Chapter 52
Mabilis ko itong nilagpasan, nagsisisi natuloy ako kung bakit nagpumilit pa akong sumama dito. Hindi ko naman kasi akalain na makikita ko sila dito. Sumiksik ako sa maraming tao at mabilis naghanap ng pwede pagtataguan. Napasandal ako sa may dingding nang makalabas ako sa gym, habol ko ang aking hininga. Napahawak ako sa aking tiyan nang makaramdam ng kaunting kirot.
Sana hindi na niya ako hinabol, hindi ko kayang tumakbo baka mapaano pa si baby. Sigurado ako nagtataka si nanay sa aking kinikilos kanina. Hinihimas-himas ko aking tiyan upang mawala ang sakit at huminga ako nang malalim. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-text kay nanay na mauna ako sa bahay. Papunta na ako sa sakayan nang-tricycle ng biglang may humawak sa akin. Nahugot ko aking hininga, sobrang bilis ng tibok ng aking puso.
"Bakit ba lagi mo akong tinatakasan, Zach?" Galit na sabi nito sa akin. Akala ko natakasan ko na siya pero nandito siya ngayon sa aking harapan at nakikita ko sa kanyang mga mata na puno ito nang galit. "Bigla ka na lang naglaho na parang bola. Ganyan ka ba talaga?" Mariin na sabi nito.
"Araay.." Napahawak ako sa aking tiyan ng mas sumakit pa ito. Napansin naman ni Laurent kaya biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
"Ano nangyari sa'yo? Teka lang dadalhin kita sa hospital." Tarantang sabi nito pero pinigilan ko lang ito. Baka dahil ito kanina kahit saan na lang ako sumusuot upang matakasan lang siya. Minsan may nababangga pa ako. Baka mawala lang din ito. Inalayan ako nito upang paupuin, huminga ako nang malalim at pinapakalma ang aking sarili.
Unti-unti din nawala iyong sakit. Baka bukas kailangan ko pumunta sa aking doctor upang matinggan ang kalagayan ni baby. Ngayon ko lang talaga naramdaman iyon. Kaya kinakabahan din ako. Napatingin naman ako kay Laurent na seryoso itong nakatingin sa akin.
"Akin ba 'yan?" Hindi ako makasagot sa kanyang tanong. "Zach.." Tawag niya sa akin.. "Ako ba ang ama n'yan?" Tanong nito sa akin.
"Hindi.." Kinakabahan kung sagot. Ayaw ko na nanggulo, tahimik na ang buhay ko dito. Kapag pinapasok ko pa siya ulit sa buhay ko siguradong gugulo na naman ito. Madadamay pa ang anak ko lalo na kapag nakisali ang kanyang mga magulang. "Kaya huwag muna ako kausapin. Matagal na tayong tapos." Tumayo ako at iniwan siya.
Pagdating ko sa bahay ay agad ako nagpunta sa aking kwarto at nahiga. Hinihimas ko ang aking tiya. "Sorry, baby, para sa iyo naman iyong ginawa ko." Mahinang sabi ko. Biglang pumasok sa aking isipan ang mukha ni Laurent kanina. Medyo pumayat ito at halatang walang tulog. Ganoon ba siya ka busy? Kumakain pa kaya siya sa tamang-oras. Marami katanungan sa aking isipan na alam kung wala akong makuha nasagot.
Hindi ko mapigilan mag-alala sa kanya.
Kina-usap naman ako ni nanay kung bakit para akong nakakita ng multo kanina. Para raw akong takot na takot. Sinabi ko na lang nasumakit ang tiyan ko kaya nagmamadali akong umuwi. Kaya nakatikim tuloy ako nang sermon dahil sinabi na niya na hindi ako pasasamahin pero mapilit ako. Kahit ako ay nagsisisi kung bakit pa ako sumama, nagkita tuloy kami.
"Iba talaga maglaro si universe," sabi ni Yanna ng sabihin ko sa kanila nagkita kami ni Lauren kanina. "Ano may spark pa ba?"
"Gaga mo rin minsan ano.." singit ni Kystal. "Bakit sa tuwing nagkikita kayo ni Hanz sa school may spark ba?"
"Kontrabida ka talaga no? Bakit ako nasali dito? Kay Leign at Laurent iyong topic natin." Nagsisimula na naman silang dalawa.
"Hindi lahat ng mag-ex may-spark kapag nagkita."
"Bitter ka lang kasi nang nag-break kayo," saad ni Yanna kaya nakatanggap ng batok kay Kystal. Naghiwalay kasi kahapon si Kystal at ang jowa nito. Nalaman kasi niya nag-cheat ang boyfriend nito at ang malala pa ay katrabaho lang nito ang babae. Ako din iyong nasasayangan sa limang taon nila.
