Chapter 54
"Laurent, baka dito na lang ako. Ikaw na lang pumasok doon." Pilit ko sa kanya, hindi ko talaga kaya harapin ang daddy niya. Mas nakakatakot iyong daddy niya talaga. Kung takot ako kay tatay, mas natatakot ako sa ama ni Laurent. Hindi man lang alam kung paano ngumiti.
"Don't worry, babe. Nandito naman ako." Huminga ako nang malalim at hinawakan nang mahigpit ang kanyang kamay. Naki-usap kasi siya sa akin na samahan ko siya na kausapin ang daddy niya. Noong una malakas ang loob ko na pumayag pero hindi nagtagal ay nangunguna na aking takot.
"Relax," sabi nito sa akin nang mapansin ako.
"Laurent! Zachna!" Bungad ng kanyang mommy, same hotel lang naman sila pero magkaiba ang floor. "Nandoon ang daddy mo sa terrace." Sinundan namin ito. Pinagpawisan ako dahil sa sobrang kaba. Parang gusto ko tumakbo paalis.
"Dad.." Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang tinawag ni Laurent ang kanyang ama. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan nang tumingin ito sa aming direksyon. Nahugot ko ang aking hininga ng magkasalubong ang aming tingin.
"Sa loob tayo mag-usap." Nilampasan kami nito at pumasok sa loob. Nakasunod lang kami ni Laurent.
"Magpapaiwan ako dito, dad." Didretsong sabi ni Laurent ng maka-upo na kami. Ako kinakabahan kay Laurent, hindi man lang dahan-dahan magsabi. Baka mas magalit ang ama nito.
"Hindi ako makakapayag sa gusto mo. May trabaho ka sa hospital, Laurent. Kaya hindi ka pwede magtagal rito." Hindi na ako nagulat sa kanyang sinabi, alam ko naman na ayaw talaga nito sa akin para sa kanyang anak.
"Dad, I can't leave Zachna here." May halong inis sa boses nito.
"Then, isama mo siya. Just simple like that." Hindi ko maitago ang aking gulat dahil sa kanyang sinabi. "Nasa Maynila ang buhay mo, Laurent. Hindi ka pwede magtagal rito. Isa pa mas maganda kung sa Maynila siya manganak."
"Pag-uusapan muna namin ito, dad."
"Siguro naman sang-ayon ka sa gusto ko, hija. Mas mabuti rin sa kalagayan mo ito."
"Dad, huwag n'yo naman pangunahan si Zachna." Pigil ni Laurent sa ama.
"Just do it, son. Sa ayaw at sa gusto mo babalik ka sa Manila." Madiin na sabi nito.
"Hon, naman.. hayaan muna natin mag-usap sila." Paki-usap nito sa asawa. Tumayo lang ito at naglakad papunta sa terrace. "Hayaan muna ang daddy mo. Ganyan talaga kapag tumatanda."
"Alis na kami, mom. Iuwi ko pa si Zachna." Tumango lang ang ina nito kaya lumabas na kami. Madilim na ang kalangitan nang maka-uwi kami sa bahay. Nasa labas muna kami ng bahay upang magpapahangin.
"Huwag muna isipin iyon sinabi ni daddy."
"Pwede ba sa susunod na araw natayo bumalik sa Maynila." Mahinang sabi ko dito habang nakatingin ako sa kalangitan.
"Babe." Kitang-kita ko ang gulat sa aking sinabi. "Kung ayaw mo bumalik doon, okay lang sa akin."
"Sasama ako sa'yo. Ayaw ko naman magalit sa akin ang daddy mo. Tama naman kasi siya Laurent, nandoon ang trabaho mo. Pero kailangan ko muna magpaalam sa magulang ko."
"Ako ang kakausap sa kanila." Napangiti naman ako sa kanyang sinabi saka sumandal ako sa balikat niya.
Kinabukasan nagulat ako nang makita ang magulang ni Laurent, kausap nito si nanay at tatay. Pinapaalam nito ang gusto nila pagsama sa akin pabalik sa Manila.
"Hindi kami magdesisyon sa gusto n'yo kung hindi ang anak namin," sabi ni nanay. Tumingin sa akin si nanay. "Papayag ka bang sumama sa kanila?" Tumango lang ako, napangiti naman ang ina ni Laurent.
