong ko na talaga, "Ehh. Mom, dad. Hindi niyo pa po ba ako pagagalitan?" mahina kong tanong.

"Bakit naman kami magagalit? Third year ka na naman at hindi ka naman namin pine-pressure sa pag-aaral. It's time to take a break, anak, have fun, go to some places and such. I-enjoy mo na habang may time ka pa. Because I'm telling you college won't give you the same opportunity like the ones that High School Life offers you." Lecture sakin ni Dad. Ngumiti ako. I couldn't be happier.

"Pero being on top of my academics is my choice, dad. At nage-enjoy naman po ako ah. So what do you mean my your 'Enjoy'?"

"We know very well that having to stand in high places is fulfilling. Pero subukan mo rin yung sinabi ng dad mo. Enjoy by the way normal teenagers do. You can sometimes go home late. Trips with Lindsay and Alyna diba. Meet new friends. And the most exciting part of high school fall in love, anak." Mom

Natawa lang ako, "Ano ba iyan. Alam niyo naman pong wala sa vocabulary ko iyang Love na yan, maliban na lang pagmamahal ko sa inyo."

"Ang corny mo ate! Nakaka..." panimula ni Lyka na pinandilatan ko ng mata para patigilin.

"Ewan ko sayo. Magsama kayo ni Kuya."

Panay tawa lang kami ngayong dinner. Far more enjoyable than our past dinners. Pinayagan na ako ng parents ko about that nonsense love thing. Isa nalang ang problema,

Si Heart. Ayaw talaga eh. Masisisi mo ba? Hayy hypothalamus.

Umakyat na ako at pumunta sa terrace ng kwarto ko. Ang gaganda ng mga bituin. Sana naging isa nalang din ako sa kanila. Maiba naman ako.

Since Love naman ang pinaguusapan namin kanina. Ano kaya.. Totoo kayang may Cupid? Try ko nga.

"Cupid. Kung totoo ka man at naririnig mo ako, uhm, baka naman try mo akong bigyan ng mala-Taylor Lautner na boyfriend?" natawa ako sa sarili ko, "Try mo lang naman eh. Baka sakaling magka-spice naman 'tong buhay ko, para pati dagdag inspirasyon. At tsaka naging curious na rin ako kung ano ba yung nararamdaman ng mga taong nagmamahal at minamahal ng taong espesyal sa kanila. Yung maliban naman sa pamilya. Yung ano... macho." Natawa na naman ako nang malakas, niloloko ko na lang ang sarili ko eh. "Haynako, babay na nga imaginary Cupid, mahal ang long-distance call."

Tumitig muna ako sa itaas at pumasok na rin matapos ang ilang minuto. Pagkapasok ko may nakita akong maliit na envelope na kulay red na medyo pink sa kama ko. Ano naman ito? Ang cute naman. Inamoy ko, ang bango bago din. Heart-shaped sticker na may nakasulat na CC ang seal ng envelope. Binuksan ko at binasa.

It shall be love;

 

"The guy who'll take you anywhere, is whom you'll need just like air."

Ha? Akala ko naman love letter na 'to, o kaya allowance. Haha. Pero sino naman kaya naglagay nito rito sa kwarto ko at from who? Anong kalokohan 'to? Gash, Katherine! Sa pagka-genius mong iyan eh hindi mo malaman kung anong meaning? AGHHH! Eh hindi ko talaga magets eh.

Hinalungkat ko ang loob ng envelope, hoping to find another note o makakita man lang kung sino ang sender. Pero wala. As in wala na.

Anyway, I'll keep this. Sayang naman ang kinaganda ng letter.

Itinabi ko na sa pangatlong drawer ng study table ko ang cute na letter, at bumalik na sa daily-school-routine kahit start pa lang ng school year. Mas mabuti nang advance kaysa sa huli. Gulat ka ano? May ganito pang estudyante uy!

Yan ang first love ko eh, ang pag-aaral. Yuck ba? Eh sa gusto ko eh. Wala naman akong ibang pagbubuntunan ng pagmamahal ko. Dito nalang ako sa pag-aaral, hindi pa ako masasaktan. Mahihirapan, oo. Pero iba pa rin yun, kasi once I got the solution, it's easy to leave my depression. Di katulad sa love, aabutin ka pa yata ng new era bago makapag-move on.. based on observation ulit.

Kinabukasan eh as usual sinundo ulit ako nina Lindsay at Yna. Ang ingay sa classroom. Palibhasa tatlo lang ang bagong lipat sa klase namin kaya wild pa rin silang lahat. Eh ako? Eto umiiwas ng tingin dito sa kalapit kong mokong.

