Chapter 18: I'm not Juliet

Chapter 18: I'm not Juliet

***

"Ano ba yan guys! Ayoko ngang mag-portray kay Juliet! Tch!" I crossed my arms. Nakakainis! Sabi't ayokong maging lead character eh. Kainis talaga! Sinasabi ko na nga ba eh. Tsk tsk!

"Eh sino pa bang ibang gaganap?" tanong ni Sharlyn.

"Malay ko. Basta wag ako! Please?" Ayoko talaga. Please no no no!

Isa nalang ang tanging paraan para makaiwas sa gulong 'to.

"Guys! Ako na lang ang leader ha? Wala nang aangal." I announced. Dahil pag ako ang leader, wala silang choice sa mga ipapagawa at sasabihin ko. Kailangan nilang sumangayon without hesitation. Iba na talaga pag mautak. Heaven to the yes!

"Akala ko ba ako?" sabat ulit ni Sharlyn.

"Tsk! Ako na nga eh. Tapus ikaw na lang si Juliet." magsasalita pa sana siya kaso siningitan ko kaagad. "Hep, hep! Wag kang kokontra. Or else..." I shot her a playful glare. Di ako masungit, fyi. :)

"Okay, sige sige." halata sa muka ni Shar ang pagka-inis. I understand naman, kasi kung ako nga ayaw din eh. Pero no choice siya, ayoko kasi talaga eh. "Pero dapat mataas ang grades ko dito ha? Kaya pag-igihin mo ang pag-direct, Kath." dagdag nya. Iba na talaga pag Salu. Tch.

"Oo na. Ako pa." then nag-pogi sign ako. Yes. I'm pogi, got a problem?

Napagusapan na din namin kung sino ang Romeo. And as expected si Kenneth yun. Tss! Ano pa bang magagawa ko? Alangan namang makipag-talo pa ako dito sa mga fangirls ni Kenneth. Ano ba yan, may sariling fans pang nalalaman eh!

Since araw araw naman kaming may English period, nagiging maayos naman yung play namin. At the end yung magiging resulta daw ng play namin ang magiging grade namin sa periodical test namin, kaya naman lahat kami sobrang busy. Sa paulit-ulit naming pagre-rehearse eh nakakabisado ko na yung lines ng mga characters lalo na yung kina Romeo at Juliet. Paano ba naman kasi, maya't maya gustong mag-rehearse ni Sharlyn. Mukhang may nasesense ako ah.

"No! Not like that Kenneth. Ayusin mo naman. Okay?" pagsaway ko kay Kenneth. Para kasing nawiwindang si Kenneth ah. Spaced-out sya masyado. Tch.

"I can't do this." nakatungong sabi ni Kenneth.

"Anong problema?" tanong ni Sharlyn kay Kenneth, pero hindi naman sumagot. Tiningnan ako ni Sharlyn na para bang tinatanong kung anong meron. I just shrugged, I don't know either. "Katherine Villanueva naman kasi! Sabi nang hindi bagay sakin maging Juliet eh. Ikaw nalang kasi!"

"Na-uh!" I shook my head. A-yo-ko! Pati, anong di bagay sa kanya? Okay nga yung projection ng voice nya eh, yun nga lang sumasablay minsan sa gestures. Pero all in all okay naman, wala masyadong mali. "Okay lang kaya Shar. At wag ka nang mag-inarte dyan Kenneth. Lahat tayo dito nahihirapan okay? Kaya nga GROUP presentation, diba? Now, umayos na. Pwede?" sumunod naman sila lahat.

"Act two, scene one. Action!" To the highest level ang pag-career ko sa pagiging director, oha!

"Can I go forward when my heart is here? Turn back, dull earth, and find thy centre out." Exclaimed Romeo—este ni Kenneth. Kung tutuusin, nakaka-in love ang boses nya. Boses lang naman, kaya sana naging boses na lang siya. Swerte ng taong kakantahan nito. Eeeep! Back on the scene.

Sumunod naman na lumabas sa scene sila Benvolio at Mercutio na naipo-portray ng dalawang makulit naming classmate. Pero in this play, ang seryoso nila. Wooh! Lucky to have them like this.

"Next scene!" Umalis na yung dalawa. My favorite part na! "Act Two, scene two; Capulet's Orchard. Action!" I yelled.

"But, soft! what light through yonder window breaks? It is the east, and Juliet is the sun." entered Kenneth.

Patuloy lang siya sa pagsasalita, ang ganda talaga nang pagkakabigkas nya. Mapa-tono man o accent, kuha nya. Pwede ng next Leonardo DiCaprio. Infact, he's much better than the actor. And that's a compliment. Yaan na, ngayon lang naman.

  

"...See, how she leans her cheek upon her hand! O, that I were a glove upon that hand, that I might touch that cheek!"

"Ay me!" Pag-pasok naman ni Sharlyn na si Juliet.

Maayos naman 'tong scene na ito. Ayos na ayos. Ang galing ko talaga! Nyeh, conceited. Eto nalang; ang galing talaga ng teamwork namin. I gave Sharlyn and Kenneth a smile as a sign of their good work. Tapos na ang favorite part ko. Actually, dapat nga may kissing scene dyan si Romeo at Juliet eh, kaso syempre aayaw nilang dalawa. Sus! Pakipot pa itong si Sharlyn, siya na nga itong binibigyan ko ng pagkakataon eh.

At since mahaba ang play, nag-cut din kami ng ibang scenes like yung kung papaano namatay si Mercutio at Tybalt. At dahil usually na magugulo ang mga lalaki, sa scenes na lang ni Romeo at Juliet kami hindi masyadong nag-cut.

