Chapter 19: Two Kiss
Chapter 19: Two Kiss
***
Si Kenneth.
"Bakit ka nandito?" tinaasan ko sya ng kilay.
"Sih-nu-sun-doh kee-tah." he's trying to speak in Tagalog. Ang cute lang boses eh.
"No need. Meron akong sariling sa—" Napatigil ako. Wala pa akong sariling sasakyan. I'm gonna die!!
"You're saying?" pang-asar na tanong ni Kenneth. Kainis to ah! Tss!
"Wala wala. Sabi ko ihahatid ako ni Kuya sa bahay nila Charmaine." Tiningnan ko si Kuya, "Diba nga Kuya?" Hindi naman umusap si Kuya Kev at nag-smirk lang siya kay Kenneth. Kainis lang!
"Sige Kenneth, Kath tataas muna ako." he winked at Kenneth. Okay, para saan naman yun? Ang weirdo ng kuya ko aba!
"Kevin! Di mo ba ako ihahatid?" pasigaw kong sabi. Nakakainis eh. Pagalitan na kung pagalitan, wala nang magagawa nasabi ko na. Hala!
Napatigil sa paglalakad si Kuya. "Ano ulit yun?"
"Ah, eh. W-wala. Hehehe. S-sige na, sasabay nalang ako kay K-Kenneth." pinilit kong maging inosente ang boses ko.
"Good." sabi ni Kuya. Tiningnan niya si Kenneth na para bang may sinasabi nang pa-mata lang, then Kenneth nodded. Sus! Mga lalaki talaga!
"Let's go?" tanong sakin ni Kenneth habang ino-offer ang kamay nya. Sus! Para namang ikakabit ko ang kamay ko sa braso nya. Tss.
"Tch." yan lang ang nai-react ko at tuluyan nang lumabas.
Nang makasakay na kaming sasakyan, walang umiimik. Nilabas ko nalang ulit ang iPod ko at nag-soundtrip tutal wala naman akong sasabihin. Nakakabingi ang katahimikan! Oo, may ganun.
"CRAP!"
"What?!" biglaang tanong ni Kenneth.
"A-ahh. H-hehe. Wala wala." napakamot ako ng braso ko. Ang kinatataka ko naman, eh bakit may kanta ni Jake Flynn dito sa iPod ko? Never pa akong nag-download nito ah!
"Tell me Kathy, what is it? A-noh ng-ngah?" he asked in his cute accent. He's really into this learning-Tagalog-thingy, huh? Bakit naman kaya? Oblivious na kung oblivious.
"Jake Flynn." yan lang nasabi ko.
"Oh." mukhang nagulat si Kenneth. "What about him?" At nag-concentrate na sya sa pagd-drive.
"His song just played. I can't stand it."
Natawa naman siya. "Then why'd you download it in the first place?"
"I didn't, okay? Mag-drive ka na nga lang dyan. Hindi yang ini-English mo ako."
Tinawanan nya ulit ako. "You can hate the singer, but never the song."
Whatever. Pero kung tutuusin, maganda talaga yung kanta ni JF eh. Naaalala ko pa nga dati, nagtago ako sa library dala-dala yung iPod ni Yna para lang mapakinggan yung kanta. Well, ayoko lang kasing nakikita nila akong nakikinig sa music ni JF, baka sabihin nilang fan pa ako eh. Kaya NO WAY!
Pagkadating namin sa bahay nila Charmaine, lahat sila nasa sala at mga nagkukulitan.
"Here's our KayVee na pala eh!"
"Woooh!"
"Anong KV guys? Kilig Vibes?" tanong ko. Ano naman kasing KV yung pinagsasasabi nila?
"KayVee Kath. Pero okay na din ang Kilig Vibes kung gusto mo." at nagtawanan at naghiyawan sila. Ang kukulit lang eh.
"Eh, hey guys. What's that KayVee or KV thing?" asked Kenneth and looking confused.
"Kayong dalawa yun noh." sagot ni Eril. Walang umimik samin ni Kenneth. Di ko parin gets, at mukhang mas lalong hindi gets ni Kenneth. "Ano ba kayo! Tss. Look, diba parehas letter K ang unahan ng name nyo, then parehas ding V?" we nodded. "Kaya naging KV. Kaya lang naman naging KayVee eh gawa nitong si Matt. Ang bading bading lang eh!"
"O-oy! Anong bading bading ka dyan?" singit naman ni Matt. "Halikan kita dyan eh." pabulong nyang sinabi. Eeeek! Nakaka-goosebumps silang dalawa.
"Go! Ohh, look!" ngumuso naman si Eril.