"Could you stop that?!" umiiwas pa rin ako ng tingin.

"Why, is there something wrong?" tapus nag-smirk pa sya. Ugh!

"Stop it Kenneth! You're freaking me out. Go stare at someone else." nakakailang kaya.

"But you are someone." ngumiti naman siya. Shemay, nakakairita.

"I meant, someone else! Shut up na nga lang! I'm trying to read here!" Ayos yun. Ayos na palusot yan.

"Reading an educational book? But the class hasn't even started yet." Nagtataka niyang tanong.

Ay oo nga pala, hindi pa nga pala niya alam na running ako for Valedictorian. "I'm rank one, and I tend to maintain it. So if you could just please zip your mouth shut, the future valedictorian is reviewing." Take that monkey!

"Valedictorian, huh? A thrilling challenge plus cool title after hard work." napaisip siya, "I like it. Yeah," tumango tango pa siya sa'kin, "I like the idea. I want to be valedict."

Want it to? Yun lang pala—WANT IT TOO?!!! He's nuts!

"You have got to be kidding me!" nanlaki mata ko sa sinabi nya. Tumawa ako as if joke lang yung sinabi niya.

"Yes! I mean no! I want it too because of challenges. And no, I'm not kidding."

Sheet of paper from trees! Nakuha pa niyang ngumiti ha?! Nawawala na ba sya sa mundong ito? Taga-Mars ba siya? HAYYY!

"Sure, say or do whatever you want. But there's no way you can beat me Mr., I won't let you!" Ako naman ang nag-devil smirk sa kanya. HAH!

"Mister huh? I like it. Miss No. Two!" Nag-smirk din sya. So ganon? Smirk-an na lang kami nang smirk-an? Teka! Number TWO?! No way. I'm always number one. I am number ONE! You've done it, man. You. Have. Insulted. Me!

"Number two?! You monkey!" Napatayo na ako sa sobrang inis. And guess what? Saktong pasok ni Ms. Ramos kaya biglang upo ko naman. Nakakahiya, sana hindi ako nakita.

Nagsimula na ang klase. Siya palang siguro ang unang mago-open ng lesson sa klase namin. Karaniwan kasi two to three days after first day nagbibigay ng gawain ang ibang mga teachers. Ayos lang. Mukhang mas lalo akong namo-motivate mag-aral. Well challenged naman ako dati, kaso nagpapatalo lang talaga si Sharlyn. Haha. Totoo naman eh. Pero kahit ganun eh hindi pa rin naman kami nagkaaway pagdating sa Academics, I mean oo naglalabanan kami sa pwesto, pero never pa kaming nag-away niyan Physically. And I thank her for being an innocent foe. Scratch the foe part.

"A handsome Monkey, I am." biglang bulong sa'kin ni Kenneth. Pangasar lang eh!

"Conceited!" sinigaw ko nang mahina. Joke, may ganun ba?

➳ 

Lumipas na ang isang buwan sa Sermounth University. Aral pa rin ako nang aral. Ayokong matalo sa isang conceited monkey na kamukha ng isang smug, certainly arrogant, stubborn, flirt and heartthrob-wannabe na si Jake Flynn. Anyway, enjoy naman ako sa pagaaral. Kaya lagi akong nandito sa College Library, para walang ibang makakita sa akin na co-highschool ko. Hah! Wait, Nage-enjoy nga ba ako?

"AAAHHH!"

Hala ano yun? Bakit sumisigaw ang mga tao rito sa LIBRARY?! Lumilindol ba? May sunog? May namatay, nahimatay? Anooo?! Tumayo na ako at hinanap kung asan man yung mga maiingay. Nasa may entrance ng Library.

"Ano bang meron dito?" tanong ko sa kalapit kong babae na sobrang pula ng muka. Napano kaya ito?

"AHHH! SI KENNETH VERGE NANDITO EH!"

Shemay naman, kailangan pang sumigaw? Hayy! Yun lang pala eh, akala ko naman kung ano nang nangyari. Eh teka, teka! Why the hell is he here? Bahala na nga sya! Bumalik nalang ako sa may History Books section ng library, tutal wala naman akong magagawa sa ingay na dinudulot ni conceited monkey. Nasan ang Librarian? Ayun nakikigulo rin imbes na pigilin yung ingay. Kainis! Kumuha na ako ng books at naghanap ng mauupuan. Tinawag ako ni Kenneth, pero syempre deadma lang.

Lakad lang ako nang lakad nang tawagin niya ako, "KATHY!"