"Hindi ako bitter, hindi ko siya kawalan. Ako ang kawalan.." Inirapan niya si Yanna kaya tawa lang ako ng tawa habang pinanuod sila.
"Back topic tayo kay Leign. So bakit nand'yan si doki?"
"Hindi ko alam. Hindi ko naman akalain na sila pala iyong doctor sa free medical mission dito sa lugar natin. Kung alam ko lang hindi na ako pumunta doon." Nakasimangot kung sabi sa kanila.
"Baka sinundan ka..OMG!! pag-ibig nga naman."
"Sa kababasa mo iyan, Yanna. Kahit siya nagulat noong makita ako."
"So? si universe talaga ang may gawa.." Kinikilig na sabi nito at may pahampas pa ito kay Kystal kaya nabatukan na naman siya.
"Tama na 'yan.. patayin ko na ito. Inaantok na ako." Paalam ko sa kanila at pinatay na ang tawag. Nahiga na ako sa kama saka niyakap ang stuffed toys hanggang sa makatulog na ako.
Nagpunta naman kami ni nanay sa clinic, gusto ko magpa-check dahil sa nangyari kahapon. Sinabi naman nang-doctor na okay lang si baby, iwasan ko lang ma-stress. Pinalala sa akin nakumain ng healthy foods at laging inumin ang vitamins. Pagkatapos namin ay pumunta kami sa palengke, sinamahan ko na si nanay at nagpabili na rin ako ng mangga.
Pagdating namin ay tumambay lang ako sa may likuran doon sa may duyan. Bigla ko gusto kumain ng bayabas, naiisip ko pa lang ay naglalaway na ako. Wala naman bunga iyong bayabas namin dahil naubos ko na. Kaya pumunta ako kay Aling Ester upang manghingi sana pero wala naman tao kaya nagpasya na lang ako umuwi. Pero napahinto ako ng makilala ang lalaking pasilip-silip sa bahay namin.
"Ano ginagawa mo dito?" Napalingon naman ito sa akin at ngumiti nang makita ako.
"Gusto lang kita maka-usap."
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Nilampasan ko siya pero mabilis ako pinigilan.
"Zachna naman, mag-usap naman tayo. Parang-awa muna. Ano gusto mo? Lumuhod pa ako sa harap mo para lang kausapin ako." Inalis ko ang kamay nito na nakahawak sa akin.
"Laurent, nakiki-usap ako. Hayaan muna ako, wala na tayong dapat pang pag-usapan."
"Ganyan ka ba talaga, Zach, parang wala lang sa iyo lahat. Sana ganyan din ako, iyong hindi nasasaktan. Kay dali mo naman kalimutan lahat, Zach." Mabilis ko pinunasan ang luha sa aking pisngi, mabuti na lang at nakatalikod ako sa kanya. "Kay bilis mo naman tinapon lahat ng pinagsamahan natin. Ano ba nagawa kung mali, Zach. Ginawa ko lahat para ma-iparamdam sa iyo na mahal kita. Kahit pamilya ko pa nga, handa ko talikuran para sa iyo."
"Halos ikaw na ang mundo ko, Zach. Pero parang wala lang ako sa iyo. Ang bilis mo naka-move on habang ako naiiwan pa rin sa nakaraan. Patuloy na hinahanap ang sagot kung bakit ganoon kadali na-iwanan mo ako." Hirap na hirap na sambit niya, basag na rin ang boses nito.
"Hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa." Lakas na loob kung sabi ko. Pinipigilan na pumiyok. "Kaya kalimutan muna ako." Malamig na sabi ko dito.
"Fuck! sabihin mo sa akin kung paano kita makakalimutan." Nagulat ako nang sumigaw siya. "Okay naman tayo pero bigla kang nakipaghiwalay! Tangina.. bigla ka rin naglaho na parang bola."
"Bakit ba ginugulo mo pa ako! Di ba may fiancé ka na? Bakit-" Hindi ko na maituloy dahil nanginginig na ang boses ko. Hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng aking luha. Huminga ako nang malalim at hinarap siya. "Kalimutan mo na ako, please. Huwag muna ako pahirapan." Paki-usap ko sa kanya. Napayuko naman siya lalo't nakikita niya akong umiyak.
"Leign, sino 'yan?" Bigla akong kinabahan nang marinig ang boses ni tatay.
"Ate.." Lumapit sa amin si tatay at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nang makita akong umiiyak.
"Ano ginawa ng lalaki na ito sa iyo?" Galit na galit ang tono ng boses ni tatay. Natatakot ako para kay Laurent.
"Umalis ka na.." paki-usap ko kay Laurent.