"Yuck! Guys itigil nyo nga yan! Nakakadiri lang eh!" nandidiring sabi ni Charmaine.
"Sus! Gusto mo lang ikaw halikan ko dyan eh. Selos ka noh?" pang-asar naman ni Matt kay Charmaine.
"In your dreams!" sabay isnab naman ni Charmaine.
"Okay guys!" singit ko naman sa kanila. "It's time."
"Rehearsal na agad?"
"Yep."
"Awww!" They all grunted.
"Sige na guys. Sige, mamayang nine na. Kaso gagabihin tayo, ano?"
Mas pinili naman nila ang magrehearse nang maagap para maagap din ang tapos. Ang kaninang mga makukulit na sila Matt, ngayon ay seryoso na. Mga eleven PM kami natapos at ayos lang naman dahil bukas ay Saturday and the next day is Sunday and today is Friday. Tss! Lesheng Friday song na iyan!
"Haaay!" pagod na sabi ni Matt pagkahiga nya sa couch sa sala.
"Wala ka ngang ginawa run kundi kainin yung snacks. Tapos ikaw pa 'tong mukhang pagod na pagod?! Tch!" sabi ni Charmaine kay Matt. Ang kulit nitong dalawang 'to ah.
"Sus! Lumapit ka nalang dito sakin oh, dali!" tinuro naman ni Matt yung space sa tabi nya.
"No way! Mahawa pa ako ng katamaran mo eh! Wag na lang, dun nalang ako sa kwarto ko!" Sabay cross arms ni Charmaine.
"Sama ako!" napatayo si Matt.
"CHE!" at inisnaban nya si Matt. "So, Kath. Guest room ba kayo or dito tayo matulog sa sala para lapit lapit?"
"Girl! Dito nalang sa sala para..." singit ni Eril at sabay naman itong nag-smirk. "lapit-lapit." at nagtatalon naman ngayon.
"Ewan ko sayo bakla! Hindi ikaw tinatanong ko ha? Yung leader ha? Ikaw ba yung leader? Tch."
"Osige na, dito na tayo sa sala para masaya na si Eril." sabi ko at bigla akong nai-hug ni Eril dahil sa kanyang pagkatuwa.
"Thanks girl!" at tsaka siya tumawa nang nakakaloko. "Mwahahaha!"
"AAAHHH! RAAAAAPEEEE!" sigaw ni Matt at biglang tumakbo palabas.
"Kahit kelan talaga ang OA nung bading na 'yon." natatawang sabi ni Charmaine.
"Nako! Sundan mo na Charmaine at baka maligaw yun." sabi naman ni James, na classmate rin namin.
"Bahala siya! Maligaw ba naman eh, at saan naman? Psh."
"Maligaw sa puso ng iba." at sabay sabay kaming nag-hiyawan. Mukhang meron ngang something sa dalawa ah.
"CHE! Kainis. Sige na susundan ko na siya!" sabay alis ni Charmaine.
"Oh guys, ano nang gagawin natin? Di pa ako inaantok ah." sabi naman ni Ceska at biglang humikab ito.
"So yan pala ang hindi inaantok ha?" Pang-asar ko. Baliw talaga kahit kelan 'tong si Ceska.
"Eh kasi naman ho, ayaw ko pang matulog ho." Iba talaga punto nitong babaeng 'to. "AHA!"
"Anung aha?" tanong ni Eril.
"Let's play games." suggest ni Ceska.
"TAMA!" sabay sabay nilang sabi.
Okay, games wouldn't hurt, right? I'll join them. Napag-usapan nilang sa may garden na maglaro. Maganda talaga ang bahay nila Charmaine, there's a pool beside the flower patch. At may fountain naman sa gitna ng pool nila. Naupo kami sa grass in a circle formation.
"What now guys?" curious kong tanong. Sila lang naman nag-usap sa mga games na gagawin eh. Wala rin naman akong alam na kung ano kaya quiet nalang ako.
"Here's the drink guys!" biglang dating naman ni Eril na may hawak hawak na bote ng... wine? Or beer? Nako! I won't!
"What's that?" gulat kong tanong.
"Naman Kath. The Bar lang 'to. Di to nakakalasing, promise."
"'Kay fine whatever. I won't drink naman eh." I gave them smile at sila naman ang nagbigay sakin ng frown. "What?" para namang ngayon lang sila nakakita ng hindi umiinom.
"Aysus. Basta, it depends sa result ng game yun ha? Okay, let's start."
"Ay teka nga muna kasi. Ano bang game 'to?"
"The most common. Oh tara dali!"
"The most common? May game ba na ganun ang tawag? Ngayon ko lang narinig." sabay kamot sa braso. Ayaw ko sa ulo. That's so... uhh—yeah.
