Chapter 53
Nagising ako dahil sa sikat ng araw galing sa aking bintana. Bumangon ako at kinuha ang panali sa aking buhok. Inayos ko muna aking higaan bago ako bumaba. Bumungad sa akin si nanay nakangiti.
"Tawagin muna ang tatay mo upang kumain natayo." Paki-usap sa akin ni nanay. Kaya nagtungo ako sa may likuran kung saan nandoon si tatay sabi sa akin ni nanay.
"Tay, kain na," sigaw ko at naglakad palapit sa kanila. Pero natigil ako nang makita si Laurent, tinutulungan nito si tatay.
"Oh..kumain muna tayo. Mamaya na natin ito tapusin," sabi ni tatay at binaba ang hawak na palakol. "Mukha mo, Leign?" Para kang nakakita ng aswang sa hitsura mo." Narinig ko ang pagtawa ni Ivo kaya tiningnan ko ito nang masama. "Pumasok na tayo.." Nauna naglakad si tatay at sumunod si Ivo dito. Naiwan kaming dalawa ni Laurent.
"Bakit parang nagulat ka? Hindi ba sabi ko babalik ako," ani nito sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya, pawis na pawis na ito. Kanina pa ba sila ni tatay dito.
"Pumasok natayo, tinawag na nila tayo." Hinawakan ako nito at nagsimula maglakad pero tumigil ako kaya napatingin siya sa akin. "Mamaya natayo mag-usap." Tumango at sumunod na lang ako.
Pagpasok namin sa loob ay inasikaso ni tatay si Laurent. Close na sila agad kaya sobrang nagtataka ako. Napatingin naman sa akin si nanay sabay ngiti sa akin. Nang abutan ako ni Laurent ay nagpasalamat lang ako. Matapos naming kumain ay hindi na ako pinatulong ni nanay maghugas kaya pinuntahan ko si Laurent sa may likuran kasama si Ivo.
"Sa loob muna ako, kuya.." Paalam ni Ivo kay Laurent kaya napataas ang kilay ko sa narinig ko na kuya na ang tawag niya kay Laurent. Nagkamot lang ito ng ulo at umalis na. Napatingin naman ako kay Laurent nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin.
"Upo ka muna dito, baka mangalay ka saka tatayo." Binigay niya ang upuan na kahoy sa akin. Nagpasalamat naman ako dito, sobrang tahimik namin. Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula. Nagsisi tuloy ako na pinayagan si Ivo umalis.
"Pwede ko na ba malaman kung bakit nagawa mo iyon sa akin, Zach?" Napatingin ako sa kanya pero agad naman umiwas ako saka napayuko. Nilalaro ang aking kamay, iniisip kung saan ako magsisimula.
Maiintindihan naman niya di ba? Hindi naman siya magagalit?
Huminga ako nang malalim. "Kasi ayaw ko magalit ang pamilya mo sayo dahil matigas ang ulo mo. Kaya-"
"Nakipaghiwalay ka sa akin? Fuck! Zachna naman, bakit mas pinangunahan mo ako. Kaya ko naman ang pamilya ko." Inis na sabi niya. Alam ko pinipigilan niya magtaas ng boses, nararamdaman ko ito.
"Kaya? Lagi mo na silang nakaka-away. Naisip ko rin Laurent, baka hindi talaga tayo para sa isa't-isa. Nakita mo naman buhay ko dito. Nakatira ka sa malaking bahay habang ako sa simpleng bahay lang. Mayaman ka habang mahirap naman ako." Mahinang sabi ko habang nilalaro pa rin ang aking kamay.
Hindi ko talaga kaya siyang tingnan.
"Wala naman sa estado ng buhay iyan, Zach. Kaya naman kita ipaglaban sa pamilya ko." Halata sa boses nito ang frustasyon.
"Magka-iba tayo, ikaw kaya mo habang ako hindi ko kaya labanan pamilya mo."
"So ganoon mo lang itatapon ang lahat. Dahil lang sa ayaw nila sa iyo para sa akin?"
Pinunasan ko aking luha sa aking pisngi, nakayuko pa rin ako. Ayaw kung makita niya na-umiiyak ako. "Akala mo ba, ganoon kadali sa akin? Ang hirap din kaya sa akin Laurent. Pero ano magagawa ko?! Hindi nila ako titigilan hanggang sa hindi kita hiwalayan." Hindi ko na maitago ang aking emosyon. Nahirapan na ako magsalita dahil sa taksil kung mga luha.
"Ayaw ko rin naman ng dahil sa akin itakwil ka ng magulang mo. Hindi mo man sinasabi sa akin pero napapansin ko. Iyong mga pasa mo sa tuwing nagkikita tayo. Alam ko na dahil iyon sa away n'yo mag-ama."