"Hindi siya aalis dito hanggang hindi mo sinasabi sa akin bakit ka umiiyak." Nagulat ako ng hawakan ni tatay ang kwelyo ni Laurent habang hindi umangal si Laurent, hinayaan lang niya ito. "Anong ginawa mo sa anak ko lalaki? Alam mo ba na hindi namin iyan pinapaiyak. Nakikita mo naman siguro nabuntis iyan." Matiim ang tingin nito kay Laurent. Napahawak ako kay tatay, baka ano pa magawa niya kay Laurent.
Natatakot ako..
"Tay, bitawan n'yo na po siya." Paki-usap ko dito. Kinakabahan na talaga ako sa aking nakikita.
"Anong ingay ba 'yan," sabi ni nanay na kalalabas pa lang. Pero napatakbo ito kay tatay nang makita ang ginawa niya. "Dios ko, bitawan mo iyan." Tarantang sabi ni nanay sabay hila kay tatay.
"Huwag mo ako pigilan, maturuan ito ng leksyon. Pinapa-iyak ang buntis." Matalim ang mga tingin ni tatay kay Laurent.
"Bitawan mo iyan kung ayaw mo mapalo ng walis," banta ni nanay. Mabuti na lang at sumunod si tatay pero masama pa rin ang tingin nito kay Laurent.
"Bakit mo pinapa-iyak ang anak ko?" Tanong ni tatay.
"Nag-uusap lang kami, sir. Hindi ko intensyon na paiyakin ang anak n'yo." Pero parang hindi nakumbinsi si tatay sa sinabi ni Laurent.
"Pinagloloko mo ba ako?" Umiling lang si Laurent.
"Gusto ko lang kausapin ang anak ninyo, sir."
Tumingin si tatay sa akin. "Kilala mo ba ito?" Tumango lang ako. "Ito ba nakabuntis sa'yo?" Nagulat ako sa tanong ni tatay pati na rin si Laurent.
"Tay.."
"Sagutin mo ako..Ito ba nang-iwan sa iyo pagkatapos ka mabuntis?" Abot-abot na ang kaba ko dahil sa mga sinasabi ni tatay. "Leign, sumagot ka?" Mariin natanong ni tatay sa akin.
"Excuse me, sir, pero hindi ko po iniwan ang anak ninyo. Siya po ang nang-iwan sa akin." Nagulat naman si tatay sa sinabi ni Laurent. Bakit pa kasi nagsalita ito, pinapalala lang niya ang sitwasyon. Hindi makapaniwala na tumingin naman sa akin si tatay. Naguguluhan ito dahil sa kanyang nalaman.
"Hindi ikaw nang-iwan kung hindi ang anak ko? Pinagloloko mo ba ako? Ehh..ang anak ko nga ang dehado dito." Susuntukin na sana ito ni tatay.
"Totoo po, sir. Kaya nandito ako para kausapin siya." Hindi man lang makikitaan nang takot si Laurent.
"Ikaw lalaki pumasok ka sa bahay, doon kayo mag-usap ni Leign. Huwag dito sa labas, pinagtitinginan kayo," seryosong sabi ni tatay.
"Tay naman, paalisin muna lang siya."
"Umayos ka, Leign. Mag-usap kayo sa loob. Hindi na kayo mga bata." Nauna pumasok si tatay at nanay sa loob ng bahay. Nagpapadyak ako naglakad pero doon ako sa may likuran nagtungo. Tahimik naman sumunod sa akin si Laurent.
"Pwede-'' Hindi ko natapos aking sasabihin ng bigla akong yakapin ni Laurent. "Bitawan mo ako kung gusto mo ako maka-usap." Bumitaw naman ito sa akin.
"Bakit mo ako iniwan?" Diritsong tanong nito.
"Ilang ulit ko na ba sinabi dahil hindi kita mahal." Nayayamot na sabi ko.
"Hindi ako naniniwala.."
"Kung ayaw mo maniwala, wala na akong pake. Umalis ka na, huwag mo na ako guluhin pa." Taboy ko dito.
"Aalis man ako ngayon, Zach, pero babalik ako. Kahit ilang beses mo man ako ipagtabuyan patuloy pa rin ako babalik sa iyo." Tinalikuran ako nito. "Mahal na mahal kita, Zach. Hindi kita kaya pakawalan. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako."
At naglakad na ito hanggang sa nawala na siya sa akin paningin. Napatakip ako sa aking bibig saka bumuhos ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan.
Napatingin ako ng may biglang yumakap sa akin. "Tahan na, masama sa baby mo iyan." Pinapatahan ako ni nanay. Nakita ko rin si tatay nakatayo at nakatingin sa amin.
"Pumasok ka sa loob, Leign." Tumalikod si tatay saka naglakad papasok sa bahay. Sumunod naman kami ni nanay. "Iyon ba ang ama ng dinadala mo?" Tumango lang ako. "Totoo ba sinabi nun? Iniwan mo siya?"
"Opo.."