"Spin the bottle. Ano pa ba? Oh ano, game na?"
"Let's get in on!" excited na sabi nila. While I'm still emotionless.
First spin, kay Eril natapat.
"Truth or Dare?"
"Uhm." napaisip muna siya. "Truth."
"Nagka-girlfriend ka na ba?"
"Ano ba yan, teh! Nakaka-goose bumps naman yang tanong mo. Iba nalang! Eeeeh! Kadirs-dirs!"
"Ang arte arte mo! Sagutin mo nalang kasi yung tanong. Bawal mag-inarte okay? Di bale sana kung maganda ka!" Charmaine.
"Oo! Bakit, may angal ka? Talo pa ng skin ko ang face mo oh! Tch."
"Sagutin mo nalang kasi Eril." Matt
"Okay okay, fine." he sighed first. "Meron na kasi okay. Meron na. Inaamin ko, tatlo sila noon. Sabay sabay. Okay na kayo? Eeeh! Kadiri talaga!" Eril was disgusted. Haha. Baliw talaga 'to.
"Grabe namang dami nyan ah! Mas chickboy ka pa sakin." Matt
"Edi inamin mo ring chickboy ka! Sinasabi na eh! Tch." sabi ni Charmaine then she crossed her arms. Selos ba 'to?
"Oo. Dalawa sila ngayon." pag-amin ni Matt. Yumuko lang si Charmaine at natahimik. "Si Charmaine at si Li." dagdag ni Matt. I can see Charmaine's eyes lit up. Eh iisa lang naman kasi si Charmaine at Li.
"Sus! Kilig ka naman Char." Eril
"CHE! Osige sige, next na!"
Second spin, tumapat kay Sharlyn.
"Truth na din ako."
"Okay. Since puro aral ka lang naman lagi Shar, may naging crush ka man lang ba?" believe me, they're so curious about this girl, Sharlyn. Napakatahimik at mahinhin nya. Wag naman sana syang matulad dun sa ibang babae na kung sino pa yung mahinhin, siya pa yung wild.
"Wala." She looked away. "Pero ngayon, meron na."
"WOOOOH!" sabay nilang sigaw.
"Sino naman?" Ako na nagtanong. I'm not curious, it's just that—okay I'm slightly curious.
"Wag kang magagalit, Kath ha?" Nahihiya nyang sabi.
"Ha? Bakit naman ako magagalit? Saakin ka ba may crush? Okay lang. Kaya kong maging lalaki for you. Hahaha!" First time that I laugh this week. Sobrang stressed eh.
"Kath ikaw yan? O baka alien na 'tong kasakasama natin? Gawd!" Charmaine
"Sus! Parang tumawa lang eh. Ikaw nalang ang tumawa Char, liliwanag pa ang puso ko." sabi ni Matt with matching sinasadyang-kilig gestures.
"CHE! Eto fifty, bumili kang light bulb!"
Tawanan naman kami. Masaya. Masaya silang kasama. If only Lindsay and Yna are here. I miss them already!
"Pero seriously, sino ba yun Shar?"
"Si..." she sighed. "Kenneth." at tuluyan na nyang binaon ang muka nya sa scarf nya.
"Sus. Yan naman pala eh. Bakit pa sinasabi mong magagalit ako? Pagmamay-ari ko ba sya?" biro ko sabay tawa.
Okay, what was that? I felt someone pinched my chest.
Tuloy tuloy na dun ang asaran. Sinasabi na nga ba eh. Di kami talo ni Kenneth. He's... okay fine I'll be honest, he's gentle man, matalino, mabait, creative, eh ewan. Parang lahat na eh. Pero no, I don't and won't like him. Itataga ko yan sa bato!
Mga nakailang spin na din sila ng bottle at fortunately hindi pa din ako natatapatan nito. Buti naman. Eleven na, hindi pa naman ako inaantok pero nagugutom ako. I need snacks. Tatayo na sana ako nang sa akin naman natapat ang end ng bottle.
"Oy, oy babaita! Bawal tumakas ha?"
"Okay fine whatever!" umupo na ulit ako.
"Oh, ano? Truth or Dare?"
Kailangang mag-ingat ako sa pagpili, baka kung ano lang ipatanong o ipagawa ng mga ito eh, delikado. Kung truth, siguro sa love life ang itatanong ng mga yan. Kung dare naman, sure ako na puro kalokohan lang ang ipapagawa sakin ng mga 'to.
"Truth—ay hindi! Dare nalang pala."
Dare? Wag!
"Wait—Truth nalang pala. Hehe."