"Huwag kayo mag-alala aalagaan namin ang anak ninyo," sabi nang-ina ni Laurent.
"Sana nga po, ma'am, dahil hindi ako magdadalawang isip na lumuwas ng Maynila at kukunin ang anak ko kapag nalaman kung sinasaktan o nasa hindi maayos siya na kalagayan. Mahirap lang kami hindi katulad ninyo na mayaman pero mahalaga sa akin ang aking anak at mahal na mahal ko iyan. Kaya sana alagaan n'yo," sabi ni tatay.
Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa sinabi nito, kahit kailan ay napakaswerte ko sa aking mga magulang. Hindi man kami mayaman pero puno naman kami sa pagmamahal.
"Don't worry, aalagaan namin si Zachna. Hindi din naman siya pababayaan ng anak namin."
"Isa pa, ma'am, sir, gusto ko sana tanungin kayo kung ano plano n'yo sa anak ko. Bilang isang magulang gusto ko makasal ang anak ko lalo't buntis na iyan."
"Tay.." Tawag ko dito.
"Manahimik ka, Leign. Bilang tatay mo hindi naman ako makakapayag sa live-in na set-up lang gagawin n'yo. Malapit ka ng manganak, ano sasabihin ng ibang tao. Noong una wala akong pake sa desisyon mo dahil hindi naman namin kilala ang ama niyan. Pero ngayon dapat itama n'yo iyan." Ani ni tatay.
"Huwag kayo mag-alala, pagdating namin sa Maynila ay ipapakasal ko sila sa kaibigan ko na-judge." Nagulat ako sa sinabi ng ama ni Laurent. Tiningnan ko si Laurent at nakangiti lang ito.
"Aasahan ko iyan, mapapanatag na kami ng asawa ko." Nag-usap pa sila hanggang sa nagpaalam na-umalis. Habang ako hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng ama ni Laurent. Kaya nakatulala pa rin ako habang inaayos ang gamit ko para bukas. Bumalik lang ako sa aking sarili nang maramdaman ang labi ni Laurent sa aking noo.
"Bakit tulala ang baby ko?" Malambing na sabi ni Laurent at tinulungan ako.
"Sigurado ba ang daddy mo sa kanyang sinabi kanina?" Seryosong tanong ko dito.
"Seryoso si daddy sa kanyang bawat sinasabi, kaya sigurado ako iyon ang gagawin niya kapag nakabalik natayo sa Maynila. Alam ko hindi ito ang bagay nakasal para sa iyo. Pero pansamantala lang ito, babe." Hinawakan nito ang aking kamay. "Civil wedding muna tayo, babe. Pero kapag nanganak ka na ay sa simbahan naman tayo." Hinalikan nito ang aking kamay.
Niyakap ko ito. "Okay naman sa akin kahit sa judge lang kasal natin. Mahalaga ikaw iyong asawa ko. Hindi naman ako mapili. Nagulat lang ako dahil sa sinabi ng ama mo. Alam ko kasi na ayaw niya sa akin."
"Huwag mo sabihin iyan. Kapag nakilala ka ni daddy ng lubusan ay tiyak na magugustuhan ka nito." Pinisil nito ang aking pisngi saka mabilis na hinalikan sa labi. Niyakap ko ito ng mahigpit saka bumalik sa pagligpit sa aking mga gamit.
Matapos akong ipagtimpla ni Laurent ng gatas ay pinatulog na ako nito dahil maaga pa alis namin bukas. Pumayag din si tatay na dito na lang magpapalipas ng gabi si Laurent para hindi na ito mahirapan. Hinalikan ako nito sa noo. "Good night, babe."
"Good night.." ganti ko dito at pinikit ang aking mata sabay yakap sa kanya. Na-miss ko ito, iyong nasa tabi ko siya. Una ko makikita paggising ko ay siya.
Maaga kami nagising para sa pagbalik namin sa Manila. Binaba ni Laurent ang aking mga gamit. Pagbaba ko ay nakita ko agad ang mukha ng aking ina na maiyak-iyak na. Nilapitan ko ito at agad ako nito niyakap.
"Mag-iingat ka doon, huwag mo pabayaan ang sarili mo. Tawagan mo kami palagi." Paalala ito sa akin.