"Bakit Leign? Kilala kita, may mabigat na dahilan kaya ginawa mo iyan. Sa nakikita ko kanina noong umalis siya kung paano mo siya iniyakan ay masasabi kung mahal mo iyon."
"Langit siya, lupa ako. Hindi kami pwede sa isa't-isa." Mahinang sabi ko.
"Leign, sa pagmamahalan hindi estado ng buhay ang basihan. Mahirap man o mayaman, bawat isa sa atin may karapatan magmahal," sabi ni tatay.
"Pero ayaw ng pamilya niya sa akin."
"Bakit hindi mo sila bigyan nang-chance natanggapin ka? Hahayaan mo bang lalaki ang anak mo nawalang ama dahil lang sa hindi ka gusto ng magulang. Narinig ko sinabi niya kanina, Leign. Ramdam ko na mahal na mahal ka nun. Sa pagmamahal anak kailangan n'yo sumugal at lumaban. Magkasama n'yo harapin lahat nang pagsubok." Napayuko ako dahil sa sinabi ni tatay.
"Hindi madali magpalaki nang-anak na mag-isa. Hahanapin ng anak mo ang kanyang ama." Huling sinabi ni tatay bago ito umakyat sa taas.
"Anak, naiintindahan ko naman ang tatay mo. Kahit nandito kami sa tabi mo upang samahan ka sa pagpalaki sa bata. Pero iba pa rin kung nandyan ang ama niya sa paglaki niya."
Yumakap ako kay nanay, "Nay, natatakot ako. Ayaw ko mamili si Laurent sa pamilya n'ya or sa amin ng anak niya."
Hinihimas ni nanay aking likod. "Anak, malaki na si Laurent, hayaan mo siyang mamili. Bilang isang magulang hindi nila kaya tiisin ang anak kaya matatanggap rin nila. Hindi tama ang ginawa mo, sinaktan mo iyong tao na minahal ka lang naman."
"Pag-iisipan ko, nay." Pagkatapos ng pag-uusap namin ni nanay ay umakyat na ako sa taas. Hindi ako lumabas buong maghapon. Iniisip ko ang sinabi nila sa akin. Kaya pa kaya ako tanggapin ni Laurent sa kabila ng ginawa ko sa kanya. Paano iyong fiancée niya. Kaya ko ba harapin ang mga magulang niya.
"Arrghh.." sumasakit ang ulo ko sa kaiisip. Hindi ako bumaba, dinalhan lang ako ni nanay ng pagkain sa kwarto. Kahit wala akong gana kumain ay napilitan ako dahil kailangan ito ni baby.
Pagkatapos ko uminom ng gatas ay nahiga na ako upang matulog kaya lang hindi ako dalawin ng antok. Bumangon ako at binuksan ang bintana upang pagmasdan ang kalangitan. Ito ang ginagawa ko minsan kapag hindi ako makatulog.
Minsan nawawala lahat nang-inisip ko kapag nakikita ko ang kagandahan ng kalangitan. Sobrang liwanag ng buwan, naalala ko dati kasama ko si Laurent habang pinagmasdan namin ang kalawakan. Napatingin naman ako sa may gate ng may maaninag akong isang lalaki nakatayo at nakatingin sa kinaroroonan ko.
Tiningnan ko itong mabuti, kahit madilim ay pamilyar sa akin ang tao na ito. Huminga ako nang malalim at nagmamadaling lumabas sa kwarto, dahan-dahan ako bumaba baka mahulog pa ako sa hagdan.
Paglabas ko sa bahay ay wala ng tao. Baka namamalikmata ako dahil sa kaiisip sa kanya. Papasok na sana ako ng biglang may yumakap sa akin patalikod. Sisigaw sana ako pero kilala ko ang amoy ng pabango nito. Kaya agad ko itong nilingon at nakita ko ang mukha ng tao na sinaktan ko at kaisa-isahang taong minahal ko.
Niyakap ko ito nang mahigpit at hindi ko mapigilan na maiiyak. Pagkatapos ng pagtaboy at pagsalita ko ng hindi maganda sa kanya ay nandito pa rin siya sa aking harapan.
"Sorry, sorry sa lahat nang nasabi ko. Sorry kung sinaktan kita." Umiiyak na sabi ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"Shhh.. tahan na.. nasasaktan ako kapag umiiyak ka." Hinihimas nito aking likuran upang patahanin ako. "Hindi ako galit, kaya tahan na.." Tiningnan ko ito at pinunasan niya ang aking luha at ngumiti siya. "Babalik ako bukas, mag-usap tayo. Kailangan muna matulog, masama sa buntis iyan."
"Totoo ito di ba? Hindi ito panaginip? Babalik ka talaga bukas?" Parang bata kung tanong. Ngumiti ito at hinalikan ako sa noo.
"Babalik ako bukas, mag-uusap tayo. Pangako babalik ako."
-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top