Mas mahirap pang mamili dito kumpara sa multiple choices sa exam eh.
"Hay nako! Truth AND Dare na. Dali." Eril.
"HA?! Ang daya nyo! Bakit sakin parehas?"
"Malamang. Pabago-bago ka kasi, kaya ayan magtiis ka!" at tsaka ako binelatan ni Eril. Nakakainis! Sa sobrang pagiingat, lalo pang napasama eh. Tch!
"Oh sige, magtatanong na ako."
"Di ko din naman sasagutin." At ako naman ang dumila sa kanila.
"Pag hindi sumagot o ginawa ang mga inuutos, magsh-shot."
Shot? Ayoko. Tch. "Okay. Fine! Eeeeh! Kainis kayo ah!"
"Ganun talaga. Okay eto na ang tanong. May first kiss ka na ba?"
"Ang dali naman pala eh." akala ko kung ano ano pang ipagtatatanong nitong mga 'to. Yun lang pala. Sus. Ang dali dali. "Malamang wala pa."
"Yun naman pala eh. Dare na tayo. Go kiss Kenneth. Smack lang."
Nawala ata ako sa sanity ko nung narinig ko yun. "Are you out of your mind?! Eril naman eeeehh! Ayoko! matutulog na ako."
Hinawakan ako ni Kenneth sa braso at hinigit papalapit sa muka niya. At doon na nangyari ang first kiss ko. Ang lambot ng labi nya. Halos tumagal ang smack ng four seconds. I was stunned. Hindi ako makausap noong bumitaw na si Kenneth sa pagkakahalik nya sa'kin.
"WOOOOH!" sabay sabay nilang sigaw. At doon na ako natinag.
"WAAAAHHH! Nooooo! Ang first kiss koooooo." I faked a sob. Nakakainis! Bakit sa kanya pa?! Humarap ako kay Kenneth at tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit mo naman ginawa yon?!"
"Gus-toh koh eh."
"Nababaliw ka na ba?! Makaalis na nga." I muttered the last phrase. Nakakainis! Paano nalang ako makakatulog ngayong gabi? Wala ang fave kong stuff toy. And hey, hindi lang sa mga bata ang teddy bears ha?
"Wait! Stay."
Hindi ko naman alam kung anong pumasok sa isipan ko at bumalik ako sa pwesto ko kanina nang walang sinasabi at hindi umiimik masyado. Patuloy pa din sila sa pangaasar nila, pero pinili ko nalang na magmukhang hindi affected kahit sa loob ko ay sobra akong nainis na natuwa na—wait?! Natuwa? WAAH! Makipanig ka brain sa pagkainis ko!
Nagsawa na kami sa mga kalokohang pinaggagagawa namin sa spin the bottle, kaya naisipan nilang mag-shot nalang. Ako naman hindi pumayag, nakaupo lang ako sa isang tabi na malapit sa pool. Nilabas ko nalang ang iPhone ko at naglaro ng Angry Birds. Tch! Nakakainis yung baboy na 'to! Ang sarap ibato ng iPhone eh. Kaso wag pala, sayang. Makapunta nalang ng sala, magpapaantok na ako. Wala naman akong gagawin dito eh, ayoko pa din namang mag-inum, wala sa vocabulary ko 'yun.
"Kathyyy!" lumapit sakin si Kenneth na parang hilong hilo siya. Hindi pala parang, hilo talaga siya.
Niyakap nya ako. Wala naman akong magawa kundi saluhin ang weight nya. Ang bigat bigat mo!
Waa! Ang bango mo Kenneth! Anong pabango mo? Wait. Stop it brain. Tch.
"Kenneth, umayos ka nga! Ang bigat mo!"
"It's kind of hot! Let's..." niyakap nya pa ako ng mas mahigpit at sinadya nyang mahulog kami sa pool. Ang lamig! Déja vu na naman.
"What the hell?!"
Nilapit nya muka nya sa'kin. Nanaman? "Will you love someone like me?"
Sa sobrang lapit ng muka nya sakin, amoy ko ang amoy ng alak na nanggaling sa bibig nya. Pinilit ko namang lumayo sa kanya, pero lapit pa din siya ng lapit.
"You're drunk. Let's get out, I'll take care of you." kahit labag sa kalooban ko.
"Let's stay. Let's dance!"
Ang kulit ni Kenneth. Kung ano anong sinasabi at ayaw papiit. Para syang bata dito ah.
"Ugh! You're so stubborn! Iwan na nga kita dyan!"
Hinawakan nya ulit ang kamay ko at pagkatingin ko sa kanya.
Doon na naglapat ang mga labi namin—Ulit.
Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top