"Pero Zach, gagawin ko naman lahat para lang ma-ipaglaban kita. Pero ano ginawa mo? Iniwan mo ako. Bigla mo na lang sasabihin na hindi mo ako mahal. Ang sakit dito, Zach." Turo niya sa kanyang dibdib.
"Araw-araw ako nagtatanong, ano ba talaga nagawa ko? Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Araw-araw 'yon, Zach!" Kahit ano pigil niya sa kanyang boses na manatili itong kalmado pero nabasag ito. Kaya napatingin ako sa kanya, kahit malabo pa paningin ko dahil sa luha. Nakita ko ang bawat butil naluha tumulo sa kanyang mga mata.
Ilang beses ko ba paiiyakin ang tao na ito? Ilang beses ko ba masasaktan siya?
"Sorry," mahinang sabi ko. Labis ko talaga siyang nasaktan. Kahit sino naman lalo pa sa ginawa ko iyon sa araw na dapat special sa aming dalawa.
"Pero alam mo ano nakakatawa. Kahit gaano mo ako sinaktan ay gustuhin pa rin kitang habulin. Ilang buwan nakita hinahanap. Pabalik-balik ako sa apartment at tinitingnan kung bumalik ka na ba. Hindi ako tumigil, Zach." Hindi ako makapaniwala sa aking narinig, akala ko tumigil na siya dahil ikakasal na siya.
"Iyong nalaman ko may medical mission sa lugar n'yo ay agad ako gumawa ng paraan para mapasama. Kahit nagbabasakali lang ako na makita ka. Ang laki kaya ng lugar na ito, hirap naman isa-isahin ang bahay para lang makita kita. Mabuti na lang at dininig ang panalangin ko na makita ka."
"Kahit naman magkita tayo hindi na pwede dahil ikakasal ka na." Hindi ko mapigilan nasabihin. Pinunsan ko ang aking luha at tumayo ako. "Alam ko naman na-ikakasal ka na. Bakit ka pa nandito?"
"Para makita ko ang taong karapat-rapat kung pakasalan." Napatingin ako sa kanya.
"Laurent.." Iyon lang tangi kung nasabi dahil sa gulat.
"Ikaw lang gusto ko pakasalan, Zach." Seryoso ito nakatingin sa akin.
"Paano si Everey?" Kinakabahan kung tanong.
"Siya na-umurong sa kasal, hindi niya kaya makita na pinilit lang ako. Kung gusto n'ya ikasal kami iyong dahil gusto ko. Sinubukan naman niya mapalapit sa akin pero hanggang kaibigan lang talaga maibibigay ko." Lumapit sa akin si Laurent at hinawakan ang aking kamay. "Bumalik ka nasa akin, Zach. Magsimula tayo ulit kasama ng magiging anak natin."
"Teka..paano ang pamilya mo? At saka anong anak?" Naguguluhang tanong ko dito.
"Iyan.." Turo niya sa aking tiyan. "Hindi ba anak ko iyan. Please lang, huwag ka na magsinungaling. Hindi ka magaling sa larangan na iyan. Masyado halata sa mga reaksyon mo." Hinampas ko ito sa braso, kainis naman. Akala niya madali lang magsinungaling, nakakabaliw kaya.
"Paano magulang mo? Ayaw ko madamay anak ko dito dahil ayaw nila sa akin." Inirapan ko ito.
"Kakausapin ko sila, kung ayaw nila wala akong pake. Pipiliin kita palagi, kayo, Zach.." Tiningnan ako nito at hinaplos ang aking pisngi. Hindi ko mapigilan na yakapin siya.
"Teka, paano ka nakakasigurado na anak mo ito? Sinabi ko di ba na hindi ito sa iyo?" Nagtatakang tanong ko.
"Nakalimutan mo yata na doctor ako. Tsk..Nagtanong ako sa nanay mo kung ilan buwan na. Tapos kung bibilangin sigurado talaga ako na anak ko iyan. Kaya hindi ka na makakatakas sa akin." Pinisil niya ang aking pisngi saka ako hinalikan sa noo.
"Hindi ka na galit sa akin?" Umiling lang si Laurent saka niyakap ako.
"Hindi ko kaya magalit sa iyo. Ano ba pinakain mo sa akin at baliw na baliw ako sa iyo." Hinampas ko ang kanyang kamay dahil panay ang pisil sa aking pisngi.
"Excuse me, wala akong pinakain sa iyo. Maganda lang ako.." Natawa ito sa aking sinabi. Nanatili lang kami sa labas hanggang sa dumating si tatay. Tinulungan ni Laurent si tatay sa pagkuha ng mga kahoy panggatong habang nasa duyan ako nakatingin sa kanila.
