Chapter 25: Conclusion Observed
Chapter 25: Conclusion Observed
***
Kinabukasan, mga nine AM na ako nagising. Oh diba ang agap? Puyat at pagod eh. Dahil one storey house lang naman 'tong bahay nila Lola, hindi ko na kailangang pagurin ang binti ko pag-baba.
"Good morning, beautiful."
"Yes, thank y—" nasamid yata ang utak ko. Oo, ang utak ko. Kakaiba ako eh, bakit ba.
"Let's eat. They're waiting na s-sa dining room."
"Magsasalita lang kailangan TagLish pa. Tss." I murmured.
"Sorry, I didn't catch that. What was it again?"
I forced a fake smile, "Nothing. Tara?"
Nauna siyang pumunta sa dining area, at ako naman ay diretso sa may salamin na madadaanan bago mag kusina.
Beautiful, beautiful pa siyang nalalaman. Tss! The heaven I care?!
"Eeeek!" I shrieked. May muta pa ako. Liar talaga yung mokong na yun.
"Beautiful ba ang may muta?" I asked myself silently, mahirap na baka mapagkamalan pang nababaliw dito. "Beautiful ba ang hindi pa nagsisipilyo?" At sabay ko namang kinulong ang bibig ko at huminga, hohoho! Di mabaho, sarreh ka! Hahaha. "Beautiful ba ang mukhang haggard?" At sinampal sampal ko naman nang mahina ang pisngi ko.
"You are beautiful to me."
Napalingon naman ako.
"E-hehehe. B-bakit ka andito?"
TCH! Nakakahiya kaya yung ginawa ko, pang-baliw lang eh.
"Well," he paused to look down, "I cannot eat without you." at tsaka nya inangat ang mukha nya na may malapad na ngiti.
"I-ikaw ta-talaga. Li-lika na n-nga!" kainis, bakit ako nauutal?! Hinila ko siya papuntang dining area. Parang Déja vu lang ah?
"Chansing again, Kath? Haha!" he teased.
Kaya naman agad agad kong binitawan ang kamay nya. "Ang kapal mo! Dyan ka na nga!"
Masarap na pagkain, mapait na usapan...
Nakaka-yeah! Bakit ba kasi hindi maalis sa isang pamilya ang tuksuhan?! Yun bang kapag nakita ka lang kasamang lalaki, or opposite gender of yours, ay aasarin ka na. Nakakainis yun diba?! TCH!
"Mom!" pag-saway ko sa kanya. Oh diba, lume-level up na ako. De, joke lang.
"Why anak? You two look good together. You should be steady already." sabay tawa naman ni mom.
"Looks don't matter." I contradicted.
"Really, Kath?" Kenneth raised an eyebrow while he wore a 'makalaglag-panty' smile. Eeeep!
"What?"
"The mirror incident." Tumawa pa siya.
"Whatever." I rolled my eyes.
"Ate wag kang ganyan, mamaya mag-back out si Kuya Kenneth sa pagc-court sa'yo eh. Hahaha!" Lyka
"Ano ka ba, Lyka. Di kaya susuko si dude! Diba nga Kenneth?" tanong ni kuya Kev kay monkey. Ngumiti naman ang mokong at nag-wink sa'kin. Ang pangit! Hahahaha! Okay, okay—honestly, that was cute.
"Kilig naman si Katherine. Uyyy. Hahaha!" pang-asar ni Lyka. Walang galang ang bata aba. Tss!
Waah! Nakakapang-init na ng blood here. See, I'm conyo na.
Tumayo na ako nang hindi tinatapos ang pag kain, at dumiretso sa kwarto. Nawalan na din naman kasi ako ng gana eh. Maya-maya ay naligo na ako at nag-ayos ng sarili para naman makatulong ako sa labas. Thankful pa din ako dahil kahit ganito na nga ang sitwasyon ay nagagawa pa din naming magkasabay-sabay sa pagkain. Ang lolo ko nga pala ay nasa kwarto lang nya lagi, nanghihina na rin. Sana na lang ay hindi pa niya oras, dahil hindi namin 'to kakayanin.
Pumasok muna ako ng kwarto ni Lolo para makausap naman siya.
"Lo," tawag ko.
"S-sino k-ka?" Nanghihinang tanong ni Lolo. Ang sakit lang sa puso oh, </3 Kita mo?
"Si Kath-kath po. Hehe." I forced a laugh kahit may namumuo ng luha sa gilid ng mata ko.