  

Pero kunwari wala akong naririnig at pakielam kaya diretso lang ako sa pag lakad. Papalayo pa sana ako namg may kumapit sa balikat ko. Tiningnan ko at, "What the?!" Sino pa nga ba? Si Monkey na kasunod ang lahat ng girls sa likod niya. Kainis! Tinalikuran ko nalang ulit siya at umupo na. Umupo pa rin sa tabi ko. Shemay!!! Hoy! Umalis ka na pwede ba?! Sama mo 'tong mga babae mo. Hindi ako makapag-concentrate eh!

"Why the heck are you here?" tanong ko nang medyo cold ang tono.

"To study, what else?"

"No! I mean, HERE! There's a High School Library. Go and suit yourself there!" sabay snob ko sa kanya at basa na ulit.

"No! I like it in here."

"Then please maintain distance!" I emphasized distance habang itinulak ko siya palayo. Dang! He's strong. Sa may abs niya ko pa yata siya nahawakan. Nang mapagtanto ko eh binawi ko kaagad ang kamay ko. Nakakahiya! Tinawanan lang niya ako. Naman eh! Umalis ka na. Please?! With girls around him giggling, a single word can't even sink in my brain!

"Kenneth! Do you have a girlfriend?"

"Yeah, do you?"

"If you don't, I am single."

"I'm single too!"

"Me too!"

Tanong ng mga babaeng flirt na nasa harapan namin, or more like ni Kenneth. Hindi naman siya umiimik. Hayy! Hindi na ako nakapagpigil. Tumayo na ako at lumayo sa library dala yung books na hiniram ko nalang. Sinubukan ulit akong sundan ni Kenneth, pero thanks to his annoying fan girls eh nakatakas naman ako. Eh bakit nga ba kasi niya ako sinusundan?

Nandito ulit ako sa Garden ng school. Buti naman talaga at wala masyadong tumatambay dito. Peace at last!

Makalipas ang ilang minuto...

May nagsasalita. Si Kenneth na naman?! Nasa may likod siya ng barrier na malapit sa entrance ng Garden. Lumapit ako nang konti.

"I will never get back to LA! NEVER!—If you could just give me a break!—WHY IS EVERYONE BEING SO ANNOYING?! I think I want to quit the—"

"Is there something wrong?" tanong ko nalang bigla bigla sa kanya. Gulat na gulat siyang humarap sa'kin. Bakit ko pa kasi natanong?! Edi halatang nakikinig ako? Sensya naman. Concern lang. Woah. Marunong na pala akong maging concern sa mga lalaki ngayon?

Binaba na niya yung phone. "It's none of your business."

Sungit! Nagtatanong lang naman eh. Bakit parang pag may kausap siya sa phone eh lagi nalang siyang galit? O nadadala ng galit? Ang gulo niya!

"Oh, okay." sabay walk-out ako.

"Look! I'm sorry, Katherine."

Bakit ba siya laging nagso-sorry after every of his phone calls? Whatever! Bumalik nalang ulit ako sa damuhan na inupuan ko kanina at nagbasa nalang ulit. Sinuot ko ang white reading glass ko. Ayos naman sakin eh

"Woah! You look like my grand ma. HAHAHA!" Sabi ni Kenneth na nakaupo na sa harap ko. Kainis ha?! Grand ma your face!

"What the?! It looks good on me."

Tumawa siya habang hinahalungkat yung mga books na hiniram ko sa library.

"What's all this?" tanong niya.

"Books!" Hindi ba obvious, Kenneth?

"I know."

Tatanung-tanong pa kasi eh.

"It's your turn now." Out of the blue niyang sabi. Ha? Anong turn ko na?

"What do you mean?"

"To tell about yourself. I haven't asked about it, but that doesn't mean you couldn't share. Right? And I barely know you so... It's your turn now."

"Why should I tell you something about myself?"

"Because I already did and you still haven't. It's not fair you know."

"But can't you see? I'm busy."

"Dude, don't you know it rhymes." Tapos tawa na siya nang tawa sa sinabi niya. Ewan ko sayo Kenneth. Ang babaw mo.

"Ok, I'll tell. Just to shut your mouth." ibinaba ko yung book ko at tinanggal muna yung reading glass. "I'm Katherine. Just Kath! Fourteen years of doing mischief. I love music, digital arts, reading, and I guess you could add singing to the list. Hear this, if there's one thing I hate the most..." tinignan ko muna siya nang masama.

"...It is boys!"

I was kind of hoping that he would be scared. My infamous death glare works all the time, but it seemed to be just like a joke to him. Malas! At tumawa pa siya ha. Tch!

"Why do you hate boys so much?"

Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top