Lumapit sa akin si Laurent na sobrang pawis na pawis. Tumayo ako at pinunasan ang kanyang pawis. Nagpaalam muna ako upang kumuha ng maiinom na tubig sa loob ng bahay. Tinulungan naman ako ni nanay, siya ang may dala sa pitsel habang ako naman sa baso. Inabutan ko si Laurent ng maiinom kaya panay tukso sa akin ni nanay.
"Hindi naman halata na anak mayaman iyan. Tingnan mo walang ka arte-arte magsibak ng kahoy." Turo ni nanay kay Laurent napumalit kay tatay upang ito na magsibak ng kahoy.
"Wala naman ako problema sa kanya, nay. Pamilya lang naman niya ang ayaw sa akin." Malungkot na sabi ko, kahit okay na kami ni Laurent hindi pa rin mawala ang takot ko lalo't alam kung lahat magagawa ng pamilya niya gamit ang pera.
"Anong plano mo?"
"Sasamahan ko si Laurent, nay. Kahit ayaw man ng pamilya niya sa akin ay hindi ko na-ulit gagawin iyong ginawa ko. Ayaw ko rin lumaki ang anak ko nawalang ama. Tama kayo, nay, kailangan ng anak ko ang kanyang ama," sabi ko sabay hawak sa aking tiyan.
"Mabuti iyan, nandito lang kami ng tatay mo. Kahit anong mangyari." Nagpaalam muna sa akin si nanay at pumasok na ito sa loob ng bahay. Pinagmasdan ko lang si Laurent kasama ng aking ama. Nang matapos na ito ay lumapit ito sa akin, inabutan ko ito ng pamunas.
"Kailangan ko muna umalis." Paalam nito sa akin.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko dito.
"Sa hotel lang, kailangan ko muna magpalit ng damit. Nakakahiya naman ang amoy ko," sabi nito sabay kamot sa kanyang ulo.
"Huwag ka mag-alala, babalik din ako agad." Tiningnan ko pa ito, iwan ko ba parang ayaw ko siyang umalis. Natatakot ako na baka hindi na siya bumalik. "Samahan mo na lang ako." Parang nabasa nito ang aking iniisip. Mabilis naman ako pumayag at nagpaalam na magbibihis lang. Sinabihan pa ako nito na huwag tumakbo, hindi ko na kasi na-isip nabuntis pala ako dahil sa sobrang excited.
Nag-commute lang kami papunta sa hotel. Pagdating ko doon hindi na ako nagtaka kung iyong mamahalin na room ang kanyang kinuha. Mayaman naman kasi ito. Habang hinihintay siya matapos maligo ay nahiga ako sa kama.
"Zach," malambing na tawag nito sa akin. Unti-unti ko naman minulat ang aking mata at nakita ko si Laurent. Tapos na itong maligo at nakapagpalit na rin ito. Hindi ko pala namalayan nakatulog pala ako.
"Sorry, nakatulog pala ako," nahihiyang sabi ko.
Umupo ito sa may kama at hinaplos ang aking buhok kaya sumandal ako sa kanya. "Normal lang iyan sa buntis. Kalian ba next check-up mo?"
"Next week babalik ako sa clinic," sagot ko dito.
"Nagugutom ka na ba?" Tanong nito sa akin sinusuklay aking buhok gamit ang kamay nito.
"Medyo," mahinang sabi ko.
Nagulat ako nang tumayo ito at hinawakan ang kamay ko. "Kumain muna tayo." Natawa ito nang mabilis ako tumayo. Iwan ko ba ang hilig ko nakumain simula noong nagbuntis ako. Magkahawak ang aming kamay ng lumabas sa kanyang room.
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Laurent nang makasalubong namin ang ina ni Laurent. Nagulat din ito nang makita ako. Napatingin ito sa aking tiyan. "Mom," tawag ni Laurent. Doon lang natauhan ang ina nito.
"Pinuntahan kita dito kasi hindi ka maka-usap ng daddy mo. Babalik natayo sa Maynila bukas," sabi ng kanyang ina.
"Hindi ako babalik sa Maynila." Nagulat naman ang ina ni Laurent sa kanyang narinig. "Dito lang ako, hindi ko pwede hayaan mag-isa si Zachna."
"Laurent.."
"Mom, I hope you will understand. Buntis si Zachna, hindi ko siya pwedeng iwan."
"I understand, pero kailangan mo kausapin ang daddy mo. Ayaw ko na magkaroon naman kayo ng tampuhan sa isa't-isa. Matanda na kami Laurent, huwag muna bigyan ng sakit ng ulo ang daddy mo." Paki-usap ng kanyang ina.
"Yes, mom," sagot nito. Napangiti naman ang ina nito at niyakap si Laurent.