"Take five, guys."

Nagpahinga na muna kami. Grabe kapagod. Kung hindi lang grade ang nakasalalay dito, nung una palang nag-give up na ako eh.

"I can't do this."

Nagulat ako. Bigla nalang sumulpot si Kenneth.

"Anong sinasabi mo?!" pagtataray ko. Sorry, pagod lang eh. Bukod sa pagdi-direct, meron pang costumes and props na kailangang ayusin.

"I can't..." tumungo ulit siya. "Act. I've never done this before."

Natawa naman ako dun. Hahaha! At sa muka ni Kenneth, nagtataka siya.

"Seriously?" Natatawa ko pa ding tanong. "Bakit mo naman seseryosohin 'to? Miske naman sila oh," Tinuro ko yung iba naming ka-group na lalaki. "Hindi din sila marunong but they're trying." I patted Kenneth's back at lumabas muna ng room. Lalanghap lang ng preskong hangin.

***

After four days of rehearsal, bukas na ang general rehearsal namin though sa monday pa ang play. Ang intense talaga nitong play na 'to. Palibhasa strict and terror si ma'am at nage-exert ng effort ang lahat, pero mabuti na din yun at least everybody has cooperation.

"Kath! Sa bahay na lang kaya namin tayo mag-rehearse mamaya?" Charmaine offered. Classmate ko rin yan.

"Oo nga, tapus sleep over na din tayo!" excited naman na sinabi ni Eril, ang gay naming classmate. Tss. If I know, gusto lang nyang maka-chansing sa boys naming classmate.

"Hold your nose bakla!" singit naman ni Charmaine. Magbest friend yang dalawang yan. May itsura naman si Eril, sobrang sayang nga lang kasi nga— ganyan sya. "Pero come to think of it, magandang idea yan ah. Ano, okay ba Kath?"

I gave them thumbs up. Siguro ayos na din. Sawang sawa na din naman akong matulog sa kwarto ko.

"Ayos!" Then Eril and Charmaine exchanged high fives.

After classes, dumiretso muna ako ng bahay para kumuha ng mga gamit. Nang matapos na ako, bumaba ako para magpaalam kina mommy.

"Kuya, asan si mommy?"

Tumayo si Kuya sa kinauupuan nya at  humarap sakin. "At bakit?!" tinaasan nya ako ng kilay. Hahaha! Nakakatawa ka Kuya Kev!

"Para kang chicks kuya ah! Dali na kasi. Asan na?"

"At bakit muna?!" this time nakahawak na yung kamay nya sa waist nya. Tss. Parang ano lang ah.

"Dali na! Tch! Aalis ako. Overnight sa classmate ko."

Umalis sa harap ko si Kuya at bumalik sa harap ng TV without saying a word. Nilapitan ko at pinalo-palo yung balikat nya. "Asan na kasi? Aalis ako ehh."

Nag-fake cry ako na parang bata habang patuloy pa din ang paghampas sa balikat nya. Kainis! Ang manhid nitong lalaking to. TCCCHH!

"Makaalis na nga!" tumayo na ako, kaso nahawakan ako ni Kuya sa kamay.

"Hep hep!"

"HORRAY!"

"Baliw kang bata ka." tsaka ako kiniliti. Sino kaya mas parang bata samin? Sya nga itong nangingiliti eh. Tumatawa naman ako.

"Haha-h-aha~ Sto--hahaha!" Pinilit kong umalis ako sa pagkakakapit ni kuya, at nagawa ko naman. "Asarness din noh?" Tsaka ako nang-isnab. Kainis! Di makausap ng maayos eh. Anong meron dito?

"Di ka pweding umalis. Dito ka lang." seryoso na ang boses ni Kuya.

"At bakit?"

"Line ko yan eeehhh!" Ayan, naging parang pam-bata yung boses. Hahaha! Kainis, na-aaning na ata itong si kuya eh.

"Che! Aalis na ako. 'Kay thanks bye!"

"Di ka nga sabi pweding umalis eh. Dito ka lang, umupo ka." utos nya.

"Kainis naman oh! Ako ang leader ng group namin, at malapit na ang presentation namin."

"Hindi pwede!"

"Ang kulit mo kuyaaaaaaaaaaaa!" sigaw ko. Paano na lang ang grupo ko? Paano na lang si grades? Waaahh! 

"Bakit ba kase?!"

"Una, walang maghahatid sayo."

"Kaya ko ang sarili ko." nga pala, di ko alam ang bahay nila Charmaine. Hala!

"Pangalawa, delikado."

"May kasama akong lalaking classmates."

"Pangatlo, boys!"

"Anong meron dun? Eh diba sila nga yung proprotekta samin? Tch. Naman, kuya eh!" nangigigil na ako at natatawa. Ako yata ang baliw ah.

"Si Kenneth lang dapat sayo."

"ANO?!" Anong meron kay Kenneth, nagayuma ba nya si Kuya? Gee! "May kaklase ako, lalaki. Bakla nga lang, would you consider him?"

"Gay nga diba? Lalaki pa ang tawag mo dun?" pang-asar ni Kuya.

"Naman!" Kainis!

*Beep - beep*

Tumayo ako para tingnan kung sino yung nasa labas.

"Ako na." tumayo si Kuya tapos nai-higit naman ako paupo sa couch. At kelan pa sya naging over protective?

Nagantay ako ng mga ten minutes. Ang tagal naman ni kuya. Papatayo na sana ako nang bumukas ang pinto. Ano ba kasing meron kada tatayo ako? Nakakagigil na ah!

"Hey Kathy!"

Oh no!


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top