"Oo, nay. Kayo rin dito, Ivo ikaw na bahala kay nanay at tatay," sabi ko sa aking kapatid.
"Oo naman, ate. Huwag ka na mag-alala. Kuya, alagaan mo ang ate ko. Kapag sinaktan o pinaiyak mo iyan ay makakatikim ka talaga nitong kamao ko," banta nito kay Laurent. Napailing na lang ako dahil sa sinabi nito.
"Laurent, alagaan mo anak namin." Tinapik ni tatay ang balikat ni Laurent.
"Makakaasa po kayo, tay. Hindi ko po pababayaan anak n'yo. Mahal na mahal ko po ito, hindi ko po ito kaya saktan. Siya po mananakit sa akin." Natatawang sabi nito kaya tiningnan ko ito ng masama.
"Joke lang," sabi nito sabay akbay sa akin. "Sa kabuwanan po ni Zachna, gusto ko po sana nandoon kayo." Nagulat naman ako sa sinabi ni Laurent. magkahalo ang aking emosyon dahil dito.
"Laurent.." mahinang tawag ko dito.
"Alam ko na gusto mo nasa tabi sila sa araw na iyan." Hindi ko mapigilang yakapin siya. "Huwag kayo mag-alala sa gastusin, ako na po bahala."
"Napakabuti mo talaga. Kaya ikaw Zachna, huwag mo sasaktan ito," sabi ni tatay kaya napasimangot ako. Bakit parang ito ang anak niya.
"Tay, ako ang anak ninyo, paalala lang." Natawa sila sa sinabi ko.
"Tama na iyan, baka mahuli pa kayo sa flight ninyo. Pasensya na kung hindi namin kayo maihatid."
"Okay lang, tay." Niyakap ko sila nang mahigpit saka may inabot kay nanay.
"Anak, hindi namin ito kailangan. Huwag muna kami alalahanin." Binalik sa akin ni nanay ang sobre.
"Nay, para sa inyo iyan. Meron naman ako natira pa." Hinawakan ko ang kamay ni nanay. "Kailangan n'yo iyan, huwag kayo mag-alala kapag may trabaho na ako ay magpapadala ako ulit."
"May pamilya ka na, huwag muna kami alalahanin."
"Magtatampo ako kapag hindi n'yo iyan tinanggap." Napangiti ako nang sumuko na si nanay. Sumakay na kami sa tricycle, kumaway ako sa kanila. Sa hotel kami kung saan nandoon ang magulang ni Laurent, may sasakyan kasi sila na nirentahan para maghahatid sa amin sa airport. Sinalubong naman kami agad nang-ina ni Laurent nang makita kami pababa sa tricycle.
Habang sa biyahe ay naramdaman ko menasahe ni Laurent ang aking ulo. "Ipikit mo lang mata mo, malayo pa tayo. Alam ko sumasakit naman ulo mo."
Napangiti naman ako dahil simpleng bagay ay napapansin niya. Buong biyahe ay nakatulog ako, nagising lang ako pagdating namin sa airport. Nakaalalay pa rin sa akin si Laurent hanggang sa pagpasok sa airport. Nag-check in na kami saka hinintay ang oras ng flight namin.
Buong flight namin ay natulog lang ako, pagdating namin sa Maynila ay hindi ko na maipaliwanag ang aking nararamdaman. Nasusuka ako at sobrang sakit ng aking ulo.
"Are you okay, hija?" Nag-alalang tanong ng ina ni Laurent nang mapansin namumutla ako.
"Okay lang po ako, ganito talaga ako kapag bumibiyahe." Nahihiyang pag-amin ko.
"Ako na bahala dito, Laurent, alalayan mo na lang siya," sabi ng ama ni Laurent at siya na-umaasikaso sa aming gamit.
Doon kami umuwi sa bahay ni Laurent, sinalubong pa kami ni Lauren. Nagulat pa ito nang makita ako at napatingin ito sa aking t'yan. Kinukulit pa sana ako nito pero pinigilan ito ni Laurent at dinala ako nito sa kanyang kwarto upang magpahinga. Nakatulog naman ako agad dahil sa sakit ng aking ulo.