"Pwede ko ba kausapin si Zachna?" Nakaramdam naman ako nang takot dahil dito. Iwan ko ba simula noong nangyari iyon sa amin ni Laurent lagi na ako kinakabahan kapag nababanggit o nakikita ko ang kanyang mga magulang. Natatakot ako na baka sabihin nila nalayuan ko ulit ang kanilang anak.
"Mom.."
"Don't worry, wala akong gagawin na masama. Gusto ko lang siya kausapin." Ayaw pa sana pumayag ni Laurent pero wala itong magawa dahil sa paki-usap ng ina.
"Huwag ka aalis, babalik ako," sabi nito sabay halik sa aking noo. "Mom, please lang. Huwag n'yo naman paiyakin si Zachna, hindi maganda iyon sa anak namin."
"Promise iyan.. Kaya umalis ka na." Tinulak nito ang anak kaya napakamot na lang ito. Pumasok kami sa room ni Laurent habang si Laurent ay umalis upang bumili ng pagkain. Naisipan na lang namin na siya na lang ang lalabas. Kahit natatakot ako ay nilakasan ko ang aking loob na harapin ang ina ni Laurent.
"Maupo ka muna," sabi nito sa akin at sinunod ko ang kanyang sinabi. Sobrang tahimik namin, walang nagsalita sa amin.
"Zachna..." Napatingin naman ako dito nang banggitin niya aking pangalan. Kadalasan tawag nito sa akin ay Ms. Manquez. "I'm sorry, sa lahat nang nasabi ko sa iyo. Ayaw ko naman talaga maging kotrabida sa relasyon mo sa anak ko. Pero ayaw ko lang talaga makitang nag-aaway ang mag-ama ko." Sinserong sabi nito.
Mabilis ako lumapit nang makitang umiiyak ito. Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Naiintindihan ko po, matagal ko na kayong napatawad. Kinausap n'yo lang po ako, hindi ninyo ako sinaktan. Kaya huwag na po kayo umiyak." Nagulat ako nangbigla akong niyakap nito.
"Malaki kasalanan ko sa iyo. Hinayaan ko ang asawa ko na gumawa ng paraan na mahirapan ka hindi makahanap ng trabaho. Wala akong nagawa kung hindi pumayag sa lahat ng gusto niya. Ayaw ko masira ang pamilya ko. Ayaw ko matulad ito sa mga magulang ko."
Hindi na ako nagulat sa aking nalaman, noon pa man ay parang naghinala na ako. Hinawakan nito ang aking kamay.
"I'm sorry.. Sa ginawa namin ng asawa ko. I'm really sorry, Zachna. Hindi namin inisip ang nararamdaman ninyo,sinaktan namin ang anak namin. Kitang-kita ko ang ilang buwan na pagdurusa ng anak ko. Nagsisisi ako sa tuwing nakikita ko siyang unti-unti sinisira ang kanyang buhay." Umiiyak na sabi nito.
Sinabi sa akin ng ina ni Laurent kung ano nangyari simula noong naghiwalay kami. Hindi na pumapasok si Laurent sa trabaho, lagi na itong lasing. Minsan napasama pa ito sa away. Para na itong robot na kung ano sasabihin sa kanyang ama ay sinusunod nito. Parang kailan lang din ito tumigil sa pag-inom pero pinatay naman nito ang sarili sa pagtatrabaho. Hindi na ako nagtaka na makita ito medyo pumayat dahil sa sinabi ng kanyang ina.
"Huawag kayo mag-alala, hindi po ako galit." Nginitian ko ito upang hindi niya isipin na may galit ako sa kanila.
"Hindi ako nagtaka kung bakit baliw na baliw ang anak ko sa iyo, napakabuti mong tao." Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Lalaki ba ito o babae?" tanong ng ina niya sabay hawak sa aking t'yan. Medyo naiilang pa ako pero nang ngumiti siya at biglang naglaho aking kaba.
"Hindi ko pa alam, ma'am. Sa susunod ko pa malalaman," sagot ko dito.
"Huwag muna akong tawagin na ma'am. Just call me, mommy." Nagulat naman ako sa kanyang sinabi, ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. "Alam ko naman na d'yan kayo pupunta ng anak ko. Lalo na't magkaka-anak na kayo. Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging lola na ako." Tuwang-tuwa na sabi nito.
"Per- "
"Huwag ka na mahiya." Napalingon naman kami nang bumukas ang pinto at pumasok si Laurent dala ang kanyang mga pinamili na pagkain. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Kumain muna tayo," sabi ni Laurent at inihanda ang pagkain.
"Kayo na lang. Kailangan ko na bumalik sa daddy mo. Huwag mo kalimutan kausapin siya." Paalala nito sa anak bago ito umalis. Kaya naiwan kami ni Laurent sa hotel.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top