"Oohh. Alagaan mo ang mga kapatid mo ha?" medyo nauutal niyang sinabi yan. Aalagaan? Di ba dapat si kuya? Pero hayaan na, matanda na eh.
"Ah, eh. Opo. Kamusta na po kayo? Alam nyo po bang na-miss namin kayo. Hehehe."
"Nakakapagod ang buhay." walang konek niyang sagot. Parang alam ko na ang gusto nyang sabihin.
"Lo. Wag naman po kayong ganyan." humihikbi na ako. Iyakin ako pag dating sa pamilya. Syempre, pamilya eh.
"Mag-iingat kayo." at pumikit na si Lolo.
Sobra sobra ang kabang nararamdaman ko. Tiningnan ko kung may pulso pa si Lo, at nakahinga naman ako ng maayos nang malaman kong ayos pa siya. Yung luha ko, epal lang eh, bumagsak na.
Lumabas ako nang mabilisan sa kwarto at gusto ko munang mapag-isa. Nakatungo lang ako dahil ayokong makita nila akong umiiyak. Iyakin diba ako pag dating sa pamilya, pero at the same time ay hindi ko naman ito pinapakita sa kanila. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa may nakabangga akong taong mabango.
I lifted my chin up.
"Why are you crying?" concerned na tanong ni monkey.
"W-wala. I'm just sweating through my eye."
"Hah! Nice try Buford."
Tch. Nadali pa. "I thought you'd never know."
"I know of course P&F, so don't fool around." tumawa muna siya nang mahina. "Bak-keet ka na-mun umi-iy-ak?" His cute accent made me smile. "Nah, I won't try again, you're making fun of me." At umakto siyang parang batang nagtatampo, at ayun, natawa na ako.
"Haha. Hindi naman. Ang cute nga eh." napalo ko naman nang mahina ang bibig ko nun.
"Really? Well if that's the case then I'll speak Tagalog more often. Hahaha!"
"Tch." at nag-walk out na ako. Gusto kong pumunta sa palayan na pinaglalaruanan namin ni Kuya Kev nung bata pa kami. Nakaka-miss!
"S-saan ka pu-puhn-tah?"
Hihihi. Napangiti ulit ako, pero syempre hindi nya kita kasi nakatalikod na ako sa kanya. Hahaha! Wait! Ano ba ito! TSS! Poker face, Kath, po-ker face!
Ang sarap sarap ng simoy ng hangin dito. Naaalala ko tuloy yung dating kalokohan namin ni kuya. Dito lagi kami nagtatago dati kapag hinahanap kami nila mom. Hahaha! Dati kasi lagi kaming nandito pag summer vacation. Eh masyadong strict sila dad nun, kaya mga four-thirty pm ay pinapauwi na kami ng bahay, samantalang yung mga kalaro namin ay masayang naghahabulan pa din sa labas. Kaya naman napilitan kaming gumawa ng hide-out dito.
Pumunta naman ako sa likod ng pang-fourteen na puno mula sa una. May sinulat kasi ako dun. Naniniwala ako na yun taong makakabasa ng isinulat ko dun ay ang aking soul mate. Hahaha! Natatawa ako na ewan, kasi naman sabi ng iba corny daw ang mga taong naniniwala sa soul mate-soul mate thingee. Eh sa bata pa ako nun, walang magagawa.
Buti naman at hindi nakasunod si Kenneth sa'kin dito sa lugar na 'to, mahirap na. Phew. Humiga muna ako sa may mga tuyong dahon, ang peaceful dito at walang nakakatakot na pakiramdam, yung tipong ang mararamdaman mo sa lugar na 'to ay ligtas ka at walang ibang makakagalaw sayo.
Bandang... uhm, ewan ko lang yung oras, wala akong ibang dala eh, panyo lang. Malay mo mabahing ako diba. Hohoho! Pero medyo kumukulimlim na yung langit kaya di ko alam kung gabi na talaga or uulan lang.
"HALA!"
Umaambon na. Tss! Ang lamig ng tubig ulan. Oo, alam kong walang mainit na tubig na galing sa ulan. Papalakpak ang DALIRI ko kapag nangyari man yun, yung uminit ang tubig-ulan. Tumakbo na ako papalabas ng lugar na 'to na maraming puno. Nagmamadali pa din akong makauwi ng bahay kahit alam kong basa na ako.
Nakarating ako ng safe, paano naman kaya si
Kenneth?
Lalabas ulit sana ako ng bahay, kaso pinigilan ako ni mom.