Madilim na ang kalangitan nang magising ako. Nahihiya man ako bumaba pero nauuhaw na talaga ako. Hindi ko nakita si Laurent hanggang sa makarating ako sa kusina. Binigyan naman ako agad ng kanilang katulong ng isang basong tubig.
"Manang, nakita n'yo ba si Laurent?" Nahihiyang tanong ko.
"Ayy, ma'am, nakita ko po si Sir Laurent na umalis kanina,' sagot nito.
"Salamat po." Huhugasan ko na sana ang basong ginamit ko pero pinigilan ako ng kanilang katulong at ito na ang naghugas. Aakyat na sana ako sa taas upang doon na lang hintayin si Laurent pero nakasalubong ko ang ama ni Laurent.
"Can we talk?" Napatango lang ako at sumunod dito hanggang sa makarating kami sa hardin. Nakayuko lang ako habang nakatingin sa aking mga kamay. Natatakot ako lalo't wala si Laurent dito.
"I'm sorry." Napatingin ako dito bigla dahil sa aking narinig. "I know, hindi maganda ang nasabi ko sa iyo. Sana mapatawad mo ako. Inaamin ko na mali talaga ginawa ko sa iyo. Gusto ko lang naman pahirapan ka nun para tigilan muna ang anak ko. Alam kung sobrang mali iyon at nagsisisi na ako." Naramdaman ko naman na seryoso siya sa kanyang mga sinabi.
"Naiintindihan ko po," mahinang sabi ko. "Huwag kayo mag-alala, hindi po ako nagtanim ng galit o samang loob sa inyo. Naunawaan ko po kayo bilang isang magulang kung bakit ginawa ninyo iyon."
"Hindi nagkamali ang anak ko sa kanyang napili. Napakabuti ng iyong puso, hija."
"Iyon po lagi sinasabi ng magulang ko sa akin, sir."
"Stop calling me sir; instead, call me dad from now on. You will become Mrs. Craige in a few days. You will be part of our family. Magsimula tayo ulit, kalimutan natin ang nakaraan."
"Okay, sir.. Ayy! Dad pala," nahihiyang sabi ko samot kamot sa aking ulo.
"Kapag may kailangan ka o gusto kainin. Huwag ka mahiyang sabihin sa akin o sa mga katulong dito."
"Salamat po."
Pagkatapos ng aming pag-uusap ay bumalik na ako sa kwarto. Nagtingin-tingin ako sa kwarto ni Laurent. Sobrang laki nito at napuno ito ng mga libro. Hindi maipagkakaila kung bakit matalino ito dahil sa dami ng libro. May mga picture din niya at halos lahat ay hindi siya nakangiti. Pinaglihi yata ito sa sama ng loob. Nakuha yata talaga sa ama nito na laging seryoso ang mukha.
"Baby, huwag katutulad sa daddy mo, laging nakasimangot," mahina kung sabi habang nakahawak sa aking t'yan. Napalingon naman ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Laurent. Ngumiti naman ito nang makita ako at lumapit sa akin saka ako niyakap sabay halik sa aking noo.
"Saan ka galing?" Tanong ko dito.
"Bumili lang ako ng gatas mo tapos dumaan na rin ako hospital. May kinuha lang ako na papel," sagot nito. "Bumaba na tayo, kakain na. Bumili rin ako ng hilaw na mangga, wala akong nakitang bayabas dito." Napakamot ito sa kanyang ulo.
"Okay na iyan, masaya na ako dahil may mangga." Nakangiting sabi ko sabay pisil sa kanyang pisngi. Natakam natuloy ako kainin iyong mangga kaya excited akong bumaba. Pagbaba namin nakita ko agad ang pamilya ni Laurent. Tahimik kaming kumakain, medyo nawala na rin iyong ilang ko dahil napag-usapan na namin ang mga nangyari noon.
Mabait naman sa akin ang ina ni Laurent, inaasikaso talaga ako nito. Kapag may trabaho si Laurent ay kasama ko si Lauren at ang ina nito. Minsan ang ama ni Laurent maraming dala na pagkain para sa akin. Natuwa naman ako dahil sa ginawa nila at naramdaman ko natanggap nila ako ng lubusan.
Kaya lang mas tumaba ako dahil spoiled na masyado.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top