"Katherine!" medyo strict na nag-aalala ang tono ng boses nya. "Go change your clothes now, at wag ka nang lumabas baka lumakas pa ang ulan."
Gusto ko na sanang sabihin na nasa labas pa si monkey kaso nakakatakot ah. Brrr!
Nagpalit na ako. Kinapa ko ang bulsa ko para tanggalin sana ang panyo kong alam kong basa na din, pero wala akong nahugot. Tss! Asan na kaya yun? Bahala na, panyo lang naman eh, pero favorite scarf ko yun. Ang sarap sa pakiramdam ng tuyo na ulit. Pero paano si Kenneth? WAAH! Baka hindi nya alam pabalik?
Anu ba yan, kanina pa ako nag-aalala. Tch! Tumingin ako sa bintana, at tinitigan yung labas.
"Kenneth, asan ka na ba kasi? Kainis naman oh. Tss!"
"Don't worry, I am now here."
Si Kenneth, basang basa.
"Magpalit ka na ng damit bilis! Baka magkasakit ka!" kinuha ko yung isa pang towel sa kama at pinunasan yung gwapo nyang-- basta yung muka nya. "Ayun ang CR dito, bilis na. Malamigan ka pa ng husto eh tapus—"
Hinawakan nya ang kamay ko, pinigilan ako sa pagpunas sa kanya. Nilapit niya yung mukha nya sa mukha ko. Close na close, hindi na open. Parang hindi yata ako makahinga. Waah! Anu ba 'to!
"You're concerned, aren't you?" he smirked.
"A-ako?" concerned nga ba? Nag-alala lang naman eh. Iba yata ang concerned sa nag-alala, iba nga ba? Hayy! Nawawala naman yata ang knowledge ko dito sa monkey na 'to! "I am not!" At kumawala ako sa pagkakahawak nya sa'kin, sabay distansya.
"Sa-bih mo eh." At tsaka siya tumawa.
"Eh! Pumasok ka na nga ng bathroom at magpalit. Ayokong maging baby sitter mo pag nagkasakit ka!"
At siya naman ay masunurin at pumasok na nga at nagpalit. Tumulong ako sa labas habang si Kenneth naman ay sunod lang nang sunod sa'kin, ginagaya ang bawat trabahong ginagawa ko. Tss! Pero salamat talaga sa kanya.
Kinabukasan, eto na, mawawala na nang tuluyan sa amin si Lola. Bandang one pm na naihatid IYUN sa huling hantungan dahil nag-mass pa nung umaga. Déja vu ulit, gawa nung holding hands thingy. Ayun, after nun, hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Si Kenneth kasi eh. Nakakalito! Hindi ko na alam ang i-aakto ko pag kaharap si Kenneth. Kasi naman eehh!
*FLASHBACK*
Pagkauwi na pagkauwi namin, takbo agad ako sa bathroom. Eh sa hindi ko na mapigilan eh, masakit kasi. Lola ko yun, kapamilya, minsan ay naging matalik din naming kaibigan, at higit sa lahat ay naging ina din namin siya.
Ni-lock ko ang pinto dahil gusto kong mapag-isa.
"Kathy! Open this!"
Eto na naman siya. Hindi sa name calling, kung di sa pag-bukas lagi ng pinto ng bathroom. TSS!
"Gusto kong mapag-isa." I said in between my sobs.
"You can have my shoulder. Please Kathy, open this."
"No."
"Your tears are precious, don't waste it please?"
"It doesn't matter."
"It matters to me. It hurts me seeing you cry. This is the first, so please stop."
"I won't. You do not know how much it hurts."
"If only you knew." medyo lumungkot ang tono ng pananalita nya.
"Sorry. Just-- just go away."
"I won't. Not until you open this."
Nakakainis na ewan, kaya binuksan ko na. Nilapat ko ang toilet cover at umupo.
"Sorry, Kathy." Hinimas-himas nya ang likod ko.
"There's nothing for you to be sorry about. I'm sorry Kenneth."
"S'okay. Don't say sorry as well. Just stop crying. Shedding tears won't make your grandma—sorry. Just stop, okay?"
Sinubukan kong tumigil, pero hindi eh, di ko kaya. Mas lumakas pa ang iyak ko, mas bumuhos pa ang luha ko. I burried my face in my hands.
He hugged me, and I felt the electricity passed through. Now I can formulate a conclusion.
I cannot hug him back, because I'm engulfed in his. But know this Kenneth, I'm returning a hug. Thanks for everything.
I like you now, Kenneth.
Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top